“SHOULDN’T WE bring her to the hospital?” tanong ni Rio habang nasa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang nag-aalmusal kasama ang lima niyang barakong anak at ang esposo na si Rocco. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng dinala ng panganay niyang si Raikko na kasalukuyang ginagamot ng family doctor sa isa sa guestroom nila sa ancestral house.
“I don’t think that’s a good idea, Mom, given her bad shape. Mukhang biktima siya ng kidnapping. Ang mas maganda ay dalhin siya sa mga pulis para malaman kung may naghahanap sa kanya,” katuwiran naman ni Ricole o Ric kung tawagin nila. Ito ang bunsong anak niya.
“Hintayin muna natin siyang maka-recover bago tayo gumawa ng anumang hakbang. Mas maganda kung tatanungin muna natin siya kung anong nangyari sa kanya bago tayo gumawa ng kung anumang hakbang o aksyon,” wika naman ni Raikko na sa pagkain nakatuon ang tingin. Pero sigurado siyang malayo ang tinatakbo ng isip nito.
“Mukhang hindi siya taga-rito. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Mukha rin siyang anak mayaman. Baka naman pwede siyang ligawan?” sabat naman ni Radney, ang pangatlong anak niya at pinakamaloko sa lahat.
“I don’t think that’s a good idea, Rad. Didn’t you see her when she came here? It looks like she’s been raped?” Razel said.
Radney laughed. “Don’t be so serious, Bro. I was just kidding,” anito.
“That’s not a good joke lalo na sa babaeng ‘yon kapag narinig ka niya. Baka imbes na mapalagay siya sa ‘tin ay isama pa niya tayo sa isusumbong niya sa mga pulis,” tugon pa ng ikalawang anak niya at ang pinaka-seryoso sa lahat na si Razel.
“Alright, I’m sorry. Ang kj mo talaga kahit kailan,” ani Radney.
Napalingon silang lahat sa dulong bahagi ng mesa nang marinig ang paglangitngit ng silya. Tumayo pala ang pang-apat niyang anak na si Renoche. Mailap ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
“I’m done. I’m going to my room,” paalam nito at tinalikuran na sila.
“Wala ka man lang bang sasabihin tungkol sa bisita natin, bro? Just a little insight, maybe?” nakakalokong hirit ni Radney pero hindi ito pinansin ng una at tuloy-tuloy na umalis.
“Stop making fun of your brother, Rad,” saway niya rito.
“I’m sorry, mom, akala ko kasi group discussion, ‘to,” pakli nito.
Matapos ang almusal ay umakyat si Rio sa ikalawang palapag ng ancestral house kung nasaan ang guestroom na tinutuluyan ng babaeng iniuwi ng panganay niya. Nakita niyang nakaawang ang pintuan kaya agad siyang pumasok doon para tingnan ang babae. Natigil siya nang matanawan ang likod ni Raikko. Nakaupo ito sa stool sa gilid ng kama ng babae na mahimbing pa rin na natutulog.
This is the first time that she saw her son being close to a woman beside from her. Maedad na ang anak at ni minsan ay wala pa itong naipapakilalang babae sa kanya. Hindi niya alam kung malihim lang ito o talaga lang wala itong matipuhang babae.
“How is she?” tanong niya. Nakita pa niyang napapitlag ang anak. Tila hindi nito naramdaman ang pagdating niya.
Agad itong tumayo at tumabi sa kanya. “I-I was just checking on her, mom. H-hindi pa rin siya nagigising. Kaaalis lang ng doktor,” paliwanag nito.
“O-okay, I was just asking, hijo,” nangingiting turan niya.
“K-kailangan ko ng umalis, mom. May gagawin pa ako sa sagingan,” paalam nito at nagmamadaling umalis.
Napailing na lang siya sa inasal ng anak. Mataman na tinitigan ni Rio ang dalagang natutulog. Napakaganda nga ng mukha nito pati na rin ang balat. Lahat sila ay nag-iisip kung saan ito nanggaling at kung sino ito. Kilala nila ang halos lahat ng nakatira sa bayan nila dahil karamihan ay tauhan nila sa farm. Pero ito ay mukhang anak mayaman na karamihan doon ay kakilala rin nila.
Kapag nagising ang babae ay sigurado siyang malilinawan rin ang mga haka-haka nila. Tumalikod siya at iniwan na ito para makapagpahinga ng maayos.
MAALINSANGAN ang gabi at hindi magawang makatulog ni Raikko. Tanging boxer brief na lang ang suot niya pero init na init pa rin ang pakiramdam niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto sa verandah para pumasok ang hangin. Nang hindi makuntento ay lumabas siya ng silid para kumuha ng malamig na tubig.
Pabalik na siya sa silid niya nang hindi inaasahang matanaw niya ang nakaawang na pintuan na inookupa ng babaeng iniligtas niya kaninang umaga. Wala sa sariling nagtungo siya roon at dahan-dahan siyang sumilip sa siwang. Wala sa kama ang babae. Sumikdo ang kaba sa dibdib niya at agad siyang pumasok sa loob. Wala roon ang babae. Pumasok siya sa banyo at wala rin ito doon.
Paglabas niya ay napansin niya ang nakabukas na terasa at nililipad ng hangin ang kulay puting kurtina. Agad siyang tumakbo patungo roon at kapwa pa sila nagkagulatan nang makita niya itong nakaupo sa bakal na silya at tila nagpapahangin. Nanlaki ang mga mata nito at mayamaya pa ay pumailanlang ang napakalakas na sigaw nito sa paligid.
“H-huwag kang sumigaw? A-ano bang nangyari?” natatarantang tanong niya. Pero hindi ito sumagot at patuloy na sumigaw.
“Raikko, what is this?” galit na sigaw ng ina ang nakapagpalingon sa kanya at nakita niya ang nanlalaki nitong mga mata habang nakatingin sa kanya. Sa likod nito ay ang mga kapatid niya at ang ama.
Ibinaba niya ang tingin sa katawan at saka lang niya naalala na wala siyang saplot pang-itaas at ang natatakpan lang ng kapirasong tela ay ang pagkalalaki niya.
Tumakbo siya sa loob ng silid at kumuha ng unan saka itinakip sa pagkalalaki niya saka nahihiyang napakamot sa batok.
“Bro, hindi ko alam na kamag-anak natin si the flash, a?” nagpipigil ng tawang kantiyaw ni Rad sa kanya. Siniko naman ito ng kanilang ina pagkaraan ay nagtungo ito sa terasa.
Sa hinuha nila kinakausap nito ang babae dahil hindi nila marinig ang sinasabi nito.
“Pasensya ka na sa kabulastugan ng anak ko ha? Tigang kasi sa babae ‘yan—” napaigik si Radney nang batukan ito ni Razel dahil sa pag-mimic nito sa bukas ng labi ng kanilang ina kahit na hindi naman ‘yon ang sinasabi nito.
Makalipas ang ilang minute ay pumasok na ang ina nila kasama ang babae na tila yakap nito at hawak sa magkabilang braso. Ni hindi makatingin sa kanila ang babae nang maupo ito sa kama. Sinenyasan naman sila ni Rio na lumabas ng silid kaya sinunod na lang nila ito.
“SINO BA ang babaeng ‘yan at parang tuwang-tuwa sa kanya ang mga De Mario?” tanong ng isang babae mula sa crowd habang masamang nakatingin sa dalagang kasayaw ngayon ni Raikko.“Nakakainggit naman siya. Kanina pa siya pinag-aagawan ng magkakapatid,” turan naman ng isa pa na tila nangangarap habang nanonood.“Anong nakakainggit diyan e, hindi naman siya maganda,” mataray na turan ng isa pa.“Saan ba nanggaling ‘yan? Mukhang hindi naman ‘yan tagarito,”Natigil sa paglalakad ang grupo ni Leon nang matanawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran. Partikular na sa babae’t lalaki na magkadikit habang marahang sumasayaw.Humithit siya sa yosi at basta na lang iyong ibinuga sa mga kababaihang nasa harapan niya.“Ano ba ‘yan ang sakit naman sa ilong ng usok,” palatak ng isa sa mga ito at lumipat ng pwesto.Nakakaloko siyang ngumisi dahil iyon ang nais niya, ang umalis ang mga sagabal sa daan niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang babaeng matagal na niyang hinahana
NAGKAKASAYAHAN ang lahat sa buong hacienda. Kalat na ang dilim pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa bawat poste, pati na rin sa malakas na disco music na nagmumula sa malalaking sound system.Ang mga matatanda ay tuwang-tuwa na nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran ng mga De Mario habang ang mga kadalagahan naman ay tila naghihintay na lapitan sila ng mga kabinataan. Pero sa tingin ni Ursula ang talagang hinihintay ng mga ito ay ang mga binatang De Mario na sa tingin niya ay wala namang hilig sa mga ganitong pagtitipon. Well, maliban sa isa, si Radney na kanina pang nakikipagsayawan sa kung sino-sinong babae.Kahanay niya sa isang mahabang mesa ang mag-asawang Rio at Rocco, kabilang sina Ric na nasa kaliwa niya at sa kanan naman si Raikko na tahimik lang na nanonood. Katabi pa nito si Razel na kahit papaano ay pumapalakpak sa saliw ng musika.“Mga anak bakit hindi kayo maghanap ng maisasayaw na dalaga? Maaga pa, ‘wag niyong sayangin ang
NAGISING si Ursula sa mararahang katok mula sa pintuan ng silid niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Razel na nakatayo roon. Nakabihis ito ng black buttoned-down shirt, khaki shorts, at slip on shoes. Ang buhok nito ay naka-brush on na lalong nagpalakas ng appeal nito.“Wow, ang gwapo mo ngayon a? May date ka bang kasama?” tanong niya at nginitian ito.Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Salamat. Wala akong date pero siguradong itutulak na naman ako ni mommy mamaya sa mga kadalagahan na pupunta,” tugon nito na napapakamot pa sa batok. “Siya nga pala pinapatawag ka na ni mommy para sa maikling panalangin,” anito.“Oo nga pala. M-MAliligo lang ako ng mabilis at bababa na rin ako. Pakisabi kay Tita bigyan ako ng twenty minutes ha?” isinara niya ang pintuan para lang muling buksan iyon. “Salamat,” pahabol na sabi niya sa binata na muling napalingon pagkaraan ay tuluyan na
DAHIL SA sinabi ni Raikko ay lalong naging desidido si Ursula na ipakita rito na kaya niyang magluto. Ang totoo ay siya ang kusinera sa kuta nila at lahat ng mga kasapi nila ay sarap na sarap sa luto niya.Bandang hapon na sila natapos magluto ni Rio at nauna na itong umakyat sa kanya para sandaling magpahinga bago maligo para sa pagtitipon mamaya. Alam niyang ilang putahe lang ang sinabi ng ginang na lututin niya pero nagdagdag pa siya ng dalawang putahe na sariling ideya niya. Nang matapos ay maayos niya iyong inilagay sa mesa pagkaraan ay nagdesisyon na rin siyang magtungo sa silid niya.Hindi niya alam kung tama bang lumabas siya mamaya dahil baka may makakilala sa kanya. Pero nais niyang makihalubilo sa mga taong pupunta mamaya. Sandali siyang nahiga sa kama at tumitig sa kisame.Tila nakita niya roon ang hitsura ni Raikko na magkasalubong ang kilay. Wala sa sariling napasimangot siya.“Anong karapatan mong sungitan ako? Hindi por que gwapo ka ay susungitan mo na ‘ko,” pagkausap
GAYA NG normal na araw sa hacienda abala ang lahat sa kani-kanyang trabaho. Kahit walang matang nakamasid ay sinisiguro nila na ginagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila. Nais nilang suklian ang kabaitang ibinibigay sa kanila ng pamilyang De Mario. Sa kabila ng yaman ng mga ito ay hindi ito nakakalimot na bumaba minsan para kumustahin sila.Ang mga De Mario ang may pinakamalaking azucarera sa buong probinsya ng Quezon at halos lahat din ng mamamayan sa probinsya ay sila ang nagbibigay ng kabuhayan dahil hindi lang ito ang pananim nila. Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob ay nasa pamilyang ito ang katapatan ng lahat.Ngayong araw ay ginugunita ang kapistahan sa bayan ng Unisan at gaya ng nakasanayan ay abala ang lahat sa malaking piging na gaganapin sa Hacienda De Mario. Pagkakataon din ito ng mga kadalagahan para makita at masilayan ang limang binatang De Mario.Lahat sila ay nag-aasam na mapansin man lang ng kahit isa sa mga ito. Kaya maaga palang ay puro kababaihan na ang tumut
GAYA NANG napag-usapan ay nagkita-kita silang magkakapatid sa likod bahay kasama ang ama. Kabilang na si Ricole na ng mga oras na ‘yon ay wala pa ring ideya sa nangyayari. Nang dumating ang ama ay may bitbit itong itim na bag. Tila bigat na bigat pa ito dahil malaki ‘yon.Binuksan nito ang bag sa harapan nila at lahat sila ay nanlaki ang mga mata nang tumambad sa kanila ang iba’t ibang uri ng baril.“A-Anong ibig sabihin nito, Papa? Bakit ang dami niyong dalang armas? Saan galing ang lahat ng ‘yan?” puno ng pagtatakang tanong ni Ric.“May problemang kinakaharap ang hacienda ngayon, Ric at kailangan nating ipagtanggol ang sarili natin dahil kung hindi ay aabusuhin nila tayo,” tugon ni Razel.“Bakit kailangan natin ng armas, Kuya, Papa? Bakit hindi na lang natin sila isuplong sa mga pulis?” patuloy na tanong nito.“We already did, Ric, pero hindi namin kilala ang mga mukha nila. Tuwing gabi lang sila sumusugod at dahil do’n ay nasugatan si Renoche. Ngayon ay nasa ospital siya at binaban