Share

Chapter 6

Author: Angela Black
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-28 08:27:33

ISANG oras ng nakatitig si Ethan sa kanyang laptop pero ni isa ay wala pa rin siyang natapos na trabaho. Sumasakit na ang ulo niya sa kakatitig sa screen. Ilang baso na rin ng kape ang naubos niya, pero pakiramdam niya kulang pa rin. Bumabalik bigla sa balintataw niya ang sinabi ng kanyang assistant.

“Confirmed po, anak n’yo po si Lory.”

“Why, Bella? Why did you leave me? Bakit mo inilayo sa akin ang anak ko? What was the real reason?” mga tanong na gusto niya ng kasagutan. 

Subalit hindi pa niya ulit kayang harapin ang babae pagkatapos nilang aksidenteng magkita noong isang araw. Hindi niya inaasahan na magkrus ang landas nilang dalawa nang araw na ’yun. May kinita lang siyang kliyente at nagkataon doon ang shortcut na daan sa lugar na ‘yun.

Huminga nang malalim si Ethan. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili mag-isa. Napahawak siya sa sintido nang maramdamang kumikirot ’yun. Minutes later, dumating si Lester bitbit ang isang tasa ng kape. 

“Sir, mukha na po kayong kape sa kakainom ninyo kahit tirik ang araw hindi ninyo pinapalagpas,” natatawang biro sa kanya ni Lester. 

Kumunot ang noo niya bago dinampot ang ballpen sa desk niya saka ito ibinato sa kaharap.

“Leave me alone, Les!” singhal niya sa assistant. 

Umiling naman iti bago dinampot ang nahulog na ballpen sa sahig. Nasanay na ang lalaki sa kasungitan niya.

“Sir Ethan, alam ko po kung gaano kasakit maiwan kasi danas ko po ’yan. Pero ang pinagkaiba lang ng story natin ay si gf, nag-abroad, ’yung sa ’yo ay nang-iwan nang walang paalam.”

“Kaya nga alamin mo kung bakit niya ako iniwan. Find out kung bakit bigla siyang nawala na parang bula.” 

Kumuyom ang mga kamao ni Ethan. Biglang nanumbalik sa alaala niya ang gabing pinagsaluhan nilang dalawa ni Bella limang taon na ang nakalipas. Pumikit siya nang maalala kung paano siya nito pinasaya na para bang hindi ‘yun ang una ng dalaga. Inaalala niya ang malambot nitong labi at ang bango ng hininga nito. Ang mga yakap nito na hindi niya malilimutan.

“Already investigating, sir. Just waiting for an update.”

Dumilat siya at wala sa sariling napatitig sa kausap. Ipinilig niya ang ulo. Kung saan-saan na napadpad ang isip niya.

“Good. Anyway, I have to go, Les. Ikaw na ang bahala rito. Just call me if you need anything.”

Hindi na hinintay ni Ethan na makasagot ang assistant niya. Kaagad niyang tinungo ang p***o ng kanyang opisina. Pagdating niya sa hallway ay tahimik ang buong paligid na animo’y may dumaang anghel. Lahat ng mga empleyado ni Ethan ay nakatutok sa trabaho; takot magkamali ang bawat isa. Gano’n siya ka-strict pagdating sa mga ito. Gusto lang naman niyang malinis at pulido ang trabaho. Ayaw niyang may maingay sa oras ng trabaho. Pero sadyang hindi yata maiiwasan ng mga ito sa tuwing dadaan siya sa

“Hello, sir. Baka gusto mo po ng kape. Ipagtimpla kita,” salubong sa kanya ng empleyado niyang si Alena.

Walang buhay niya itong tiningnan bago nilampasan. Wala siyang interes sa dalaga kahit lagi itong nagpapansin sa kanya. Maganda naman ito pero hindi lang niya ito type. 

“Ang pogi talaga ni, Sir Ethan.”

“Oo nga! Pero cold at strict nga lang.” 

Hindi na pinapansin ni Ethan ang mga bulong-bulungan ng mga empleyado niya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa parking lot. 

“Ah! I hate this feeling! Damn it, Ethan! Umayos ka!” sita niya sa sarili. 

Marahas niyang inapakan ang brake ng sasakyan at mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Simula nang bumalik si Bella ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Lalo na no’ng makita niya ang batang kamukha niya. Huminga siya nang malalim bago pinaandar ang sasakyan. Sa halip na dumireto sa mansion nila ay tinahak niya ang daan patungo sa bahay nina Bella. Gusto niyang makita ang kanyang anak. 

SAMANTALA, fifteen minutes ng pinagmasdan ni Bella ang anak habang naglalaro ito sa harap ng tindahan. Malawak ang bakuran at may maliit na gate na gawa sa kahoy. Nakatitig lang siya sa bata na para bang ayaw niya itong mawala sa paningin niya kahit isang segundo man lang.

Napalunok siya nang sumagi sa isip niya ang taong tinakasan niya limang taon na ang nakalipas. Inaasahan na ni Bella ang mangyari bago pa man siya bumalik. 

“Anak, hanggang kailan mo iiwasan si Ethan? Ama pa rin siya ni Lory. May karapatan pa rin siya sa bata.”

Napalingon siya nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Muli siyang napalunok habang nakatingin pa rin siya sa bata na kasalukuyang naglalaro ng bahay-bahayan kasama ang anak ng kanilang kapitbahay na si Amy. 

“Hindi pa po handa ang bata, inay. Saka hindi na siguro babalik ’yun dito, ’nay.” 

“Anak, minsan ka ng nagkamali sa buhay—’wag mo nang dagdagan pa,” mahinahong saad ng kanyang ina.

Napayuko si Bella. Tama ang kanyang ina. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Sigurado siyang malalaman at malalaman ni Alicia na nagbalik na siya. At ayaw niyang madamay ang kanyang anak. 

“Siya nga pala, matagal ng bayad ang bahay na ito sa Tita Lena mo. Pasensya ka na kung nagsinungaling ako sa ’yo noon tungkol sa kamag-anak ko. Ayaw ko kasing ibenta itong bahay dahil ito na lang ang meron tayo. Mabuti na lang tinulungan ako ng Tita Lesly mo para hindi mapunta sa iba itong naiwan ng mga magulang namin,” mahabang paliwanag ng kanyang ina.

Ngumiti si Bella saka ginagap ang magkabilang kamay ng ina. 

“Ayos lang po, inay. Ako rin naman nagsinungaling din sa inyo. ‘Di bale, simula po ngayon, no secrets allowed na po.” 

“O, siya. Tawagin ko na muna si Lory at nang makapagbihis na.”

Tumango si Bella tugon. Sinundan niya ng tingin ang kanyang ina habang pumasok ito sa bahay kasama sina Lory at ng kalaro nito. Nakaramdam siya kaba sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagkibit-balikat na lamang siya bago nagpasyang kunin ang cellphone. Ilang linggo na rin simula nang magbukas siya ng social media. Subalit naudlot ‘yun nang biglang may huminto na sasakyan sa tapat ng kanilang tindahan.

“Ethan. . .” 

Dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Matigas ang awra at deretso lamang ang tingin nito sa kanya. 

“Talk to me, Bella! Stop treating me like I’m contagious!”

“I’m sorry, Ethan—”

“Sorry? Is that all you ever have to say to me? Sorry? For five years, you hurt me, Bella, and even now, you’re still hurting me! And all you can say is sorry? Do you have any idea what I went through when you disappeared without a trace? I nearly lost my mind wondering why you left me! And now, after everything, all you can give me is sorry?!”

Natahimik si Bella. Tila malaking sampal sa kanya ang lahat ng sinasabi ng binata. Hindi niya masisisi si Ethan dahil may kasalanan din siya. Gusto niyang magpaliwanag pero natatakot siya sa posibleng mangyari. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ni Ethan. Kaagad nitong sinagot ang tawag sa harap niya.

“What did you say?” 

“Si Mrs. Villareal po—siya po ang dahilan.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 7

    “Okay. I’ll handle this.”Kumunot ang noo ni Bella nang marinig ang sinabi ni Ethan. Ilang sandali pa ay ibinaba na nito ang tawag. Wala sa sariling napatitig si Bella sa mukha nito. Wala pa rin itong ipinagbago. Cold pa rin ito pero lalo itong gumwapo.“Mama, let’s eat na po!” Kaagad napalingon si Bella nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Lory. Nakangiti itong lumapit sa kanila. Napalunok siya nang ibaling ni Lory ang paningin sa daddy nito. “Mama, sino po siya? Why do we look alike? Is he my daddy po?” inosenteng tanong ng paslit. Hindi agad nakasagot si Bella. Nakailang lunok din siya ng laway habang nakatingin sa bata. Pakiramdam niya, may malaking tinik sa lalamunan niya na ayaw matanggal-tanggal. Ito na ang kinatatakutan niya—ang magkrus ang landas ng mag-ama. Hindi sa ayaw niyang ipakilala ito kay Ethan, natatakot lang siya sa posibleng mangyari kapag nalaman ng madrasta ni Ethan ang tungkol sa pagbabalik nila. “Hi, baby? How are you? I’m your Uncle Ethan. I’m your mother

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 6

    ISANG oras ng nakatitig si Ethan sa kanyang laptop pero ni isa ay wala pa rin siyang natapos na trabaho. Sumasakit na ang ulo niya sa kakatitig sa screen. Ilang baso na rin ng kape ang naubos niya, pero pakiramdam niya kulang pa rin. Bumabalik bigla sa balintataw niya ang sinabi ng kanyang assistant.“Confirmed po, anak n’yo po si Lory.”“Why, Bella? Why did you leave me? Bakit mo inilayo sa akin ang anak ko? What was the real reason?” mga tanong na gusto niya ng kasagutan. Subalit hindi pa niya ulit kayang harapin ang babae pagkatapos nilang aksidenteng magkita noong isang araw. Hindi niya inaasahan na magkrus ang landas nilang dalawa nang araw na ’yun. May kinita lang siyang kliyente at nagkataon doon ang shortcut na daan sa lugar na ‘yun.Huminga nang malalim si Ethan. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili mag-isa. Napahawak siya sa sintido nang maramdamang kumikirot ’yun. Minutes later, dumating si Lester bitbit ang isang tasa ng kape. “Sir, mukha na po kayong kape sa ka

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 5

    “Mama, kailan ko po makikita si lola sa personal? Palagi na lang po kasing sa video call kami nag-uusap,” nakasimangot na sabi ni Lory sa ina.Huminga nang malalim si Bella bago hinaplos ang buhok ng anak. Hindi pa niya puwedeng pagbigyan ang hiling nito lalo’t kagagaling lang niya sa hospital. Hindi rin siya puwedeng mapagod dahil sa kondisyon niya ngayon.“Baby, konting panahon na lang at uuwi na tayo sa lola mo, okay?” “Talaga po, mama! Yehey!” masayang sagot ni Lory sabay abot sa kanyang kamay.Napalunok si Bella. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang bumalik ng manila upang may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak. Matagal na sana silang pinapauwi ng kanyang ina pero siya ang umayaw. Hindi pa siya handang balikan ang lugar na ’yun pero wala siyang pagpipilian. ***“Ma’am, ’yung luggage n’yo po, baka maiwan ninyo,” bungad sa kanya ng binatilyong nakatabi nila sa upuan. Nasa terminal na sila nang mga oras na ’yun. Sa wakas, nagpasya na siyang bumalik na ng Manila matap

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 4

    Chapter 4“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester.Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan?“Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan.“Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.”Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.”“Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?”Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 3

    “Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili. Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya. “Miss Ramos, come to my office now!” Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. “Copy po, sir,” agaran niyang sagot. Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag. “Ano po ito, sir?” “Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.” Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 2

    “I’m here to help you po, Miss Ramos.”Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” “I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. “Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. “Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status