Masuk
Darlene's POV
Birthday ng CEO namin ngayon. Napakabihira naming makita ang CEO ng kumpanya. Matangkad, matipuno, gwapo, at laging seryoso ang ekspresyon. Isa siya sa mga taong kahit hindi nagsasalita ay kayang patahimikin ang buong paligid. Napakaistrikto niya at halos lahat ng empleyado ay takot lapitan siya. Tanging tuwing kaarawan lamang niya kami nagkakaroon ng pagkakataong makita siya nang personal dahil taun-taon siyang naghahanda ng isang marangyang selebrasyon para sa lahat ng empleyado. Punong-puno ng ilaw at dekorasyon ang buong bulwagan. May live band, masasarap na pagkain, at masasayang tawanan ang maririnig sa bawat sulok. Nang umakyat sa entablado ang CEO, agad na napunta ang lahat ng atensyon sa kaniya. Kasama niya ang kaniyang kasintahang si Tina, isang sikat at napakagandang fashion model. Habang magkatabi silang nakangiti at magkahawak-kamay, hindi ko napigilang mapangiti. Bagay na bagay sila. Parang mga karakter sa isang fairy tale na nabuhay sa totoong mundo. Halata sa paraan ng pagtitig ng CEO kay Tina kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya alintana ang dami ng taong nakatingin habang marahan niyang inayos ang buhok ng nobya at hinawakan ang kamay nito. Napabuntong-hininga ako. "Sana all," bulong ko sa sarili habang pilit na ngumingiti. May boyfriend din naman ako. Si Jovert. Pero malayong-malayo ang relasyon namin sa nakikita ko sa entablado. Kailanman ay hindi siya naging sweet sa akin. Hindi niya ako ipinapakilala sa mga kaibigan niya, ni minsan ay hindi niya ako ipinost sa social media. Kapag magkasama kami sa labas, pakiramdam ko ay para lang akong anino na naglalakad sa tabi niya. Minsan naiisip ko... Nahihiya kaya siya sa akin? Hindi naman kasi ako kagandahan. Wala rin akong mamahaling damit o branded na bag. Palagi lang akong nakasuot ng simpleng blouse at lumang pantalon. Mas inuuna ko kasing gastusan ang pangangailangan namin kaysa sa sarili kong luho. Paulit-ulit na akong sinasabihan ng mga kaibigan kong sina Bea. "Darlene, ginagamit ka lang ni Jovert." "Ginagawa ka lang niyang ATM." "Hindi ka mahal niyan." Hindi ko sila pinapakinggan. Dahil mahal ko si Jovert. Sa tuwing may kailangan siya, ako ang unang tumutulong. Kapag kapos siya sa pera, ako ang sumasalo. Kapag may problema siya, ako ang unang nilalapitan. At ako namang tanga... Palaging nandiyan. Ilang beses ko na rin siyang nahuling nagtataksil. May mga babaeng katext. May mga litrato. May mga chat na malinaw na malinaw ang ibig sabihin. Pero sa tuwing umiiyak siya at humihingi ng tawad... Pinapatawad ko. Dahil umaasa akong balang araw ay magbabago siya. Pero hanggang kailan? Naputol ang pag-iisip ko nang maramdamang naiinitan ako sa loob ng bulwagan. Tahimik akong lumabas at nagtungo sa hallway upang makahinga. Hindi ko inaasahang sa simpleng paglabas na iyon... Magbabago ang buong buhay ko. Pagdating ko sa madilim na bahagi ng hallway, bigla akong napahinto. Parang tumigil ang oras. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Naroon si Jovert. At sa harapan ko mismo... Masaya siyang nakikipaghalikan kay Mia. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito habang nagtatawanan pa sila sa pagitan ng kanilang mga halik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Unti-unting nabasag ang puso ko. Masakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko'y may humahawak sa dibdib ko at dahan-dahang pinipiga ang puso ko hanggang mawalan ako ng hininga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong lapitan sila at tanungin kung bakit. Pero wala akong nagawa. Nanatili lang akong nakatayo habang unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Huminga ako nang malalim. Pinilit kong lunukin ang lahat ng sakit. Hindi ako gagawa ng eksena. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahang makita akong wasak. Kaya marahan kong pinunasan ang aking mga luha, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang aking labi, saka dahan-dahang tumalikod. Tahimik akong lumayo. Iniwan ko sila sa kadilimang iyon... Habang dala-dala ko ang isang pusong tuluyan nang nadurog. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom mula sa aking baso, tila ba sa bawat lagok ay unti-unti kong nilulunod ang sakit na sumasakal sa aking dibdib. Umaasa akong kahit panandalian lang, mababawasan ang kirot na iniwan ng pagtataksil ni Jovert. "Uy, dahan-dahan naman!" nag-aalalang saway sa akin ni Rhian habang hinahawakan ang braso ko upang pigilan akong muling uminom. "Hayaan mo na nga siya, Rhian! Minsan lang naman. Hayaan mong ma-enjoy ni Darlene ang gabi. Cheers!" masayang sabat ni Andy, ang bakla naming officemate, sabay taas ng kaniyang baso. Napangiti ako at marahang itinama ang baso ko sa kanila. "Cheers..." Muli akong uminom. Hindi ko napigilang matawa nang mahina sa mga kalokohan ni Andy. Unti-unti nang umiinit ang pakiramdam ko. Ramdam kong tumatalab na ang alak sa sistema ko. Kahit paano, gumagaan ang mabigat kong dibdib at tila unti-unting namamanhid ang pusong kanina lang ay halos madurog sa sakit. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakahinga ako nang maluwag. Habang abala ang lahat sa pagkain, pag-inom, at pagsasayaw, kusa namang napadako ang aking paningin sa entablado. Naroon pa rin ang aming CEO. Si Matthew Sterling. Matangkad, matipuno, at napakaguwapo. Kahit simpleng itim na suit lang ang suot niya, kitang-kita pa rin ang kaniyang karisma. Tahimik lamang siyang nakatayo ngunit sapat na iyon upang makuha ang atensyon ng buong bulwagan. Katabi niya ang kaniyang kasintahan na si Christina Perez, isa sa pinakasikat na fashion model sa bansa. Napakaganda nito—makinis ang kutis, elegante ang tindig, at parang perpekto sa bawat anggulo. Habang nakangiti silang magkatabi, para silang mga karakter sa isang romance movie. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak o ng sakit na nararamdaman ko, pero bigla akong napaisip. Cheater din kaya siya kung naging boyfriend ko siya? Napatitig ako kay Matthew habang tahimik na tinatanong ang sarili. Napangiti ako nang mapait. Siguro... Sino nga ba naman ang hindi matutuksong humanap ng iba kung katulad kong ordinaryo, pangit, at baduy ang magiging nobya? Wala akong makinis na kutis na tulad ni Christina. Wala rin akong mamahaling damit, branded na bag, o perpektong mukha na kinahuhumalingan ng mga lalaki. Isa lang akong simpleng empleyado na halos hindi mapansin sa dami ng tao. Marahil... Hindi nga ako sapat. Napailing ako sa sarili kong iniisip. "Ano bang pinagsasasabi mo, Darlene?" bulong ko habang napapangiti nang mapait. Imposible. Napakaimposible. Ang isang lalaking tulad ni Matthew Sterling ay hinding-hindi lilingon sa isang babaeng katulad ko. Magkaibang-magkaiba ang aming mundo. Siya ang CEO ng Sterling Corporation. Ako? Isa lamang akong ordinaryong empleyada na madaling palitan. Kahit siguro dumaan ako sa harapan niya araw-araw... Hindi man lang niya mapapansin ang presensya ko.Darlene POV "I need the report on my desk tomorrow morning," malamig na utos ni Matthew habang hindi man lang ako tinitingnan. "Pero bago ka umuwi, dumaan ka muna sa flower shop." Inabot niya sa akin ang isang maliit na card. "Ibigay mo ang bouquet na ito kay Tina. At sabihin mo sa kaniya na pupunta ako mamaya sa condo niya." Saglit akong natigilan. Kung pupuntahan din naman niya mamaya... bakit hindi na lang siya mismo ang bumili ng bulaklak? Ngunit hindi ko na iyon sinabi. Hindi ako narito para magtanong. Isa lang akong empleyado. Mahigpit kong tinanggap ang card at bahagyang yumuko. "Opo, Sir." Hindi na siya muling nagsalita. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga dokumentong nasa mesa, hudyat na tapos na ang aming pag-uusap. Tahimik akong lumabas ng kaniyang opisina, bitbit ang panibagong utos na kailangan kong sundin. Pagsapit ng uwian, hinanap ko si Jovert. Nakita ko siyang masayang nakikipagkuwentuhan kay Mia. Pareho silang nasa Sales Department.
Darlene's POVMahigpit kong hinawakan ang ID lace na suot ko upang pigilan ang panginginig ng aking mga kamay.Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napili.Sa dami ng empleyado sa Sterling Corporation...Bakit ako?"May problema ba, Miss Flores?" malamig na tanong ni Matthew.Mabilis akong umiling."W-Wala po, Sir.""Good."Lumakad siya pabalik sa kaniyang swivel chair at naupo. Marahan niyang binuklat ang ilang dokumentong nasa kaniyang mesa bago muling tumingin sa akin."Simula ngayon, ikaw ang mag-aayos ng schedule ko, sasama sa lahat ng meetings, at hahawak sa mga confidential files ko."Napakurap ako."Sir... wala po akong experience bilang executive assistant.""I know."Lalo akong nagtaka."Pero matututo ka."Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko'y may ibang ibig sabihin ang bawat salitang binibitawan niya.Hindi ito simpleng promotion.Parang...May gusto siyang patunayan."Angela."Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya."Yes, Sir?""Ipakita mo kay Mis
Nabulabog ang buong paligid sa lakas ng sigawan at sa kaguluhan sa pagitan nina Andy at Jovert. Ilang empleyado ang napalingon at nagsimulang lumabas ng bulwagan upang alamin kung ano ang nangyayari sa madilim na pasilyo.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, walang sinuman ang nakapansin sa isang pinto na bahagyang nakabukas.Sa likod niyon ay may isang pares ng malamig na matang tahimik na nakamasid sa buong eksena.Si Matthew.Matthew's POVNakatayo ako sa gilid ng pinto habang nakakrus ang aking mga braso, malamig na pinagmamasdan ang lalaking nagwawala at ang babaeng nakaluhod sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak.Mabuti nga sa'yo... malamig kong bulong sa aking sarili habang mariing nakakuyom ang aking panga. Nilagyan mo pa pala ng droga ang inumin ko para lang makuha ang gusto mo.Galit at matinding disgusto ang bumabalot sa buo kong pagkatao.Kaya pala bigla na lamang akong nawalan ng katinuan kagabi. Kaya pala nagdilim ang paningin ko at napagkamalan ko pa siyang si Christi
Darlene POVNabalot ng matinding takot at panlalamig ang buo kong katawan. Mabilis kong hinila ang kumot upang takpan ang aking sarili, habang nanginginig ang aking mga kamay sa labis na pagkabigla."Walanghiya ka! Niloko mo ako!" sigaw muli ni Jovert. Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit at panlulumo. Ang lalaking nahuli kong nakikipaghalikan kay Mia ilang oras lamang ang nakalipas ay ngayon nagwawala sa harap ko, na para bang siya pa ang pinakamalaking biktima sa mundong ito."Anong kaguluhan 'to?!"Ang malamig at maawtoridad na boses ni Matthew ang pumuno sa buong silid.Napatingin siya sa aming dalawa—kay Jovert na nagwawala at sa akin na nakabalot lamang ng kumot. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mula sa pagiging antok, napalitan iyon ng matinding pagkabigla at disgusto nang unti-unti niyang maunawaan ang sitwasyon."What the heck?!" malakas at galit niyang sigaw.Walang pag-aalinlangan at tila wala nang pakialam sa sarili niyang kalagayan, mabilis s
Darlene POV Bahagyang natigilan si Matthew sa bigla kong pagtugon. Ngunit panandalian lamang iyon. Nang muli niyang itinaas ang kaniyang paningin sa akin, may kakaibang emosyon na nakalarawan sa kaniyang mga mata—parang may matagal na siyang kinakalaban sa kaniyang sarili. Nanatili akong nakapikit. Sa isip kong balot pa rin ng alak, paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili na isa lamang itong panaginip. Isang panaginip na ayaw kong matapos. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat ng katahimikang bumabalot sa silid. Parang may gusto siyang sabihin. Parang may matagal na siyang kinikimkim. Mahina akong napahawak sa kaniyang balikat, pilit na hinahanap ang balanse ng sarili kong katawan. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung epekto pa ba iyon ng alak o ng taong nasa harapan ko. Sandali siyang tumigil. Narinig ko ang magulo niyang paghinga, kasunod ang halos hindi marinig na buntong-hininga. Para bang may p
Darlene POV Lumalim na nang husto ang gabi. Hindi ko na mabilang kung ilang baso ng alak ang naubos ko. Ang alam ko lang, ang huling tagay na ininom ko ang tuluyang nagpaikot sa aking paningin. Sobrang bigat na ng aking ulo. Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang aking mga tuhod. Ang tanging nais ko na lamang ay makahanap ng tahimik na lugar kung saan maaari akong makapagpahinga kahit sandali. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng maingay na bulwagan. Pasuray-suray ang aking mga hakbang habang pilit na nilalabanan ang hilo. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, bigla kong naramdaman ang isang malakas na kamay na humawak sa aking bisig. "Wait..." mahina kong usal habang hinahawakan ang aking sentido. Hindi na ako nakapagtanong. Sa isang iglap, marahan ngunit mabilis niya akong hinila papasok sa isang madilim at tahimik na silid. Bumungad sa akin ang malamlam na ilaw at ang katahimikang taliwas sa ingay ng selebrasyon sa labas. Bago pa man ako makapag-isip, naram







