Share

Chapter 2

Dilim

I already had a bad feeling about this long time ago. Pero inignora ko ang lahat ng iyon at nagfocus sa sarili. I was too preoccupied with surviving alone that I neglected my duty as a daughter for all those time. Tama, siguro nga kasalanan ko rin. Kasalanan ko kung bakit nalugmok at nalulong sa sugal si Papa. Kasalanan ko na hindi ko inalam ang mga bagay-bagay na ginagawa niya ng mga panahong hindi siya umuuwi ng bahay.

Gusto kong matawa. Sa samu't saring emosyong nararamdaman ko, gusto ko nalang matawa. Sabi ko na nga ba may kapalit ang lahat ng sayang naramdaman ko sa nakalipas na mga araw. Kaya nakakatakot maging masaya. Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ang sayang iyon, at kung ano ang kapalit.

"Almene, tulungan mo ako. Ipapakulong nila ako. Ang laking halaga niyon. Hindi ko kayang bayaran. Saan ako k-kukuha ng ganoon kalaking halaga?" Hagulgol niya habang nakalugmok sa sahig.

Hindi ko na rin napigilan ang sariling maiyak. Oh damn, why does this have to happen now?

"Anak, tulungan mo ako. Ipapakulong nila ako-"

"Bakit ba kasi?!" Wala sa sarili kong sigaw. I heaved a deep breath at pilit na kinalma ang sarili. "Pa, bakit ka ba kasi nagkaroon ng ganyan kalaking utang, huh? Alam mo namang hirap tayo, di ba?"

Napasapo ako sa noo at hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. This is a nightmare. This has to be a nightmare.

"Patawad, masyado akong nadepress sa pagkawala ng mama mo-"

"Ha!" Singhal ko at hindi na napigilan ang bugso ng damdamin. I stood up and look at him in spite. Hindi ko mapigilang titigan siya nang may pang-uusig.

"Pa, ako rin! Ako rin nahirapan mula noong mawala si Mama. Hindi lang po ikaw ang nawalan ng mga panahong iyon. P-Pero kasi inasahan ko na kahit papaano magpapakatatag ka para sa ating dalawa! Pero hindi eh! Pinabayaan mo ako!" I looked away to avoid saying more.

Nanginginig ang balikat niya habang nakayuko. My heart clenched even more at the sight of him.

"Forget it. Hindi na mahalaga ang balikan pa ang lahat ng iyon. At wala rin akong ibang masasabi sa inyo kundi mga sisi," hirap kong sambit. "Maawa ka po sa akin. Ngayon lang ako unti-unting bumabangon ulit. Sa mga taong sobra akong napagod at nahirapan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong ginhawa at saya."

Iwas ang tingin ko siyang nilagpasan at nagkulong sa kwarto. I continued crying inside my room. Akala ko sapat na ang galit ko para hindi indahin ang sakit pag nakikita ko siya. Hindi pala. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil alam ko sa sarili kong kahit papaano, bilang ama, hindi ko pa rin siya kayang tiisin.

Buong akala ko ay hindi ko siya maaabutan kinaumagahan. Kaya naman gulat ako nang matunghayan siyang abala sa pagluluto sa kusina.

"Gising ka na pala. Tapos na akong magluto. Kumain na tayo."

Kumpara ng nagdaang gabi ay mas maaliwalas na ang mukha niya. I looked away and directed my gaze on the food instead. This is the first time he cooked a meal since my mom passed away. Muli akong nag-iwas ng tingin bago pa tuluyang mapaluha. Walang imik akong umupo sa silya at naghain ng pagkain. He did the same.

"Alam kong naging pabaya akong ama sa nakalipas na mga taon. Patawarin mo ako, anak. At sana hayaan mo akong makabawi sa iyo kahit kaunti."

I swallowed the food hard. Hindi ko ipinakitang apektado ako sa mga sinabi niya. I can clearly feel the gap between the two of us as time passed. Ni hindi nga kami komportable sa harap ng isa't isa.

Maya-maya ay kita ko ang ngiti niya sa gilid ng aking paningin.

"Hindi ko alam na nagkanobyo ka na pala," he smiled. "At nag propose na siya sa iyo."

I lifted my gaze only to see him staring at my ring finger. Bahagya kong naikuyom ang palad at itinago sa ilalim ng mesa sa hindi malamang dahilan. It's not that I'm afraid he'd be against my decision. At kahit pa tumutol siya wala rin akong pakialam. I love Francis and I want to marry him.

"Mauna na po ako, may trabaho pa ako." I emptied the glass of water and stood up. Akma pa niya akong pipigilan nang tumalikod na ako.

"Almene, anak."

I stopped midstep but didn't turn to look at him.

"Masaya ako para sa iyo," ramdam ko ang ngiti sa sinabi niya. "At kung hindi naman kalabisan, gusto kong makilala ang mapapangasawa mo."

Sinundo ako ni Francis ng araw na iyon at sabay kaming pumasok sa trabaho. He was telling me about the plans for the wedding pero ni isa sa mga iyon ay hindi pumapasok sa isip ko.

"Babe, are you listening?"

I snapped back to reality when he went near me and removed my seatbelt. Hilaw akong ngumiti at tumango.

"By the way, is your father home? Nasabihan ko na kasi sina Mama tungkol sa pamamanhikan namin sa inyo. Masyado na silang excited," he chuckled.

I smiled seeing how he's so passionate and thrilled about the details. Agad ding naglaho ang ngiti ko sa tanong niya.

"I was looking forward to meeting him. Tuwing bumibisita ako sa inyo ay wala siya. Siguro naman ay uuwi siya para sa kasal natin hindi ba? Did you tell him we're getting married? Magagalit kaya siya kung sakaling bigla mong sabihin sa kanya na ikakasal na tayo gayong hindi ko pa siya personal na namemeet?"

Natatawa ko siyang tinitigan. He looked worried and anxious. Kalaunan ay ngumiti rin siya.

"Alam niya na. At gusto ka rin niyang makilala. Subukan ko siyang tanungin kung kailan siya pwede, okay?"

"Okay."

Lihim kong ipinagpasalamat na naging maayos ang ginawang pamamanhikan ng pamilya ni Francis sa bahay. Madali ring nakasundo ni Papa ang mga magulang ni Francis na likas ding mabubuti. I was really worried the first time I met them. But Tito Solomon and Tita Dehlia were very welcoming kaya madali ko silang nakagaanan ng loob.

"Babe, okay na ba itong mga invitations?"

He smiled and handed me one of those. Marahan kong sinipat ang mga iyon at tiningnang maigi. Nang makuntento ay muli kong ibinalik sa kanya at tumango. He pulled me along with the card and hugged me tight.

"You'll be my wife very soon. I can't wait to call you Mrs. Althea Menesis Herrera," he whispered against my ear and kissed my cheek.

Nakakahiya mang aminin pero mas hands on siya sa pag-aasikaso sa kasal naming dalawa. Even the littlest details, he wants to get involved. Hindi naman masyadong halata na excited siya. Lihim nalang akong natatawa pag nakikita ko siyang abala sa mga detalye sa kasal namin.

Sa tuwing naiisip ko ang mga sandaling iyon, hindi ko maiwasang magtanong kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon? This was supposed to be the happiest day of my life. The kind of future I look forward to the moment I fell in love with him, the moment we vowed to be together for the rest of our lives.

I closed my eyes as I try to visualize and envision our lives together after this. I gripped tightly on the hem of my white dress as I cling on to the hope of the future that we have together.

Hindi ko alam na sa halip na saya ay sakit ang idudulot sa akin ng araw na ito. At sa halip na liwanag ng kinabukasan ay dilim ng bagyo ang sasalubong sa akin.

"Wala pa ang groom!"

"Wala bang pwedeng mag follow up sa groom? Alas nuwebe na!"

"Walang sumasagot sa kabilang linya!"

"Damn it!"

"Puntahan mo, Jay!"

Mariin akong napapikit habang tinatakpan ang teynga. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa klase-klaseng emosyon. I stayed still inside the car, habang nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga staff at organizer. Then my mind wouldbgo back to what really is happening - wala pa si Francis. Kanina ko pa siya pilit na tinatawagan pero walang sumasagot. Still, I cling on to his words. Hindi niya magagawa sa akin ito. Surely he has explanation to this.

Lumipas ang sampung minuto, na naging dalawampu – wala pa rin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kong tinanaw ang kalsada sa pag-asang makikita ang sasakyan niyang parating – wala. My chest started throbbing so fast with pain and hopelessness. Sumasakit na rin ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.

Darating siya, hintayin lang natin ng kaunti please. He will come.”

I looked away from the organizer after saying it. Hindi ko kayang makita ang awa sa mga mata nila. Hindi ako pwedeng mawalan ng pas-asa. Nangako siya at panghahawakan ko iyon.

I continued dialing his number but to no avail. Nanghihina kong inilapag ang cellphone sa gilid ng upuan. Hindi ko na rin pansin ang tingin ng mga tao na imbes na manatili sa loob ay isa-isang nagsilabasan para mang-usisa. I covered my face with both my hands and cried.

Nasaan ka na ba, Francis?

Almene, anak.”

I woke up from my reverie when I heard the familiar baritone of my father. Kasama niya sa labas ang mga kaibigan ko, nag-aalala ang mga tingin. Lalo lang tumulo ang luha ko at nagdesisyong lumabas na at harapin sila. Marahang hinagod ni Papa ang likod ko at sabay na lumapit sa akin sina Avery, Julienne, at Nathan para yakapin ako.

Nahagip din ng tingin ko mula sa malayo ang pamilya ni Francis. Mangiyak-ngiyak na si tita Dehlia, bakas ang pag-aalala sa mukha habang nakatanaw sa labas. Nakaalalay naman sa kanya sina tito Solomon at Jade, and nakababatang kapatid ni Francis.

Francis...

Kilala ko siya. Hindi niya ugali ang gawin ito. Sa anumang bagay o lakad, nagpapaalam siya sa akin. Kaya bakit sa araw na ito pa, nagkaganito? Kung kailan kasal naming dalawa.

I waited still. Kahit kakarampot na pag-asa nalang ang natitira sa loob ko, naghintay pa rin ako. Pero walang Francis na dumating. Halos lahat ng bisita ay nagsialisan na. Ang mga kaibigan ko ang humingi ng pasensya sa kanila dahil hindi ako makausap ng matino. My father stayed with me the whole time.

Wala sa sarili akong pumasok ng simbahan. Wala nang tao sa loob dahil pati ang pari na magkakasal sana sa amin ay umalis na rin. The organizers along with our families are all outside. Ni wala ring nakapansin ng pagpasok ko ng mag-isa.

I smiled bitterly as I looked at the decorations. Muling sumagi sa isip ko ang lahat ng paghahandang ginawa naming dalawa para sa araw na ito. He was more enthusiastic and excited than I am.

You’ll be my wife very soon...”

His voice resonated my ears.

Marahas kong itinapon ang bulaklak at veil na nakakabit sa buhok ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, pag-aalala, sakit, at pagmamahal. Damn it! Hindi na sinipot at lahat, mahal pa rin!

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Bakit hindi siya dumating? Nagbago ba ang isip niya? Hindi niya na ba ako mahal? Bakit niya nagawa sa akin ito?

I clenched my chest so hard. These emotions are killing me. At nang magawi ang tingin ko sa altar, lalo lang akong naiyak. Diyan dapat kami mangangako sa isa’t isa. A promise of commitment and life together.

I slowly got up from my knees when I heard a commotion outside. Humahangos na tumakbo papunta sa akin sina Julienne at Avery, nasa mga mukha ang takot at pag-aalala.

W-What happened? Nakontak na ba si Francis?” Nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Almene...”

Ano? Bakit ganyan ang mukha niyong dalawa?” I ask in panic.

Lalo lang akong nagimbal nang magsimulang umiyak ang dalawa.

Si Francis...”

What about him?” Matigas kong tanong, pilit pinatatatag ang loob.

N-Naaksidente siya habang papunta rito. At malubha ang kalagayan niya.”

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status