Share

Chapter 2

Author: Angela Black
last update publish date: 2026-10-22 20:16:51

“I’m here to help you po, Miss Ramos.”

Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.

“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” 

“I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. 

Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. 

“Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.

Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. 

“Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” 

Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni hindi man lang umabot ng isang oras. Hindi na siya nakapagpasalamat sa lalaki dahil umalis na ito habang siya ay tulala pa rin. Bumalik lang siya sa katinuan nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Amy ang tumawag, ang anak ng kapitbahay nila. 

“Amy, bakit?”

“Ate Bella, may babae pong nagpunta sa bahay ninyo. Hinahanap po kayo,” sabi sa kabilang linya.

Napaisip si Bella kung sino ang pumunta sa bahay nila. Huminga siya nang malalim bago sinagot ang kausap.

“Sige, uuwi na ako.” 

Kaagad ng ibinaba ni Bella ang tawag. Pumunta siya sa billing station upang tanungin kung totoo nga bang bayad na ang hospital bills nila. 

“Yes, Miss Ramos. Lahat po bayad na.” 

“Totoo nga talagang bayad na ang lahat. Pero bakit naman gano’n kabilis? May kapalit kaya ang tulong ng lalaking ’yun? A, bahala na nga, ang mahalaga gumaling si nanay,” kausap ni Bella sa sarili.

Bumalik siya sa silid kung saan ang ina, naabutan niyang inayos ng nurse ang unan nito. Mamaya pa ay dumating din ang doktor na may ngiti sa labi.

“Good news, Miss Ramos! Maayos ang naging procedure ng kidney transplant. Mabuti na lang at nakahanap agad si Mr. Montereal ng donor.” 

“Ang bilis naman po yata, dok. ’Di ba mahirap maghanap ng donor sa panahon ngayon?”

“Walang imposible sa mga Montereal, Miss Ramos. Anyway, maayos na ang kalagayan ng mama mo. Bibigyan na rin kita ng reseta para sa mga gamot niya,” anang doktor bago ito lumabas ng silid.

Hindi na sumagot si Bella. Kaagad niyang nilisan ang hospital upang puntahan ang taong sinabi ni Amy sa kanya. Habang sakay ng traysikel, hindi pa rin mawala-wala sa isip niya kung bakit siya tinutulungan ng tiyuhin ng kanyang ex-boyfriend. Gayun pa man, ipinagkibit-balikat na lamang niya ang bagay na ’yun. 

Sa labas ng kanilang bahay, tanaw niya sa labas ang mamahaling kotse. Kumunot ang noo niya habang unti-unti siyang humakbang papasok sa loob.

“Mabuti naman at nakarating ka na, Bella. Nandito ako para ibenta itong naiwang bahay ng mga magulang namin. Kailangan ko ng pera para sa anak kong may sakit.” 

Lalong kumunot ang noo niya. Ibenta ang bahay nila? At sino naman ang babaeng ito? 

“Sino po kayo? At bakit naman po ninyo ibebenta itong bahay namin?”

“Correction, Bella. Hindi sa inyo ang bahay na ito. Habilin ito ng mga magulang namin,” anang sopistikadang babae.

Gumalaw ang panga ni Bella. Masama ang tinging ipinukol niya sa babae. 

“Habilin? E, ang sabi ni nanay, wala na raw siyang kamag-anak. O baka naman po nagpapanggap lang kayong kamag-anak niya para may mabudol kayo.” 

Pansin ni Bella na biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng ginang. Galit ito habang dinuduro siya.

“Para sa kaalaman mo, ate ako ng nanay mo! At nandito ako ngayon para ibenta itong bahay! Kaya ngayon pa lang ay umalis na kayo rito!” sigaw nito bago tuluyang umalis.

Naiwang naguguluhan si Bella. Sunod-sunod ang problemang dumating sa kanya sa loob lang ng isang araw. Marahas siyang bumuntonghininga bago muling bumalik sa hospital. Pagdating niya roon ay nabungaran niya ang ina na kasalukuyang nakaupo sa kama na tila malalim ang iniisip. 

“‘Nay, kumusta na po ang pakiramdam n’yo? May masakit ba sa ’yo?”

Bumuntonghininga ito sa halip na sumagot. Lumapit si Bella sa kama saka hinawakan ang braso ng ina. Ilang sandali pa ay pumasok ang doktor at kinumpermang mananatili mo na nang ilang araw roon si Aling Lita. Sinunod ni Bella ang bilin ng doktor. Inasikaso niya ang ina hanggang sa tuluyan na itong makalabas. 

Kinagabihan, naisip ni Bella na tawagan ang may-ari ng calling card na ibinigay sa kanya ng lalaki sa hospital ilang araw na ang nakararaan. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang pinindot ang numero nito.

Subalit nakailang dial na lamang siya ay walang sumasagot sa kabilang linya. Nagkibit-balikat siya at walang buhay niyang ibinaba ang cellphone.

“Baka busy lang.” 

Hihiga na sana siya para matulog nang makatanggap ng mensahe. Kumunot ang noo niya nang mabasa ’yun.

“Come to my office tomorrow morning.” 

“Hindi sinasagot ang tawag pero nagti-text naman.”

Nagkibit-balikat siya bago nagpasyang matulog. Hindi na muna niya sinabi sa kanyang ina ang tungkol sa pagpunta ng kapatid nito sa bahay nila. Dagdag stress lang ’yun sa mama niya.

Kinabukasan, maagang nagising si Bella upang magluto ng agahan. Nang matapos ay naligo na siya upang makaalis na papuntang opisina. 

“’Nay, kumain na po kayo para makainom kayo ng gamot. Aalis lang po ako para magtrabaho.”

Walang buhay siyang tiningnan ng kanyang ina bago ito sumagot.

“Saan mo nakuha ang perang ipinangbayad mo sa hospital? Alam kong wala tayong gan’ong kalaking pera para sa operasyon ko.”

Napalunok ng laway si Bella. Wala siyang tamang maisasagot lalo’t hindi pa niya alam kung may kapalit ba ang tulong sa kanya ng tiyuhin ng dati niyang kasintahan. 

“’Nay, huwag po kayong mag-alala, malinis po ’yun. Sa katunayan nga niyan, magsisimula na akong magtrabaho ngayon para mabayaran ko ’yun paunti-unti,” alibi na lang niya.

Hindi na rin umusisa ang kanyang ina. Hindi nagtagal ay umalis na siya bitbit ang maliit niyang sling bag. Pagdating niya sa malaking building, huminto muna siya saka tumingala. 

“Kaya mo ‘to, Bella. Para sa panibagong buhay na haharapin mo. No more stress, okay?” kausap niya sa sarili. 

Pumasok na si Bella sa entrance. Hindi pa sana siya papapasukin ng guard. Mabuti na lang at kinuha niya ang calling card ng may-ari saka ito ipinakita sa guwardiya.

“Pasensya na po, Miss. Nag-iingat lang ako. Pumasok na po kayo.” 

Hindi na sumagot si Bella, kaagad siyang pumasok dala ang pag-asang na sana’y magiging maayos ang lahat. 

“Good morning, Miss. This way po,” salubong ng lalaking nag-alok sa kanya ng tulong sa hospital. 

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kaagad siyang sumunod sa lalaki. Minutes later, nasa tapat na sila ng malaking p***o. Nakailang katok ang lalaki bago ito pumasok. Habang si Bella naman ay parang tuta na nakasunod lamang sa lalaki.

Napapikit siya nang tuluyang makapasok. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Amoy na amoy niya ang mamahaling pabango na batid niyang ang boss niya ang may-ari.

“Boss, nandito na po siya.”

“You may leave now.”

“Yes, boss.”

Agad na lumabas ng p***o ang lalaki habang si Bella naman ay tahimik lamang na nakatingin sa paligid. Hindi niya inaasahan na sobrang yaman pala talaga ng tiyuhin ni Ivan. Napalunok siya nang mabasa ang nakasulat na pangalan sa harap ng mesa nito.

“Hi, I’m Ethan Montereal. I want to let you know na hindi free ang pagtulong ko sa ’yo. Gusto kong pagtatrabahuhan mo ’yun,” malamig nitong saad.

Napalunok si Bella. Inaasahan na niya ang bagay na ’yun.”

“Ano pong klaseng trabaho?”

“As my secretary.”

Muling napalunok si Bella. Ngayon lang niya natitigan nang mabuti ang lalaki. May pagka-istrikto ang awra nito. 

“Sige po, sir. Kailan po ako mag-start?”

Kumibot ang labi ni Ethan bago sumagot.

“Now.”

Tumango si Bella. Aalis na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Ivan ang tumawag. Nagtagis ang bagang niya at tila kumulo ang dugo niya. Ano naman kaya ang kailangan nito? 

“Ano’ng kailangan mo?” walang buhay niyang tanong. 

“We need to talk, Bella. May mahalaga lang akong sasabihin—”

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Ivan! Malinaw pa sa sikat ng araw na nagtaksil ka sa relasyon natin! Huwag muna akong guluhin! Diyan ka na sa Camille mo!”

Mabilis niyang pinatay ang tawag. Nang tingnan niya si Ethan ay napansin niyang mariing naglapat ang mga labi nito. Malamig pa rin ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. 

“You may leave now. I’ll call you if I need anything.”

“Yes, sir,” tugon niya bago nagpasyang lumabas.

SAMANTALA, ilang minuto ng tinitigan ni Ethan ang pintong nilabasan ni Bella. Gumalaw ang panga niya nang maalala ang sinabi nito kanina sa telepono. Taksil? Nabanggit din nito ang pangalang “Ivan” na kapangalan pa ng pamangkin niya. 

Marahas siyang bumuntonghininga bago dinampot ang cellphone. Tinawagan niya si Lester—ang personal assistant niya.  

“May ipapagawa ako sa ’yo.” 

“Copy, boss.”

Matapos sabihin sa assistant ang nais niyang ipagawa ay ibinaba na niya ang tawag. 

Sa kabilang banda, habang abala si Bella sa harap ng laptop ay biglang may humablot sa braso niya. Nanlilisik ang mga mata nito habang dinuduro-duro siya.

“Aba, bago ka pa lang dito pero kung makaasta ka, para kang anak ng Presidente.”

Nag-init ang tainga niya sa narinig. 

“Inaano ba kita? Saka, hindi ako umastang anak ng Presidente rito, Miss. Kita mong nagtatrabaho ako rito, ’di ba?” 

“Tingnan natin kung magtatagal ka ba rito,” tugon nito bago siya talikuran.

Nagkibit-balikat na lamang siya bago bumalik sa trabaho. Kung sino man ang babaeng ’yun, sisiguraduhin niyang hindi siya magpapaapi do’n.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 6

    ISANG oras ng nakatitig si Ethan sa kanyang laptop pero ni isa ay wala pa rin siyang natapos na trabaho. Sumasakit na ang ulo niya sa kakatitig sa screen. Ilang baso na rin ng kape ang naubos niya, pero pakiramdam niya kulang pa rin. Bumabalik bigla sa balintataw niya ang sinabi ng kanyang assistant.“Confirmed po, anak n’yo po si Lory.”“Why, Bella? Why did you leave me? Bakit mo inilayo sa akin ang anak ko? What was the real reason?” mga tanong na gusto niya ng kasagutan. Subalit hindi pa niya ulit kayang harapin ang babae pagkatapos nilang aksidenteng magkita noong isang araw. Hindi niya inaasahan na magkrus ang landas nilang dalawa nang araw na ’yun. May kinita lang siyang kliyente at nagkataon doon ang shortcut na daan sa lugar na ‘yun.Huminga nang malalim si Ethan. Para na siyang baliw na kinakausap ang sarili mag-isa. Napahawak siya sa sintido nang maramdamang kumikirot ’yun. Minutes later, dumating si Lester bitbit ang isang tasa ng kape. “Sir, mukha na po kayong kape sa ka

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 5

    “Mama, kailan ko po makikita si lola sa personal? Palagi na lang po kasing sa video call kami nag-uusap,” nakasimangot na sabi ni Lory sa ina.Huminga nang malalim si Bella bago hinaplos ang buhok ng anak. Hindi pa niya puwedeng pagbigyan ang hiling nito lalo’t kagagaling lang niya sa hospital. Hindi rin siya puwedeng mapagod dahil sa kondisyon niya ngayon.“Baby, konting panahon na lang at uuwi na tayo sa lola mo, okay?” “Talaga po, mama! Yehey!” masayang sagot ni Lory sabay abot sa kanyang kamay.Napalunok si Bella. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang bumalik ng manila upang may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak. Matagal na sana silang pinapauwi ng kanyang ina pero siya ang umayaw. Hindi pa siya handang balikan ang lugar na ’yun pero wala siyang pagpipilian. ***“Ma’am, ’yung luggage n’yo po, baka maiwan ninyo,” bungad sa kanya ng binatilyong nakatabi nila sa upuan. Nasa terminal na sila nang mga oras na ’yun. Sa wakas, nagpasya na siyang bumalik na ng Manila matap

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 4

    Chapter 4“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester.Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan?“Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan.“Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.”Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.”“Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?”Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 3

    “Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili. Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya. “Miss Ramos, come to my office now!” Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. “Copy po, sir,” agaran niyang sagot. Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag. “Ano po ito, sir?” “Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.” Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 2

    “I’m here to help you po, Miss Ramos.”Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” “I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. “Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. “Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 1

    “Saan mo kinuha ’yang kapal ng mukha mo, Camille? Itinuring kitang kapatid pero ito pa ang igaganti mo! At ikaw naman, Ivan, bakit mo nagawa sa akin ’to? Saan ba ako nagkulang?” Umiiyak siyang napaatras habang dahan-dahang nabitawan ang hawak na plastic na naglalaman ng ice cream. Pumunta siya sa condo nito para sana sorpresahin ang kasintahan pero siya pa ang nasorpresa. Kitang-kita niya kung paano nakipaghalikan si Ivan sa taong itinuturing na niyang kapatid na si Camille. Limang taon na silang magkasintahan ni Ivan. Akala ni Bella walang problema sa relasyon nila nilang dalawa dahil maayos naman itong makitungo sa kanya. Sweet at maalaga pero lahat pala ’yun ay pawang kasinungalingan lang. “I’m sorry, love. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko.”Sinampal ni Bella ang taksil niyang boyfriend matapos marinig ang sinabi ng lalaki. “Huwag mo akong matawag-tawag na “love” dahil nag-iinit ang tainga ko, Ivan! Ginawa ko ang lahat para sa ’yo! Ano pa ba’ng kulang sa akin, ha?!” Mul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status