ILANG minuto munang nag-usap si Darla at Dwight bago pumasok ng kotse ang matalik niyang kaibigan. Hindi na niya pinag-aksayahan na tingnan si Dwight nang pumasok na rin ito sa kotse nito. Nagpupuyos pa rin siya sa galit dahil sa kayabangan nito. Nasira tuloy ang mood niya.
“Ibang klase ka talaga, beshy. Akala ko ay magkaka-World War 111 na kanina. Hindi naman halatang hanggang ngayon ay nasusuklam ka pa rin kay Dwight, no?” tatawa-tawang sabi ni Darla nang paandarin na nito ang makina ng sasakyan.
Sambakol pa rin ang mukha niya!
“Pero aminin mo, teh. Diba mas guwapo at hot ngayon si Dwight? My gas! Akala ko talaga kanina ay artista na iyong kaharap natin,” eksaheradang dugtong pa nito.
“Alam mo, kesa lumalandi ka riyan, no. Bakit hindi mo man lang ako sinuportahan kanina? At dahil lang sa simpleng sorry na halata namang hindi sincere, ay nakipag-areglo ka na agad sa hambog na iyon?” pag-iiba niya.
“E, ano ba’ng gusto mong gawin ko sa napakainit at mausok na highway? Magtatatalak o kaya jumbagin ko si Dwight? Nag-sorry naman na ‘yung tao diba? Saka, it was an accident at nag-offer din siya na ipagagawa iyong napaka-konting damage lang naman. Kung tutuusin, dapat nga ay matuwa pa tayo dahil hindi tayo tinakbuhan, diba?”
“Ah, basta! Hindi ako pabor sa ginawa mo. Para ka lang nakipagbaratan sa palengke nang walang kaeffort-effort. Dapat nga ay tinuturuan ng leksiyon ang h*******k na mokong na ‘yun, e!”
“Teka, ano ba’ng pinaglalaban mo, teh? Umamin ka nga? Sukdulan pa rin ba hanggang langit ang galit mo kay Dwight hanggang ngayon? Hindi ka pa ba nakakamove-on?”
Pinandilatan niya ang matalik na kaibigan.
“The way you talked, especially noong kaharap mo kanina si Dwight, halatang-halata na galit ka pa rin sa kanya. I thought everything was okay now since it was very long time noong lokohin ka niya. Pero beshy, I must say that you still hate him.”
“Of course not!” mabilis niyang kaila. “Matagal na akong nakapagpatawad. Alam ko rin sa sarili ko na wala na akong galit o kung anupaman na nararamdaman sa kanya. It’s just that, hindi ko lang talaga makontrol ang sarili ko na supladahan siya. Isa pa, I just came from a long trip. Tapos ganito pa ang mangyayari? What would you expect from exhausted, tired and hungry passenger of an airplane for almost 24 hours? Ngingiti lang na parang walang nangyari o kaya magpapacute na parang nagseselfie lang?”
“I understand. But you shouldn’t be so rude to him. Don’t you think you’re being unfair to him? Listen. If you really have forgotten Dwight and forgot everything that happened in the past, hindi ba puwedeng sa susunod na pagkikita niyo ay wala nang tarayan eklavu na makikita sa’yo?”
“As if naman magkikita pa kami ng mokong na ‘yun? Hmpt!” tila siguradong tugon niya.
“Aba! Maliit lang ang mundo, no? Who knows, diba?”
“Ok, fine! Para matapos na ang usapan tungkol sa lalaking ‘yun, hayaan mo, magiging mabait na ako sa kanya. Huwag lang siyang gagawa talaga nang ikakagalit ko. Dahil makikita niya ang bagsik ko!” turan niya, sabay irap.
Pero mas maganda kung hindi ko na siya makita ulit! sabi niya sa sarili.
“Sinabi mo ‘yan, ha? Walang echos?”
Natatawang tinapunan niya ng sulyap ang matalik na kaibigan. “Trulagen! Wa char!”
MADILIM na sa labas nang magising si Ehra mula sa flat ni Darla. Isa iyong high-end na 36th floor building na nasa pinakasentro mismo ng nasabing siyudad. Isa lamang ito sa mga investments ng matalik na kaibigan na ngayon ay may sarili ng pangalan sa fashion industry. Isa itong fashion designer.
Mayamaya’y nakarinig siya ng mga mahihinang yapak. Nasa tapat siya ng bintana sa master’s bedroom. Paglingon niya ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha ng matalik na kaibigan. She was wearing a very simple white flowery blouse. Yet, she still look so stunning!
“Have you rested well?” anito.
“Yeah. Your place is quite beautiful and peaceful. Accesible pa ang place sa lahat. You can find everything here. Are you going to stay here when you and Henry got married?”
“Maybe yes, maybe no. Wala pa kasi kaming final plan about where we stay after our marriage. But Henry got his dream house already in Makati. Medyo malayo nga lang dito sa workplace ko. Anyways, wanna eat?”
“Later, beshy. Busog pa kasi ako sa kinain natin kanina. Saka, I’m on diet,” ngumiti siya.
“Sa payat mong ‘yan nagda-diet ka pa? My goodness! Baka mamaya ay anorexia na ang labas mo niyan.”
Natawa siya sa tinuran ni Darla.
“I’m still enjoying my slim body now. Two years ago, I gained so much weight. I almost freak-out. Kaya ang lola mo, nashokot. So I started losing weight. Kaya ayon, nasanay na rin ako.”
“You know what? You can be a model with your body and face. Perhaps, a magazine model. Wanna try?”
“No, thanks. I couldn’t imagine myself on the limelight. I always wanted to have a peaceful and simple life. Besides, I have a very important thing to do why I came back in the Philippines, remember?”
“Oo nga pala, kelan mo balak pumunta ng Ilocos?”
Ito ang probinsiya ng mga parents niya. Dito rin siya lumaki at nag-aral simula elementary hanggang high-school.
“May aasikasuhin muna ako dito for a while. Tapos, saka ako pupunta ng Ilocos,” sagot niya.
“Beach resort ang business na ipatatayo mo roon, diba? Nice business. Lalo na’t talagang dinarayo ang mga beaches sa Ilocos, especially during summer. Sana makasama ako sa’yo doon ng matagal, beshy.”
“Oo naman! Kaya dapat ayusin mo na ang sched mo this month. Para sumunod ka kaagad sa’kin sa Ilocos. Isa pa, kailangan ko rin ng tulong mo para sa magandang design na gagawin sa resort. Alam kong doon ka expert, e.”
“Ganern? Pa’no pala ako mag-eenjoy kung magwowork lang din ang beauty ko doon?”
“Sira! Suggestions lang naman. Ayaw mo?”
“Hindi, char lang!”
Nagkatawanan silang magkaibigan.
NASA isang sikat na Mall sila ni Darla nang araw na iyon para mamili ng ilang mga gamit. Kaunti lang kasi ang dala niyang gamit. Karamihan na laman ng bagahe niya ay pasalubong para sa mga iba niyang kamag-anak sa Ilocos. Isa pa ay namiss din niya ang mag-unwind sa isa sa mga sikat na Mall sa Pinas. At buti na lang hindi busy ng araw na iyon si Darla kaya nasamahan siya nitong mamili ng mga kailangan niyang gamit. And more thing is that, hindi siya sanay na gumala na mag-isa sa Mall at mas maganda kapag pareho kayo ng taste ng kasama mo sa pagsa-shopping. And her bestfriend Darla is the perfect companion when it comes to shopping. Kaya nga sila nag-click at tumagal na magbestfriend dahil marami silang mga bagay na magkakapareho. They are best of friends since college.
“You miss this place, right?” mayamaya’y untag ni Darla habang naglalakad sila. Kalalabas lang nila sa isang kilalang boutique ng branded shoes.
Tumango siya. “Mas namiss kong gumala at maglibot-libot kasama ka. Sa States kasi ay madalang akong pumunta sa mga Mall. Wala din naman kasing mahila. Isa pa, puro mga tanders na ang kasama ko sa office.”
“Kung nagbo-boyfriend ka na kasi, e ‘di sana ay lagi kang may kasama sa mga lakaran tulad ngayon. Naisip ko tuloy na baka naging manhater na ang bestfriend ko.”
She rolled her eyes. “Here we go again. Unlimited lang, teh? Gutom lang ‘yan. Tara, hanap tayo ng korean restaurant. I wanna eat kimchi,” pagliliko niya sa usapan, sabay hila kay Darla.
Alam niya kasing wala ring patutunguhan kapag topic tungkol sa lalake ang pag-uusapan nila. There are lot of interesting topics to talk to other than men.
MAYAMAYA pa’y nakarating na sila sa isang korean restaurant. Natakam siya sa mga pagkaing tumambad sa kanila nang makita ang menu. Favorite niya ang korean restaurant kahit noon pang nasa US siya.
Pagkatapos umorder ay umupo na sila sa isang bakanteng silya na good for two person.
“Is there anything you want to buy after we eat?” pagdaka’y tanong ni Darla.
Nag-isip siya. “I think I’ve already got everything I need. So I think, wala na. Ikaw? May gusto ka pa bang bilhin?”
“Wala na rin. This is enough for me. Actually, I forgot to tell you that I have to meet someone today. May usapan kasi kami kahapon at baka parating na ‘yun ngayon. I told him to meet me here since nandito na rin lang ako.”
Napakunot-noo siya.
“Is it ok if we go home late?”
“Sure. Maaga pa naman. I’m enjoying myself here, anyway!”
“That’s my girl!”
Tinapunan lang niya si Darla nang malapad na ngiti.
PALABAS na sila ni Darla sa korean restaurant nang magulat siya sa bulto ng isang lalake na biglang tumambad sa harap nila. Alam niyang umarko ang kanyang kilay pagkakita kay Dwight.
At ano ang ginagawa ng mokong na ‘to?
“Hi, ladies! Nice to see you again,” pasuwabeng bati nito, showing his both deep dimples. He was wearing rugged pants and fitted green polo shirt.
“Sama here, Dwight! I didn’t mention you earlier that I’m with Ehra. Nagyaya kasi siya bigla na magliwaliw,” mabilis na tugon ni Darla.
Gusto niyang sabunutan si Darla because she smell something fishy!
“Did Ehra knew why I’m here to meet you today?” anito na kay Darla nakatingin.
“Actually, no,” mabilis na sagot ni Darla, sabay sulyap sa kanya. “Beshy, kaya ako nakipag-meet kay Dwight ay para ipaayos ‘yung gasgas ng kotse ko. I insist na ngayon na kasi the following days ay magiging busy na ako,” paliwanag nito.
Ngani-ngani na niya itong sabunutan, pero pinili niyang kumalma. “It’s ok. Siguro ay mauuna na lang ako sa flat mo.”
“Hindi mo ako sasamahan? Saglit lang tayo.”
Pasimple niyang tinapunan ng makahulugang tingin ang matalik na kaibigan. Pero ang bruha, hindi ma-gets ang nais niyang iparating rito.
I don’t want to go with this jerk! Gusto niyang isigaw kay Darla.
“I think Ehra needs to go to have a rest. Mukhang marami kayong pinamili. Baka kasi maabala siya,” singit ni Dwight matapos siya nitong tapunan ng sulyap.
Kunwari concern ang mokong! Hmpt!
“No, it’s okay. Hindi naman siguro tayo magtatagal sa repair shop. Don’t mind me,” kunwa’y sagot niya. Pero labag iyon sa loob niya. Ayaw lang niya kasing isipin ni Dwight na nag-iinarte siya lalo na ni Darla. Baka isipin pa ng matalik na kaibigan na tinatarayan na naman niya ito.
Ibababa ko muna ng konti ang pride ko! anang bahagi ng isang utak niya.
“Kung ganu’n, let’s go!” ani Darla na nagpatiuna nang naglakad. Wala na siyang choice kundi sumunod na rin dito. Habang sa kabilang side naman si Dwight.
Lord! Give me more patience, please! piping-usal niya.
NAPAKUNOT-NOO siya nang makumpirmang sasama sa isang kotse si Dwight. Akala niya ay dala nito ang sariling kotse. Pero ito pa mismo ang nag-drive sa kotse ni Darla. Doon siya sa likuran umupo at sa tabi naman ni Dwight pumuwesto si Darla. “Kakilala ni Dwight ‘yung may-ari ng talyer kaya mas maganda kung isasama natin siya para mas mabilis tayong makarating sa shop,” tila alam na ni Darla ang nasa isip niya. “Don’t worry beshy, hindi tayo magtatagal doon.” Hindi siya umimik. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya at ease na kasama si Dwight. Kung puwede lang magbago ng isip. Naiinis siya sa sarili na ewan. Kahit kasi anong pilit niyang huwag mainis kay Dwight ay kusang nararamdaman ng dibdib niya ang gayong pakiramdam. She was really confident before that she can act normal na parang walang nangyari o namagitan sa kanila ni Dwight. Pero ngayong muling nagkrus ang kanilang landas, ayaw man niyang aminin, lumalabas na naiinis at nabubuwisit pa rin pala siya sa lalaking
Humigit-kumulang 12 hours din ang biyahe mula Maynila hanggang Ilocos. At kahit mag-isang lumuwas si Ehra ay sulit naman dahil sa mainit na pagtanggap ng mga kamag-anak niya sa father side. Lalo na ang kanyang tito Manuel at ang may-bahay nito. She was overwhelmed with their very warm welcome. "Welcome home, hija!" masayang salubong ni tito Manuel, sabay yakap. "Kamusta ang biyahe, hija?" sabad ni tita Isabel na sa edad na 50 ay hindi pa rin kumukupas ang angking ganda. Sopistikadang-sopistikada pa rin ang dating nito. "Okay lang po. Enjoy," tipid niyang sagot sabay yakap rito. Mayamaya'y sabay-sabay na silang pumasok sa mala-Mansiyon na tahanang iyon ni tito Manuel. He was a retired Navy sa edad na 58. Maaga itong nagretiro dahil mas gugustuhin raw nitong makasama ang buong pamilya habang malakas pa siya. May tatlo itong anak na may kanya-kanya na ring pamilya. Isa ang pamilya ni tito Manuel sa buong Narvacan na ginagalang at nirerespeto
NAPAKAALIWALAS ng panahon nang tanghaling iyon na bagama't katirikan ng araw ay mahangin at presko pa rin ang paligid. Kasalukuyan silang nasa Narvacan Adventure Hub na kilalang beach sa nasabing lungsod kasama sina tito Manuel at Tyrone. Naroon sila mismo sa malawak na bakanteng lote na pagtatayuan ng beach houses at restaurant. Mula sa di-kalayuan ay may mga cottages na ring nakatayo at iba pang establisyamento. Matao na rin ang nasabing beach na kadalasang dinarayo ng mga turista sa parteng iyon ng buong Ilocos region. Hindi na rin nalalayo ito sa pamosong Boracay dahil na rin sa white sand dito. At talaga namang kaakit-akit ang nasabing beach, lalo't minsan na rin itong na-feature sa mga magazine at telebisyon. A perfect place to invest your money for a business! "I'm sure you will have a very good income here, Ehra. The place is perfect for a beach lover. Lalo na 'yung mga dayuhan from other countries. Isa pa, pinopromote na rin ito ng City governme
INSIDE the gym, Dwight was on his last set of exercise for chest when his mobile phone rings. Nayayamot na napahinto siya mula sa pagbubuhat ng barbell saka sinagot ang tawag. Ang girlfriend niyang si Felicity for three-years ang tumatawag. "Yes, honey?" "Hon, where are you?" ani Felicity. "Here in the gym. What's up?" "I want you to come over pagkatapos mo r'yan. May sasabihin kasi akong importante. You better finish your work-out first before going here." "Ok. Patapos na ako. I'll be there in twenty minutes!" "I love you..." "I love you, too!" Tinapos muna ni Dwight ang huling set-up bago nagmamadaling nagbihis. Mula rito hanggang sa condo ni Felicity ay aabutin lamang ng fifteen-minute ride kapag walang traffic. Habang nagbibihis, bigla siyang napaisip kung bakit siya pinapupunta ni Felicity sa condo nito. Almost everyday kasi niya itong binibisita at kagabi lang
NASA kalagitnaan si Ehra nang pagbabasa sa romance novel na sinulat ng paborito niyang author na si Nicholas Sparks nang mag-ring ang phone na nakapatong sa bed-side table. Linggo nang araw na iyon at walang trabaho ang mga trabahador sa beach. Kaya nasa bahay lang siya buong maghapon pagkatapos niyang magsimba kaninang umaga. Si Tyrone ang tumatawag. Nagtatakang sinagot niya ang tawag. "Good-afternoon. Napatawag ka?" simple niyang sagot. Animo'y ganoon na talaga sila ka-close ni Tyrone sa paraan ng pananalita niya. "Itatanong ko lang sana kung gusto mong magliwaliw sa bayan. Actually, fiesta ngayon sa Abuor. Baka gusto mong manuod ng palabas para ma-enjoy mo naman ang stay mo rito," ani Tyrone. "Anyways, may importante ka bang lakad o kaya gagawin?" Kunwa'y nag-isip siya. Timing na timing dahil simula noong dumating siya sa Ilocos ay hindi pa siya nakakapamasyal sa karatig-barangay. Sa bahay at sa beach lang umiinog ang
LALO siyang nagitla nang makumpirmang sa kinauupuan nila ni Tyrone ang puntirya ni Dwight at kasama nito na marahil ay nobya nito. At nang makalapit ang mga ito, halos mapugto na ang kanyang hininga. Pasimple niyang tiningnan si Dwight na kalmado pa rin. Habang mahigpit pa rin itong nakahawak sa nobya nito. Aminado si Ehra na maganda nga talaga ang babaeng kasama nito, lalo na sa malapitan. "Ehra, meet Felicity and her boyfriend, Dwight!" mayamaya'y pakilala ni Tyrone sa mga dumating na lalo niyang kinagulat. Magkakakilala pala ang mga ito. Small world! Hindi niya alam kung sino ang una niyang babatiin sa dalawa. She tried to stay relax and focus! "Nice to meet you, Ehra," Si Felicity ang unang nagsalita, sabay lahad sa palad nito. "I'm Tyrone's closest friend. Magkaibigan ang mga grandparents namin since childhood. And he is a very nice person!" Ngumiti siya. "N-Nice to meet you, too," ganti niya pagkatapos niyang kamayan
AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Ehra nang mamataan niya sa di-kalayuan si Dwight habang kausap si Tyrone. Naka-short at sando lang ito saka tsinelas. Bago pa man kumulo ang dugo niya ay naalala rin niya agad na beach nga pala ito at malamang ay nandito ngayon ang mokong na 'to para mag-swimming. This is a public beach, anyway. At hindi niya ito pagmamay-ari para ipagdamot sa kahit sino. "Kung alam ko lang na pupunta ngayon ang heredos na 'to dito, nag stay na lang sana ako sa Mansiyon!" animo'y may kausap na maktol niya. Bago pa man siya makalayo para sana iwasan si Dwight nang biglang kumaway si Tyrone. Sumenyas ito na lapitan niya ito at si Dwight sa kinaroroonan nila. Kung mamalasin ka nga naman! Wala siyang choice kundi lumapit sa dalawa habang abala ang mga trabahador ng mga oras na iyon. "Ehra, si Dwight, remember? First time niya pumunta rito. Although this is his third time here in Ilocos," mayamaya'y
HINDI nagtagal ay tinutugpa na ng mga paa nila ni Dwight ang pampang. Para siyang robot na sunod-sunuran lang dito. Hindi pa rin sila nagkikibuan. Kapwa nagpapakiramdaman. Pero habang naglalakad, ewan kung anong espirito ang pumasok sa kukote niya dahil pasimple niyang tinatapunan ito ng sulyap. Lalo na sa mamasel nitong mga braso at flat na tiyan. Naisip din niya kung ano kaya ang hitsura ng 6-pack abs nito? Aminado siyang noong sila pa ni Dwight ay hindi pa ganito katikas ang katawan nito. He changed a lot. Pero teka, bakit pa ba niya pag-iinteresan ang mga maskels nito? "Kung may balak kang maligo, hindi na kita masasamahan. Dito na lang ako," lakas-loob niyang sabi nang dere-deretso pa rin ito sa may dalampasigan. Naaabot na rin ng maliliit na alon ang mga paa nila. "Hindi mo ako sasamahan maligo?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala akong maalalang sinabi ko na pati pagligo mo ay sasamahan pa kita. Ang sabi ko lang