Share

CHAPTER 04

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-16 10:01:10

VERONICA POV

Nakita ko naman na umalis naman ito at sinagot ang kaniyang tawag, habang naaaliw naman akong tumitingin sa mga kwentas.

"Veronica?" Kaagad naman akong napaharap ng may bigla naman tumawag sa akin.

"Kitty." Seryosong banggit ko din sa kaniyang pangalan, hindi ko naman pinakita sa kaniya ang pagkagulat na aking naging ekspresyon ng makita ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Natatawang tanong niya naman sa akin.

"Namamasyal lang naman," sagot ko naman sa kaniya ng mahina.

"Nagagawa mo pa talagang mamasyal sa ganitong lugar? Akala ko pa naman umiiyak ka na dahil wala ka nang makain," sabi naman nito habang inaasar ako.

"Nakakain din naman ako kahit papano," sabi ko naman sa kaniya at hindi na lang ako sumagot pa ng kung ano. Ayaw ko na din kasi ng gulo, baka kasi kung saan na naman ito mapunta.

"Sa tingin ko nga, lumaki ka nga din ulit eh. Mas domuble," sabi niya pa sa akin habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ikaw nga din mas naging sexy," sabi ko naman
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 05

    VERONICA POV Hinintay ko na lang na lumapat ang kaniyang kamay sa akin, naghintay pa ko ng ilang minuto ng hindi ko pa din maramdaman ang kamay nito sa aking pisnge. Dahan-dahan naman akong napatingin at tumambad sa akin ang likod ng isang lalaki, hawak-hawak niya din ang kamay ni daddy at sabay itong binitawan si daddy ng may pwersa, dahilan para matumba si daddy. "Hon." Tawag naman ni mommy."Sino ka ba? Bakit ka nakikialam sa away naming magpa— Mr. Arevalo?" Ang kaninang sigaw sana ni daddy ay bigla na lang lumambot dahil sa lalaking nasa aking harapan ngayon. "Brylle." "Mr. Arevalo, anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong naman ni daddy dito at pormal na humarap sa lalaki na akala mo hindi naging isang parang halimaw kani-kanina lang. "Namamasyal, hindi ba halata na pasyalan din ito ng mga tao." Pamemolosopo naman ni Brylle habang ako ay tahimik lang. Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla akong tinignan ni Brylle, ayaw ko nang gulo. Nakita ko din na sumunod ang

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 04

    VERONICA POV Nakita ko naman na umalis naman ito at sinagot ang kaniyang tawag, habang naaaliw naman akong tumitingin sa mga kwentas. "Veronica?" Kaagad naman akong napaharap ng may bigla naman tumawag sa akin. "Kitty." Seryosong banggit ko din sa kaniyang pangalan, hindi ko naman pinakita sa kaniya ang pagkagulat na aking naging ekspresyon ng makita ito. "Anong ginagawa mo dito?" Natatawang tanong niya naman sa akin. "Namamasyal lang naman," sagot ko naman sa kaniya ng mahina. "Nagagawa mo pa talagang mamasyal sa ganitong lugar? Akala ko pa naman umiiyak ka na dahil wala ka nang makain," sabi naman nito habang inaasar ako. "Nakakain din naman ako kahit papano," sabi ko naman sa kaniya at hindi na lang ako sumagot pa ng kung ano. Ayaw ko na din kasi ng gulo, baka kasi kung saan na naman ito mapunta. "Sa tingin ko nga, lumaki ka nga din ulit eh. Mas domuble," sabi niya pa sa akin habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga din mas naging sexy," sabi ko naman

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 03

    VERONICA POV Maaga naman akong nagising at nandito ako ngayon nakatingin sa salamin habang nasa harapan ko ang katawan na sobrang laki, napapabuntong hininga na lang ako. Talagang nakakaawa akong tingnan, kahit na sino ay maaawa sa akin lalo na si Brylle, pero nagpapasalamat ako dahil sa kaniya ay nakaalis naman ako sa lugar na iyon. "Veronica?" Narinig ko naman na may tumawag na sa akin at kumatok pa ito sa aking pintuan. "Papatapos na ako," sabi ko naman at dali-daling naglagay ng mga kung ano para naman magmukha akong tao sa harapan niya. Nakakahiya na nga itong kalakihan ko tapos magiging balyena pa ako sa harapan niya, nakakahiya. Kahit papano kailangan kong maging presentable sa kaniyang harapan, para naman hindi siya magsisisi na pinili niya ako. Nakakapagtaka nga kasi akala ko ay gagawin na niya akong kasambahay niya, imposible naman kasi ako magustuhan ng isang kagaya niya. "Maghihintay na lang ako sa baba," sabi naman nito. "Sige," sagot ko na lamang. Narinig

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 02

    UNKNOWN POV Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa ako pinapunta ng lalaking iyon dito, alam naman niyang sobra kong busy pagdating sa ganitong sitwasyon. Nagagawa niya pa talagang mag lagalag ngayon sa sitwasyon ng kompanya niya, ngayon na napatingin ako sa babaeng binibinta na at may maikling kasuotan alam ko na kung bakit niya ako pinapapunta dito. "Ang lakas naman ng loob mo kalabanin ako kanina," sabi ko naman sa kaniya habang nakasandal ako sa aking kotse at hinihintay ang paglabas ni Veronica. "Alam ko naman kasi kahit na lahat ng yaman mo ilalabas mo para lang sa babaeng iyon." Natatawang sabi niya naman sa akin habang nakapamulsang nakaharap sa akin. "Still, nagagawa mo pa talagang maglagalag sa ganitong sitwasyon?" Striktong tanong ko naman sa kaniya. "Ano ka ba, dapat nga nagpasalamat ka sa akin. Alam mo ba kapag hindi nabenta ang babaeng iyon sa bangketa talaga siya maninirahan," sabi niya naman sa akin. "Kahit na, wala ka parin pinagbago mahilig ka parin s

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 01

    VERONICA POV Napatingin naman ako ngayon sa kisame ng kwarto kung saan ay apat na buwan na akong nandito, nang umuwi kasi ako ng araw na iyon ay latigo at sampal ang natamo ko sa kamay mismo ng ama ko. Nagsisisisi daw sila kung bakit pa daw nila ako kinuha sa puder ng mama ko, kung ganito naman daw ang pag-uugali ko. Lahat ng masasakit na salita ay iniinda ko kasabay ng pag-inda ko naman sa mga palo at lapat ng latigo sa aking likuran. Habang nakikita kong pekeng umiiyak si Kitty katabi ni mommy ay mas lalo lang sumidhi ang aking pagkakasuklam. Nagawa niya pa magpaawa gayong siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito, kung hindi lang niya inahas ang boyfriend ko. Kung hindi ko lang pinakilala ang boyfriend ko sa kaniya, akala ko pa naman sobrang bait nitong kapatid ko na ito dahil sa tuwing pagagalitan naman ako nila mommy ay siya naman ang mismong tatayo para sa akin, pero ang laki kong tanga ng mapaniwala ako sa kaniyang mga kasinungalingan. "Veronica!"

  • HER SWEETEST REVENGE   PROLOGUE

    Napatingin naman ako sa harapan ng salamin habang iniisip ko ang mga sinasabi ng mga tao sa akin. "Bakit kaya siya ang nagustuhan ni Liam." "Hindi ko nga alam kung bakit eh?" Maarteng sabi ng isang babae. "Siguro ginagamit lang siya, alam mo naman mayaman ang babaeng iyan. Kaya naman kaya niyang ibigay lahat na gustuhin ni Liam," sabi naman ng isa pang babae. Umiiling-iling ako at hindi pinakinggan ang mga pinagsasabi ng mga babae tungkol sa aming relasyon ni Liam. Alam kong mahal ako ng lalaking pinagtanggol ko at alam na alam ko din na hindi niya ako ginagamit. Napangiti na lang ako ng mapait habang napatingin sa aking sarili sa salamin, si Liam lang ang bukod tanging tumanggap sa akin. Mayaman nga ako pero hindi ako kagaya ng iba na maganda at sexy, ang katawan ko ay sobrang taba na talagang pinagmamalaki ko naman. Tapos ang mukha ko naman ay sobrang puno ng tigyawat, ilang beses na din akong na bully dahil sa aking kalabasan na kaanyuan."Veronica!" Malakas na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status