LOGINHindi nakatulog nang maayos si Xiara. Nasa harap niya pa rin ang financial report na natanggap niya mula sa accountant. Paulit-ulit niyang binabasa ang mga halaga, umaasang may mali lamang sa computation pero hindi nagbabago ang numero.₱35 million—That was not a small mistake. It was a fortune.Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa Vander Group. Hindi niya gustong palakihin ang problema, pero hindi rin niya kayang magkunwaring walang nangyari.Pagpasok niya sa opisina ni Joross, agad nitong ibinaba ang cellphone.“You came early.”“Kailangan ko ng sagot..”Napabuntong-hininga si Joross. “Xiara, napag-usapan na natin ito diba..”“No. You promised to explain the transactions. I want to know where the money went.”Kinuha niya ang folder at inilapag sa mesa.“Thirty-five million pesos. Kailangan ko ng complete accounting.”Joross rubbed his forehead. “Those funds were used for the company's expansion. We acquired equipment, paid suppliers, and invested in new projects.”“Anong projects?”
Hindi inaasahan ni Xiara na ang simpleng paghingi ng financial report ay magbubukas ng isang mas malaking problema.Alas-diyes ng umaga nang makatanggap siya ng email mula sa accountant ng Vander Group.Subject: Preliminary Financial Review – Personal Investment AccountBinuksan niya ang attachment at nagsimulang basahin ang summary. Sa unang tingin, ordinaryong business transactions lamang ang mga nakalista. May payments para sa suppliers, operating expenses, at investments. Ngunit habang tumatagal, napansin niya ang isang bagay. May ilang transfers na direktang nanggaling sa personal niyang account.At hindi maliit ang mga halaga.“Wait…” bulong niya.Binuksan niya ang spreadsheet at isa-isang tiningnan ang dates.₱8 million, ₱12 million, ₱15 million…Napahawak siya sa bibig. Hindi niya matandaan na inaprubahan niya ang mga transaksiyong iyon. May ilang transfers na ginawa sa loob lamang ng magkakasunod na buwan. Ang iba naman ay nakalista bilang capital contribution sa isang subsid
Tahimik ang umaga sa mansion. Nakatayo si Xiara sa harap ng malaking bintana ng kanyang kuwarto, hawak ang tasa ng kape na matagal na niyang hindi iniinom. Sa labas, unti-unting sumisikat ang araw, ngunit sa loob niya ay tila may bahagi pa ring nakakulong sa isang madilim na alaala.Ang pag-uusap nila ni Vincent kahapon ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip. “You made me question whether anything between us had ever been real.”Napapikit siya. Hindi niya kailanman naisip na ganoon kalalim ang sugat na iniwan niya sa lalaki. Akala niya noon, kapag umalis siya at pinili ang sarili niyang landas, magiging maayos na ang lahat. Akala niya, ang pag-ibig ay isang bagay na maaari niyang iwan kapag hindi na niya kayang harapin.But love was never that simple. Hindi niya kailangang pakasalan si Vincent kung hindi siya handa. Hindi niya kailangang pilitin ang sarili sa isang arranged marriage. Maaari naman sana siyang magpaalam at maaari rin siyang maging tapat pero hindi niya nagawa.---
Hindi inaasahan ni Xiara na makikita niya si Vincent sa conference room nang dumating siya sa Delacroix Tower kinabukasan.May hawak itong ilang dokumento at seryosong nakatingin sa tablet. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, iniangat nito ang tingin.“Good morning.”“Good morning.”Umupo si Xiara sa kabilang bahagi ng mesa. Sinubukan niyang ituon ang atensiyon sa mga dokumentong nasa harapan niya, pero hindi niya maiwasang mapansin ang malamig na katahimikan sa pagitan nila.“Your legal team sent the revised agreement,” sabi ni Vincent. “Have you reviewed it?”“Yes. My lawyer approved most of the revisions. May ilang clauses lang na kailangan pang linawin.”“That's fine. We won't proceed until you're comfortable with every condition.”Tumango si Xiara. “Thank you.”Nagpatuloy sila sa pagtalakay sa partnership. Professional ang tono ni Vincent, walang personal na tanong o biro. Para bang hindi sila dalawang taong minsang nangarap na magkasama habang buhay. At iyon ang mas masakit para
Tahimik ang buong mansion nang dumating si Xiara mula sa charity gala. Alas-dose na ng hatinggabi, ngunit hindi pa rin siya inaantok. Nasa sala si Joross. Nakaupo ito sa sofa habang abala sa cellphone. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, agad itong napatingin sa kanya.“Finally. You're home.”Tinanggal ni Xiara ang hikaw niya bago sumagot. “I told you I was attending the gala.”“Hindi ko naman sinabing huwag kang pumunta. Ang sabi ko, umuwi ka nang maaga.”“Joross, hindi ako bata para sabihin kung anong oras ako dapat umuwi.”Napabuntong-hininga si Joross. “Here we go again.”Dumaan si Xiara sa harap nito at inilapag ang clutch bag sa mesa. “May gusto akong pag-usapan.”“Can it wait until tomorrow? Pagod ako.”“It's about the financial documents.”Biglang nagbago ang ekspresyon ni Joross. “Again? Akala ko ba napag-usapan na natin 'yan?”“Wala pa tayong napag-uusapan. You keep avoiding my questions.”Tumayo si Joross at lumapit sa kanya. “Xiara, business is complicated. Hindi lahat ng
Maliwanag ang buong ballroom ng Delacroix Foundation Charity Gala. Nagniningning ang mga chandelier sa kisame, habang maririnig ang mahinang tugtog ng isang orchestra sa gitna ng bulwagan.Suot ni Xiara ang isang eleganteng midnight-blue gown. Simple lamang ang disenyo nito, ngunit sapat upang mapansin ang natural niyang ganda. Hindi niya kailangang magsuot ng mamahaling alahas o magpakitang-gilas para mapansin. She was there for business, not to impress anyone.“Girl, you look stunning!” bulalas ni Camille nang makita siya.Napangiti si Xiara. “Huwag kang maingay. Baka isipin ng lahat, artista ang kasama mo.”“Kung ganoon, dapat lang na may photographer na nakatutok sa 'yo.”Napailing si Xiara habang natatawa. Ilang sandali pa, napansin niya ang isang lalaking papalapit sa kanila.It was Vincent. Suot nito ang isang black tailored suit na lalong nagbigay-diin sa matipunong tindig at kumpiyansang aura nito. Maraming mata ang sumusunod sa kanya, ngunit tila iisa lamang ang hinahanap ni







