Share

CHAPTER 1

            MALAYANG iginala ni Ehra ang buong paningin sa palibot nang NAIA Terminal 1 pagkababa niya ng nasabing paliparan. It’s been five years simula noong mag-migrate siya sa US kasama ng kanyang buong pamilya. Magkakahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng dalaga sa mga oras na iyon.

             It’s nice to be back, Ehra! Masayang saad niya sa sarili, saka siya humakbang palabas ng paliparan bitbit ang isang malaking maleta at shoulder bag. Her plan is a 2-months vacation.  Pero mukhang matatagalan siya lalo’t sobrang namiss niya ang Pinas, especially her old friends.

            Nasaan na kaya sila?

           “Monangggg!” Natigilan si Ehra nang marinig niya ang malakas na tinig na iyon na tumawag sa palayaw niya. Bahagya siyang natawa nang marinig ang tila wangwang na tinig ng bestfriend niyang si Darla at ang palayaw na sinambit nito. Iyon ang palayaw niya na limang-taon na ring walang tumatawag sa kanya ng ganoon. Her friends and relatives in States used to call her first name Ehra.

           Si Darla ang sumundo sa kanya sa airport at sa flat din niya ito siya pansamantalang tutuloy. They already sold all their properties and house here in the Philippines since her family migrated in the US.

            “Nice to see you again, beshy. My God! You’re still sexy and fabolous!” salubong ni Darla, sabay yakap.

            Gumanti din siya ng yakap rito. “Same here, beshy. Pero in fairness, mas sexy ka sa’kin ngayon!” ganti niya.

            “Bestfriend nga talaga kita. Charotera ka rin kasi tulad ko! Pero walang echos, mala-Diyosa pa rin ang ganda mo bakla!”

            “Ganu’n?”

            “Naman! Kaya don’t forget my Louis Vuitton bag, okay?”

            “Kaya naman pala, e!”

            “Charot lang!”

             Hagalpakan ulit sila ng tawa ni Darla.

           

             HABANG nasa daan papuntang Q.C. ay panay pa rin ang hagalpak nila ng tawa ni Darla. One thing she really liked most about her bestfriend is having a good sense of humor. Laughing trip basta ito ang kasama niya. No dull moment. Hindi rin ito nauubusan ng kuwento. Laging may baon na chika.

             “Kumusta naman ang lovelife natin, beshy?” out of nowhere ay biglang tanong ni Darla. They never really talk about her lovelife on chat or even phone since she went to US. Usually ay simpleng kumustahan lang at ibang topic na hindi involve ang lovelife niya ang napag-uusapan nila. Kaya wala itong ideya sa estado ng kanyang buhay-pag-ibig. Isa pa, she’s always discreet about it.

              She took a deep sighed. “I have nothing to share about my lovelife ‘coz I never had a boyfriend for almost two-years now,” pagtatapat niya. “And I think all men are just the same. Mga manloloko! Kaya I’d rather be single than having a boyfriend who will only cheat me in the end,” puno ng sarcasm na dugtong niya.

              “Big word! Pero teka, was it mean na bago kay Dwight ay may ilang lalake pa ang dumating sa buhay mo na niloko ka?” namilog ang mga mata nito.

              “Isa lang. Si Paul. He’s pure Filipino. At wala siyang pinagkaiba kay Dwight!” umirap siya pagkabanggit sa pangalan ng first ex-boyfriend niya five-years ago.

              Napansin ni Darla ang biglang pagbabago ng timpla ng mukha niya habang nagmamaneho ito. Hindi nakaligtas rito ang naging reaksiyon niya.

              “Do you still hate Dwight after all these years?”

              “Hey! Change topic, Darla. Ayaw ko na siyang pag-usapan pa. Besides, that was five years ago. Ni hindi ko na nga maalala ang mukha ng mokong na ‘yun. In fact, kung ‘di mo pa binanggit ang pangalan ng unggoy na ‘yun, hindi ko maaalala na nag-eexist pala siya!” pasuplada niya. “And what happened between me and Paul has nothing to do with him. It just that, pareho lang silang nagloko. Mga two-timer. That’s it!”

             “Pero ganu’n din ‘yun, teh. Si Dwight man ‘yan o si Paul, para sa’yo lahat ng lalake ay manloloko na. Kaya ba binuburo mo na lang ‘yang beauty mo ngayon? As in maski date, waley?”

             Tumango siya. “Wala akong time. I’m a very busy person. Isa pa, work muna ang focus ko ngayon. Saka na ‘yang love-love na ‘yan. Teka nga, ikaw kumusta na kayo ni papa Henry?” pagliliko niya.

              Bahagya siyang natawa sa reaksiyon ni Darla pagkabanggit sa long-time boyfriend nito na si Henry for almost 10-years. Para itong teenager na kilig na kilig with matching beautiful eyes pa.

              “We’re going strong ng bebe ko. Actually, we’re planning to get married next year,” masayang tugon ni Darla.

              “Talaga? Wow! Congrats, beshy. Huwag mo nang pakawalan si Henry. Kokonti na lang ang lalaking tulad niya sa mundo na stick to one at hindi babaero.”

              “Korek! Kaya nga kung ako lang sana ang masusunod ay ngayong taon na kami magpakasal. Kaso, marami pa kasing workload sa office ang lolo mo ngayon. Isa pa, naka-set na ‘yung mga out-of-the country na trips niya na related sa work this year. Alam mo naman ang isang iyon, workaholic din na tulad mo!”

              “Kukunin mo ba akong bride’s maid sa kasal niyo?”

              “Oo naman! Ayaw mo? Saka, mukha namang magatatagal ka dito sa Pinas, diba? O kaya isang buong taon ka na lang muna dito. Ikaw naman ang boss sa office n’yo, diba?”

           Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. “Naku, isang hamak na sexytarya lang ako, ‘no?”

           “Sus! Huwag ka nga d’yan! Kuya mo nga ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo sa ‘Tate, e. Kaya kahit kailan mo gustong bumalik doon ay keri boom-boom lang. Hindi ka naman siguro sisisantehin ng mahal mong kuya.”

           “Hindi rin siguro. Iba ang relasyon namin ni Kuya Isaac kapag pareho kaming nasa trabaho. ‘Ika nga, trabaho lang, walang personalan. Which I think ay tama lamang. Hindi porke’t kuya mo ang may-ari ng kumpanya ay magfi-feeling bossing na rin ako, diba? Yes, I’m one of the managers, pero I don’t think I have the right to act like a big boss. Saka, mahal ko ang trabaho ko, ‘no?”

          “I agree. Pero beshy, pa’no kung gawin mo na lang isang taon ang bakasyon mo rito? Don’t worry, aampunin kita.”

         Natawa siya. “Wala naman akong ganu’n ka-importanteng kailangang gawin dito para umabot ng isang taon. I guess, 2-months is enough. Kung hindi nga lang sa balak kong pagpapatayo ng negosyo sa probinsiya, hindi pa siguro ako magbabakasyon ng Pinas. Lahat ng family ko nasa America. Isa pa, ayaw kong maging pabigat sa’yo.”

          “Naku, wala ‘yun. Who knows? Baka dito mo na mahanap ang soulmate mo, diba?”

          “Hindi totoo ang soulmate, ‘no? Para lang ‘yan sa mga baduy at OA mag-isip.”

          “Ouch! Sakit naman nu’n. Ako kasi, naniniwala sa soulmate. And Henry is my soulmate.”

          “Well, sa case ninyo ni Henry ay hindi soulmate ang tawag doon.”

          Napakunot-noo si Darla. “E ano, aber?”

          “It was---“

          Napahiyaw sila pareho ni Darla nang biglang umuga ang sinasakyan nilang kotse. Muntik na rin silang mapasubsob sa dashboard ng kotse nang banggain sila sa likod ng kotseng nakasunod sa kanila. Buti na lang at napakapit siya ng mabilis. Kung hindi ay paniguradong sumubsob na ang kanyang mukha.

          Nang ihinto ni Darla ang kotse, agad na lumabas si Ehra para komprontahin ang driver ng kotseng kulay red na bumangga sa kanila na nagpupuyos sa galit. Kahit sinupaman ang poncio pilatong may-ari ng Ferrari na iyon ay hinding-hindi niya sasantuhin. Napaka-reckless at barumbado nito.

Ilang segundo lang ay bumaba na rin ang driver ng Ferrari. Parehong nasa gilid ng national highway ang kotse ni Darla at nang h*******k na lalaking ito.

         Noong una’y hindi sa mukha ng lalake unang napadako ng tingin si Ehra. Matangkad kasi ito at sa hinuha niya ay six-footer ito. Kumpara sa kanya na bansot na biniyayaan lamang ng height na 5’3”. Unang nahagip ng paningin niya ang maskuladong katawan nito na bakat na bakat sa fitted white shirt na suot nito.

         Maskuladong herodes! ang nanggagalaiting saad niya sa sarili. Kahit ganyan kalaki ang katawan nang mokong na ‘to, huwag kang matakot, Monang. Kalmahan mo lang. Laban kung laban. Gamitin mo ang knowledge mo sa taekwando! dugtong niya.

         Nang makalapit ang lalake ay parang natuklaw ng ahas ang dalaga. Ang ngitngit at inis na nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan nang sangkaterbang pagka-shocked. Parang gusto na ring kumaripas ng takbo ni Ehra o kaya ay mag-ala-Darna palipad nang makalayo. Pero huli na. Nasa harapan na kasi niya ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya gugustuhing makita ng araw na iyon.

         Parang naputulan ng dila si Ehra na hindi makapagsalita nang makumpirma na si Dwight nga ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang lalaking dahilan ng matinding kirot at sakit ng kalooban na naramdaman niya five years ago. At ang lalaking minsan din niyang isinumpa!

        “E-Ehra…?” gulat na wika nito. Tinanggal pa nito ang suot na rayban para makumpirma talaga na siya nga ang kaharap nito ngayon.

         Kalma ka lang, Monang! Kalma! paalala niya sa sarili.

         “Dwight???” Si Darla ang nagsalita na nasa tabi na pala niya. Pati ito ay nagulat din nang makumpirmang si Dwight nga ang herodes na kaharap nila ngayon na bumangga sa kotse nito.

         “Look what you’ve done? Ganyan ba talaga kakaskasero at kabalasubas ang mga mayayaman na tulad mo? Akala mo pati ‘tong daan ay pagmamay-ari mo?” pagtataray niya. Hindi niya napigilan ang sarili na tarayan ito nang makabawi mula sa pagkabigla. Parang kakatay ng tao ang hitsura niya.

        “I-I’m sorry… Nahilo kasi ako bigla kaya hindi agad ako nakapagpreno. Don’t worry, I’ll pay for the damage.”

        Lalo siyang nanggalaiti sa sagot nito. “Oh, what an excuse? Pa’no kung hindi lang ‘yan ang naging pinsala sa pagiging reckless mo? Can you just be extra careful when you are driving? O talaga lang na nananalaytay na d’yan sa dugo mo ang pagiging hambog? You almost kill us!”

        “My fault. I’m sorry. Here’s my calling card. Maybe we can fix the damage anytime soon. Just contact me. I’m really, really sorry!” saad nito.

         Hindi niyon nabawasan ang nararamdaman na ngitngit ng dalaga. Kung puwede lang na ihampas rito ang billboard ni Vice Ganda na nakita niya. Hanggang ngayon kasi ay may kayabangan pa rin ito kung magsalita.

         “Okay, Dwight. Since hindi naman ganu’n kagrabe ang pinsala ng kotse ko, we better settle it in a proper way. I’ll call you later,” singit ni Darla, sabay abot sa calling card nito.

         Waring napahiya si Ehra sa sinabi ng matalik na kaibigan. Lalo na nang titigan siya ni Dwight na parang nang-uuyam. Akala siguro nito ay kotse niya ang nabangga nito. Kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya. Kulang na lang ay ipamukha nito sa kanya na: Kotse mo? Kotse mo?

        Well! Mali pa rin ang mokong na ‘to!

        Pagkuwa’y dali-dali na siyang tumalikod pabalik ng kotse. Ayaw na niyang patagalin pa ang eksenang iyon. Lalo’t ang kinamumuhian niyang lalake ang nasa harap niya. Baka kasi hindi siya makapagpigil at ipasagasa pa niya ang herodes na ito sa gitna ng kalsada. Of all people na puwede niyang makita sa araw na iyon, bakit ang mokong na Dwight pa ang pa-welcome surprise sa kanya ng tadhana?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status