分享

He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband
He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband
作者: Blue Soda

Chapter 1

作者: Blue Soda
last update publish date: 2026-09-11 09:26:45

VIVIAN

“May relasyon ang asawa ko at ang asawa mo, alam mo ba ‘yon?”

Naibuga ko ang soda bago ko pa man ito mainom. Mabilis kong ibinaba ang tall glass sa mesa at ilang beses na kumurap habang nakatitig kay Dante Rios. Baka mali lang ang narinig ko. Baka may ibang ibig siyang sabihin. Hindi ako kayang lokohin ni Rayver. Mahal ako ng asawa ko. Alam ko iyon. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya.

“Mr. Rios,” maingat kong sabi. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo.”

Hindi man lang gumalaw ang mukha ni Dante. “Mukha ba akong nagbibiro?”

Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. By the looks of it, he was ready to commit murder. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kalkulado ang bawat galaw. Pero kahit na, hindi ibig sabihin na paniniwalaan ko agad ang ibinibintang niya kay Rayver.

“Lilinawin ko lang, ha, mahal ako ni Rayver,” mariin kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “Hindi niya ako kayang gaguhin.” 

Bahagyang bumuntong-hininga si Dante. “I thought the same thing about Hanna.”

Napatigil ako. Tatlong buwan na ang nakalipas nang marinig niya ang katotohanan tungkol sa sarili niyang asawa. At ngayon, parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin.

“Hanna? Are you referring to a certain Hanna Lagdameo?”

“Oo, siya nga. Wala nang iba.”

Kahit pangalan lang niya ang narinig ko, parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko. Si Hanna Lagdameo ang matalik kong kaibigan mula highschool. Ang babaeng kasama ko sa halos lahat ng mahahalagang yugto ng buhay ko. Siya ang umiyak sa kasal ko. Siya ang paulit-ulit na nagsabing napakaswerte ko kay Rayver. Siya rin ang halos araw-araw na tumatawag sa akin para kamustahin ako. Halos magkapatid na ang turingan namin.

“Hindi,” mahina kong sabi. “Hindi puwede.”

“Vivian—”

“No.” Umiling ako. “Hindi mo puwedeng sabihin sa akin ‘yan na parang ordinaryong bagay lang.”

Tinitigan niya ako nang diretso at saka mabagal na umiling. “Hindi ko sinasabing madali itong paniwalaan.”

“Because it isn’t true.”

“Hindi mo ba napansin?”

Napakunot ang noo ko. “Napansin ang alin?”

“Ang mga pagbabago sa kilos ng asawa mo. Mga bagay na dapat sana'y matagal mo nang napansin.”

“Wala nga.”

“Sure na wala?”

“Oo,” iritableng sagot ko. “Ang kulit mo rin, e.”

“Six months na, Vivian.” Humilig siya nang bahagya sa upuan. “Anim na buwan ka nang niloloko ng asawa mo pero di ka man lang naghinala?”

“Hindi ko siya pinaghinalaan kahit kailan.”

“Not even once?”

“Hindi kailanman.” Napairap ako at pilit na pinakalma ang sarili. “I trust my husband.”

“Apparently, too much,” banat ni Dante. 

Napatingin tuloy ako sa kanya. “I don't have time for this shit.” Tumayo ako at itinulak ang upuan palayo. “It wasn’t nice meeting you, Mr. Rios. Uuwi na ako.”

“Vivian.”

Hindi ako lumingon.

“Get back here.”

“Shut up. Bakit naman kita susundin?”

“Sit down.”

Ayoko talaga pero napahinto ako. Hindi malakas ang boses niya. Wala ring galit sa tono nito, pero may bigat iyon na hindi ko maipaliwanag. Parang hindi iyon pakiusap. Isa iyong utos. At sa kabila ng galit ko, bumalik ako sa upuan. Hindi ko rin alam kung bakit. Hay, nababaliw na yata ako. Umayos ako ng upo at pilit na umiwas sa mga mata niya.

“Six months ago,” umpisa niya, “may napansin ka bang pagbabago sa relasyon ninyo ni Rayver?”

Hindi ako agad nakasagot. Sa halip, nagsimula kong balikan sa isip ang mga nakaraang buwan. At doon ko napansin ang mga bagay na dati ay wala lang sa akin. Ang madalas na pagbisita ni Hanna. Noong una, isang beses lamang siya sa isang linggo. Pagkatapos ay naging dalawa. May mga linggong halos doon na rin siya natutulog. At halos sa bawat pagbisita niya, palaging present si Rayver. 

Noon, wala akong nakitang kakaiba.Sa katunayan, natutuwa pa nga ako. Akala ko mas lalo lamang kaming naging close. Akala ko gusto niya akong makita at kaya siya madalas pumunta. Iniisip ko pa nga noon na baka nami-miss niya ako. At si Rayver naman, wala ring ipinakitang dahilan para pagdudahan ko siya. Nanatili siyang mapagmahal. Araw-araw akong binibigyan ng mga bulaklak. Madalas may kasama iyong maliliit na card na puno ng matatamis na mensahe. Kapag nasa trabaho siya, bigla na lang magpa-pop up ang message niya sa phone ko. 

I love you. 

I miss you.

You mean everything to me.

Para bang wala akong dahilan para magduda. Pero may isang bagay na hindi ko kayang itanggi. Tatlong buwan na kaming walang sex. Tatlong buwan na rin mula nang huli kaming magtabi nang ganoon. Naalala ko ang gabing minsan akong nagtangkang lumapit sa kanya.

“Pagod lang ako, baby.” Iyon ang sabi niya. “Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Kapag natapos itong project, makakabawi rin ako. Isang taon na lang. Pagkatapos no’n, makukuha na natin lahat ng pinaghirapan natin.”

Pinaniwalaan ko siya. Wala akong dahilan para hindi maniwala. Kaya hinayaan ko. Inintindi ko siya. At sa bawat halik niya bago matulog, lalo kong pinaniwalaan na mahal niya ako. He kissed me every night. And all that time, he was lying to me. Napapikit ako. Sobrang sakit na parang may humihigpit sa dibdib ko.

Ayokong isipin. Ayokong alalahanin. Muli kong binuksan ang mga mata ko at hinarap si Dante .

“Sabihin na nating may nagbago sa amin ni Rayver,” maingat kong sabi. “Hindi pa rin ibig sabihin no’n na totoo na agad ang sinabi mo.”

Hindi siya sumagot, pero kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng slacks niya. 

“Then look at this.”

Inilapit niya ang screen sa akin. Una, hindi ko naintindihan ang pinapanood ko. Madilim ang kuwarto. May ilang ilaw lamang mula sa paligid.

VIP room iyon sa loob ng isang elite bar. Pagkatapos ay nakita ko sina Rayver at Hanna. Magkadikit. Naghahalikan. Parang may biglang sumuntok sa sikmura ko. Nanlamig ang mga kamay ko pati na rin ang talampakan ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa screen habang pinapanood silang dalawa. Hindi iyon mukhang aksidente. They were kissing like they had done it before. Like it was normal. Like they belonged together.

“Kuha ‘yan last week,” malamig na sabi ni Dante.

“No.”

Hindi ko namalayang umiling ako. “This can't be real.” Itinulak ko palayo ang cellphone niya. “Nasa New York si Rayver noong nakaraang linggo. Business trip.”

“Alam ko rin ang tungkol do’n.”

“But he called me…every night.” Tinitigan ko siya nang mataman. 

Hindi nagsalita si Dante. 

“Hindi mo naiintindihan,” dagdag ko, mas nanginginig na ang boses. “Nag-vi-video call kami gabi-gabi hanggang makatulog ako. Imposible ‘tong sinasabi mo.”

“I know about that too.” Muli niyang kinuha ang cellphone. “At iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong makita ang buong picture.”

Napakunot ang noo ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Your husband planned this carefully.” 

Lalo akong nasaktan sa sinabi niya.

“Kung may duda ka pa rin,” patuloy niya, “may paraan para ikaw mismo ang makakita kung sino ang nagsisinungaling.”

Pinunasan ko ang gilid ng mata ko bago pa tuluyang tumulo ang luha. “Ano’ng gusto mong sabihin?”

“May sinabi ba sa’yo si Rayver kaninang umaga?”

“Anong sinasabi mo? Naguguluha ako…”

“Ang ibig kong sabihin, sinabi ba niyang aalis siya bukas?”

Nanigas ako sa kinauupuan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Apat na araw na business trip,” dagdag niya. “Tama?”

“Paano mo nalaman ‘yon?”

“Because Hanna told me the same lame alibi.”

Napatitig ako sa kanya at nagpatuloy siya sa pagsasalita. 

“Sinabi niyang pupunta siya sa nanay niya nang apat na araw.” Tumahimik siya sandali. Pagkatapos, mapait na ngumiti. “Kalokohan. Hindi siya pupunta sa in-laws ko.”

“Dante…baka naman paranoid ka lang?”

“Magkikita sila, alam ko.”

Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko, lalo nang sabihin niya ang bagay na ayokong marinig. 

“May private suite na ni-reserve si Rayver sa isang exclusive resort sa Laguna. Silang dalawa lang. Ano sa palagay mo ang pwede nilang gawin sa loob ng apat na araw?”

Hindi ko na halos marinig ang sumunod niyang sinabi at tila umikot ang paligid ko. Napahawak ako sa mesa habang pilit kong pinatatatag ang sarili ko. Imposibleng mag-rosaryo sila sa loob ng apat na araw na ‘yon, ‘di ba? Biglang bumalik sa isip ko ang mukha ng asawa ko kaninang umaga. Mainit pa ang katawan niya mula sa pagkakatulog nang yumuko siya at hinalikan ako sa noo.

“Mami-miss kita bawat segundo, baby.”

Iyon ang sinabi niya at ngumiti pa nga siya.

“Sumama ka sa akin bukas ng gabi,” sabi ni Dante. “Makikita mo mismo kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo.” Sandali siyang tumigil. “At kung tama ako…”

Hindi na niya kailangang tapusin. Naintindihan ko na. Hindi ko maalala kung paano ako pumayag. Ang alam ko lang, tumango ako ng paulit-ulit. 

That night, I barely remembered how I got home. Pagpasok ko sa bahay, parang may malaking bigat na nakadagan sa dibdib ko. Hirap akong huminga. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka hindi iyon totoo. Baka edited ang video. Baka pinagdudugtong-dugtong lang ang footage. Baka gusto lang akong siraan ni Dante. Baka naiinggit siya sa relasyon namin ni Rayver. Maraming dahilan. Maraming posibilidad na para sirain ang isang tao. Kailangan kong maniwala roon. Dahil kung hindi…

“Alam kong mahal ako ni Rayver,” bulong ko habang pinipigilan ang pag-iyak. “Mahal niya ako.”

Iyon na lang ang kaya kong panghawakan. Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng p***o. Dumating si Rayver na may hawak siyang bouquet ng red and pink roses.

Mga bulaklak na madalas niyang ibigay sa akin.

“Para sa’yo ‘to, baby.”

Iniabot niya ang bouquet bago ako yakapin. Mahigpit. Mainit. Pamilyar. At sa sandaling iyon, parang may tuluyang nabasag sa loob ko. Tingnan mo siya. Ito ang asawa mo. Hindi ka niya kayang lokohin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.Tumugon ako sa halik niya. Pero habang ginagawa ko iyon, may hinahanap akong senyales ng pagloloko. Kahit maliit na sign lang. Anumang bagay na magsasabi sa akin na tama si Dante .Pero wala akong nakita. Wala akong naramdaman. Tinanong niya ako kung kumusta ang araw ko.

“Okay lang,” sagot ko.

Nagsinungaling ako.

Ngumiti ako sa kanya na para bang hindi gumuho ang mundo ko ilang oras lamang ang nakalipas. Nang gabing iyon, muli akong gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Lumapit ako sa kama at idinikit ang katawan ko sa kanya. Marahan kong hinaplos ang dibdib niya. Pero hindi nagtagal, hinawakan niya ang kamay ko. At muli niya akong pinigilan. Tatlong buwan na niyang ginagawa iyon. He rejected me, just as he had every time over the past three months.

“Baby…” Malambing ang boses niya. “Pagod lang talaga ako.” Tinitigan niya ako bago bahagyang ngumiti. “Kapag natapos na ‘tong kontrata, babawi ako sa’yo. I’ll make it up to you.”

Hindi ako sumagot.

“I’m yours every night. Pangako ko ‘yan.”

“Okay,” mahina kong sagot. “Naiintindihan ko.”

“Mahal na mahal kita.”

“I know…”

Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos, tumalikod siya at pumikit. Nanatili akong gising pero tahimik na nakatitig sa dilim. Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang magaan niyang paghinga, halatang mahimbing na siyang nakatulog. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang matulog nang ganoon kapayapa samantalang matagal na niya akong niloloko?

O baka…baka wala talaga siyang ginagawang masama. Baka si Dante ang nagsisinungaling at gawa-gawa lang niya ang lahat. Kumapit ako sa ideyang iyon na para bang kapag binitiwan ko iyon, tuluyan na akong mawawasak.

Kinabukasan, naramdaman kong hinalikan ni Rayver ang pisngi ko. Nagpanggap akong tulog kahit na matagal na akong gising. 

“Mami-miss kita, Vivian.” Huminto siya sandali. “Mahal na mahal kita. Alam mo ‘yan.”

Hindi ko binuksan ang mga mata ko. Hindi hanggang sa marinig ko ang pagsara ng p***o. Nanatili akong nakahiga. Hindi ako gumalaw, hindi ako bumangon. At sa halip na harapin ang mundo, nanatili ako roon hanggang magtanghali.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 67

    HANNAUmalis ako sa bahay na iyon na nagngingitngit sa galit. Hindi nakakatuwa ang mga nangyari kaya naman nakasimangot ako sa buong durasyon ng byahe. Mariin ang pagkakahawak ko sa manibela na para bang mawawasak na ‘to dahil sa matinding pagtitimpi. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang bawat pangyayari nang gabing iyon. At ang katotohanang pareho nila akong sinaktan.Si Rayver, ang lalaking niluhuran ko. Ang lalaking pinagbigyan ko ng lahat, pati ang sarili kong katawan. Hinayaan ko siyang tirahin ako habang nakasandal kami sa dingding ng sarili niyang sala.Tapos ang asawa niya ay kung nasaang lupalop habang gumagawa ng kung anu-anong kabulastugan. Ang mismong Rayver na iyon ang nanampal sa akin nang ubod ng lakas kaya bumagsak ako sa sahig. At para saan? Para kay Vivian?Ang pesteng hitad na ‘yon! Malakas kong hinampas ang manibela at saka marahas na nagmura. Hindi ako makapaniwalang ganon na kung umakto si Vivian. Ibang-iba na siya sa dating Vivian na kilala ko. Mahigit isang

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 66

    Hindi ako lumingon. Tinahak ko ang pasilyo patungo sa guest room, nagmamadaling pumasok, at saka ini-lock ang pinto. Pero muli akong napapitlag nang kalampagin niya kaagad ang tatlong malalakas at sunod-sunod na katok.Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mga kuko ko.Muli siyang kumatok pero hindi ako sumagot. Hindi ko binuksan ang pintuan. Makalipas ang ilang sandali, tumigil din siya.Naligo ako, nagbihis, at nasa sala na nang marinig kong lumabas siya ng kuwarto. Nagulat siya nang makita akong handa na, na para bang inaasahan niyang magiging normal na ulit ang lahat. May nakahandang almusal sa mesa. May asawang lumambot na ang kalooban matapos ang magdamag."Ano'ng almusal natin?" tanong niya.Kinuha ko ang bag ko. "Wala akong ideya kung ano. Ilang araw na akong hindi nagluluto,e. Pero alam mo, malalaman mo sana kung madalas ka sanang umuuwi rito.”Napatitig siya sa akin. Matagal at makahulugan. "Kumuha ka ng maid," sabi ko bago tuluyang lumabas.Mahaba ang araw na iyon,

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 65

    Napapiksi ako at mabilis na lumayo nang muling dumapo ang mga kamay niya sa baywang ko. "Sobrang pagod na ako," sabi ko sa kanya. "Ang laboratory expansion lang ang nasa isip ko ngayon. Wala akong ibang maasikaso hangga't hindi ko nagagawa ang lahat ayon sa plano."Tiningnan ako ni Rayver sa paraang nakasanayan niya tuwing hindi ko ginagawa ang gusto niya. Ang kombinasyon ng pagtataka at pagkadismaya na pilit niyang ipinapakita na para bang nag-aalala lang siya sa akin."Alam mong ayokong napapagod ka dahil sa pesteng laboratory na ‘yan,” sabi niya. "Isa pa…’yung mga sinusuot mong damit nitong mga nakaraang araw. Alam mong hindi ka naman dating ganyan, Vivian.”"Noong una mo akong nakilala," kalmado kong sagot, "pero ang totoo, ganon na talaga ako manamit. Itinigil ko lang para sa iyo. Lalo na't nasa bahay lang naman ako at wala namang pinupuntahan o dahilan para mag-ayos."Bubuka pa lang sana ang bibig niya, pero nagpatuloy ako. "Ikaw ang nagdesisyong maghintay tayo ng limang taon

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 64

    “Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?”“Ginagawa ko lang ang trabaho ko, boss,” sagot niya naman. Pagkatapos ng tawag, humiga ako at nakaramdam ng malaking ginhawa. Hindi na gaanong mabigat ang pakiramdam ko, na para bang hindi na unti-unting sumisikip ang mga pader sa paligid ko. Pagkatapos, tumawag siya—na para bang kahit paano ay alam niyang kailangan kong marinig ang boses niya.Sinagot ko ang tawag bago pa tuluyang matapos ang unang ring. Masaya kaming nag-usap Pagod siya pero kalmado, na para bang walang anumang nakakaistorbo sa kanya. Para sa akin, nangangahulugan iyon na ayos lang siya. At kung may nangyari man sa bahay na iyon, kaya niya iyong harapin. Pagkababa niya ng tawag, nanatili akong nakahiga sa dilim. Naramdaman ko ang kakaibang katahimikan ng isang silid na katatapos lamang magkaroon ng isang bagay na mabuti. Nakatulog ako at kinabukasan sinalubong ako ng tawag ng CEO bandang alas-syete ng umaga. “Check niyo po ang trending news, Sir,” bungad niya nang walang

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 63

    Pinulot ko ang dati niyang cellphone at binuksan iyon. Pagkatapos, muli ko rin itong pinatay. Hindi tama ang ginagawa ko. Anuman ang laman ng cellphone na iyon, pag-aari niya iyon. Ang messages niya, ang mga pinagdaanan niya. Ang private life niya bago pa nagsimula ang lahat ng ito. Wala akong karapatang pakialaman ang mga iyon, gaano ko man kagustong malaman kung ligtas ba siya.Ibinaba ko ang cellphone at saka tumayo. Naglakad ako patungo sa balcony, nilanghap ang malamig na hampas hangin sa aking balat at pinagminasdan ang mga ilaw habang iniisip si Rayver. Naisip ko kung paano tinitigan ni Rayver si Vivian kapag nakita niya itong suot ang provocative na damit na iyon.Paglabas niya mula sa wardrobe, suot na niya iyon, at pakiramdam ko ay pansamantalang huminto ang buong paggana ng utak ko. At umuwi siya nang suot pa rin ang damit na iyon. Papasok siya sa pintuan ng bahay habang kumakalansing ang mga takong niya at gumagalaw ang mga balakang niya sa paraang nakasanayan kong pagmasd

  • He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband   Chapter 62

    DANTENagmaneho ako pabalik sa hotel, nahiga sa kama, at matagal na tinitigan ang kisame. Tahimik ang silid. Tahimik din ang buong paligid sa labas. Isa pa, wala akong maisip na dahilan kung bakit di pa rin ako makatulog. I was like a giddy and horny teenager imagining his crush. Grabe, malala na talaga ‘tong nangyayari sa akin.Paulit-ulit bumabalik sa isip ko si Vivian. Hindi sa paraang nakakainis, hindi tulad ng isang problemang bumabalik dahil hindi mo pa ito nalulutas. Bumabalik siya sa isip ko gaya ng isang awit o ng isang amoy—biglaan, walang babala, at walang paalam. At kapag nangyari iyon, napakalinaw ng presensiya niya sa isip ko kaya parang hindi na gaanong totoo ang lahat ng iba pang bagay.Ang opisina. Ang mesa. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin pagkatapos, habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga, at ang mga matang nagtatanong ng isang bagay na hindi pa niya kayang sabihin nang rekta. Ang kotse...Mahina akong natawa habang nakatitig sa kisame. Si Vivian talaga

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status