"Ma," tawag ko kay Mommy ng makauwi ako galing sa paglabas namin ni Xerxes.
"Alistair, are you okay, princess?" nag-aalalang niyang tanong sa akin.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Inatake ako kanina, mommy." Umupo ako sa isahang sofa namin. "Buti na lang nawala rin po agad ng makainom ako ng tubig."
Bakas sa mata niya ang pag-aalala sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Is the pain throbbing, princess?" she asked me a worried question. Even if Mommy doesn’t show it to me I know she cares deeply about me.
Umiwas ako ng aking tingin sa kanya. Binasa ko ang aking ibabang labi dahil ramdam kong nanunuyo na ito dahil sa nerbyos na nararamdaman ko.
Dahan-dahan akong tumango kay mommy. "Mom, sure po bang effective iyong gamot na tina-take ko po?"
Hindi naman siya, hindi ako naniniwala pero imbis na gumaling at malusaw ang bukol ko mas lumalala pa yata itong sakit na nararamdaman ko.
Habang tumatagal lalong sumasakit ang pagkirot sa aking dibdib at tumatagal na rin ang pagkirot nito hindi katulad nu'ng unang nalaman ko ang sakit na ito.
"That's what our family doctor prescribed, princess. Doc has been taking care of us for a long time, kaya naniniwala kami ng daddy mo na kayang malusaw ng gamot na nireseta niya para sayo." pagpapaliwanag ni mommy sa akin at hinaplos niya nang marahan ang aking palad.
"I researched about my illness. If I can't get it by taking my medicine and maging stage 2 itong sakit ko, mom..." Napalunok ako dahil sa kabang nalaman ko about sa aking nabasa. "Aalisin ang dibdib ko, mom. Aabot tayo sa surgical operation." walang gana kong sabi sa kanya.
Napasubsob ako sa tiyan ni mommy, yakap-yakap niya ako at hinahaplos ang aking likuran.
"No, mawawalan niyan, Princess. Malulusaw niyan, okay? Trust me and your dad, 'kay? Gagaling ka, lalabanan natin niyan." halos mabasag ang boses ni mommy ng sabihin niya iyon.
"Natatakot ako, mommy... B-bakit ako pa kasi? Naging maingat naman po ako simula ng magdalaga ako, sinunod ko lahat ng bilin niyo about sa pagdadalaga. Pero, bakit po ako?"
Hindi ko na nakayanan na pigilin ang aking luha, lumandas na ito nang tuloy-tuloy sa aking magkabilang pisngi habang humahagulgol sa tiyan ni mommy.
"Mommy, 'di ko kayang sabihin kay Xerxes tungkol sa sakit ko. Ayokong pati siya ay mag-alala sa akin. Lalabanan ko ito. Lalaban ako nang palihim para sa kanya." basag na ang aking boses dahil sa pagkakaiyak ko.
Mainit na ang magkabilang mata ko at mukhang namumula na rin ito maging ang aking ilong. Napasinghot ako ng may lumalabas sa aking ilong dahil sa pagkakaiyak.
"You are brave, Alistair. Pinalaki ka namin ng daddy mo na matapang." Hinawakan niya ang aking baba at maingat na inangat ang aking mukha para matitigan niya ako.
"Gagaling ka, princess, okay? Kakayanin natin niyan kahit ano pa mangyari, kahit iwaldas namin ang pera para sa pagpapagamot mo. Ilalaban ka namin ng daddy mo." matapang na lahad ni mommy sa akin at maging ang mukha niya tumapang na rin.
"Lalaban tayo, Alistair."
Ang huling salita ni mommy na paulit-ulit na ume-echo sa aking isipan.
Lalaban kami. Lalabanan ko ang sakit na ito.
Uminom ako ng tubig pagkatapos kong lunukin ang dalawang tabletang ni-reseta sa akin. Umiinom na rin ako ng vitamins upang lalong lumakas ang resistensya ko.
Hindi ako magpapatalo sa sakit na ito. Malakas ako kagaya ng sinasabi nila mommy.
Umupo ako sa gitna ng aking kama, nag-indian seat ako rito at mahinang nanalangin. Naniniwala ako sa Diyos. Naniniwala akong naririnig niya ang mga panalangin ng mga tao. Alam kong didinggin din niya ang aking pinapalangin sa kanya.
Nang matapos akong magdasal, itong vibrate naman ng aking cellphone, lumitaw roon ang pangalan ni Xerxes.
Matagal na kaming mag-jowa-ng dalawa. Simula pagkabata magkakilala na kami, parehong matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin, magbarkada kasi sila nu'ng college.
Bata pa lang kami ni Xerxes, tinatak na nila sa isipan namin na kami ay para sa isa't-isa. Kaya hanggang magkaisip kaming dalawa, iyon na ang tumatak sa amin.
Sobrang opposite naming dalawa, matalino si Xerxes pero average lang ako kumpara sa kanya. Friendly ako sa ibang tao at siya ay malimit lang kung makipag-usap sa ibang tao. Bilang lang sa kanyang kamay kung sino kakausapin niya at lalapitan, sobrang mailap na tao si Xerxes kumpara sa kuya niyang si Zach.
Lastly, isa sa ayaw kong ugali ni Xerxes ay napakaseloso niya. Maging ang kuya niyang si Zach hindi nakakaligtas sa kanyang pagiging seloso. Kaya nga walang nakakalapit sa akin na ibang lalaki p'wera na lang kapag mga pinsan ko.
Nag-ba-vibrate pa rin ang cellphone kong nasa side table, hindi pa rin ito tumitigil kahit ilang minuto ng nakakalipas. Gusto niyang makipag-facetime.
Paano ako haharap sa kanya kung namumula at namamaga itong mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Baka magtanong pa siya kung anong nangyari sa akin.
Namatay ang tawag, nawala ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Nakahinga na rin ako nang maluwag pero bumalik ulit ito ng mag-vibrate na naman.
Ayaw niyang tumigil. Anong sasabihin ko sa kanya?
Kinuha ko na ito sa aking side table at tinitigan hanggang mamatay ulit ang tawag ni Xerxes.
"Huwag ka na ulit tumawag, please, Xerxes..." piping dalangin ko sa aking cellphone.
Umalon ang aking lalamunan ng umilaw ulit ang hawak kong cellphone pero 'di na facetime ang gusto niya. Isang text message ang pinadala niya sa akin.
"Are you asleep babe? Sleep tight, babe. I love you forever and forever, Alistair Roxas Jazul, my future wife. I wish you dream of me."
Ang akala kong isang text message lang na galing sa kanya ay may sumunod pa.
"Because of you I have changed the way I look at other people, I am also smiling at others. You changed me, babe. I will do everything I can to last the two of us. You are just for me and nothing else..."
Xerxes.
Pinangsiklop ko ang aking mga kamay at nasa gitna nito ang hawak kong cellphone, nag-uumpisa na naman tumulo ang iilang luha ko sa aking mata.
"Hi po, Tita Anna! Good morning po! Si Alistair po?"Napahinto ako sa paghakbang pababa ng bahay namin nang marinig ang boses na iyon. Ang boses ni Xerxes."Nasa k'warto pa niya, Xerxes, iho. Pero, pababa na rin si Ali. Bihis na bihis ka yata, saan ang punta niyo ngayon?"Napakunot ang aking noo at naguguluhan sa kanilang usapan. Nakabihis si Xerxes? May pupuntahan ba kami na nakalimutan ko?Kinagat ko ang aking kanang kamay at pilit na inaalala kung may lakad ba kami ngayong araw."Wala talaga. Wala siyang sinabing may lakad kami ngayon." Nakakunot na ang aking noo at pilit na inaalala sa aking isipan kung may sinabi ba talaga siya sa akin pero wala talaga akong maalala."Ako lang po, Tita Anna. Pinapapunta po kasi ako ngayon ng adviser namin sa school."Huh? Pinapapunta siya ni Mrs. Reyes sa school? Para sa
Hapon na pero wala pa rin akong nakukuhang text galing kay Xerxes. Hindi pa rin kaya tapos iyong pinapagawa ni Mrs. Reyes sa kanya?Nakatulog na lang ako lahat-lahat kahihintay sa text niya pero wala akong natanggap man lang.Bumaba ako sa sala namin at tumungo roon sa dining, nakita ko si mommy na nagluluto ng pancake. Kinuha ko ang pitchel sa refrigerator, nagsalin ako sa aking baso."Princess, gising ka na pala. Gusto mo?" Lumingon ako kay mommy habang nilalagok ko ang aking tubig."Opo, mommy. Thank you po." aniya ko at nilagyan ulit ng tubig ang aking baso.Dinala ko ang aking baso sa lamesa, kumuha na ako ng dalawang plato at dalawang tinidor. Inayos ko na ito sa dining table namin."Ali," napalingon ako kay mommy ng tawagin niya ang pangalan ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba?"
"Hi, babe!"Ang aga niya ngayon. Alam kong bawal ma-late sa entrance examination pero sobrang aga naman niya."Good morning," tipid na bati ko sa kanya.Nilagay ko sa tabi niya ang bagpack kong kulay pink, "kumain ka na, Xerxes?" pagtatanong ko sa kanya at nilahad ang aking kanang kamay."Mm-hmm... But, I want to see you eating, babe." anito sa akin at nakita kong may ngisi sa kanyang labi."Ang pilyo mo na naman, Xerxes! Kumain na tayo baka mahuli tayo mamaya!" saway ko sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran.Pasaway naman kasi.Sumakay na lang kami ng jeep papunta sa Carter's University, malapit lang naman ito sa subdivision kung saan kami naninirahan."Sana makapasa ako, Xerxes. Kinakabahan tuloy ako." mahinang sabi ko sa kanya at kiniskis ang magkabila kong kamay para mawala
"Hi, my one and only bestfriend, Ali! How are you naman?" Napangiti ako ng makita ang bestfriend ko kahit sa screen lamang ng phone ko. "Tiny, I miss you!" masayang bati ko sa kanya at kumaway sa screen ng phone ko. "Kumusta ka na d'yan, Tiny?""Of course, I'm doing great here, Ali! Look, lalo akong gumaganda and I have a good news for you! Pumasa ako sa Carter's University!" sabi niya sa akin at sumisigaw na siya ngayon sa kabilang screen. Naka-upo ako ngayon sa gitna ng aking kama. Kakauwi ko lang galing sa hospital dahil nawalan ako nang malay tao. Ayon sa doctor may nagpa-trigger sa akin kaya sumakit ang aking dibdib na siyang kinasanhi ko ng consciousness. Dinagdagan na naman ang gamot ko. "Aren't you happy that I passed, Ali?" Nawala ang gumugulo sa aking isipan ng magsalita na ulit si Tiny sa kabilang screen. "Ah? I'm happy for you, Tiny! Makakasama na ulit kita dito sa Pilipinas!" pinasigla ko ang aking boses para 'di siya mag-alala.
"Kuya Zach, dito lang po ako sa National bookstore. Saan ko po kayo hihintayin?" pagtatanong ko sa kanya nang makapasok kami sa mall. "Samahan na kita, nag-promise ako kay tita Anna na hindi ka pababayaan. Come on," aniya sa akin at hinila ang aking kaliwang kamay. Napatitig ako sa kanyang pagkahawak sa aking kaliwang pulso. Napahinto ako sa paglalakad kaya maging siya ay napahinto rin. Tumitig siya sa akin pero ang aking tingin ay nasa kamay niyang nakahawak pa rin sa aking pulsuhan. "Ay! Sorry! Sorry, Ali!" agaran niyang sabi sa akin at bumitaw siya sa aking kaliwang pulsuhan. "Pasensya na, Ali. Nakalimutan kong ilag ka pala sa ibang lalaki. Sorry, ha?" hingi niya ulit sa aking ng patawad. Mahina itong tumawa sa akin at nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa likod ng kanyang ulo. "Huh?! O-okay lang po, kuya Zach." said to him and I focused my gaze on something else. "Saan ko po kayo hihintayin after ko po sa National Bookstore?" ulit na tanong
Wala ako sa aking sarili ng maihatid ako pabalik ni kuya Zach sa amin. Blangko ang mga mata ko at maging ang pakiramdam ko ay wala. Hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi ni kuya Zach sa akin kanina habang bumabyahe kami pabalik dito. Maging si mommy ay hindi ko naririnig ang sinasabi niya sa akin. Naging tahimik ang paligid ko. Pagka-akyat ko sa aking k'warto, ni-lock ko ito at hinarangan ng aking gaming chair. Ayokong may kumausap sa akin ngayon. Nilapag ko sa tabi ng aking table ang pinamili namin. Nakalimutan ko tuloy ang bagong bag, hindi ako nakabili. Umupo ako sa sahig ng aking k'warto at sumandal ako sa gilid ng kama. "Bakit mo nakalimutan ang anniversary natin, Xerxes? Hindi lang niyon kasama mo pa si Edel. Hindi ka na ba masaya sa relasyong mayro'n tayo?" Huminga ako nang malalim at pinalo nang mahina ang aking dibdib. Sinandal ko ang aking noo sa tuhod ko. "Pinaglalaban kita laban sa sakit na mayro'n ako..." aniya ko sa aking sarili at
Para pa rin akong nakalutang sa alapaap dahil sa nangyari kahapon. Ang sarap sa pakiramdam ang ginawang sorpresa ni Xerxes sa akin. Ang dami ko tuloy na-upload na pictures namin sa facetagram ko, nagcomment nga si Tiny, e. "Hala, kayo na ang sweet na couple. Hmmp! Happy anniversary to my fave couple!" Na-heart ko tuloy ang comment niya at ang maging ibang nagcomment sa post ko. Tinaas ko ang aking index finger, pinagmasdan ko ang singsing na binigay niya sa akin. Simple lang ito na crown ang design at may naka-engrave na 'X' and 'A'. Xerxes and Alistair. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya kagabi, lumuhod lang naman siya sa akin at sinabi ang mga sinasabi ng mga nagpo-propose sa mga kasintahan nila. "Ali, si Xerxes nasa ibaba." Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko ng may kumatok at nagsalit roon, si mommy."Mommy, bababa na po ako!" masayang sabi ko sa kanya at tumayo na sa aking gaming chair. Magtatype na sana ako ng aking
"Good morning, World!" masayang bati ko sa aking sarili sa salaming nandito sa k'warto ko.Ang ganda ng panaginip ko kagabi. Isa raw akong bida sa isang k'wento tapos ang prince charming ko si Xerxes. Kinasal kaming dalawa at nagkaroon ng maraming anak sa panaginip ko.Panaginip. Napaisip ako bigla dahil sa panaginip ko. Mangyayari pa kayo iyon? O, magiging isang panaginip lang ang mga iyon? Iniling ko ang aking ulo upang mawala ang aking iniisip. Hindi dapat ako magpatalo roon. Lumalaban ako para sa kanya at kila mommy. Matatalo kita, gagawin ko lahat para manalo kontra sayo at saka ko pinalo nang mahina ang aking kaliwang dibdib.Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko, "wake up, Ali! Dapat maging masaya tayo dahil gumagana ang gamot sa atin kaya 'wag tayo mag-isip na hindi maganda." kausap ko sa aking sarili sa salamin. Ngumiti ako sa huling pagkakataon sa salamin bago pumasok sa bathroom, maliligo na muna ako at bababa na rin. Mamaya na ang laban nil