LOGINKahit pagod na ako sa kakaisip at kakapasa ng proposal sa iba't ibang dairy, green, and vegetable companies, pinili ko pa ring magtrabaho kahit inaantok na ako kaysa humiga na lang sa kama.
Wala namang kusang mahuhulog na grasya sa akin kung hihilata lang ako, lalo na't sunod-sunod ang dagok na natanggap ko nitong mga nakaraang araw. Rejected na nga ang proposal ko; sinabayan pa ng problema sa girlfriend ko. Este. Ex-girlfriend ko na nga pala. Si Nise Takanaka, na inaasahan kong magiging business partner ko sana, ay hindi man lang pumirma sa proposal ko. Instead, ni-reject niya iyon pagkatapos kong mag-present nang labinlimang minuto. Fifteen minutes. Iyon lang ang itinagal ng proposal ko bago niya tuluyang tinanggihan. Samantalang ilang araw akong naglaan ng oras at effort para lang makapunta sa Japan. Nise-neryoso ang deal. Napailing ako sa sarili kong biro habang patuloy na naglalagay ng patuka sa mga alaga kong manok. Nang matapos, nagtungo naman ako sa kulungan ng mga baka. Paliliguan ko muna sila bago gatasan. Buti pa ang mga baka, puwedeng gatasan. At least, may napapala ako sa kanila. Isinuot ko ang gloves ko at kinuha ang mga gamit na kailangan sa paglilinis ng katawan ng mga alaga ko. Binasa ko ang isa sa mga ito bago ko ito nilagyan ng sabon at marahang ipinahid sa katawan ng baka. Habang hinihilod ko ang tagiliran nito, bigla na namang pumasok sa isip ko ang lalaking naka-one-night stand ko sa Japan. His broad shoulders. His well-built body. His annoyingly handsome face. At ang mga mata niyang maamo, na para bang kapag tinitigan ka niya, kaya ka nitong helehin hanggang makalimutan mo ang lahat ng problema mo. Ack! Napahinto ako sa pagkuskos. Nababading na naman ako! Napailing ako, pilit na inaalis ko sa isip ang mukha ng lalaking iyon. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa utak ko? Hindi ko nga alam ang buong pangalan niya! Dahil sa inis sa sarili, bahagya kong nahampas ang likuran ng baka. Agad itong umatungal, na para bang nagrereklamo sa ginawa ko. “Sorry na, ha!” natatawa kong sabi habang marahang hinimas muli ang likuran nito. “Kinikilig lang ang amo mo.” Napakamot ako sa ulo bago ako nagpatuloy sa pagpapaligo sa kanya. “’Wag kang maingay. Baka malaman nilang may problema na naman ang puso ng amo mo.” Umiling ako at napabuntong-hininga. Get a grip, Xanthie. Isang gabi lang iyon. Walang pangalan, walang numero, at walang usapang magkikita pa kami. So, bakit ba hindi ko pa rin siya makalimutan? “Hoy! Bakla ka! Bakit para kang inasinang bulate diyan?” tanong ni Kath, na bigla na lang namang sumulpot kung saan. Napapitlag ako nang bahagya bago tumikhim at inayos ang postura ko. Seryoso kong inayos ang ekspresyon ng mukha ko, para bang wala akong ginagawang kahina-hinala. “Pinagsasasabi mo diyan?” maang-maangan kong tanong, sabay taas ng kaliwang kilay. “Tanggi ka pa, eh, huli ka na diyan!” sagot niya habang nakapamaywang. “May paghampas ka pa kay Milky!” Hindi ko na siya pinansin at lumipat sa isa pang baka. “Wow. Dedma?” narinig kong sabi niya sa likuran ko. Nagkunwari akong abala sa ginagawa ko. Wala akong balak umamin na nahuli niya akong kinikilig mag-isa. Baka kung saan pa makarating ang bibig ng babaeng 'to. “Oh, cellphone mo pala.” Iniabot niya sa akin ang phone ko. “May mga missed call ka. Tapos may message pa. Parang galing sa isang kumpanya yata.” Agad akong napalingon sa kanya. “Kumpanya?” Tumango siya at iniabot ang cellphone. “Check mo kaya? Baka may magandang balita na sa wakas. Hindi puro rejection ang natatanggap mo.” Napatingin ako sa screen habang inaabot ko ang cellphone mula sa kanya. Sana nga, Kath. Sana nga. Tinapos ko muna ang pagpapaligo sa mga baka bago ko kinuha ang cellphone ko. Baka kasi rejection na naman ang bumungad sa akin at tuluyan akong mawalan ng gana sa pagtatrabaho. I needed a break from all the disappointments, kahit pa trabaho lang ang tanging paraan para hindi ako masyadong mag-isip. Binasa ko muna ang mga mensahe mula sa notification bar. Puro “Good day! I'm sorry…” at kung anu-ano pang paliwanag na hindi ko na kailangang basahin nang buo. Blah, blah, blah. Mga rejection na naman. May ilan ding mensahe mula sa ex-girlfriend ko na lalo lang nagpalala ng iritasyon ko. Hindi ko na pinag-aksayahan ng oras ang pagbukas ng mga iyon. I swiped them away and scrolled through the rest of my notifications. Then, may isang mensahe sa itaas na agad na nakakuha ng atensyon ko. Napahinto ang daliri ko sa pag-scroll. Hi. Good day, Ms. Que Azcona. We are from…. Hindi ko naituloy ang pagbabasa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang paulit-ulit na binabasa ang unang linya. Wait. We are from… where? Agad kong binuksan ang mensahe; halos hindi na napapansin ang ngiting unti-unting nabubuo sa labi ko. Please, let this be good news. Hi. Good day, Ms. Que Azcona. We are from Zobel Terra Corporation, a company specialising in organic products and sustainable agricultural distribution. We have reviewed your business proposal and are interested in learning more about your farm, its products, and your proposed partnership with our company. We would like to invite you to present your proposal in person today after lunch, at 2:00 PM. During the meeting, we hope to discuss your farm’s production capacity, product quality, pricing, and distribution arrangements. Please let us know if you are available so we can confirm the meeting details. We look forward to hearing from you. Best regards, Zobel Terra Corporation Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang mensahe. Ilang beses ko pang kinurap ang mga ito. Baka kasi nagloloko lang ang paningin ko. Wait. What? May gustong makipag-meeting sa akin? At hindi para tanggihan ang proposal ko? Napahawak ako sa dibdib ko habang muling binabasa ang mensahe. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o sisigaw sa sobrang tuwa. After all the rejections I received, may isang kumpanyang interesado pa rin palang makinig sa akin. “Holy shit!” bulalas ko. “Ano na naman?” tanong ni Kath mula sa likuran ko. Lumingon ako sa kanya, hawak pa rin ang cellphone ko. “Kath!” “Ano?” Napakunot ang noo niya. “Bakit parang nanalo ka sa lotto?” “May nag-reply sa proposal ko!” Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko. “They want to meet me! Today! After lunch!” “Ha? Seryoso ka?” Mabilis kong iniabot sa kanya ang cellphone ko para mabasa niya ang mensahe. Ilang segundo siyang tahimik na nagbabasa bago ngumiti. “Finally! May matinong kumpanya rin pa lang na marunong mag-reply.” “Hoy, baka marinig ka ng ibang kumpanya!” “Eh, totoo naman!” balik niya, sabay abot sa cellphone ko. “So, ano pang hinihintay mo? Maghanda ka na. Presentation mo 'yan!” Napatingin ako sa oras, saka sa sarili kong damit na may mga bahid pa ng tubig at sabon mula sa pagpapaligo sa mga baka. Shit. After lunch ang meeting. Kailangan ko pang maghanda, ayusin ang proposal ko, at siguraduhing kaya kong sagutin ang mga posibleng tanong nila tungkol sa farm. Unti-unting napalitan ng kaba ang saya ko. What if I mess this up? What if they reject me, too? “Hoy.” Tinapik ni Kath ang balikat ko. “Huwag mong unahan ang sarili mo. This is another opportunity, Xanthie. Gawin mo lang ang best mo.” Huminga ako nang malalim at tumango. Tama siya. Hindi ako nagtrabaho nang husto sa farm para lang sumuko dahil sa ilang rejection. This time, I would make sure they saw what my farm was capable of. At sana, sa pagkakataong ito, may isang taong handang makinig hanggang sa matapos ako.Xanthie Que AzconaI straightened my blazer bago bumalik sa reception area, hoping na hindi halata sa mukha ko ang gulat na naramdaman ko kanina.Professional, Xanthie. Be professional.Nandito ka para sa business, hindi para makipag-away sa lalaking naka-one-night stand ka sa Japan.Paulit-ulit kong sinabi iyon sa sarili ko habang naglalakad papunta sa receptionist.“Excuse me. I'm here for the two o'clock meeting with Zobel Terra Corporation.”Tumingala ang receptionist mula sa computer niya at ngumiti sa akin.“Yes, Ms. Que Azcona. We've been expecting you. Please take a seat. Someone will come to escort you to the conference room shortly.”“Thank you.”Umupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan at inilagay sa kandungan ko ang proposal. Habang naghihintay, muli kong sinilip ang mga notes na inihanda ko.Production capacity. Product quality. Pricing. Delivery schedules.Kabisado ko na a
Hindi ko na natapos ang mga gawain ko sa farm. Ipinasa ko muna kay Kath ang ilan sa mga aasikasuhin ko bago ako nagmamadaling pumasok sa bahay para maghanda at magtungo sa kumpanya.Hindi ko puwedeng palampasin ang pagkakataong ito. After all the rejections I received, finally, may isang kumpanyang gustong makinig sa proposal ko.Sana nga lang, hindi ito mauwi sa panibagong disappointment.Pagpasok ko sa kuwarto, agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Tinanggal ko ang amoy ng sabon at kulungan ng mga hayop sa katawan ko bago nagbihis ng maayos. I chose a simple but presentable outfit—something comfortable enough for me, pero professional pa rin tingnan.Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko at ilagay ang mga dokumento sa bag, kinuha ko ang proposal na ilang araw kong pinagpaguran.I checked everything one last time.Product details. Production capacity. Pricing. Delivery arrangements.Walang puwedeng makaligtaan.
Kahit pagod na ako sa kakaisip at kakapasa ng proposal sa iba't ibang dairy, green, and vegetable companies, pinili ko pa ring magtrabaho kahit inaantok na ako kaysa humiga na lang sa kama.Wala namang kusang mahuhulog na grasya sa akin kung hihilata lang ako, lalo na't sunod-sunod ang dagok na natanggap ko nitong mga nakaraang araw. Rejected na nga ang proposal ko; sinabayan pa ng problema sa girlfriend ko.Este. Ex-girlfriend ko na nga pala.Si Nise Takanaka, na inaasahan kong magiging business partner ko sana, ay hindi man lang pumirma sa proposal ko. Instead, ni-reject niya iyon pagkatapos kong mag-present nang labinlimang minuto.Fifteen minutes.Iyon lang ang itinagal ng proposal ko bago niya tuluyang tinanggihan. Samantalang ilang araw akong naglaan ng oras at effort para lang makapunta sa Japan.Nise-neryoso ang deal.Napailing ako sa sarili kong biro habang patuloy na naglalagay ng patuka sa mga alaga kong manok
Tynan's POVNaiinis kong kinuha ang cellphone ko sa nightstand at sinagot ang tawag. Ang aga-aga, mambubulag ng kung sinong Poncio Pilato na ’to. “What?” tiim-bagang kong tanong. “Where the hell are you? Isang oras na lang, flight na natin!” sigaw ni Ceazar sa kabilang linya. Napabalikwas ako nang bangon at dali-daling kinuha ang damit kong nakasabit sa upuan. “Shit! I'm on my way.” Agad kong pinatay ang tawag at minessage ko kung saang hotel ako para sabay na kaming magpunta sa airport. Nagmamadaling nagbihis. Then I noticed something. The woman I had spent the night with was nowhere to be found. Napakunot ang noo ko habang nililibot ng tingin ang silid. Wala siya sa banyo dahil walang lumalagaslas na tubig mula roon. Wala rin ang mga gamit niya sa mga lugar kung saan ko huling nakita ang mga iyon. She had already left. Napailing ako at bahagyang nainis sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. I was usually the one who left first. No awkward goodbyes, no unnecessary conversati
“It's not my place to tell you what to do.” Sumulyap siya sa bartender. “But maybe you should drink some water first.”Tinitigan ko siya nang walang gana. “Do you always act like this?”“Like what?” tanong niya.“Like you care,” sagot ko habang nakatitig sa kaniya.Bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi niya bago siya sumandal sa upuan.“Not always.”For some reason, mas matagal ko siyang pinagmasdan pagkatapos niyang sabihin iyon.Maybe it was the alcohol. Maybe it was the exhaustion. Or maybe sawa na lang akong ubusin ang buong gabi sa kakaisip sa isang taong pinili na ang iba.“Are you here alone?” tanong ko.“Business trip. I don't know many people in Tokyo.” Tumingin siya sa akin. “What about you?”Napabuga ako ng hangin bago sumagot. “Same. Also here for business. It didn't go very well.”“I'm sorry.”“Don't be. Hindi naman ikaw ang tumanggi sa proposal ko.”“Th
Xanthie's POVAlam mo yung masakit? When you lose everything and realize na hindi titigil ang pag-ikot ng mundo dahil unti-unti nang gumuguho ang sa'yo.Patuloy pa rin ang buhay ng lahat. At tanging mundo mo lang ang nasa ganoong sitwasyon.Sa paligid ko, may mga magkasintahang naghahalikan sa gilid ng kalsada, habang ang iba naman ay naglalakad nang magkahawak-kamay, may matatamis na ngiti sa mga labi. Sa loob ng mga restaurant, maririnig ang tawanan ng mga pamilyang nagsasalo-salo, tila walang ibang iniisip kundi ang kasiyahang dulot ng gabing iyon.Tokyo was alive with lights and music.The city was beautiful, vibrant, and full of life.Pero bakit pakiramdam ko ako lang ang unti-unting nilalamon ng kadiliman?'Bakit?'I asked myself that question, even though I already knew the answer.Pumasok ako sa isang club kung saan malakas ang tugtog at sari-saring ilaw ang nagsasayawan sa paligid, kasabay ng indak ng mga taong tila walang bukas na kailangang isipin.Sa club.I'm not here to







