Share

Chapter 1

Chapter 1

"Ms. Guanzon! Look this way!" sigaw ng isa sa mga taga media.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Ireem, ang aking assistant . The flash bulbs were blinding me. Kung hindi dahil sa mga security guards paniguradong kanina pa ako dinumog ng mga paparazzi.

"Give us an answer, Ms. Guanzon!" the reporter yielded at me. "Totoo ba na may relasyon kayo sa tagapagmana ng mga Halverson?"

"May plano na ba kayong magpakasal?" tanong ng isa pang reporter na nagpaangat ng tingin ko.

What the hell?! Saan naman nila nakuha ang balitang 'yon?

Before I had the time to explain, hinila na ako ni Lowie palabas ng airport. Todo pigil pa ang mga security guards sa mga nagtatangkang kumausap sa akin habang palabas kami.

"Thara..." tawag ni Lowie sa akin nang makapasok kami sa sasakyan. Nasa front seat ito umupo katabi ang boyfriend na siyang driver namin ngayon.

Hindi ko inasahang sasalubungin niya ako kasama ang kanyang boyfriend. Akala ko driver lang ang susundo sa akin sa airport.

"Not now, Couz. Pagod ako," iritadong pigil ko sa anumang sasabihin niya.

"Kalat na sa internet ang tungkol sa inyo ni Grance. Totoo ba 'to?" tanong niya.

"Grance is not my boyfriend. He's just.." hindi ko natuloy ang sasabihin.

Sa inis ko muntikan ko pang masabi ang totoong relasyon na mayro'n kami ni Grance.

Napapikit ako ng mariin. l wished some miracle would happen. Na bigla nalang ako maglalaho at mapupunta sa tahimik na lugar. Gusto kong magpahinga kahit ilang oras lang. Wala pa ako pahinga simula kahapon!

I came back home for my cousin's wedding. Kapag natapos ang kasal kailangan kong bumalik kaagad sa Manila for my business. Pero mukhang mahihirapan akong gawin 'yon dahil mainit kami ngayon ni Grance sa media.

"Maraming nanghihingi na kasagutan galing sa inyo ni Grance," si Lowie, abala siya pagbabasa ng mga walang kwentang comments.

Bumaling si Ireem sa akin. "Tumawag din kanina sa akin si Ma'am Cianlondra. Kailangan ka daw niyang makausap."

Napairap ako sa kawalan. God! kahit ngayon lang pagpahingain naman nila ako!

"Lowbat ako," I drawled lazily.

Bumuntong hininga si Ireem bago pinagtuonan ng pansin ang phone nito. Katulad ng dalawa panigaradong tadtad din ng messages at missed calls ang phone ko.

"Hindi talaga titigil ang mga ito hangga't hindi nakakakuha ng sagot," naiiling na sabi ni Lowie. "That's why I hate showbiz, kaunting isyu pinapalaki!"

I groaned. Pasalampak ako sumandal sa upuan.

"Kasalanan ito ng baklang 'yon," nangangalaiting bulong ko.

Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Grance na magiging girlfriend nito. Wala sana ngayong isyu.

Nasapo ako sa aking noo. Paano ko ba 'to malulusutan?

Hindi ko pwedeng itanggi sa taga media na hindi ko boyfriend si Grance. Masisira naman ang career nito bilang aktor kapag ginawa ko 'yon. Lalo sa mga magulang nito na ang akala ay totoong lalaki si Grance, 'yon pala may pusong babae ang anak nila.

"Dadalo ba ang mga Quintanilla?" biglang tanong ni Lowie pagkaraan ng ilang minuto.

"Yeah," I answered boredly.

"Does it mean that Eleur will be there, too?"

Umangat ang kilay ko sa tanong niya. Bakit nasali ang lalaking 'yon sa usapan?

"Of course, he will surely come to his best friend's wedding," sabat ni Errol, ang boyfriend ni Lowie.

"Oh! Mukhang... exciting pala ang pag-attend mo ng wedding." Nakangising sabi ni Lowie habang nakatingin sa akin.

"Goodness! I hope I don't see him and he doesn't see me either," I murmured.

"I know deep down, Couz, you're eager to see him."

Masamang tingin ang pinukol ko sa babae. Narinig niya pala ang sinabi ko.

"Why will I be eager to see his ugly face?" I scoffed.

"Ugly face? Grabe ka naman. Eleur was never ugly, sigurado akong mas gwapo na ngayon si Eleur. And please don't act like you never had a crush on him, kahit pa sabihin mong galit ka sa kanya." Inirapan niya ako.

Napanganga ako. Saan niya naman napulot ang ideyang may gusto ako kay Eleur?

"God forbid! Me? Crush on Eleur? That bastard!" I cursed under my breath.

Tumawa ito. "You better be nice to him. Malay mo siya pala ang soulmate mo."

Nag-eeskandalong binalingan ko ng tingin ang pinsan ko.

"Soulmate! Mag-mamadre nalang ako kung gan'on!"

"H'wag mong pangaraping mag-madre, gurl. Hindi ka makakatikim ng langit," makahulugang sabi ni Lowie sabay hagikhik.

"Sa pagma-madre hindi mo mararanasang kainin. At sumigaw sa sarap," dagdag naman ni Ireem.

Nanlaki ang mata ko nang unti-unting maintindihan ang sinasabi nila. Napatikhim naman si Errol. Pati ito naiilang sa pinagsasabi ng dalawa.

"Ang hahalay n'yo!" pakiramdam ko uminit ang pisngi ko.

Napahalgapak sila ng tawa sa naging reaskyon ko.

"Don't tell me hindi mo pa mararanasan 'yon? Are you still a virgin, Thara?"

Marahas akong bumaling kay Lowie. What the hell is going on inside her unbalanced head?

"Is it wickedness to be a virgin?" I hissed.

"Really? You're already twenty-two, and you're still virgin?" hindi makapaniwalang bulalas ng pinsan ko.

Kung makapagsalita naman siya akala mo ang laki ng naging kasalanan ko. Anong problema sa pagiging birhen? Hindi naman ako makukulong.

"Wala ka naman sigurong balak sumunod bilang Virgin Mary, 'di ba?" si Lowie na halatang shock pa rin.

Bakit ba big deal sa kanya ang bagay na 'yon?

"Don't worry, wala naman akong planong tumandang dalaga," iritadong sabi ko.

"I suggest, manood ka ng porn," Lowie giving me a dirty look.

Nagtawanan pa silang dalawa ni Ireem. Wala yatang balak tigilan ako sa kakaasar.

"Hindi ko gagawin 'yon. May ideya naman ako sa gano'ng bagay." Naaasar na sabi ko.

"Sinasabi ko sa 'yo, Couz. Malungkot kapag walang boyfriend. Kaya kapag nagkita kayo ni Eleur h'wag mo nang sayangin ang pagkakataon."

Napairap ako sa sinabi ni Lowie.

Bakit ba ginigiit niyang maging mabait ako sa lalaking 'yon?

Hindi ko na pinatulan ang pinsan ko. Tahimik na tumingin ako sa labas ng bintana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status