Share

Chapter 2.

Penulis: Ecrivain
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-18 15:43:08

KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Raikko. Hindi niya kayang humarap sa babaeng tinulungan niya. Nahihiya pa rin siya at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Naroon naman ang ina para asikasuhin ito.

Dumiretso siya sa sagingan at naabutan niyang may kinakausap ang mga tauhan niya na hindi kilalang mukha sa lugar nila. Dahan-dahan siyang lumapit at kunwa’y may tinitingnan sa malapit dito.

“Sigurado ba kayong wala kayong nakitang babaeng napadpad dito? Maputi, mahaba ang buhok at balingkinitan ang taas?” turan ng lalaking nakasuot ng dilaw na bandana sa ulo. Nangingitim na ang ngipin nito at kahit na may kalayuan ang kinatatayuan niya rito ay amoy na amoy niya ang mabahong amoy ng hininga nito.

“Wala ho talaga, bossing,” tugon ng isa sa binatilyong tauhan nila.

Napatingin sa kanya ang lalaki at hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinigurado niyang matatandaan nito ang mukha niya at gano’n din siya rito. Hinihintay niyang lumapit ito at magtanong din sa kanya pero naglakad lang ito at nilampasan siya. Nagsindi ito ng sigarilyo at binugahan pa siya ng usok.

Nang makaalis ito at ang mga kasama ay bumalik na ang mga tauhan sa kani-kaniyang pwesto. Habang siya ay nanatiling nakatingin sa likod ng lalaki at sinigurong nakalayo na ito sa lupain nila.

“Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng mga ‘yon,” turan ni Kiko nang lumapit sa kanya dala ang pala.

“Ngayon ko lang nakita ang mukha ng mga ‘yan ditto at sang-ayon ako sa sinasabi mo,” tugon naman niya.

“Bigla kong naalala iyong babaeng nakita natin sa kubo, Sir Raikko,” wika nito. Napaharap siya rito.

“Sinabi mo ba sa kanila kung nasaan siya?” agad na tanong niya at hinawakan ito sa balikat.

Kumunot ang noo ni Kiko. “Hindi niya naman kamukha ‘yong babaeng nasa picture kaya hindi ko sinabi na may nakita tayong babae dito sa kubo,” tugon nito.

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang binata. Kung hindi nga kamukha ng babae ang nasa litratong ipinakita ng lalaki kanina ay wala siyang dapat ipag-alala.Pero iba ang kutob niya sa lalaking ‘yon.

Hindi pa man nagsisimula sa trabaho ay nagdesisyon si Raikko na bumalik sa ancestral house. Gusto niyang malaman kung anong nangyayari roon at baka sakaling mapadpad doon ang mga lalaking ‘yon.

NANG makarating siya sa ancestral house ay saktong naabutan niya ang ina na nagkakape sa sala kasama ang estrangherang iniligtas niya. Ikatlong araw na nito roon pero ni hindi pa man lang nila alam kahit ang pangalan nito.

Naging mailap ang mga mata ng babae nang makita siya at ibinaba nito ang hawak na tasa ng kape. Ang ina naman ay sumalubong sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

“Did you talk to her mom? Hey, what’s your name?” tanong niya sa dalawang babaeng kaharap.

“Hijo, what’s wrong? You are scaring her?” tanong ng ina at hinawakan siya sa balikat.

“May mga taong nagpunta sa sagingan, mom, at may hinahanap silang babae. Mga mukha silang hindi mapagkakatiwalaan. Hindi ba’t dapat lang na malaman natin kung sino siya at kung mapagkakatiwalaan siya?” may himig ng pagbibintang sa tinig niya habang ang tingin ay nakatuon sa babae.

“I-I will talk to her. Can you calm down?” wika ng ina at pinaupo siya sa couch. Pagkaraan ay binalingan nito ang dalaga at nag-usap ang mga ito sa mababang tinig. Ni wala siyang narinig sa buong durasyon na magka-usap ang mga ito.

Mayamaya pa ang bumaling ang ina sa kanya. “She didn’t know who she is, hijo. Mukhang malala ang trauma na inabot niya at kahit ang sarili niyang pangalan ay hindi niya alam,” wika nito.

Sinulyapan niya ang babae na nang mapansing nakatingin siya ay lalo pang yumuko. Hindi niya  alam pero pakiramdam niya ay hindi ito nagsasabi ng totoo. Pero hindi niya ito maaaring pwersahin sa harap ng ina dahil siguradong mapapagalitan siya.

“What should we call her then?” tanong niya pagkaraan. Sinubukan niyang pakalmahin ang tinig at tanggalin ang kunot sa noo niya.

“Hmm, ano nga ba?” anito. “Ano sa tingin mo ang babagay sa kanya?” tila napangiti ang ina. Muntik na niyang makalimutan na sabik ito sa anak na babae dahil lahat sila ay lalaki.

“R****h na lang kaya, my,” suhestiyon ni Rad na sumulpot mula sa kung saan. Kapwa napakunot ang noo nila ng ina.

“What made you think of that name? It’s a vegetable, for God’s sake, Radney,” pakli ni Rio na kulang na lang ay ihilamos ang palad sa mukha.

Tumawa si Radney. “Just think of it, mom, her skin is like a porcelain that’s why we can call her R****h and it rhymes with Raikko,” tila manghang-mangha pa ito sa naisip na ideya.

“I-I’m fine with that n-name?” lahat sila ay napalingon ng magsalita ito. Raikko couldn’t explain the emotion he felt when he heard her voice for the first time.

“No, hija. My son is just playing on you. Anyway, this is Radney, my third child. And this is Raikko, my eldest,” pagpapakilala nito sa kanila. Tumango lang ito sa kanila at may alanganing ngit ang sumilay sa labi nito na bago palang bumabalik ang kulay.

May pasa pa ito sa gilid ng mata at gasgas sa labi pero hindi maikakaila ang kagandahan nito. Ang pisngi nito na natural na mamula-mula na tila rosas ay binagayan ng matangos na ilong.

“I’m still thinking what we should call—”

“Rose…” wala sa sariling bulalas niya.

Tumanog-tango naman ang ina bilang pagsang-ayon. “That’s a simple name. Sige, sige, ‘yon na lang ang itawag natin sa kanya,” anito.

“Rose? Tss! Mas maganda pa ‘yong naisip ko e,” pakli ni Radney na napapakamot sa ulo at tinalikuran sila.

Siya naman ay tumayo na rin at sinulyapan ang babae na agad yumuko nang mapansing nakatingin siya. “I just came here to tell you not to go outside. May mga lalaking gumagala sa paligid. We don’t know if it’s you that they are looking for,” bilin niya.

“Stop scaring her. She’s not going anywhere. I’m here,” turan ng ina at hinawakan siya sa braso. “Leave us alone, will you?” anito at itinulak pa siya.

Wala siyang nagawa kundi iwanan ang mga ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 5.

    NAGTATAKANG tiningnan ni Rio ang mga anak na sabay-sabay humikab ng maupo sa harap ng hapag-kainan ng umagang ‘yon. Tila ba puyat na puyat ang mga ito. “What did you all do last night? Gumimik ba kayo?” tanong niya nang ilapag ang nilutong sinangag sa mesa. Naupo siya sa tabi ng esposo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito. “Si Radney lang ang gumimik,” tipid na tugon ni Razel sa pagitan ng paghigop ng kape. “Kung gano’n ay ano ang ginawa niyo? Bakit puyat kayong apat? Mabuti na lang at wala si Ric dahil siguradong isasama niyo na naman ang kapatid niyo kahit ayaw,” pakli niya. “Sigurado akong hindi sila gumimik, mom, dahil mukha silang wasted hindi gaya ko galing sa parais—” natahimik si Radney nang tamaan ito ng piraso ng tinapay galing kay Noc. “Watch your words may dalaga tayong kasama rito,” Noc said while shaking his head.

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 4.

    URSULA stared at the woman who took care of her while she’s wounded, Rio De Mario. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga pinamili nitong damit sa closet niya. Hindi niya mapigilan mapaluha dahil makalipas ang halos labinlimang taon ay noon lang ulit niya naramdaman na asikasuhin ng isang ina at lubos siyang kinakain ng konsensya niya.Paano niya ba sasabihin dito na hindi naman talaga nawala ang alaala niya? Na ginawa niya lang ‘yon para hindi siya paalisin ng mga ito. Dahil sigurado siya na sa oras na magkamalay siya at makita ng mga ito na kaya na niyang maglakad ay papaalisin na siya ng mga ito. Kailangan niya ng matutuluyan ngayon dahil sigurado siyang hinahanap na siya nila Leon. Ang pamilya De Mario lang ang nakikita niyang may kakayahang ingatan siya.“Hija, naayos ko na ang mga gamit mo. Sabihin mo lang sa ‘kin kung may kailangan ka pa—” natigil sa pagsasalita ang ginang nang humarap sa kanya. “B-bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito.Sinapo niya ang

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 3.

    HUMAHANGOS na lumapit si Raikko sa komosyon ng mga tauhan sa kulungan ng mga hayop. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari dahill kararating lang niya roon. Isa-isang tumabi ang mga tao para magbigay daan sa kanya at doon na tumambad ang tauhan niyang si Kiko na tila lumong-lumo.“Anong nangyari dito, Kiko?” tanong niya na nakakunot ang noo.Nagtaas ito ng tingin at kita niya ang naluluha nitong mata. “N-ninakawan po tayo, Sir Raikko. Hindi namin alam kung sino pero mukhang marami sila dahil hindi lang baboy ang nawala. At may iniwan sila…” Matapos ‘yon ay tumabi ito sa gilid at tumambad sa kanya ang alagang baboy na wasak ang tiyan at nakalabas ang mga laman-loob.Napakuyom ang kamao niya. Ito ang unang beses na may nangyaring ganoon sa kanila. Ang magnanakaw ay hindi na bago pero ang ganoong karumal-dumal na gawain ay bago sa kanila.Kinambatan niya si Kiko na sumunod sa kanya at naglakad na siya palayo roon. “Ano pa ang mga nawala?” tanong niya.“Parang pinagplanuhan ang ginawan

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 2.

    KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Raikko. Hindi niya kayang humarap sa babaeng tinulungan niya. Nahihiya pa rin siya at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Naroon naman ang ina para asikasuhin ito.Dumiretso siya sa sagingan at naabutan niyang may kinakausap ang mga tauhan niya na hindi kilalang mukha sa lugar nila. Dahan-dahan siyang lumapit at kunwa’y may tinitingnan sa malapit dito.“Sigurado ba kayong wala kayong nakitang babaeng napadpad dito? Maputi, mahaba ang buhok at balingkinitan ang taas?” turan ng lalaking nakasuot ng dilaw na bandana sa ulo. Nangingitim na ang ngipin nito at kahit na may kalayuan ang kinatatayuan niya rito ay amoy na amoy niya ang mabahong amoy ng hininga nito.“Wala ho talaga, bossing,” tugon ng isa sa binatilyong tauhan nila.Napatingin sa kanya ang lalaki at hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinigurado niyang matatandaan nito ang mukha niya at gano’n din siya rito. Hinihintay niyang lumapit ito at magtanong din sa kanya pero naglakad la

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 1.

    “SHOULDN’T WE bring her to the hospital?” tanong ni Rio habang nasa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang nag-aalmusal kasama ang lima niyang barakong anak at ang esposo na si Rocco. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng dinala ng panganay niyang si Raikko na kasalukuyang ginagamot ng family doctor sa isa sa guestroom nila sa ancestral house.“I don’t think that’s a good idea, Mom, given her bad shape. Mukhang biktima siya ng kidnapping. Ang mas maganda ay dalhin siya sa mga pulis para malaman kung may naghahanap sa kanya,” katuwiran naman ni Ricole o Ric kung tawagin nila. Ito ang bunsong anak niya.“Hintayin muna natin siyang maka-recover bago tayo gumawa ng anumang hakbang. Mas maganda kung tatanungin muna natin siya kung anong nangyari sa kanya bago tayo gumawa ng kung anumang hakbang o aksyon,” wika naman ni Raikko na sa pagkain nakatuon ang tingin. Pero sigurado siyang malayo ang tinatakbo ng isip nito.“Mukhang hindi siya taga-rito. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Mukha ri

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Prologue

    “ANO BA, Leon, bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Ursula mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Leon sa pulso niya. Para itong asong nauulol habang nakangising nakatingin sa kanya.“Huwag ka ng pumiglas, Sol. Isipin mo na lang honeymoon na natin ‘to. Male-late lang ang kasal at mauuna ang pulot-gata,” turan nito.“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Nakakadiri ka!” buong lakas niya itong itinulak at bumagsak ito sa kawayang sahig ng silid niya. Sinubukan niyang tmuakbo palabas pero mabilis nitong nahablot ang mahaba niyang buhok at hinila siya pabalik sa loob. Pasalampak siya nitong itinulak sa dingding na pawid at napangiwi siya sa sakit ng tumama ang braso niya sa nakausling pako.“Huwag ka nang choosy. Sa grupo natin ay ako lang ang may hitsura,” mayabang na turan nito.Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at moreno ito na nahahawig sa isang sikat na Pinoy action star pero ang hininga naman nito ay hindi. Nangingitim na ang ngipin nito dahil sa sigarilyo at ang buhok

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status