Share

He's Gay
He's Gay
Author: ImVictorique

CHAPTER 1

Year 2014

St. Joseph Hospital (9:30 pm)

RHEA’s

"Doc, kamusta na po iyong nanay ko wala pa rin po bang improvement?" Tanong ko sa doctor na nag-aasikaso kay Mama na si Doctor Mike.

I am currently sitting here inside his office, still expecting some good news. It has been two years and I am really grateful to him since he is the only Doctor that never gives up on my Mother’s treatment.

"Same old result, Rhea. Until now, wala pa ring response ang pasyente. Still under medication pa rin siya Mrs.Benitez." Malungkot na balita nito kaya napayuko na lang ako. Paulit-ulit na lang ang naririnig ko tuwing dumadalaw ako. Walang nagbabago kaya nakakapanghina talaga ng loob. Madalas pumapasok sa isip ko kung may chance pa ba talagang magising ang Mama ko o wala.

"Pero Doc, halos dalawang taon na po ang lumilipas bakit hindi pa rin siya nagigising? Ilang taon pa po ba ang kailangan kong hintayin?" Naiiyak na atungal ko. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin sa dami ng problemang dumadating.

"Being in a state of comatose maaring magising ang pasyente after 5 years or 10 years and so on. You should just wait and pray for your mother to recover soon, Ms. Benitez." Sinserong paliwanag niya. "Don't lose hope."

"But Do---" Gusto ko pa sanang magsalita ang kaso tumunog ang cellphone niya kaya minabuting tumahimik na lang ako sa aking upuan. Dr. Mike excuses himself to answer the call while I silently listened to him as he talks to the other line. Batid ko naman na hindi ganoon kadali maging Doctor at marami silang pasyente na inaasikaso kaya hindi ko pwedeng sayangin ang time niya para lang sa mga drama ko. Wala rin naman akong magagawa kundi maghintay sa recovery ni Mama.

Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa inyo. My name is Rhea Benitez, 24 years old. I was just a simple woman living a mediocre life. Before, I thought everything about my life is completely perfect but things changed when we encountered a car accident. Halos dalawang taon na rin ang lumilipas simula nang maganap ang aksidente kung saan namatay ang Papa at kuya ko. Habang ang Mama ko naman ay kasalukuyang comatose kaya wala akong pwedeng asahan kung hindi maghintay na magising siya at magtrabaho para isalba ang sariling buhay.

Simula ng mamatay si Papa, ang Restaurant Business ng pamilya namin ay tuluyang nanghina. Sinubukan ko siyang isulong kahit hindi ako gaanong magaling magluto pero hindi talaga kinaya. Si Papa kasi talaga ang Main Chef ng Restaurant at ang nagmana ng kahiligan niya sa pagluluto saming magkapatid ay si Kuya Rhed pero ngayong wala na sila pareho, hindi na iyon gaanong katulad ng dati kaya unti-unting nag-alisan ang mga tao. Kinalaunan, nagtanggal na rin ako ng mga trabahador dahil wala na akong maibigay na sweldo lalo na at kailangan ko ng pera para sa pag-aasikaso ng labi nila Papa. Naibenta ko na rin ang malaking naming bahay na ayoko rin sanang gawin dahil dito na kami lumaki, kaso kapag hindi ko ginawa 'yon wala akong maitutustos sa medication ni mama.

Marami na akong tiniis pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Mama kaya aminin ko man sa hindi, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Wala akong makapitan kundi ang sarili ko lang, pero sa tingin ko kaunti na lang at malapit na akong sumuko. Bukas ng umaga tuluyan ko ng ipapasara ko ang Restaurant na pinaghirapan ni Papa. Pagkatapos maghahanap ako ng trabaho. Mas maganda na ito para makaipon ako.

"Ms. Benitez?" Tapik sa akin ni Doctor Mike kaya napabalik ako sa aking ulirat. "Are you okay? Kanina pa kita tinatawag, pero tulala ka." He asked worriedly.

Ngumiti ako ng pilit bago sumagot. "Pagod lang po, I'm sorry Doc." Hinging pasensya ko bago ayusin ang bag ko. Kailangan ko na rin kasing umalis at nakaabala na ako masyado.

"Ms.Benitez, I'm very sorry but I have to go. We have an emergency." Sinserong saad nito habang nagsusuot ng Coat.

"It's okay, I understand Doc. Salamat po." Nakangiti kong sagot. Malungkot man sa balita ngunit kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko at kay Mama. Naniniwala akong mabubuhay pa siya kaya hindi ako susuko. Laking pasalamat ko na lang talaga sa Doctor dahil hanggang ngayon ay hindi nito sinusukuan si Mama.

"It is my pleasure and Job Ms. Benitez, I hope your mom will recover soon." Tapik nito sa aking balikat. Nagpaalam na ako sa doctor at umalis. Gabi na rin kasi kaya kailangan ko nang magpahinga para magkaroon pa ako nang lakas para makahanap ng trabaho bukas na bukas.

Agad akong dumiretso sa inuupahang apartment. Mura lang ang renta pero masungit naman ang may-ari. Pagkarating ko sa apartment ay gayon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nasa labas na lahat ang mga gamit ko. Mula sa pinto ay lumabas doon si Aling Mercy na namamaypay pa kasunod ang isang lalaki na sa tingin ko ay trabahador niya.

"Itabi mo na lang iyan diyan." Turo nito sa gilid. Ibinaba naman ng lalaki ang gawa sa kawayan kong upuan.

"Aling Mercy bakit po nasa labas ang mga gamit ko?" Sita ko kay Aling Mercy, iyong may-ari ng bahay.

Nanliit naman ang mga mata nito pagkakita sa akin. "Buti naman nandito ka ng bata ka! Aba'y tinatanong pa ba yan? Pinapalayas na kita, halos apat na buwan ka nang walang bayad sa akin para sa upa! Anong tingin mo sa akin nagpapatira ng libre?" Bulyaw nito sa akin. Gusto ko sana siyang sawayin dahil nakakahiyang marinig ng mga kapit-bahay ang pinagsasabi niya, pero hindi ko magawa dahil wala ako sa posisyon.

"Eh, Aling Mercy babayaran ko naman po kayo! Gipit lang po talaga ako ngayon!" Pagmamakaawa ko rito ngunit tila wala itong epekto sa kanya.

"Hindi! Masyado mo na akong inaabuso. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo lumayas ka na! Hindi ko kailangan ng mga taong katulad mo na hindi marunong magbayad! Ano na lang ang mangyayari sa negosyo ko? Malulugi?" Masungit na tugon nito sa akin bago tuluyang umalis.

Wala akong nagawa kung hindi kunin ang mga gamit ko at umalis na lang sa gusaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala na rin akong kaibigan na tutulong sa akin. Simula nang maghirap ako lahat sila itinakwil ako.

Napaiyak na lang ako sa dami ng problema. "Pa, Kuya, bakit niyo ba kasi ako iniwan? Paano na ako ngayon? Kayo lang ang sandalan ko eh! Ma, gumising ka na hindi ko na kaya! Ayoko na, ma! Gusto ko ng mamatay!" Sigaw ko na parang baliw. Bakit nga ba hindi na lang ako namatay kasama nila? Edi sana hindi ako naghihirap ngayon. Heto ako palakad-lakad sa kalye nang bigla pang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi man lang nagpa-ambon muna para sana nakahanap pa ako ng masisilungan ng mga bitbit ko.

"Kung minamalas ka nga naman oh!" Padyak ko sa inis at humanap agad kung may masisilungan. Ngunit wala rin iyong silbi dahil literal na basang-basa na ako. Napaupo na lang ako sa isang tabi at niyakap ang sarili, dala ng panlalamig. Hating-gabi na, sobrang dilim na ng mga daan. Saan na ako pupulitin nito? Isip lang ako ng isip, hanggang sa makakita ako ng sasakyan. Agad akong tumakbo papunta sa may kalsada.

Funny, kung dati pinagtatawanan ko lang ang mga taong suicidal dahil parang ang babaw ng dahilan nila. But look at me? Katulad din ata nila ang magiging kapalaran ko. I am sorry, God. I don’t think I can do this anymore.

"Rhea, mas maganda na rin siguro ito. Ayoko na, hindi ko na kaya." Kausap ko sa aking sarili bago tumawid sa kalsada. I know this will be the end of my life since kitang-kita ko na ang rumaragasang kotse na papalapit sa akin but I don’t really care. What I want right now is to fully escape this bitter and distressful reality of my life.

"You've had enough, Rhea." Bulong ko sa sarili ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status