Share

Chapter 3

Author: Angela Black
last update publish date: 2026-10-22 20:19:44

“Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili.

Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya.

“Miss Ramos, come to my office now!”

Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya.

“Copy po, sir,” agaran niyang sagot.

Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag.

“Ano po ito, sir?”

“Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.”

Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam ni Bella ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ipinilig niya ang ulo. Hindi puwede. Hindi siya puwedeng makaramdam ng kahit ano sa kanyang amo lalo na’t tiyuhin pa ito ng dati niyang kasintahan.

Pero kahit anong iwas niya ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Habang tumatagal siya sa kompanya ni Ethan ay unti-unti siyang nahuhulog sa binata dahil sa kabaitan nitong ipinaramdam sa kanya at kahit istrikto ito.

“Don’t fall for me, Miss Ramos. I know, ex-boyfriend mo ang pamangkin ko.”

“Ano naman kung ex ko ang kumag na ’yun? Mabuti nga at naghiwalay kami. Two timer lang naman siya. Imagine, ipinagpalit niya ako sa kaibigan ko. Ang gago niya ’di ba?”

Nagtagis ang bagang ni Ethan dahil sa narinig. Napalunok siya nang matitigan ang maamong mukha ng dalaga. Gago nga ang pamangkin niya dahil sinayang nito ang babaeng unti-unti ng nagpapatibok ng puso niya. Ilang linggo na siyang nagtitimpi sa sarili. Dahil ayaw niyang umasang may patutunguhan ang lahat. Bukod kasi sa laki ng agwat ng edad nila ay posible ring tutol ang pamilya niya. Pero habang nakikita niya si Bella ay lalo lamang lumalalim ang nararamdaman niya rito.

“Sabi nang ‘wag muna akong guluhin, eh! Ayaw ko na sa ’yo, Ivan. May mahal na akong iba, kaya tigilan muna ako.”

Kumunot ang noo ni Ethan. Hindi pa rin talaga tumigil ang pamangkin niya. Kinukulit pa rin nito si Bella. Kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam ng selos.

Hindi agad nakatulog si Ethan kinagabihan. Iniisip niya pa rin si Bella. Lihim siyang napapangiti sa tuwing masisilayan ang magandang mukha nito. Makinis din ang balat ng dalaga at may maliit na dimple sa magkabilang pisngi.

“Sh*t, Ethan. Stop this nonsense!”

Pasalampak siyang umupo sa kama habang hinilamos ang dalawang mukha. Paano niya pipigilan ang damdamin gayong tumitibok ito sa maling pagkakataon?

Sa paglipas ng mga araw, habang patuloy niyang iniiwas ang sariling hindi lumalim ang nararamdaman sa dalaga ay lalo naman itong lumalapit. Nang hindi na siya makatiis ay dinala niya ang dalaga sa opisina at walang pasabing siniil ito ng halik sa labi.

“Sir, a-anong ginagawa n’yo?”

“Don’t ask any more questions, Bella. I’m granting your wish by kissing you.”

“What? H-hindi—”

“Narinig kita last time, humiling ka na sanay halikan kita. . . ito na ’yun, Bella.”

Namilog ang mga mata ni Bella. Hindi niya akalain na narinig pala ’yun ng binata. Sino ba naman kasi ang hindi mabibighani sa labi nito? Ang sarap naman kasing halikan. Binatukan ni Bella ang sarili at wala sa sariling inilublob ang mukha sa dibdib nito.

“Damn it, Bella! I’ve tried so hard to fight my feelings for you, but I can’t. I’m hopelessly, irrevocably in love with you.”

“Sir . . . pero hindi pwede itong nararamdaman natin.”

“Let’s keep everything between us a secret for now. For the time being, let’s pretend there’s nothing going on between us, okay? And one more thing, don’t talk to Ivan anymore. Baka masapak ko pa ang lokong ’yun kapag nakikita kong kinakausap mo pa siya.”

Napalunok si Bella.

“O-okay.”

Huminga nang malalim si Ethan bago muling hinalikan sa mga labi ang dalaga. Sa puntong ’yun ay mas malalim, mapusok at ramdam na ramdam niya ang bawat tibok ng kanilang puso habang magkadikit ang kanilang katawan.

Sa sumunod na araw ay muling pumasok si Bella na may ngiti sa labi. Patuloy pa rin ang lihim nilang relasyon ni Ethan. Nagkunwari silang walang namamagitan sa kanila sa tuwing nasa opisina sila. Normal lang ang lahat, hanggang isang araw, habang pauwi na ng bahay si Bella, isang sasakyan ang bumangga sa kanya. Akala niya katapusan na niya, mabuti na lang at nadala siya agad sa hospital.

“Anak, kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” bungad sa kanya ng inang si Lita.

Bahagyang gumalaw si Bella. Masakit ang buong katawan niya. Partikular na ang kanyang ulo.

“Ilang araw ka ring walang malay.”

Gano’n katagal siyang walang malay? Sino naman kaya ang nangahas na bumangga sa kanya?

“Salamat sa Diyos dahil hindi Niya pa rin ako pinabayaan,” tugon ni Bella sa kanyang ina.

Hindi nagtagal ay dumating si Ethan kasama si Lester. May bitbit ang huli ng isang basket na naglalaman ng mga prutas. Napalunok siya ng laway nang titigan siya ni Ethan sa labi.

“Pumunta nga pala rito si Ivan kanina. Hiwalay na raw kayo? Hiniwalayan mo raw siya.”

Hindi agad nakapagsalita si Bella. Hindi niya alam ang isasagot sa ina gayong wala pa itong alam sa tunay na nangyari.

“May sinabi po ba siya maliban sa hiwalay na kami, ’nay?”

“Wala naman, anak. Mabait na bata si Ivan. Bakit kayo naghiwalay?”

’Yun din ang akala ni Bella noon. Pero ang totoo, pagkababae lang pala niya ang habol nito sa kanya.

“Nagtaksil siya sa akin, ’nay. Ipinagpalit niya ako kay Camille, ‘nay.”

Hindi na niya inilihim sa ina ang tunay na nangyari. Nagulat naman ito nang marinig ang sinabi niya.

“Ang kapal ng mukha nila para gawin nila sa ’yo ang bagay na ’yun, Bella. Isa pa ’tong si Camille, napakawalang-hiya niya,” inis na saad ni Lita sa kanya.

Huminga nang malalim si Bella bago hinawakan ang kamay ng kanyang ina.

“Ayos lang po ako, ’nay. Ang mahalaga, nalaman ko agad ang kataksilang ginawa nila sa akin.”

Hindi na sumagot ang kanyang ina. Nagpaalam itong may bibilhin lang sa labas.

“Are you okay? Pinag-alala mo ako.”

Lumapit si Ethan sa tabi ng dalaga saka ito hinalikan sa noo. Napapikit si Bella. Ilang saglit pa ay lumapit sa kinaroroonan nila si Lester at may ibinulong kay Ethan.

“Boss, may suspect na po sa nangyari.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 5

    “Mama, kailan ko po makikita si lola sa personal? Palagi na lang po kasing sa video call kami nag-uusap,” nakasimangot na sabi ni Lory sa ina.Huminga nang malalim si Bella bago hinaplos ang buhok ng anak. Hindi pa niya puwedeng pagbigyan ang hiling nito lalo’t kagagaling lang niya sa hospital. Hindi rin siya puwedeng mapagod dahil sa kondisyon niya ngayon.“Baby, konting panahon na lang at uuwi na tayo sa lola mo, okay?” “Talaga po, mama! Yehey!” masayang sagot ni Lory sabay abot sa kanyang kamay.Napalunok si Bella. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang bumalik ng manila upang may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak. Matagal na sana silang pinapauwi ng kanyang ina pero siya ang umayaw. Hindi pa siya handang balikan ang lugar na ’yun pero wala siyang pagpipilian. ***“Ma’am, ’yung luggage n’yo po, baka maiwan ninyo,” bungad sa kanya ng binatilyong nakatabi nila sa upuan. Nasa terminal na sila nang mga oras na ’yun. Sa wakas, nagpasya na siyang bumalik na ng Manila matap

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 4

    Chapter 4“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester.Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan?“Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan.“Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.”Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.”“Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?”Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 3

    “Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili. Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya. “Miss Ramos, come to my office now!” Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. “Copy po, sir,” agaran niyang sagot. Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag. “Ano po ito, sir?” “Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.” Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 2

    “I’m here to help you po, Miss Ramos.”Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” “I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. “Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. “Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni

  • HIS UNCLE FORBIDDEN WOMAN   Chapter 1

    “Saan mo kinuha ’yang kapal ng mukha mo, Camille? Itinuring kitang kapatid pero ito pa ang igaganti mo! At ikaw naman, Ivan, bakit mo nagawa sa akin ’to? Saan ba ako nagkulang?” Umiiyak siyang napaatras habang dahan-dahang nabitawan ang hawak na plastic na naglalaman ng ice cream. Pumunta siya sa condo nito para sana sorpresahin ang kasintahan pero siya pa ang nasorpresa. Kitang-kita niya kung paano nakipaghalikan si Ivan sa taong itinuturing na niyang kapatid na si Camille. Limang taon na silang magkasintahan ni Ivan. Akala ni Bella walang problema sa relasyon nila nilang dalawa dahil maayos naman itong makitungo sa kanya. Sweet at maalaga pero lahat pala ’yun ay pawang kasinungalingan lang. “I’m sorry, love. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko.”Sinampal ni Bella ang taksil niyang boyfriend matapos marinig ang sinabi ng lalaki. “Huwag mo akong matawag-tawag na “love” dahil nag-iinit ang tainga ko, Ivan! Ginawa ko ang lahat para sa ’yo! Ano pa ba’ng kulang sa akin, ha?!” Mul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status