LOGINChapter 4
“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester. Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan? “Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan. “Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.” Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.” “Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?” Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll make sure hindi ka na niya guguluhin.” Tumango si Bella bilang tugon. May tiwala siya sa kasintahan. Batid niyang hindi siya nito pababayaan kahit tago ang kanilang relasyon. Ilang araw rin ang inilagi ni Bella sa hospital bago siya nakalabas. Hindi na rin muna siya pinabalik ni Ethan sa trabaho. At habang nagpapagaling siya sa bahay ay palagi pa rin siyang kinukulit ni Ivan. “Love, please naman, o. I’m sorry for what I did. Pinagsisihan kong sinayang kita. Bumalik ka na sa akin, o. Promise, magbabago na ako,” ani Ivan habang nagmamakaawa itong balikan niya. Hindi nagpadala si Bella. Tinitigan niya sa mga mata ang dating kasintahan. Guwapo si Ivan at mestizo. Patay na patay siya noon sa binata pero nang lokohin siya nito, saka lamang niya napagtanto ang lahat—na hindi naman pala ito kawalan. “Umalis ka na, Ivan. Simula nang lokohin mo ako, doon pa lang pinatunayan mo nang hindi ka karapat-dapat mahalin. Kaya umalis ka na!” singhal ni Bella sa lalaki. Pinagsarhan niya ito ng p***o. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang walang manners. Ang mahalaga, hindi na siya nito guguluhin pa. Akala ni Bella maayos na ang lahat nang hindi na siya ginugulo ni Ivan ilang araw matapos itong magmamakaawa sa kanya. Subalit ang sumunod na nangyari ay siyang nagpapagimbal sa kanya. Isang umaga habang tahimik siyang nakaupo sa desk niya, nakatanggap siya ng mensahe galing kay Ivan kung saan ay wala siyang saplot sa katawan. Kuha ang nasabing video sa isang banyo kung saan siya naliligo. Kinunan pala siya nito nang palihim habang naliligo siya. “Hayop ka, Ivan! Lahat na lang gagawin mo para sirain ang buhay ko!” galit na sigaw ni Bella matapos mapanood ang sarili sa screen ng kanyang cellphone. “Kung ayaw mong ipopost ko ito sa social media, susundin mo ako, Bella. Makipagbalikan ka sa akin at ibigay mo sa akin ang gusto ko.” Nanlumo si Bella sa nabasa. Katapusan na ba niya? Paniguradong wala na siyang mukhang maihaharap sa mga tao kapag mapanood ng mga ito ang hubad niyang video. “Miss Ramos, pumunta ka raw sa office ni boss. May mahalaga siyang idi-discuss sa ’yo.” Boses ni Lester ang nagpabalik sa kanyang katinuan. Lihim niyang pinahid ang luha sa kanyang pisngi bago hinarap ang lalaki. “Sige po.” Nagmamadali siyang pumunta sa opisina ni Ethan. Gumalaw ang panga nito habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo nito nang mapansing titig na titig siya sa kanyang cellphone. “Give me your phone,” mahina ngunit mariin nitong salubong sa kanya. Bumagsak ang mga luha niya habang unti-unting iniabot kay Ethan ang kanyang cellphone. Nagtagis ang bagang nito habang nakatitig sa screen. “That bastard!” Kumuyom ang mga kamao ni Ethan. “Ano’ng gagawin natin? Ayaw kong makita ’yun ni inay, Ethan. Ayaw kong pag-isipan niya ako nang masama.” Kinuha ni Ethan ang cellphone na nakapatong sa desk niya saka may tinawagan. Nang matapos ay tumayo siya saka nilapitan ang dalaga. Niyakap niya ito upang maibsan man lang ang nararamdaman nito. “It’s okay, Bella. I will handle this.” Inasikaso nga ni Ethan ang lahat upang hindi mapalabas ng pamangkin niya ang pribadong video ni Bella. Nagtagumpay si Ethan, upang hindi na makapaminsala ang kanyang pamangkin, ipinadala niya ito sa ibang bansa. “Salamat, sir. Akala ko, tuluyan na akong masisira sa lahat.” “Sir? You were just calling me by my name a while ago, and now you’re calling me, ‘Sir’ again?” “Ano ba dapat ang itawag ko sa ’yo?” kunot-noong tanong ni Bella. Napalunok siya nang yakapin ay halikan siya nito. Subalit laking gulat nila nang biglang bumukas ang p***o at iniluwa roon si Alena na gulat na gulat din nang makita silang magkadikit ang mga labi. “Don’t you know how to knock, Alena? Get out!” sigaw ni Ethan sa babae. Kaagad din naman itong lumabas. Binundol nang matinding kaba si Bella nang maghiwalay ang kanilang katawan. Natatakot siya sa posibleng mangyari. Paniguradong ipagsabi ni Alena ang nakita nito kani-kanina lang. “Don’t worry, ako nang bahala sa kanya.” Tumango si Bella ngunit naroon pa rin ang kaba. Paglabas niya ng office ni Ethan ay wala namang kakaiba bukod sa mapanuring tingin sa kanya ni Alena. “Masarap ba mahalin si boss, Bella? Ang kati-kati mo rin, ano? Pati boss natin pinatulan mo. Hindi lang ‘yan, parang tatay muna nga ‘yun, e,” sarkastikong saad sa kanya ni Alena. Mabuti na lang at walang nakarinig sa pinagsasabi nito. Hindi nagtagal ay dumating din si Ethan at kaagad nitong pinapasunod si Alena sa office nito. Sa opisina ni Ethan, tahimik na nakatingin sa kanya si Alena. Pinaikot-ikot ng binata sa kamay ang hawak na ballpen bago tumayo. “Shut your mouth kung ayaw mong tanggalin kita, understand, Alena?” “Yes, boss.” “Get out!” mariing utos nito sa dalaga na agaran naman nitong sinunod. Kinabukasan, maagang nagising si Bella. Nag-leave siya dahil sasamahan niya ang kanyang ina sa regular check-up nito. Ngunit pagbukas niya ng p***o ay isang sopistikada at malditang babae ang bumungad sa kanya. “Ikaw ba si Bella? Ako si Alicia, ang stepmother ni Ethan. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, iha. Layuan mo si Ethan!” Napalunok si Bella at kumunot ang noo. Gayun pa man, nakaramdam siya ng kaba. Kabang hindi niya alam kung para saan. “Bakit po kayo ang magdidikta sa buhay namin? Hindi ko kayang gawin ‘yan. Nagmamahalan kami ni Ethan kaya never ko siyang lalayuan.” “Kayo ng boss mo, Bella? Bakit inilihim mo sa akin ’to?” Napatingin si Bella sa kanyang ina nang magsalita ito sa likuran niya. “Pasensya na po kayo, ’nay. Hindi ko intensyong ilihim ito sa inyo nang matagal. Naghahanap lang po ako ng tiyempo.” “Nagsinungaling ka pa rin, Bella!” Hindi na napigilan ni Lita ang magtaas ng boses. ‘Yun ang unang beses na napagtaasan niya ng boses ang anak. “Sorry po, inay.” Tumalikod na si Lita nang walang lingon-likod. “Hindi kita gusto para sa anak ko, Bella. Ayaw kong magkatuluyan kayo. Hindi ka matatanggap ng pamilyang Montereal. I will give you whatever you want. Just name your price, hiwalayan mo lang si Ethan.” Kumuyom ang mga kamao ni Bella. Hindi siya papayag na bibilhin nang sinuman ang dignidad niya. “Sa inyo na po ’yang pera ninyo, Ma’am. Hindi ko ipagpapalit si Ethan sa pera.” “Kung gano’n, pumili ka. Si Ethan o ang buhay ng nanay mo?” maawtoridad nitong tanong. Sandaling natigilan si Bella. Tila nabingi siya sa sinabi ng ginang. Nagbanta ba ito? Hindi lang ito basta pagbabanta, kung magmamatigas siya, paniguradong madadamay ang kanyang ina. “Pag-isipan mo bago pa mahuli ang lahat, iha,” nakangisi nitong sabi. Sunod-sunod ang paglunok ni Bella ng laway. Kusa ring tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Bigyan n’yo po muna ako ng oras para makausap si Ethan bago ako umalis.” Wala siyang pagpipilian kundi ang lumayo. Hindi niya puwedeng balewalain ang kanyang ina, dahil ito na lang ang meron siya. Wala na ang papa niya kaya hindi na niya kakayanin pati mama niya ay mawala pa. “Fine. . . basta tumupad ka lang sa usapan, hindi masasaktan ang mama mo.” Matapos iabot sa kanya ng ginang ang puting sobre ay umalis na ito nang walang paalam. “Patawarin mo ako, Ethan. Hindi ko gustong iwan ka pero. . . ayaw ko ring mawalan ng ina,” lumuluha niyang sambit. SUOT ni Bella ang puting bestida na bigay sa kanya ni Ethan. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang kumatok sa labas ng p***o. Nasa condo siya ni Ethan nang gabing ’yun. “Bella, why are you here? Late na,” salubong nito sa kanya. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng alak. Sigurado siyang nakainom ito. “Uminom ka ba? Lasing ka na yata, e,” sa halip ay sagot niya. Iniwasan niyang sagutin ang tanong nito. Nagpunta lang naman siya sa condo nito upang makita at makasama man lang ito sa huling pagkakataon. “Nakainom lang ako pero hindi ako lasing.” Humakbang ito palapit sa kanya saka siya siniil ng halik sa labi. Nagulat si Bella pero kalaunan ay tumugon na rin siya. Hanggang sa hindi namamalayan ni Bella na lumalim na ang halikan nilang dalawa. At nauwi iyon sa pagniniig. Masaya si Bella na buong puso niyang ipinagkaloob kay Ethan ang isang bagay na matagal na niyang iniingatan. Sa kabila ng nararamdamang sakit at pag-aalinlangan, nagawa pa ring kausapin ni Bella nang maayos ang kasintahan sa huling pagkakataon. Kinabukasan, umalis si Bella sa bahay nila nang walang nakakaalam kung saan siya pumunta dala ang perang ibinigay sa kanya ni Alicia.ISANG oras ng nakatitig si Ethan sa kanyang laptop pero ni isa ay wala pa rin siyang natapos na trabaho. Sumasakit na ang ulo niya sa kakatitig sa screen. Ilang baso na rin ng kape ang naubos niya, pero pakiramdam niya kulang pa rin. Bumabalik bigla sa balintataw niya ang sinabi ng kanyang assistant.“Confirmed po, anak n’yo po si Lory.”“Why, Bella? Why did you leave me? Bakit mo inilayo sa akin ang anak ko? What was the real reason?” mga tanong na gusto niya ng kasagutan. Subalit hindi pa niya ulit kayang harapin ang babae pagkatapos nilang aksidenteng magkita noong isang araw. Hindi niya inaasahan na magkrus ang landas nilang dalawa nang araw na ’yun. May kinita lang siyang kliyente at nagkataon doon ang shortcut na daan sa lugar na ‘yun.Huminga nang malalim si Ethan. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili mag-isa. Napahawak siya sa sintido nang maramdamang kumikirot ’yun. Minutes later, dumating si Lester bitbit ang isang tasa ng kape. “Sir, mukha na po kayong kape sa ka
“Mama, kailan ko po makikita si lola sa personal? Palagi na lang po kasing sa video call kami nag-uusap,” nakasimangot na sabi ni Lory sa ina.Huminga nang malalim si Bella bago hinaplos ang buhok ng anak. Hindi pa niya puwedeng pagbigyan ang hiling nito lalo’t kagagaling lang niya sa hospital. Hindi rin siya puwedeng mapagod dahil sa kondisyon niya ngayon.“Baby, konting panahon na lang at uuwi na tayo sa lola mo, okay?” “Talaga po, mama! Yehey!” masayang sagot ni Lory sabay abot sa kanyang kamay.Napalunok si Bella. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang bumalik ng manila upang may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak. Matagal na sana silang pinapauwi ng kanyang ina pero siya ang umayaw. Hindi pa siya handang balikan ang lugar na ’yun pero wala siyang pagpipilian. ***“Ma’am, ’yung luggage n’yo po, baka maiwan ninyo,” bungad sa kanya ng binatilyong nakatabi nila sa upuan. Nasa terminal na sila nang mga oras na ’yun. Sa wakas, nagpasya na siyang bumalik na ng Manila matap
Chapter 4“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester.Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan?“Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan.“Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.”Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.”“Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?”Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll
“Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili. Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya. “Miss Ramos, come to my office now!” Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. “Copy po, sir,” agaran niyang sagot. Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag. “Ano po ito, sir?” “Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.” Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam
“I’m here to help you po, Miss Ramos.”Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” “I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. “Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. “Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni
“Saan mo kinuha ’yang kapal ng mukha mo, Camille? Itinuring kitang kapatid pero ito pa ang igaganti mo! At ikaw naman, Ivan, bakit mo nagawa sa akin ’to? Saan ba ako nagkulang?” Umiiyak siyang napaatras habang dahan-dahang nabitawan ang hawak na plastic na naglalaman ng ice cream. Pumunta siya sa condo nito para sana sorpresahin ang kasintahan pero siya pa ang nasorpresa. Kitang-kita niya kung paano nakipaghalikan si Ivan sa taong itinuturing na niyang kapatid na si Camille. Limang taon na silang magkasintahan ni Ivan. Akala ni Bella walang problema sa relasyon nila nilang dalawa dahil maayos naman itong makitungo sa kanya. Sweet at maalaga pero lahat pala ’yun ay pawang kasinungalingan lang. “I’m sorry, love. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko.”Sinampal ni Bella ang taksil niyang boyfriend matapos marinig ang sinabi ng lalaki. “Huwag mo akong matawag-tawag na “love” dahil nag-iinit ang tainga ko, Ivan! Ginawa ko ang lahat para sa ’yo! Ano pa ba’ng kulang sa akin, ha?!” Mul







