LOGIN“Daddy Zan!” sigaw ng anak ko kay Zander. Napatingin si Zander sa amin at sinalubong niya ito ng yakap.
“Oh, napasama ka ata sa mommy mo dito?” tanong nito sabay tingin sa akin.
“Ah, Daddy Zan, na-miss po kita kaya gusto kitang bisitahin hehe. Ayaw mo ba andito ako?” nakanguso nitong sabi at kunwari nagtatampo.
“Nah, Dion! Miss ka rin ni Daddy Zan.”
“Hehe.” saad ng anak ko. Lumapit ako sa kanila.
“Zander, kamusta na pala ’yung pasyenteng inaasikaso ko? Napadalaw ka ba doon?” tanong ko.
“Okay naman siya. Kanina nga may dinalang pasyente dito,” saad naman nito.
“Huh? Na-ano daw?” tanong ko.
“Ewan, si Doc Santiez ang nag-asikaso eh. Tara, sa cafeteria tayo.”
“Can you buy me a burger, Daddy Zan?” saad ng anak ko. Tinakpan ko naman ang bibig nito, nakakahiya.
“Sure naman, Dion.”
“Huwag na, Zan. Nakakahiya naman kasi eh, huwag na,” singit ko.
“No, Zai. Ayos lang, basta para naman sa inyo, lalo na sa anak mo. Mahal ko kaya ’to,” nakangising sambit niya.
“Naku! Diba may duty pa ako? Pwede ba sa’yo na muna si Dion? Pupuntahan ko pa kasi muna ’yung pasyente ko,” nahihiyang sambit ko.
“Sige, Zai. Ako na bahala kay Dion, huwag ka nang mag-alala. Puntahan mo na lang ako sa office ko pag tapos ka na. Doon lang kami ni Dion,” ani nito.
“Oo na.” Pinantayan ko si Dion. “Magpakabait ka sa Daddy Zan mo ha, huwag magpasaway,” dagdag ko.
“Opo, Mommy. I love you po.” hinalikan niya ako sa pisngi.
“Ay, ang sweet naman ng baby ni Mommy. I love you too, anak. Sige na ha, ’yung bilin ko huwag mo kakalimutan,” paalala ko ulit.
“Opo, Mom.”
“Ingatan mo anak ko, Zander.”
“Oo, halika na, Dion.” Kinarga niya si Dion. Napangiti na lang ako, parang mag-ama talaga sila.
Pinuntahan ko na ang batang pasyente na inaalagaan ko. 18 years old na ’yon, ay bakit ko pa ba kinukuwento, ayts.
Papalapit na ako sa room ng pasyente nang may makita akong nag-uusap. Nakatalikod ito, kausap niya si Doctor Suarez.
Hahakbang na sana ako ulit nang may makabangga akong isang babae. Natapunan siya ng sarili niyang kape.
“Argh, are you deaf?” usal nito. Tumayo siya at pinunasan ang damit niya. Napalapit sa amin ang kausap ni Doc Suarez at nabigla ako, siya ang pangalawang bilyonaryo.
“What happened, dear?” tanong nito sa anak niya.
“Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan niyang babae na ’yan kaya natapunan ko tuloy ang sarili ko ng kape, Dad. Ang dungis-dungis ko,” maarte nitong saad.
“Bakit di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Hindi mo ba kilala ’yang nabangga mo?” sermon sa akin ng lalaki na ama daw ng babae.
“Pasensya na po, hindi ko po sinasadya,” usal ko.
“Doctor ka pa naman, walang respeto. Ano ka, doctor na tanga?” saad nito. Nasampal ko siya at nagulat ako nang sampalin din niya ako. Dumating si Doc Reyes.
“What’s going on here, Mr. Alvarez? Nandito ho kayo?”
“Respeto naman sa doctor niyo, walang respeto,” usal nito sabay akbay sa anak niya at umalis.
“Ano ba nangyari, Doc Santos?” tanong nito.
“Eh aksidente lang po ang nangyari, Doc. Napaka-arte din kasi nung babaeng ’yon, ang OA. Sinabihan pa akong walang respeto.”
“Ayts, sana hinayaan mo na lang, Doc Santos. Hindi mo ba sila kilala?”
“Kilala ko naman po, pero nasasaktan kasi ako sa sinasabi nila,” pagtatanggol ko sa sarili ko.
“May punto ka naman. ’Yung anak talaga ni Mr. Alvarez, wala talagang respeto eh, tsaka masama ugali nun. Sana madapa ’yon,” saad ni Doc Reyes.
“Loh, si Doc Reyes, haha.”
“Tama naman ako, Doc Santos. Sige na, puntahan mo na muna pasyente mo, painumin mo ng gamot,” usal nito sabay tapik sa balikat ko bago ako talikuran.
Sinawalang-bahala ko na lang ang nangyari at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko doon, nakita ko agad ang batang pasyente ko, nakangiti na naman siya sa akin. Napakunot na lang ako, palagi siyang ngumingiti sa akin pag nakikita akong pumapasok sa silid niya. Hindi ko naman alam ang dahilan.
“Anong klaseng ngiti na naman ’yan?” ani ko at chineck siya. Wala naman palang naging problema, malapit na siyang makalabas dito.
“Mabuti naman at okay ka na. Baka bukas na bukas makakalabas ka na—”
“Aray, Doc, ang sakit!” daing nito sabay hawak sa ulo niya.
“Huh? Bakit, alin ang masakit?” nataranta kong sabi. Umaarte ba ito?
“Ang sakit ng puso ko, Doc. Sobrang sakit,” daing pa nito. Masakit daw ang puso pero ulo ang hawak. Napagtanto kong inuuto niya ako.
“Ah, bago na pala ngayon? Ang puso pala nasa ulo na? Nakakatawa ka naman, haha,” usal ko.
“Ay, ulo ba ang nahawakan ko? Masakit po talaga,” pag-uulit niya.
“Bakit naman daw masakit? Sabihin mo nga,” asik ko.
“Pauwiin na kasi ako eh. Titigil kakabog ang puso ko pag di na kita makikita,” usal pa nito.
“Ay aba, bago ’yan ah. May anak na ako, tsaka bata ka pa,” irap ko.
“Uu, may anak ka nga, pero wala namang ama. Pwede naman akong maging ama sa anak mo kahit bata lang ako. Wagas naman ako magmahal, yeah,” ani nito sabay kindat.
“Ay, ang taray mo. Sige na, inumin mo muna ang gamot mo,” saad ko. Sinunod naman niya ang inutos ko nang may biglang pumasok. Pagkatingin ko, si Doctor Suarez ito.
“Doc, kayo pala?”
“May pinapabigay lang sa’yo si Doc Reyes. May gaganaping party ngayong gabi sa isang resort na pagmamay-ari ng mga Alvarez. Mga one week ata doon at lahat ng doctor kailangang pumunta,” nakangiting saad niya. Si Doc Reyes pala ang nangunguna sa amin dito. Tinanggap ko ang inabot niya.
“Party?”
“Lahat ng doctor binigyan ng ganyan.”
“Sige, pakisabi kay Doc Reyes na aasahan niya ako. Salamat sa paghatid nito sa akin, Doc,” nakangiting saad ko.
“Wala ’yon. Sige, aalis na ako,” pagpapaalam niya.
Ngumiti lang ako at agad kong nilingon ang bata.
“Magpahinga ka na at aalis na ako. Kailangan kong maghanda sa gaganaping party mamayang gabi. Bukas makakalabas ka na,” ngiting sambit ko.
“Babalik naman ako dito para makita ka,” kumindat na naman siya.
“Che.” Tuluyan na akong lumabas sa room na iyon at agad kong tinahak ang office ni Zander, pero nakita ko sila sa lobby.
Naglakad na ako papunta doon at nang makarating ako, agad akong umupo.
“Mommy, you’re back. Look, Daddy Zan brought me this. It’s so cool and beautiful. I am right, Mom?” pinakita niya sa akin ang laruan na hawak niya.
“Oo naman, anak, pero akala ko ba pagkain ang bibilhin mo? Bakit laruan ’yan?”
“Kahapon ko pa ’yan nabili, ngayon ko lang nabigay. Natanggap mo na ba ang invitation?” tanong nito.
“Uu, Zan. Namo-mroblema nga ako eh kung sino ang magbabantay kay Dion. Si Mama kasi, alam mo naman, nagtatrabaho siya sa bakery niya,” saad ko.
“Why, Mom? Were you going po ba?” tanong ni Dion.
“May gaganaping party kasi mamayang gabi, anak, at hindi ko alam kung sino ang ipapabantay ko sa’yo.”
“Why, Mom? I’m not allowed to come with you or ayaw mo lang ako isama?” nakanguso ito, ang cute.
“Hindi naman sa gano’n, an—”
“You can bring Dion on the party, Zai. I’m here naman, I’ll help you. Alam mo naman kasi si Tita, diba? Kaya isama mo na lang para makapag-enjoy naman itong baby Dion namin.”
“I’m not baby anymore,” reklamo niya.
“But you’re still our baby, Dion,” dugtong ng Daddy Zan niya.
“Fine. Kakausapin ko lang si Mama pagdating ko sa bahay.” Lumingon ako kay Dion. “Behave ka lang doon sa event, baby, ah,” saad ko.
“Argh, opo. But don’t call me baby, Mom. I’m not baby na, I’m big na po,” reklamo na naman niya.
“Baby ka pa rin ni Mommy,” saad ko. Ngumiti siya, tumawa na lang ako.
Kinarga ni Zander si Dion. Uuwi na kami para makapag-ayos na. Pupuntahan ko pa si Mama sa bakery niya.
SOMEONE POV…
Pinagmamasdan ko ngayon ang isang babae at lalaki. May karga-kargang bata ang lalaki.
“She’s married, huh?” bulong ko.
“Daddy Zan, buy me ice cream. I want to eat ice cream,” sambit ng bata.
“Of course, baby. What kind of flavor do you want?”
“Vanilla and chocolate po,” ngiting sambit ng bata.
“Sure, I’ll buy it for you.”
“Naku, huwag na, Zan. Nakakahiya naman sa’yo,” saad ng babae.
“No, he’s my son, okay? Walang nakakahiya doon,” usal ng lalaki. Nagpatuloy sila sa paglalakad nila.
Kasal na siya? May anak na siya? Tsk. Never mind. Bakit ko pa iisipin ’yon? Wala na akong pakialam.
“Boss, andiyan na si Doc Reyes,” usal ng secretary ko.
“Okay,” ani ko.
“Naku-naku, Mr. Fuentes, sino ba ang pinagmamasdan mo?” tanong nito.
Naglakad na lang ako para puntahan si Doc Reyes, sinawalang-bahala ko na lang ang nakita ko.
3 YEARS PASS...ZAIYENA SANTOS FUENTES POV....Nakatingin ako ngayon sa mga anak kong naglalaro sa sofa habang hawak-hawak ang tiyan ko. Yes be, buntis na naman ako—1 month pa lang ito. Itong si Knight kasi, gawa nang gawa tapos ako lang ang pababantayin.Joke lang, nasa trabaho kasi siya at ang sipag niya para lang sa mga anak niya, syempre sa’kin din noh.“Kamusta na kayo ni Zander?” agarang tanong ko kay Ava. Naka-upo kasi kami ngayon sa sofa, nag-uusap.“Ayon, kaya niya pa ring mag-stay, HAHAHA. Pero ate, ang bait pala talaga nitong si Zander noh? Tsaka husband material na siya para sa’kin, sobrang maalagain ba naman,” ngiting saad niya. Napangiti rin ako.“Ganon talaga si Zander, Ava,” saad ko. Naranasan ko na rin ‘yon noong lagi pa kaming magkasama sa tinutuluyan namin ni Mama. Pumupunta siya para ipagluto si Dion. Syempre, kumakain na rin ako, at masarap naman siya magluto.“Ikaw ate, kamusta naman ang buhay ng isang buntis?” nakangising tanong niya. Inaasar ba ako nito?“Ito,
2 DAYS PASS...Nakatingin ako ngayon sa kabaong ni Mommy at ’di ko talaga mapigilang hindi maiyak. Nasa bahay kami ngayon, ’yung ibinigay ni Daddy Jason. Dalawang araw na ang nakalipas, bukas ililibing na si Mommy.“Kumain ka muna at ako na ang magbabantay kay Tita,” saad ni Ate Zai. Nakangiti ko siyang hinarap.“Thank you sa lahat, Ate, ah. Pero mamaya na ako. Gusto ko po munang bantayan si Mommy,” mahinahong saad ko.“Pero kanina ka pa dito, hindi ka pa kumakain.”“Okay lang po ako. Ikaw dapat ang magpahinga para sa baby na dala-dala mo. Mas mabuti pong magpahinga na kayo,” saad ko. Napangiti ako.“Hayst, oo na, sige na. Makulit ka eh. Basta kumain ka ah,” paalala niya. Ngumiti lang ako bilang sagot.“Pupunta ka ba bukas dito, ’te? Libing na ni Mommy, ’di ba?”“Syempre naman pupunta kami dito. Basta ’wag mo kakalimutan kumain ah. Aalis na kami,” paalala nito. Ngumiti lang ako.“Ingat po kayo,” saad ko bago ako kumaway at humarap kay Mommy. Namimiss ko na siya pero wala naman akong m
ZAIYENA SANTOS POV....“Akala ko talaga katapusan ko na. Salamat at dumating ka.” iyak na saad ko.“Hahayaan ko ba ’yung mangyari? ’Di ako papayag na mawala ka, noh. ’Di ka pa nga manganganak, dadagdagan pa nga natin ’yan eh,” saad nito. Napahampas ako sa braso nito pero dumaing ito kaya napatingin ako doon.“Ouch, may sugat ako ’jan,” anya.“Knight, may sugat ka nga,” gulat na saad ko habang nakatingin sa sugat niya. Tiningnan ko ang polo nitong suot ko bago tumingin sa kanya. “Sorry ah, pero kailangan kong gawin ito,” saad ko at pinunit ito. Kumuha lang naman ako ng kaunting piraso. Buti na lang at naka-short ako, kung hindi pag naupo makikita na talaga.Nilagay ko iyon sa sugat niya. Puti ito kaya kitang-kita talaga ang dugo niya. Pagkatapos ko itong ilagay ay tiningnan ko siya nang seryoso. Naglalakad kami ngayon pababa ng hagdan.“Sabi ko ’di ba mag-iingat ka,” taas-kilay na saad ko sa kanya.“Nag-iingat naman eh, pero sa sobrang pag-aalala ko sa’yo, ’di ko na naisip ang sari
ZAIYENA SANTOS POV...Napatingin ako sa nagsalita. Kilalang-kilala ko ang boses nito. It’s Tita Dianna, asawa ni Papa. Hindi ko alam kung bakit andito rin siya. Hinahanap kasi siya ni Mama.“Oh, thinking on how to escape?” ngising sambit ni Akesha. Napatingin ako dito nang may ihagis siya sa sahig. Isang susi ito.“Kunin mo at mukhang kawawa na ’yang anak mo, nasasaktan na sa kadena.” nakakalokong tawa nito. Baliw na nga talaga ang babaeng ito. Tiningnan ko ang susi at agad ko itong pinulot at pinakawalan ang anak ko. Umiyak ito at yumakap sa’kin.Kanina, tapang nitong sinigawan si Akesha sa video. Rinig na rinig ko ang boses niya, pero hinang-hina na ito ngayon kaya napayakap ako. Hinarap ko silang dalawa.“Wala ka talagang awa, Akesha. Kahit bata dinamay mo. Bakit, ano bang kasalanan namin sa’yo?” galit na saad ko sa kanya. Binaba niya ang baril na nakatutok sa’min.“Sa bata naman wala, pero sa’yo meron, ang dami.” saad nito at umupo pa sa upuan. Si Tita Dianna naman ay nasa likod l
ZAIYENA SANTOS POV...Nagising ako na nasa pamilyar na silid. Bumangon ako at iginala ang paningin ko. Nasa kwarto ako ni Knight. Napatayo ako nang maalala ko ang nangyari. Nakita ko naman si Ava kaya agad ko itong tinanong.“Ava, si Dion?” iyak na saad ko. Pinaupo niya ako.“Kumalma ka, Zai. Papunta na ngayon sina Zander doon. Huwag ka mag-alala, gagawin nila lahat para mailigtas si Dion. Kasama ni Knight sina Yuan.” saad nito, pero hindi ko hahayaan na wala akong gagawin dito.“Tsaka baka sasakit na naman ang tiyan mo. Nakaalis na ang doctor.” dagdag nito.Napatingin ako sa bintana, may lock ito. Puro sarado ang lahat. Kung hindi nakabukas ang ilaw, sigurado akong madilim ang silid na ito dahil alam kong maaga pa.“Ava, please, paalisin mo na lang ako dito. Ina ako, hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko. Please, Ava.” pagmamakaawa ko, pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya.“Sorry talaga, Zai, pero ayokong magalit sa’kin si Knight. Tsaka iniwan ka niya sa’kin. Isipin mo
“Carl, ano na ang balita kay Ayesha?” tanong ko kay Carl pagkatapos makalabas ni Zaiyena.“Wala pa akong update sa kanya, Knight, lalo na sila Yuan, wala pa rin. Pero huwag ka mag-alala, patuloy naming gagawin ang lahat para masubaybayan lang ang plano ni Ayesha. Pero sabi ng doctor, pwede ka nang umuwi bukas kasi okay naman daw ang katawan mo,” saad nito. Napatango ako.“Si Zaiyena, kailan ba siya makakauwi?” tanong ko dito.“I don't know kung totoo ba ang sabi ni Ava, pero sabay daw kayo ma-di-discharge bukas na bukas. Ikaw na lang ang pumunta sa kanya, alam mo namang buntis ‘yon,” saad niya. Napangiti ako dahil sa sinabi nito at nakaisip ako ng pwedeng pang-iinis sa kanya.“Hala ka, nakausap mo si Ava?” saad ko. Gulat naman itong tumingin sa’kin.“Bakit, Knight? Anong problema ba? Tsaka wala akong ginagawa sa kanya ah, nagtanong lang naman,” saad niya. Napatawa ako sa reaction niya.“Patay ka kay Yuan, sa kanya ‘yun tapos kinausap mo,” panakot ko.“Sus, usap lang eh. Tsaka ‘di ko
THIRD PERSON POV..."mamala, alam mo kanina ko lang po kayo tinatawag, tapos po nakatulala lang po kayo. Ano po ba ang nangyayari?" rinig ni Dayana sa apo nitong si Dion kaya napatingin siya dito."Wala, may tinitingnan lang ako," saad niya sa apo niya. Napatingin siya sa cp niya nang tumunog ito,
Nagpa-alam kami ni Dion kay Jason kasi gusto niyang gumala sa park dahil daw matagal na siyang hindi nakakagala. Pinayagan din naman kami agad ni Jason kaya ito, ang saya-saya niyang naglaro.“Mamala, I want ice cream po plss.” anya. Nakita ko ang naglalako ng ice cream.“Oky, let’s buy, Dion, go.”
KNIGHT ARKIE FUENTES POV....Hindi ko nagustuhan ang ginawa ko kay Zai. Nakita ko siya sa labas nang itulak ito ni Akesha, pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para tulungan siya. Nasasaktan din ako sa ginawa niya-pagkatapos ng lahat, tapos gano'n lang.After kasing ibigay sa'kin 'yon ni
Nagising ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko at napatingin ako sa orasan—8:23 AM na pala. Pumunta na lang ako sa CR, naghilamos ako at inayos ko ang higaan ko. Nakita ko ang drawer at naalala ko ang picture, hayst. Hinayaan ko na lang at lumabas. Pumasok ako sa kw







