Home / Romance / HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO / CHAPTER 1: ANG ASAWANG HINDI PINILI

Share

HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO
HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO
Author: L O W K E Y

CHAPTER 1: ANG ASAWANG HINDI PINILI

Author: L O W K E Y
last update publish date: 2026-10-24 16:31:33

Althea's POV

Naka-park ang kotse ko sa madilim na bahagi ng driveway sa labas ng glass pavilion. Patay ang headlights, kaya ang mga ilaw lang mula sa hardin ang nagbibigay-liwanag sa paligid. Tahimik akong nakaupo sa loob habang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-uusap ilang metro lang ang layo mula sa akin.

Si Adrian. At si Isabella.

Kitang-kita ko kung paano hinawakan ni Isabella ang braso ng asawa ko habang mahina itong tumatawa. Nakangiti si Adrian habang nakatingin sa kanya, at halatang komportable sila sa isa't isa. May lambing sa mga mata niya na apat na taon ko nang hinihintay, pero ni minsan ay hindi ko naranasang matanggap mula sa kanya.

Sa loob ng apat na taon naming pagsasama, nasanay akong maging tahimik na kasama niya sa bahay at katuwang sa trabaho. Alam kong hindi pag-ibig ang dahilan ng pagpapakasal namin, pero hindi ko napigilang umasa na baka magbago rin ang lahat habang tumatagal. Sa huli, isa lang pala akong bahagi ng kasunduang pinagtibay namin sa pamamagitan ng pirma sa marriage certificate.

Napakagat ako sa ibabang labi ko hanggang sa maramdaman ko ang sakit nito.

Ang tanga ko pala. Apat na taon kong pinaniwala ang sarili kong kung patuloy akong magpapasensya, kung ibibigay ko ang lahat para tulungan siyang palaguin ang negosyo ng pamilya nila, darating din ang araw na mapapansin niya ako. Akala ko, parang negosyo lang ang pagmamahal. Kapag naglaan ka ng sapat na oras, pagsisikap, at sakripisyo, may magandang resulta ka ring makukuha sa huli.

Iniwan ko ang career bilang artist para sa kanya. Dati, umiikot ang buhay ko sa mga canvas, pintura, at art exhibitions kung saan malaya kong naipapakita ang sarili ko sa pamamagitan ng mga obra ko. Pero nang kailanganin niya ng tulong sa pagpapatakbo ng Monteverde Enterprises, hindi ako nagdalawang-isip na isara ang studio ko at magsimulang muli sa mundo ng negosyo.

Ginamit ko ang lahat ng alam ko para maging senior executive sa kumpanya niya. Nagpuyat ako sa tabi niya tuwing may problema sa negosyo, nakipag-usap sa mahihirap pakisamahang kliyente, at tumulong sa paggawa ng mahahalagang desisyon para hindi malagay sa alanganin ang kumpanya. Kahit ilang beses niya akong balewalain at saktan ang damdamin ko, tiniis ko dahil naniniwala akong ginagawa ko ang lahat para sa kinabukasan naming dalawa.

Pero hindi lang iyon ang isinakripisyo ko.

Tatlong taon na ang nakalipas nang magkaroon ng aksidente sa isang site visit. May nagtangkang saktan si Adrian, at nang makita kong may mabigat na bakal na babagsak sa direksyon niya, hindi na ako nakapag-isip pa. Tinulak ko siya palayo at ako ang tinamaan.

Muntik na akong mamatay noon. Ilang buwan akong nagpagaling, pero hindi na bumalik sa dati ang kalagayan ng katawan ko. Dahil sa mga pinsalang natamo ko, sinabi ng mga doktor na halos wala na akong pag-asang magkaanak.

Noong una, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang balitang iyon. Pero sa kabila ng lahat, pinili kong magpatuloy at umasa na kahit papaano, magiging maayos pa rin ang buhay namin ni Adrian.

Akala ko, kapag nalaman niya ang lahat ng pinagdaanan ko, maiintindihan niya kung gaano siya kahalaga sa akin.

Pero ngayon, nakikita ko siyang nakangiti sa babaeng matagal na niyang minahal, na para bang walang ibang taong naghihintay sa kanya sa bahay.

Doon ko tuluyang naramdaman kung gaano ako napagod sa kakahintay.

Sa loob ng apat na taon, paulit-ulit kong sinubukang patunayan na karapat-dapat akong mahalin. Pero kung hindi niya ako kayang piliin kahit matapos ang lahat ng ginawa ko, ano pa ba ang kailangan kong ibigay?

Wala na akong sagot.

Muli kong pinaandar ang kotse at nagmaneho pauwi sa bahay namin. Tahimik ang buong mansyon nang dumating ako. Pagpasok ko, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon at katahimikang lalong nagpalala sa bigat ng pakiramdam ko.

Umakyat ako sa kuwarto at dumiretso sa banyo para maghilamos. Namumula ang mga mata ko, at ayokong makita ni Adrian na umiyak ako dahil sa kanya. Pagod na akong ipakita kung gaano niya ako nasasaktan, lalo na kung wala naman siyang balak na baguhin ang anumang ginagawa niya.

Malalim na ang gabi nang marinig ko ang pagbukas ng p***o sa ibaba. Ilang sandali pa, pumasok na si Adrian sa kuwarto namin. Medyo magulo ang buhok niya, at may amoy ng mamahaling alak at pabango ng babae sa damit niya. Pamilyar sa akin ang pabangong iyon dahil naamoy ko rin iyon kay Isabella kanina.

Hindi ko siya agad tiningnan. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang isang libro, kunwari ay nagbabasa kahit ilang minuto na akong nakatitig sa parehong pahina.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya habang tinatanggal ang kurbata at inilalagay iyon sa armchair.

"Hinihintay lang kita," sagot ko, pilit na pinananatiling kalmado ang boses ko.

Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko bago inilapit ang mukha niya para halikan ako sa pisngi. Dati, kahit simpleng kilos lang iyon, sapat na para sumaya ako. Pero ngayong alam ko kung paano niya tratuhin si Isabella, hindi ko na kayang magkunwaring sapat na iyon para sa akin.

Alam ko kung bakit siya lumalapit sa akin. Ilang beses nang ipinapaalala ng pamilya niya na kailangan niyang magkaroon ng anak para masigurong mapapasakanya ang buong pamamahala sa negosyo ng mga Monteverde. At bilang asawa niya, ako ang inaasahan niyang tutupad sa kagustuhang iyon.

Habang inilalapit niya ang labi niya sa leeg ko, hindi ko napigilang umurong.

Napakunot ang noo niya at napatingin sa akin.

"What's wrong with you?"

Tumayo ako mula sa kama at inilapag ang librong hawak ko sa side table. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako nagsalita. Hindi ko gustong makita niya kung gaano ako nasasaktan, kaya pinilit kong panatilihing maayos ang boses ko.

"Wala naman. May gusto lang akong sabihin sa iyo."

Sumandal siya sa headboard at bahagyang ngumiti, na para bang wala siyang inaasahang seryosong pag-uusapan namin.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Pagod ka lang."

Umiling ako. Hindi na ako papayag na basta na lang niya balewalain ang nararamdaman ko.

"Hindi ako pagod, Adrian. Pinag-isipan ko na ito."

Nawala ang ngiti niya nang mapansin niyang hindi ako nagbibiro.

"Mag divorce na tayo."

Ilang segundo siyang hindi kumibo. Nawala ang ngisi sa labi niya, at nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Para bang hindi niya kayang paniwalaan na ang asawang apat na taon nang tahimik na nagtiis at laging naghihintay sa kanya ang siya ngayong unang gustong tumapos sa kanilang pagsasama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 6: ANG LIHIM NA HINDI NIYA NARINIG

    Althea's POV Hindi maalis ang tingin ni Adrian sa suit jacket na nakapatong sa balikat ko. Nanginginig ang mga daliri niya habang hinahawakan ang manggas nito, kung saan nakaburda ang initials na G.S. Bumilis ang paghinga niya, at ang mga mata niyang laging malamig at kontrolado ay puno ngayon ng selos, galit, at pagkalito. Napatingin siya sa mga maleta kong nakahilera sa tabi ng hagdan bago muling bumaling sa akin. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa, walang balak na magpaliwanag agad. Tahimik ko siyang tiningnan. Wala akong nakikitang dahilan para kabahan o matakot, lalo na't wala naman akong ginawang dapat ikahiya. "Anong ibig sabihin nito, Althea?" tanong ni Adrian. Mababa ang boses niya, pero halata ang galit. "Inihatid ka rito ng kaibigan ko? Tapos pinahiram ka pa ng jacket? Habang ako, abala sa pag-aayos ng mga problema sa labas, nakahanap ka na agad ng pamalit?" Napangiti ako nang mapait. Napailing ako habang dahan-dahang tinanggal ang jacket ni Gabriel sa balikat ko at in

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 5: ANG HULING GABI

    Althea's POVNakaimpake na ang kalahati ng mga gamit ko sa dalawang malalaking maleta sa gilid ng kama. Tahimik akong nakaupo sa harap ng vanity mirror habang hawak ang isang lumang sobre na naglalaman ng medical report ko mula tatlong taon na ang nakararaan. Ito ang patunay kung bakit halos wala na akong pag-asang magkaanak.Baka ito na ang huling pagkakataon para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi para magmakaawa na manatili siya sa tabi ko, kundi para malaman niya ang dahilan kung bakit umabot kami sa ganito. Pagod na akong magtago ng sikreto sa bahay na ito habang abala naman siya sa pagpapanatili ng magandang imahe niya sa harap ng ibang tao.Ilang minuto pa ang lumipas bago ko narinig ang pagbukas ng pangunahing pinto sa ibaba. Bumukas ang ilaw sa hallway, at maya-maya ay pumasok na si Adrian sa kuwarto. Halatang pagod siya galing sa kumpanya, at medyo maluwag na ang pagkakatali ng kurbata niya sa leeg. Ni hindi niya ako nilingon habang dumadaan papunta sa walk-in closet para kum

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 4: HINDI NA AKO MAGHIHINTAY

    Althea's POVKinabukasan ng gabing iyon, pagkatapos ng nakakapagod na hapunan kasama ang pamilya ni Adrian sa Monteverde estate, nagdesisyon akong hindi na patagalin pa ang lahat. Habang abala siya sa pag-aayos ng mga dokumento sa study room ng bahay namin, marahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Suot ko pa rin ang pormal kong damit, pero mas mabigat pa sa suot ko ang pagod na nararamdaman ko.Hinintay ko siyang lumingon bago ako nagsalita. "Adrian, kailangan na nating tapusin ang usapan tungkol sa divorce. Hindi puwedeng lagi mo na lang akong iiwasan tuwing sinusubukan kong pag-usapan ito."Tumigil siya sa pagtype sa laptop at bahagyang yumuko bago ako tiningnan. Halatang naiirita siya sa paulit-ulit kong pagbanggit sa bagay na ayaw niyang pag-usapan."Althea, pagod ako. Huwag na nating pag-usapan ang walang kwentang bagay na 'yan ngayon. Dahil lang ba iyon sa nangyari kagabi sa pamilya? Alam mo namang kailangan lang nating makisama sa kanila.""Walang kwenta sa iyo dahil hindi i

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 3: ANG BABAE SA GITNA NAMIN

    Althea's POVHapon na nang matapos ang mga trabaho ko sa opisina. Pagbaba namin ni Adrian sa basement parking para sumakay sa kotse, may nakita kaming babaeng nakatayo sa harap namin. Pamilyar ang kotse na nakaparada sa tabi niya, at nang makilala ko kung sino iyon, hindi na ako nagulat.Si Isabella.May hawak siyang cellphone at kunwari ay hindi alam ang gagawin nang makita kami. Agad siyang lumapit kay Adrian, na para bang hindi niya napansing kasama ako ng asawa ko."Adrian," tawag niya habang nakatingin dito. Ni hindi man lang niya ako nilingon. "Nag-break down kasi ang kotse ko malapit sa kanto. Wala akong makuhang masasakyan, at nag-aalala akong baka abutan ako ng dilim dito. Pwede bang... pwede mo ba akong tulungan kahit ihatid lang sa malapit?"Napatingin ako kay Adrian, naghihintay kung paano niya tatanggihan ang dating kasintahan niya ngayong kasama niya ang asawa niya sa harap mismo ng opisina nila. Pero sa halip na agad tumanggi, nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya. K

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 2: HINDI MO AKO PAG-AARI

    Althea's POV"Are you out of your mind, Althea?" galit na sigaw ni Adrian habang nakatayo sa tapat ng kama. Halatang hindi niya matanggap ang desisyon ko. "Kasosyo kita sa Monteverde Enterprises. Hindi ka puwedeng basta-basta magdesisyon ng ganitong bagay nang hindi iniisip ang epekto nito sa kumpanya at sa reputasyon ng pamilya ko."Tumayo ako mula sa vanity chair at hinarap siya nang diretso. "Reputasyon ng pamilya mo? O sarili mo lang ang iniisip mo, Adrian? Huwag mong idamay ang kumpanya dahil pareho naman nating alam kung bakit ayaw mong mangyari ito. Pero hindi na ako papayag na paulit-ulit mo akong lokohin.""Hindi ito laro, Althea," mariin niyang sagot habang lumalapit sa akin. "Nasa pangalan nating dalawa ang mga asset natin. Kung basta ka na lang aalis habang may problema pa ang kumpanya, babagsak ang presyo ng shares natin. Hindi kita hahayaang sirain ang pinaghirapan ko.""Pinaghirapan mo?" Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Limang taon akong nagsakripisyo para

  • HULI NA ANG PAGSISISI MO, ASAWA KO   CHAPTER 1: ANG ASAWANG HINDI PINILI

    Althea's POVNaka-park ang kotse ko sa madilim na bahagi ng driveway sa labas ng glass pavilion. Patay ang headlights, kaya ang mga ilaw lang mula sa hardin ang nagbibigay-liwanag sa paligid. Tahimik akong nakaupo sa loob habang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-uusap ilang metro lang ang layo mula sa akin.Si Adrian. At si Isabella.Kitang-kita ko kung paano hinawakan ni Isabella ang braso ng asawa ko habang mahina itong tumatawa. Nakangiti si Adrian habang nakatingin sa kanya, at halatang komportable sila sa isa't isa. May lambing sa mga mata niya na apat na taon ko nang hinihintay, pero ni minsan ay hindi ko naranasang matanggap mula sa kanya.Sa loob ng apat na taon naming pagsasama, nasanay akong maging tahimik na kasama niya sa bahay at katuwang sa trabaho. Alam kong hindi pag-ibig ang dahilan ng pagpapakasal namin, pero hindi ko napigilang umasa na baka magbago rin ang lahat habang tumatagal. Sa huli, isa lang pala akong bahagi ng kasunduang pinagtibay namin sa pamamagitan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status