MasukVIVIAN
Alas-singko nang hapon nang dumating si Dante para sunduin ako. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin naman akong maisip na tamang sabihin. Ano pa nga ba ang pag-uusapan namin?
Dalawa lang ang posibleng mangyari ngayong gabi.
Maaaring mapatunayan naming mali si Dante .
O maaaring pagkatapos ng gabing ito, hindi na maibabalik sa dati ang lahat.
Mabilis naming narating ang Hidden Sanctuary Resort sa loob ng Ayala Ecological Park. Kahit madilim na ang langit, kapansin-pansin pa rin ang ganda ng lugar. Maayos ang landscaping, hitik sa iba’t ibang uri ng bulaklak at napapalibutan ng matatayog na puno. Nakadagdag pa sa romantic atmosphere ang mga fairy lights na nakasabit sa paligid.
Makapal din ang hamog na bumabalot sa resort. Kung ibang pagkakataon siguro, maiisip kong napakaganda at ka-romantic ng lugar na iyon. Perfect para sa mga magkasintahan at may itinatagong kabit.
Pero hindi para sa akin ang lugar na ‘to. Ang sakit isipin ng katotohanang ni-reserve ni Rayver ang buong resort kaya walang ibang guest na maaaring makapasok sa lugar. Ganon kaespesyal ng kabit niya para itrato niyang parang isang disney princess.
Hindi ko alam kung paano niya nagawang makapasok doon nang hindi napapansin, pero halatang pinaghandaan niya ang lahat. Pagdating namin sa lobby, dalawang empleyado na ang naghihintay. May iniabot na ilang libong piso si Dante sa staff bago kami nito tahimik na itinuro sa isang service door. Dumaan kami roon hanggang makarating sa private garden. Paglabas namin, napansin kong lalo pang dumilim ang langit.
Mula pa kanina ay mabigat na ang panahon, at anumang oras ay maaari nang bumuhos ang ulan.
Parang pati kalangitan ay nakikiramdam sa kung ano mang naghihintay sa amin.
“Kailangan nating bilisan,” bulong ni Dante .
May diin ang bawat salita niya.
Tumango lang ako.
Wala akong lakas para magsalita.
Tahimik kaming naglakad sa gilid ng mga puno.
Sa bawat hakbang, lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.
Umaasa pa rin akong mali siya.
Kahit matapos kong makita ang video.
Kahit matapos kong marinig ang tungkol sa private suite.
May maliit na bahagi pa rin sa akin na umaasang pagdating namin doon, wala si Rayver.
Umaasang may makikita akong ibang lalaki.
O ibang babae.
Kahit ano.
Basta hindi sila.
Dahil kung wala roon si Rayver, maaari ko pa ring sabihin sa sarili kong tama ako.
Na hindi ako naging tanga.
Na hindi nasayang ang dalawang taon ng buhay ko.
Pero muling pinatunayan ng tadhana na hindi nito ako kakampihan.
Dahil naroon siya.
Si Rayver.
Nakatayo siya sa pagitan ng dalawang puno.
Suot niya ang corporate attire na karaniwan niyang ginagamit kapag dumadalo sa mga business convention. Nakatiklop hanggang siko ang manggas ng polo niya at may hawak na wine glass sa isang kamay.
At sa kabilang bahagi ng katawan niya…
Nandoon si Hanna.
Nakasandal ang ulo nito sa braso niya na para bang iyon ang pinakakaraniwang bagay sa mundo.
Napakaswal ng kilos ni Hanna.
Parang matagal na niyang ginagawa iyon.
Parang natural sa kanya ang nasa tabi ng asawa ko.
Parang may karapatan siya roon.
At pagkatapos ay tumawa sila.
Magkasama.
Masaya.
Parang wala silang ibang kasama.
Parang may sarili silang mundong silang dalawa lang ang nakakaalam.
Nanigas ako.
Hindi ko maramdaman ang mga paa ko.
My chest tightened so suddenly that breathing became difficult.
Hindi.
Hindi puwede.
No.
No, no, no!
Gusto kong sumigaw.
Gusto kong tumakbo papunta sa kanila at tanungin kung bakit.
Pero walang lumabas na salita sa bibig ko.
Para akong naging estatwa.
Kung hindi huminto si Dante sa tabi ko, marahil hindi ko rin malalaman na naroon pa siya.
Tinitigan niya ako.
Walang sinabi.
Hindi niya kailangang magsalita.
Alam niyang nakita ko na.
Alam niyang wala na akong puwedeng ikatwiran.
At ako?
Nakatayo lang ako roon.
Parang patay na ako kahit humihinga pa.
Nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ko ang cellphone ko mula sa loob ng purse.
Hindi ko na pinag-isipan.
Tinawagan ko agad si Rayver.
Sa malayo, nakita kong bahagya niyang sinulyapan ang cellphone na nasa bulsa niya.
May sinabi siya kay Hanna.
Umirap naman ang babae bago muling tumingin sa kanya.
Makalipas ang ilang segundo, saka lamang niya sinagot ang tawag.
“Baby?”
Malambing ang boses niya. Mainit. Ang parehong boses na matagal kong minahal.
At ang pinakamasakit?
Wala man lang bakas ng kaba sa tono niya.
Parang normal na gabi lang iyon. Parang hindi siya nakatayo sa harap ko kasama ang babaeng matagal ko ring itinuring na kapatid.
“Iniisip kita ngayon,” dagdag niya. “Miss na agad kita.”
Napakapit ako nang mahigpit sa cellphone.
Parang sumara ang lalamunan ko.
“Nasaan ka?”
Sandali siyang natahimik.
“Nasa office.”
Napapikit ako. Ang galing niyang magsinungaling. Kahit kaharap ko siya, kaya pa rin niyang sabihin iyon nang walang pag-aalinlangan. Lalong bumigat ang dibdib ko hanggang sa nahirapan akong huminga.
“Ang dami kong kailangang tapusin ngayon,” patuloy niya, “pero ikaw pa rin ang nasa isip ko. Nakapagpahinga ka ba nang maayos?”
Hindi ako sumagot.
“Ang sarap ng tulog mo kanina bago ako umalis.”
Napatingin ako sa kanya mula sa kinatatayuan ko.
“You looked so beautiful sleeping beside me. Miss mo na ba ako?”
Napakagat ako sa labi. Naramdaman kong umiinit ang mga mata ko, pero pinilit kong maging normal ang boses ko.
“Of course.”
Huminga ako nang malalim. “I miss you more.”
Mahina siyang tumawa. Napapikit ako habang lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.
“Anyway, tatawagan ulit kita mamaya bago ka matulog, okay? Huwag kang magpupuyat.”
“Okay.”
“Love you, baby.”
Hindi ko na nasagot dahil pinutol na niya ang tawag. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at parang walang nangyari, bumaling ulit kay Hanna. At doon ko nakita ang susunod na eksena. Ipinulupot ni Hanna ang mga braso nito sa leeg ng asawa ko. Pagkatapos, hinalikan niya si Rayver. At hinalikan siya ni Rayver pabalik. Parang wala silang ibang ginawa kundi iyon. Parang matagal na nilang kabisado ang isa’t isa.
At ang halik na iyon… Iyon ang parehong paraan ng paghalik ni Rayver sa akin. Ang parehong intimacy. Ang parehong paghawak.
Parang may isa pang kamay na dumurog sa puso ko. At bago ko pa maproseso ang lahat, bumuhos ang ulan. Sa loob lamang ng ilang segundo, basang-basa na ang damit ko. Pero hindi ako gumalaw. Hindi ako tumakbo para sumilong. Hindi ko rin sila iniwan. Nanatili lang ako roon sa gitna ng ulan habang pinapanood ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang higit sa kahit sino.
Tumulo ang luha ko. Pero hindi ko na alam kung luha ba iyon o tubig-ulan. Pareho nang basa ang mukha ko. Makalipas ang ilang sandali, may sinabi si Rayver.
Tumawa si Hanna. Pagkatapos, sumandal siya sa puno habang lumapit si Rayver sa kanya. Dumagan siya roon. At gumalaw ang mga kamay ng asawa ko sa katawan ni Hanna na para bang kabisado na niya kung saan iyon dapat humawak.
Napapikit ako. Ilang beses na nila itong ginawa? Ilang gabi? Ilang buwan? Ilang beses siyang umuwi sa akin pagkatapos niyang hawakan ang babaeng iyon? Biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na mas masakit kaysa sa nakita ko. Baka hindi lang sila naghahalikan. Baka nag-sex na sila.
Malamang. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. Ang sakit. Hindi simpleng sakit na kayang tiisin. Parang kumakalat iyon hanggang sa mga buto ko. Hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan. At sa isang iglap, parang gumuho ang buong mundo sa ilalim ng mga paa ko. Napaatras ako. Muntik akong bumagsak kung hindi ako agad nahawakan ni Dante .
“Vivian.”
Marahan niyang hinawakan ang braso ko. “Halika na.”
Hindi ako sumagot. Inakay niya ako palayo sa lugar na iyon at papunta sa may lilim. Hindi ko na kayang tumutol.
“Enough,” mahina niyang sabi. “Nakita mo na ang dapat mong makita.”
Patuloy lang akong naglakad kasama niya. Palayo sa ulan. Palayo sa private garden. Palayo kay Rayver. Palayo sa eksenang ilang minuto lang ang nakalipas ay sumira sa lahat ng pinaniniwalaan ko. Palayo sa lalaking inakala kong akin.
Tama si Dante. Hindi ko na kailangan ng karagdagang ebidensya. Sapat na para malaman kong walang ibig sabihin ang mga bulaklak na ipinapadala sa akin ni Rayver. Walang halaga ang mga tawag niya. Walang saysay ang paulit-ulit niyang pagsasabing mahal niya ako. Pati ang mga halik niya tuwing umaga. Ang mga pangakong ako lang ang gusto niyang makasama habambuhay.
Lahat iyon ay puro kasinungalingan. Wala akong halaga sa kanya. At doon ko naisip kung gaano karaming bagay ang nasayang.
Dalawang buong taon ng buhay ko. At para saan? Napakasakit. Pero hindi ako nagwala. Hindi ako sumigaw na parang mga babaeng napapanood ko sa mga pelikula kapag nahuhuli nilang may ibang babae ang asawa nila. Naglakad lang ako kasabay ng isang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko rin lubos na kilala.
Niyakap ko ang sarili ko habang magkakrus ang mga braso ko sa dibdib. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko. May mali ba sa akin? May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan? May kulang ba sa pagmamahal ko? Saan ako nagkamali? At higit sa lahat… Saan ako nagkulang bilang asawa?
DANTEHindi ako ang tipo ng lalaking madaling maniwala sa pag-ibig. Para sa akin, mas mahalaga ang dalawang bagay—katapatan at loyalty. Lumaki akong alam na hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay kaibigan. May mga taong kaya kang kamayan ngayon at saksakin sa likod kinabukasan.My father made sure I learned that lesson early. Tough love, sabi niya. Kaya hindi ako basta nagtitiwala. Hindi ako madaling kumbinsihin ng matatamis na salita, at lalong hindi ako basta nagpapapasok ng kahit sino sa buhay ko. Maingat ako sa mga taong pinipili kong pagkatiwalaan. Mas maingat ako sa mga desisyon ko. Unfortunately, nagkamali pa rin ako kay Hanna.Pero bago ko nalaman kung sino talaga siya, may ibang dahilan kung bakit ko piniling magpakasal. Kailangan kong malaman kung sino ang may pakana sa tangkang pagpatay sa ama ko. At para magawa iyon, kailangan kong mawala sa radar ng mga taong posibleng sangkot.Noong panahong iyon, hindi ako puwedeng maging kahina-hinala. Kailangan kong magmukhang ordinaryo.
VIVIANItinulak ko paatras ang upuan at dahan-dahang tumayo. Parang hindi sapat ang hangin sa loob ng silid para sa bilis ng tibok ng puso ko.“Pasensya na, hindi ko dapat sinabi ‘yon.” Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. “I was upset. Broken, maybe. Pero sabihin mo sa akin, Dante … ayaw mo rin bang makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may namamagitan sa atin?”Mula sa pagkakasandal sa hamba ng pinto, tuluyan siyang umayos ng tayo. Hindi siya nagmamadali, pero bawat hakbang niya papalapit sa akin ay lalo lamang nagpapabilis sa pulso ko.“May namamagitan sa atin,” mahinang ulit niya, na para bang tinitimbang ang bigat ng mga salitang iyon.“Oo.”Hindi ko siya nilayuan. Hindi ko rin binawi ang sinabi ko.“It would be nothing but an illicit affair. No love involved.” Napalunok ako at pilit pinanatiling kalmado ang boses. “Pareho naman tayong niloko, hindi ba? So why not give them a taste of their own medicine?”Ilang hakbang na lang ang pagitan namin.“Ano’ng
VIVIANHindi ako inihatid ni Dante pauwi. At sa totoo lang, wala na rin akong lakas para tumutol. Sobrang lakas ng ulan na halos wala ka nang makita sa kalsada. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa at hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko, kaunting galaw na lang, bibigay na ang mga tuhod ko. May kinausap si Dante na isang empleyado ng resort. May iniabot siyang card dito, at hindi nagtagal ay may sumundo sa amin at naghatid sa isang suite sa kabilang bahagi ng resort.Pagpasok namin, agad kong napansin kung gaano kaganda ang lugar. Eleganteng-elegante. Isang lugar na dapat sana'y nakakarelax, pero hindi ko maramdaman ang kahit anong ginhawa. Diretso akong nagtungo sa sofa at umupo. Hindi ko man lang naisip na magpalit ng damit. Nanatili lang akong nakaupo roon, nakatitig sa isang bahagi ng pader habang pinakikinggan ang walang tigil na patak ng ulan sa labas.Tahimik ang paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may kung anong paulit-ulit na gumuho. Durog n
VIVIANAlas-singko nang hapon nang dumating si Dante para sunduin ako. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin naman akong maisip na tamang sabihin. Ano pa nga ba ang pag-uusapan namin?Dalawa lang ang posibleng mangyari ngayong gabi.Maaaring mapatunayan naming mali si Dante .O maaaring pagkatapos ng gabing ito, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mabilis naming narating ang Hidden Sanctuary Resort sa loob ng Ayala Ecological Park. Kahit madilim na ang langit, kapansin-pansin pa rin ang ganda ng lugar. Maayos ang landscaping, hitik sa iba’t ibang uri ng bulaklak at napapalibutan ng matatayog na puno. Nakadagdag pa sa romantic atmosphere ang mga fairy lights na nakasabit sa paligid.Makapal din ang hamog na bumabalot sa resort. Kung ibang pagkakataon siguro, maiisip kong napakaganda at ka-romantic ng lugar na iyon. Perfect para sa mga magkasintahan at may itinatagong kabit. Pero hindi para sa akin ang lugar na ‘to. Ang sakit isipin ng katotohanang ni-reserve ni Rayver an
VIVIAN“May relasyon ang asawa ko at ang asawa mo, alam mo ba ‘yon?”Naibuga ko ang soda bago ko pa man ito mainom. Mabilis kong ibinaba ang tall glass sa mesa at ilang beses na kumurap habang nakatitig kay Dante Rios. Baka mali lang ang narinig ko. Baka may ibang ibig siyang sabihin. Hindi ako kayang lokohin ni Rayver. Mahal ako ng asawa ko. Alam ko iyon. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya.“Mr. Rios,” maingat kong sabi. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo.”Hindi man lang gumalaw ang mukha ni Dante. “Mukha ba akong nagbibiro?”Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. By the looks of it, he was ready to commit murder. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kalkulado ang bawat galaw. Pero kahit na, hindi ibig sabihin na paniniwalaan ko agad ang ibinibintang niya kay Rayver.“Lilinawin ko lang, ha, mahal ako ni Rayver,” mariin kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “Hindi niya ako kayang gaguhin.” Bahagyang bumuntong-hininga si Dante. “I thought the s







