Mag-log inDAYANA SANTOS POV(MOTHER OF ZAIYENA)
--
"Ali, magkano po ito?" tanong sa akin ng isang dalaga, tinuturo ang chocolate cake.
"Ay, tag-275 lang iyan, hija. 'Yan na lang ang natira," ani ko dito.
"Kukunin ko na po ito. Ito po!" nakangiting sambit nito. Binalot ko na ito at inilagay sa lalagyan ng cake.
"Oh, ito. Balik ka ulit ha."
"Sige po, magpapaalam na po ako," ani nito. Ngumiti na lang ako, ang gandang bata.
Nasa bakery ako ngayon, nagtyatyagang magtinda at mag-bake. Dati kasi maliit lang itong negosyo ko at ito ang bumuhay sa anak ko at napag-aral ko siya.
At ngayon, ganap na doctor na siya. Sabay naming pinalago itong negosyo namin hanggang sa nakatayo kami ng shop. Ang bilis lang ng pangyayari.
"Mama!" sigaw ni Zaiyena, kasama niya si Zander.
"Oh, Yena, andito ka na pala!" sinalubong ko ito ng yakap.
"Mamala." Bumaba ito mula sa pagkakarga ni Zander. Pinantayan ko ito at niyakap.
"Oh, apo, nag-enjoy ka ba doon?"
"Opo, Mamala! Daddy Zan brought me this toy. Isn't it beautiful, Mamala?" tanong nito. Nakaka-nosebleed naman tong apo ko.
"Yes naman, apo. Ang ganda nga niyan eh," ngumiti ito sa akin.
"Umupo na muna kayo doon, anak. Kukuha lang ako ng makakain niyo," ani ko. Sinunod din naman nila ang utos ko.
Palagi kong iniisip ang sinabi sa akin ng ama ni Yena noong nakaraang araw. Sinabi niyang huwag ko na raw siyang pakialaman dahil may pamilya na siya.
Sinabi ko sa kanya na malaki na ang anak niya. Sabi naman niya magkikita rin kami at hangga't maaari, sabihin ko raw sa kanya ang katotohanan.
Kapag nalaman na niya ang totoo, sabihin ko rin na huwag na siyang papasok sa buhay ko sapagkat masasaktan ko lang ang anak ko.
Iyan ang mga sinabi niya sa akin. Inaamin ko, nasasaktan ako para kay Yena, pero panahon na para malaman na niya ang katotohanan. Sasabihin ko sa kanya sa bahay. Ipapakita ko ang litrato ng ama niya.
Noong huli kaming nagkita, ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Yena kasama ang anak niya, pero ang sinabi niya...
"May anak na pala siya? Kay bata-bata naman ang landi."
Iyan ang sinabi niya. Nasampal ko siya doon at na-realize ko ang ginawa ko, agad naman akong nag-walk out. Ayoko ng eskandalo noon.
ZAIYENA SANTOS POV.....
Nang matapos na si Mama sa kinuha niyang makakain, agad ko siyang pina-upo. Magpapaalam na sana ako.
"Ma," panimula ko. Busy naman sa pagkain si Dion.
"Bakit, anak? Bakit ang seryoso mo naman ata?" tanong nito.
"Magpapaalam lang kasi sana ako. May gaganaping party kasi mamayang gabi sa resort daw 'yon na pagmamay-ari ng mga Alvarez. Mag-one week daw doon, Ma. At diba may trabaho ka, gusto ko sanang dalhin na lang si Dion para di ka na maabala pa," mahabang litanya ko na nagpagulat kay Mama.
"Huh? Ano kamo? Sa mga Alvarez?" gulat na saad nito kaya naman nagtaka ako.
"Ah-eh opo, Ma. Bakit, may problema po ba?"
"Oo nga, Tita. Bakit parang gulat na gulat kayo nang banggitin ni Zai ang mga Alvarez?" tanong naman ni Zander. Oo nga naman, bakit parang gulat na gulat si Mama?
"Ah, anak, may ipagtatapat sana ako sa'yo. Sa bahay ko lang sana ito sasabihin, kaso may dadaluhan pala kayo kaya dito ko na lang sasabihin. Importante kasing malaman mo ang totoo," saad nito kaya lalo akong nagtaka.
"Po? Anong totoo?"
"Tungkol sa papa mo, Yena," usal nito. Kinuha niya ang cellphone niya at may hinanap doon. Nang makita niya ang hinahanap niya, ibinigay niya ito sa akin.
Nagtaka naman ako at tinanggap ito. Tumingin pa ako kay Zander pero ngumiti lang siya. Si Dion din ay pinalaro niya ng cellphone niya. Nagulat ako nang makita ko ang litrato.
"HUH?" Nakita ko sa litrato ang pangalawang bilyonaryo sa Pilipinas, si Aguino Alvarez. Hindi ko maintindihan. Huwag niyang sabihin siya ang ama ko?
"Tama ang iniisip mo, anak. Siya ang ama mo, ang sikat at pangalawang bilyonaryo sa Pilipinas. Siya ang matagal mo nang gustong makita," usal nito.
"HINDI! Hindi ito maaari, Ma. Bakit siya pa?"
"Bakit, anak? Nagkita na ba kayo ng ama mo?" takang tanong naman ni Mama.
"Nakaaway ko ang anak nito kanina lang sa hospital. Sinabihan pa niya akong walang respeto. Nasampal ko siya at akalain mo, sinampal din ako," usal ko. Ama ko 'yon? Ang sama pa ng ugali!
"Huh?" naguguluhang ani ni Mama. Sinabi ko na lang sa kanya ang lahat.
KNIGHT ARKIE FUENTES POV.....
"Boss, nandoon na po sa kwarto niyo ang susuotin niyo. Inaantay na kayo ng mommy at daddy niyo sa labas," usal ng secretary ko.
"Fine, you can leave now," usal ko.
I'm always thinking about what I saw a while ago. Hindi maalis sa isipan ko-she's married, and she has a child. I know she's happy with her husband and son. Akala ko mag-aantay siya. Mali pala ako.
Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko. Tatawagan ko na lang si Yuan na mauna na sila doon sa event. Sasabay na lang ako kina Mommy.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Yuan.
"Hello, dude?" panimula nito.
"Yuan, tell Marcos you come first in the event. Sasabay lang kasi ako kina Mommy," usal ko.
"Sige, sige. Pero balita ko ha, andoon din ang ex-girlfriend mo," usal nito. Nainis naman ako.
"So what now? I don't care about her. She already has a husband and son, so I don't f*cking care about her. Tsk!" inis na sambit ko.
"Ayan ka na naman eh. Huminahon ka lang. Sorry na. Sige, sasabihin ko na kay Marcos. Aalis na kami maya-maya," usal nito.
"Okay," ani ko. Binaba ko na ang tawag at agad na akong naligo.
ZAIYENA SANTOS POV.....
Sinabi ko kay Mama kanina na uuwi kami para doon na lang mag-usap sa bahay. Ayoko kasing pag-usapan iyon sa bakery niya. Agad din naman siyang pumayag.
Isinara niya ang bakery at sumama sa amin umuwi. Pagkauwi nga namin, sinabi ko muna na mag-aayos ako at mag-eempake ng gamit para diretso na. Pagkatapos noon, sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari.
"Talaga? Ginawa niya 'yon?" takang tanong ni Mama.
"Oo, Ma. At di ko aakalain na siya pala ang ama ko. Ang daming tao na pwedeng maging ama ko, bakit siya pa?"
"Anak, sorry dahil nilihim ko ito sa'yo. Ayoko lang na masaktan ka. Nagkita kasi kami ng papa mo noong nakaraang araw. Sinabi niya sa akin na wala siyang pakialam sa'yo dahil masasaktan daw ang anak niya. At noong nakaraang araw pa, nagkita kami ulit at ipinakita ko ang litrato mo. Sinabihan ka pa ngang malandi. Kaya nasampal ko siya. Anak, sa totoo lang, hindi ko talaga kaya sikmurain na hindi ka tanggap ng ama mo," usal ni Mama. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Naku, Ma, ayos lang po 'yon. Andiyan naman po kayo para tanggapin ako at si Dion. At alam kong mahal na mahal mo kami, kaya mamahalin ka rin namin ni Dion, Mama," usal ko.
Wala na akong magagawa kung hindi ako tanggap ng ama ko. Andiyan naman si Mama. Nakaya nga niyang buhayin akong mag-isa eh.
Pero kapag nakita ko ang Aguino na 'yon, pagsasabihan ko siya. Kahit mapahiya siya, wala na akong pakialam. Sinaktan niya si Mama dati kaya ipapakita ko at ibabalik ko sa kanya ang sakit na dinanas ni Mama.
"Naku ikaw talaga. Sige na at baka mahuli kayo."
"Mamala, sana po pag-uwi ni Dion, hinanda niyo na po ang favorite kong tinula," usal nito.
"Oo naman, apo. Mag-iingat ka doon ha. Huwag ka magpapasaway sa Mommy at Daddy Zan mo. Mamimiss ka ni Mamala," ani ni Mama.
"I will miss you too, Mamala. I love you po."
"I love you too, apo ko."
Hinalikan ni Mama si Dion. Kinarga naman ni Zander si Dion.
"Zander, ikaw na muna ang bahala sa anak at apo ko. May tiwala naman ako sa'yo," usal ni Mama.
"Opo, Tita. Don't worry. Mauna na muna kami sa labas, Zai," usal nito. Tumango na lang ako.
"Anak, mag-iingat ka doon. At kapag nakita mo ang ama mo, umiwas ka na lang, okay? Ayoko mapahamak ka."
"Opo naman, Mama," pagsisinungaling ko. Alam ko namang mali magsinungaling, pero gagawin ko ang gusto ko.
"Mag-iingat ka rin po dito, Ma ha. I love you po. Mamimiss kita," yumakap ako dito.
"Mamimiss din kita, anak. Sige na at inaantay ka na ng anak at asawa mo," pang-aasar nito.
"Si Mama talaga, nang-aasar na naman," reklamo ko.
"Sige na, ingat kayo ha."
"Opo."
Lumabas na ako ng bahay namin. Nag-wave pa ako kay Mama bago ako tuluyang sumakay sa kotse ni Zander.
At this night, makikita mo, Aguino Alvarez, ang galit ko. Ipapakita ko ang tunay na ako. Mamaya, isisiwalat ko ang buong katotohanan sa lahat para makita mo na hindi ako natatakot sa'yo.
Iniwan niya noon si Mama para sa asawa niya. Oo, naging kabit si Mama, pero hindi alam ni Mama na may asawa na pala ang ama ko. Kaya noong nabuntis siya, iniwan siya ni Papa at hindi niya tinanggap ang dinadala ni Mama-at ako iyon.
Tingnan na lang natin ang mangyayari.
Tatawagan ko na rin si Ava para siya na ang magbantay kay Dion. Anak naman siya ni Doc Reyes kaya alam kong andoon din siya. Pakikiusapan ko na lang 'yon. Hehe, malakas ako doon eh, HAHA.
3 YEARS PASS...ZAIYENA SANTOS FUENTES POV....Nakatingin ako ngayon sa mga anak kong naglalaro sa sofa habang hawak-hawak ang tiyan ko. Yes be, buntis na naman ako—1 month pa lang ito. Itong si Knight kasi, gawa nang gawa tapos ako lang ang pababantayin.Joke lang, nasa trabaho kasi siya at ang sipag niya para lang sa mga anak niya, syempre sa’kin din noh.“Kamusta na kayo ni Zander?” agarang tanong ko kay Ava. Naka-upo kasi kami ngayon sa sofa, nag-uusap.“Ayon, kaya niya pa ring mag-stay, HAHAHA. Pero ate, ang bait pala talaga nitong si Zander noh? Tsaka husband material na siya para sa’kin, sobrang maalagain ba naman,” ngiting saad niya. Napangiti rin ako.“Ganon talaga si Zander, Ava,” saad ko. Naranasan ko na rin ‘yon noong lagi pa kaming magkasama sa tinutuluyan namin ni Mama. Pumupunta siya para ipagluto si Dion. Syempre, kumakain na rin ako, at masarap naman siya magluto.“Ikaw ate, kamusta naman ang buhay ng isang buntis?” nakangising tanong niya. Inaasar ba ako nito?“Ito,
2 DAYS PASS...Nakatingin ako ngayon sa kabaong ni Mommy at ’di ko talaga mapigilang hindi maiyak. Nasa bahay kami ngayon, ’yung ibinigay ni Daddy Jason. Dalawang araw na ang nakalipas, bukas ililibing na si Mommy.“Kumain ka muna at ako na ang magbabantay kay Tita,” saad ni Ate Zai. Nakangiti ko siyang hinarap.“Thank you sa lahat, Ate, ah. Pero mamaya na ako. Gusto ko po munang bantayan si Mommy,” mahinahong saad ko.“Pero kanina ka pa dito, hindi ka pa kumakain.”“Okay lang po ako. Ikaw dapat ang magpahinga para sa baby na dala-dala mo. Mas mabuti pong magpahinga na kayo,” saad ko. Napangiti ako.“Hayst, oo na, sige na. Makulit ka eh. Basta kumain ka ah,” paalala niya. Ngumiti lang ako bilang sagot.“Pupunta ka ba bukas dito, ’te? Libing na ni Mommy, ’di ba?”“Syempre naman pupunta kami dito. Basta ’wag mo kakalimutan kumain ah. Aalis na kami,” paalala nito. Ngumiti lang ako.“Ingat po kayo,” saad ko bago ako kumaway at humarap kay Mommy. Namimiss ko na siya pero wala naman akong m
ZAIYENA SANTOS POV....“Akala ko talaga katapusan ko na. Salamat at dumating ka.” iyak na saad ko.“Hahayaan ko ba ’yung mangyari? ’Di ako papayag na mawala ka, noh. ’Di ka pa nga manganganak, dadagdagan pa nga natin ’yan eh,” saad nito. Napahampas ako sa braso nito pero dumaing ito kaya napatingin ako doon.“Ouch, may sugat ako ’jan,” anya.“Knight, may sugat ka nga,” gulat na saad ko habang nakatingin sa sugat niya. Tiningnan ko ang polo nitong suot ko bago tumingin sa kanya. “Sorry ah, pero kailangan kong gawin ito,” saad ko at pinunit ito. Kumuha lang naman ako ng kaunting piraso. Buti na lang at naka-short ako, kung hindi pag naupo makikita na talaga.Nilagay ko iyon sa sugat niya. Puti ito kaya kitang-kita talaga ang dugo niya. Pagkatapos ko itong ilagay ay tiningnan ko siya nang seryoso. Naglalakad kami ngayon pababa ng hagdan.“Sabi ko ’di ba mag-iingat ka,” taas-kilay na saad ko sa kanya.“Nag-iingat naman eh, pero sa sobrang pag-aalala ko sa’yo, ’di ko na naisip ang sari
ZAIYENA SANTOS POV...Napatingin ako sa nagsalita. Kilalang-kilala ko ang boses nito. It’s Tita Dianna, asawa ni Papa. Hindi ko alam kung bakit andito rin siya. Hinahanap kasi siya ni Mama.“Oh, thinking on how to escape?” ngising sambit ni Akesha. Napatingin ako dito nang may ihagis siya sa sahig. Isang susi ito.“Kunin mo at mukhang kawawa na ’yang anak mo, nasasaktan na sa kadena.” nakakalokong tawa nito. Baliw na nga talaga ang babaeng ito. Tiningnan ko ang susi at agad ko itong pinulot at pinakawalan ang anak ko. Umiyak ito at yumakap sa’kin.Kanina, tapang nitong sinigawan si Akesha sa video. Rinig na rinig ko ang boses niya, pero hinang-hina na ito ngayon kaya napayakap ako. Hinarap ko silang dalawa.“Wala ka talagang awa, Akesha. Kahit bata dinamay mo. Bakit, ano bang kasalanan namin sa’yo?” galit na saad ko sa kanya. Binaba niya ang baril na nakatutok sa’min.“Sa bata naman wala, pero sa’yo meron, ang dami.” saad nito at umupo pa sa upuan. Si Tita Dianna naman ay nasa likod l
ZAIYENA SANTOS POV...Nagising ako na nasa pamilyar na silid. Bumangon ako at iginala ang paningin ko. Nasa kwarto ako ni Knight. Napatayo ako nang maalala ko ang nangyari. Nakita ko naman si Ava kaya agad ko itong tinanong.“Ava, si Dion?” iyak na saad ko. Pinaupo niya ako.“Kumalma ka, Zai. Papunta na ngayon sina Zander doon. Huwag ka mag-alala, gagawin nila lahat para mailigtas si Dion. Kasama ni Knight sina Yuan.” saad nito, pero hindi ko hahayaan na wala akong gagawin dito.“Tsaka baka sasakit na naman ang tiyan mo. Nakaalis na ang doctor.” dagdag nito.Napatingin ako sa bintana, may lock ito. Puro sarado ang lahat. Kung hindi nakabukas ang ilaw, sigurado akong madilim ang silid na ito dahil alam kong maaga pa.“Ava, please, paalisin mo na lang ako dito. Ina ako, hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko. Please, Ava.” pagmamakaawa ko, pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya.“Sorry talaga, Zai, pero ayokong magalit sa’kin si Knight. Tsaka iniwan ka niya sa’kin. Isipin mo
“Carl, ano na ang balita kay Ayesha?” tanong ko kay Carl pagkatapos makalabas ni Zaiyena.“Wala pa akong update sa kanya, Knight, lalo na sila Yuan, wala pa rin. Pero huwag ka mag-alala, patuloy naming gagawin ang lahat para masubaybayan lang ang plano ni Ayesha. Pero sabi ng doctor, pwede ka nang umuwi bukas kasi okay naman daw ang katawan mo,” saad nito. Napatango ako.“Si Zaiyena, kailan ba siya makakauwi?” tanong ko dito.“I don't know kung totoo ba ang sabi ni Ava, pero sabay daw kayo ma-di-discharge bukas na bukas. Ikaw na lang ang pumunta sa kanya, alam mo namang buntis ‘yon,” saad niya. Napangiti ako dahil sa sinabi nito at nakaisip ako ng pwedeng pang-iinis sa kanya.“Hala ka, nakausap mo si Ava?” saad ko. Gulat naman itong tumingin sa’kin.“Bakit, Knight? Anong problema ba? Tsaka wala akong ginagawa sa kanya ah, nagtanong lang naman,” saad niya. Napatawa ako sa reaction niya.“Patay ka kay Yuan, sa kanya ‘yun tapos kinausap mo,” panakot ko.“Sus, usap lang eh. Tsaka ‘di ko
THIRD PERSON POV..."mamala, alam mo kanina ko lang po kayo tinatawag, tapos po nakatulala lang po kayo. Ano po ba ang nangyayari?" rinig ni Dayana sa apo nitong si Dion kaya napatingin siya dito."Wala, may tinitingnan lang ako," saad niya sa apo niya. Napatingin siya sa cp niya nang tumunog ito,
Nagpa-alam kami ni Dion kay Jason kasi gusto niyang gumala sa park dahil daw matagal na siyang hindi nakakagala. Pinayagan din naman kami agad ni Jason kaya ito, ang saya-saya niyang naglaro.“Mamala, I want ice cream po plss.” anya. Nakita ko ang naglalako ng ice cream.“Oky, let’s buy, Dion, go.”
KNIGHT ARKIE FUENTES POV....Hindi ko nagustuhan ang ginawa ko kay Zai. Nakita ko siya sa labas nang itulak ito ni Akesha, pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para tulungan siya. Nasasaktan din ako sa ginawa niya-pagkatapos ng lahat, tapos gano'n lang.After kasing ibigay sa'kin 'yon ni
Nagising ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko at napatingin ako sa orasan—8:23 AM na pala. Pumunta na lang ako sa CR, naghilamos ako at inayos ko ang higaan ko. Nakita ko ang drawer at naalala ko ang picture, hayst. Hinayaan ko na lang at lumabas. Pumasok ako sa kw







