“ANO BA, Leon, bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Ursula mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Leon sa pulso niya. Para itong asong nauulol habang nakangising nakatingin sa kanya.
“Huwag ka ng pumiglas, Sol. Isipin mo na lang honeymoon na natin ‘to. Male-late lang ang kasal at mauuna ang pulot-gata,” turan nito.
“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Nakakadiri ka!” buong lakas niya itong itinulak at bumagsak ito sa kawayang sahig ng silid niya. Sinubukan niyang tmuakbo palabas pero mabilis nitong nahablot ang mahaba niyang buhok at hinila siya pabalik sa loob. Pasalampak siya nitong itinulak sa dingding na pawid at napangiwi siya sa sakit ng tumama ang braso niya sa nakausling pako.
“Huwag ka nang choosy. Sa grupo natin ay ako lang ang may hitsura,” mayabang na turan nito.
Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at moreno ito na nahahawig sa isang sikat na Pinoy action star pero ang hininga naman nito ay hindi. Nangingitim na ang ngipin nito dahil sa sigarilyo at ang buhok nito ay napapanot na. Ilang taon lang ang edad nito sa kanya pero mukha na itong matanda.
“Makakarating ito kay Tatay, sinasabi ko sa ‘yo at kapag nalaman niya ito siguradong papatayin ka niya,” pakli niya. Pero tumawa lang ito ng malakas at muling naglakad palapit sa kanya.
“Tsk! Tsk! Baka nagkakamali ka. Hindi mo ba naalala iyong sinabi niya noong nakaraan? Gusto na niyang magkaroon ng apo. Kaya sino ako para hindi tuparin ‘yon?” puno ng kumpiyansang wika nito.
“Tumigil ka!” tumayo siya at tinangkang lampasan ito pero bigla siyang hinalikan nito sa labi. Nagpumiglas siya at labis na nandiri. Tinakpan niya ang labi nito pero kinagat nito ang palad niya. “Aray! Tumigil ka na, ano ba?!” kahit na anong piglas ang gawin niya ay mas malakas ito sa kanya at sinubukan siya nitong halikan sa leeg niya. Doon na naiyak si Ursula at pinagsusuntok ito pero ginantihan siya nito at sinuntok siya sa sikmura. Namilipit siya sa sakit at napaluhod sa sahig. Doon na walang awang winasak ni Leon ang suot niyang kamiseta at hayok na hayok nitong pinagmasdan ang dibdib niya na natatakpan pa ng bra.
“Napakaganda mo talaga. Jackpot na jackpot ako sa kutis mong porselana,” pakli nito at agad siyang dinukwang. Sinibasib nito ng halik ang leeg niya. Nawawalan na ng lakas si Ursula pati na rin ang pag-asang matatakasan niya ang hayop na ito. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha mula sa mata niya at napatingin na lang siya sa gilid para iwasan ang mukha nito nang matanawan niya ang kutsilyo na nakasuksok sa dingding.
Pinilit niyang abutin iyon at nang makuha ay agad niyang sinaksak sa likod si Leon. Napasigaw ito sa sakit at umalis sa pagkakadagan sa kanya. Mura ito ng mura tanda ng labis na galit sa kanya habang pilit inaabot ang patalim na nakabaon sa likod nito. Kinuha niya ang pagkakataon na ‘yon at tumakbo siya palabas.
Sa kalagitnaan ng gabi ay tumakbo ng tumakbo si Ursula. Hindi niya alintana ang mga batong inaapakan na sumusugat sa talampakan niya at ang sanga ng puno na nakausli na tumatama sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Ang mahalaga sa kanya ay ang makalayo sa lugar na ‘yon.
Hindi alam ng dalaga kung gaano katagal na siyang tumatakbo at kung saang lugar na siya nakarating. Basta ang alam niya pagod na siya at hindi na niya kaya pang tumakbo. Naghahabol ng hininga siyang umupo sa nakatumbang puno ng saging at tumingala sa bilog na buwan. Napakaliwanag no’n at kitang-kita niya ang paligid na puro puno ng saging.
Unti-unti ng bumibigay ang mata niya dahil sa antok. Ni hindi niya alam kung anong oras na. Pero hindi maaaring doon siya matulog. Baka mamaya ay kasunod na niya si Leon. Kahit pagod at hapo na ay pinilit niyang tumayo at naglakad-lakad pa. Hanggang sa may matanaw siyang kubo. Nagmadali siyang pumunta roon at pumasok sa loob. Hindi iyon naka-lock kaya hindi siya nahirapang makapasok. Sa loob ay may thermos, banig at unan. Mukhang ginawa iyong pahingahan. Hindi na siya nagdalawang isip at nahiga roon.
Ipinikit niya ang mga mata at wala pang ilang minuto ay nakatulog na rin siya.
“SIR RAIKKO, Sir Raikko, may tao dito!” naulinigan ni Ursula ang sigaw na ‘yon ng isang lalaki pero hindi niya magawang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya maramdaman ang katawan niya at hindi siya makagalaw. Wala ring bosess na lumalabas sa bibig niya.
“Kunin mo ang kumot, Kiko,” narinig niyang utos ng baritonong tinig na malapit sa kanya. Tila ba nakadungaw ito sa mukha niya. Sibukan niyang imulat ang mga mata pero agad niya rin ‘yong ipinikit ng masilaw. Ramdam niya na parang nakalutang siya at may malakas na bisig na nagbubuhat sa kanya. Isang beses pa niyang iminulat ang mga mata at sa maliit na siwang ay natanaw niya ang mukha ng lalaking seryosong nakatingin sa kanya. Makakapal ang kilay nito at itim na itim ang mga matang nakatitig sa kanya. Tila ba ini-eksamin nito ang kabuuan ng mukha niya.
Napangiwi siya nang may maramdamang sakit sa tagiliran niya at nakita niya ang pag-aalalang namutawi sa gwapong mukha ng estranghero pati na rin ang banayad na paglayo ng katawan nito sa kanya. Mayamaya ay naramdaman niya ang muling pagbigat ng talukap ng mata niya kasabay no’n ay ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.
NAGTATAKANG tiningnan ni Rio ang mga anak na sabay-sabay humikab ng maupo sa harap ng hapag-kainan ng umagang ‘yon. Tila ba puyat na puyat ang mga ito. “What did you all do last night? Gumimik ba kayo?” tanong niya nang ilapag ang nilutong sinangag sa mesa. Naupo siya sa tabi ng esposo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito. “Si Radney lang ang gumimik,” tipid na tugon ni Razel sa pagitan ng paghigop ng kape. “Kung gano’n ay ano ang ginawa niyo? Bakit puyat kayong apat? Mabuti na lang at wala si Ric dahil siguradong isasama niyo na naman ang kapatid niyo kahit ayaw,” pakli niya. “Sigurado akong hindi sila gumimik, mom, dahil mukha silang wasted hindi gaya ko galing sa parais—” natahimik si Radney nang tamaan ito ng piraso ng tinapay galing kay Noc. “Watch your words may dalaga tayong kasama rito,” Noc said while shaking his head.
URSULA stared at the woman who took care of her while she’s wounded, Rio De Mario. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga pinamili nitong damit sa closet niya. Hindi niya mapigilan mapaluha dahil makalipas ang halos labinlimang taon ay noon lang ulit niya naramdaman na asikasuhin ng isang ina at lubos siyang kinakain ng konsensya niya.Paano niya ba sasabihin dito na hindi naman talaga nawala ang alaala niya? Na ginawa niya lang ‘yon para hindi siya paalisin ng mga ito. Dahil sigurado siya na sa oras na magkamalay siya at makita ng mga ito na kaya na niyang maglakad ay papaalisin na siya ng mga ito. Kailangan niya ng matutuluyan ngayon dahil sigurado siyang hinahanap na siya nila Leon. Ang pamilya De Mario lang ang nakikita niyang may kakayahang ingatan siya.“Hija, naayos ko na ang mga gamit mo. Sabihin mo lang sa ‘kin kung may kailangan ka pa—” natigil sa pagsasalita ang ginang nang humarap sa kanya. “B-bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito.Sinapo niya ang
HUMAHANGOS na lumapit si Raikko sa komosyon ng mga tauhan sa kulungan ng mga hayop. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari dahill kararating lang niya roon. Isa-isang tumabi ang mga tao para magbigay daan sa kanya at doon na tumambad ang tauhan niyang si Kiko na tila lumong-lumo.“Anong nangyari dito, Kiko?” tanong niya na nakakunot ang noo.Nagtaas ito ng tingin at kita niya ang naluluha nitong mata. “N-ninakawan po tayo, Sir Raikko. Hindi namin alam kung sino pero mukhang marami sila dahil hindi lang baboy ang nawala. At may iniwan sila…” Matapos ‘yon ay tumabi ito sa gilid at tumambad sa kanya ang alagang baboy na wasak ang tiyan at nakalabas ang mga laman-loob.Napakuyom ang kamao niya. Ito ang unang beses na may nangyaring ganoon sa kanila. Ang magnanakaw ay hindi na bago pero ang ganoong karumal-dumal na gawain ay bago sa kanila.Kinambatan niya si Kiko na sumunod sa kanya at naglakad na siya palayo roon. “Ano pa ang mga nawala?” tanong niya.“Parang pinagplanuhan ang ginawan
KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Raikko. Hindi niya kayang humarap sa babaeng tinulungan niya. Nahihiya pa rin siya at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Naroon naman ang ina para asikasuhin ito.Dumiretso siya sa sagingan at naabutan niyang may kinakausap ang mga tauhan niya na hindi kilalang mukha sa lugar nila. Dahan-dahan siyang lumapit at kunwa’y may tinitingnan sa malapit dito.“Sigurado ba kayong wala kayong nakitang babaeng napadpad dito? Maputi, mahaba ang buhok at balingkinitan ang taas?” turan ng lalaking nakasuot ng dilaw na bandana sa ulo. Nangingitim na ang ngipin nito at kahit na may kalayuan ang kinatatayuan niya rito ay amoy na amoy niya ang mabahong amoy ng hininga nito.“Wala ho talaga, bossing,” tugon ng isa sa binatilyong tauhan nila.Napatingin sa kanya ang lalaki at hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinigurado niyang matatandaan nito ang mukha niya at gano’n din siya rito. Hinihintay niyang lumapit ito at magtanong din sa kanya pero naglakad la
“SHOULDN’T WE bring her to the hospital?” tanong ni Rio habang nasa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang nag-aalmusal kasama ang lima niyang barakong anak at ang esposo na si Rocco. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng dinala ng panganay niyang si Raikko na kasalukuyang ginagamot ng family doctor sa isa sa guestroom nila sa ancestral house.“I don’t think that’s a good idea, Mom, given her bad shape. Mukhang biktima siya ng kidnapping. Ang mas maganda ay dalhin siya sa mga pulis para malaman kung may naghahanap sa kanya,” katuwiran naman ni Ricole o Ric kung tawagin nila. Ito ang bunsong anak niya.“Hintayin muna natin siyang maka-recover bago tayo gumawa ng anumang hakbang. Mas maganda kung tatanungin muna natin siya kung anong nangyari sa kanya bago tayo gumawa ng kung anumang hakbang o aksyon,” wika naman ni Raikko na sa pagkain nakatuon ang tingin. Pero sigurado siyang malayo ang tinatakbo ng isip nito.“Mukhang hindi siya taga-rito. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Mukha ri
“ANO BA, Leon, bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Ursula mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Leon sa pulso niya. Para itong asong nauulol habang nakangising nakatingin sa kanya.“Huwag ka ng pumiglas, Sol. Isipin mo na lang honeymoon na natin ‘to. Male-late lang ang kasal at mauuna ang pulot-gata,” turan nito.“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Nakakadiri ka!” buong lakas niya itong itinulak at bumagsak ito sa kawayang sahig ng silid niya. Sinubukan niyang tmuakbo palabas pero mabilis nitong nahablot ang mahaba niyang buhok at hinila siya pabalik sa loob. Pasalampak siya nitong itinulak sa dingding na pawid at napangiwi siya sa sakit ng tumama ang braso niya sa nakausling pako.“Huwag ka nang choosy. Sa grupo natin ay ako lang ang may hitsura,” mayabang na turan nito.Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at moreno ito na nahahawig sa isang sikat na Pinoy action star pero ang hininga naman nito ay hindi. Nangingitim na ang ngipin nito dahil sa sigarilyo at ang buhok