Masuk
Pagtapos ng matindihang pagkikipagtalik, ang katawan ni Eva ay balot na balot ng pawis. Yakap yakap siya ni Lyxus habang ang mga kamay nito ay binabakas ang pagmumukha ng dalaga.
Ang mga mata nito ay puno ng pagmamahal kumpara sa dati at bagaman si Eva ay napagod ng husto pero sa mga oras na ito, nararamdaman niya ang labis na pagmamahal ng binata.
Subalit, bago pa man mapawi ang pagnanasa na nararamdaman, tumunog bigla ang telepono ni Lyxus at nang makita niya ang numero ng paparating na tawag, nanginig ang puso ni Eva.
Humigpit ang kanyang yakap niya kay Lyxus at tumingala para tignan ito. "Pwede bang di mo sagutin yan?"
Ang tawag ay galing kay Lea Evangelista, ang First Love ni Lyxus Villanueva. Wala pang isang buwan nang bumalik ito sa Pilipinas ay ilang beses na nito sinubukan magpakamatay.
Paanong hindi alam ni Eva na sinasadya ito ni Lea?
Ngunit walang pake si Lyxus sa nararamdaman ng dalagang nakayakap sa kanya at Tinulak nito si Eva. Na walang kahit anumang lambing tulad ng ginawa niya dito kanina lang. Hindi niya mahintay na pindutin at sagutin ang tawag sa telepono.
Hindi alam ni Eva kung ano ang sinabi ng kausap ng binata sa telepono. Ang nakita lamang niya ay ang pagdaloy ng iba't ibang emosyon sa mukha ng binata na mas madilim pa sa gabi sa labas ng bintana.
"Sinubukan ulit magpakamatay ni Lea. Pupunta ako don para tignan siya,” sabi nito pagkapatay ng tawag at agad sinuot ang mga damit.l
Naupo si Eva sa higaan, ang malarosas at maputi nitong balat ay nababalutan ng kiss marks.
"Pero kaarawan ko ngayon, and you promised to spend it with me. Meron din akong sobrang importanteng sasabihin sayo.” tumingin siya sa binata, puno ng sakit ang mga mata nito
Nakabihis na ng maayos si Lyxus, Tinignan siya nito ng matalim at malamig na tingin.
"Kelan ka pa naging makasarili? Nasa panganib ang buhay ni Lea anumang oras"
Bago pa man makapag-react si Eva, naisara na nito ng malakas ang pinto ng kwarto.
Maya-maya, rinig na niya ang tunog ng makina ng kotse sa baba. Inilabas ni Eva ang maliit na kahon sa ilalim ng unan. Tinignan niya ang dalawang wedding ring sa loob nito at nagsimulang manubig ang mga mata.
Tatlong taon na ang nakalipas, nang harangan siya ng isang grupo ng masasamang lalake sa isang eskinita. Nasugatan ang hita ni Lyxus habang sinusubukan siya nitong iligtas.
Nagboluntaryo siyang manatili at alagaan ito. Nagtalik ang dalawa matapos mag-inuman. Tinanong siya ni Lyxus sa mga oras na yon, kung gusto nito makipagdate sa kanya, ngunit ang kasal na gusto niya ay hinding-hindi maibibigay sa kanya.
Sumang-ayon agad si Eva sa binata nang hindi nag iisip. Dahil si Lyxus Villanueva ay ang tanging lalake na sekreto niyang minamahal ng apat na taon.
Simula noon, siya ang maganda at mahusay na sekretarya ni Lyxus sa araw at marahan at masunurin na kapartner nito sa kama sa gabi.
Walang muwang niyang pag-aakala na mahal siya ni Lyxus at ang dahilan bakit hindi siya pinapakasalan nito ay dahil na rin sa impluwensiya ng pamilya nito.
Isang buong araw ang ginugol niya sa pag aayos para sa proposal, balak niyang magpropose kay Lyxus upang matulungan na matapos ang mga alalahanin nito pero ang pagtawag ni Lea ay tuluyang gumising sa kanya. Sa malamang ay hindi sa hindi gusto maikasal ni Lyxus, yun nga lang ang taong gusto nitong mapangasawa ay kailanman hindi siya.
Napangiti ng mapait si Eva at itinabi ang singsing. Binaklas niya lahat ng dekorasyon na nasa sa balcony mag-isa.
Mag-isa ring nagmaneho ang dalaga palabas. Ngunit pagtapos umandar ng kotse sa maiksing distansya pa lamang, nakaramdam na ito ng matinding sakit sa puson.
Sumunod non ay mainit na likido ang dumaloy sa pagitan ng hita niya. Napatingin si Eva sa baba at nakita ang puting leather seat ay may mantsa ng dugo.
Masama ang kutob nito kaya tinawagan niya agad si Lyxus.
"Lyxus, ang sakit ng tiyan ko, pwede mo ba ako sunduin?"
"Eva, you can lose your temper, pero dapat alam mo kung kelan dapat gawin!" Nayayamot na sabi nito
Napatingin si Eva sa dumaraming dugo at napaiyak sa takot.
"Lyxus, hindi ako nagsisinungaling sayo, sobrang sakit talaga ng tiyan ko, at..." Sobrang daming dugo na ang dumadaloy
Bago pa man niya matapos ang salita, isang malamig at malupit na boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Eva, buhay ni Lea ang nakataya dito, ang lakas ng loob mong gumawa ng eksena!"
Natulala si Eva sa sinabi nito. Umabot muna ng ilang segundo bago ulit nakapag-react ang dalaga.
Napangiti siya ng mahina.
"Sa tingin mo wala ako sa katwiran?"
"Hindi ba?"
Nababakas ang lamig sa boses ng binatang naiinis ang tono, na nagparamdam kay Eva ng kirot sa puso nito.
Napakagat labi siya, ang kanyang mga daliri ay mahigpit ang pagkakahawak sa telepono.
"Tarantado ka Lyxus!" mura niya rito.
Bumuhos ang malamig na pawis kay Eva sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Gusto niyang tumawag para makahingi ng emergency help, ngunit masyadong nanghihina ang mga daliri niya para magawa iyon.
Sa huli, nagdilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
Nang magising ang dalaga, nakahiga na siya sa isang hospital bed. Nakaupo sa tabi niya ang pinakamatalik niyang kaibigan, Ellie Gonzales.
"Eva, kamusta ka na? May masakit ba sayo?" Agad na tumayo si Ellie nang makita na gising na ang dalaga at bakas sa mukha nito ang pagkabalisa
"Anong… nangyari sakin?" Blangkong napatingin si Eva sa kaibigan
Nag-alinlangan si Ellie kung sasabihin ba ang totoo, pero sa huli ay pinili nito sabihin ang totoo.
"Buntis ka. The doctor said that your uterine wall is thin to begin with, and coupled with the fierce actions of that bastard Lyxus Villanueva, you had a miscarriage and heavy bleeding."
Hindi makapaniwalang nanlaki ang mata ni Eva. Ang tanging naiisip lang niya ay 'buntis siya, pero wala na ang bata'.
Anak niya yon at ni Lyxus.
Kahit na hindi niya at ni Lyxus alam kung hanggang saan sila, tiyak na iyon ay ang una niyang anak.
Hindi mapigilan ni Eva na ikuyom ang palad, nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata ng dalaga.
Ang makitang siyang nasasaktan, hindi mapigilan ni Ellie na yakapin ang kaibigan sa at damayan ito.
"Kakagaling mo palang sa operasyon, di ka pwedeng umiyak, makinig ka muna at pag gumaling ka na, ipapakilala kita sa grupo ng maliit na wolfhounds na kilala ko. Ipapakagat natin yung hayop na yon hanggang mamatay!"
"Yung lintik na Lyxus na yon muntik ka nang mamatay. Pasalamat siya at nakaligtas ka pero niloko ka niya Eva, harap harapan mo pa. Hindi ba siya natatakot na tanggalan ng bayag?"
Lalong sumakit ang puso ni Eva na daig pa ng tinutusok ng isang libong karayom. Ang malamig at maliit na kamay nito ay yumakap kay Ellie ng mahigpit, mahina itong humihikbi at di siya makapagsalita ng ilang oras.
Iniisip niya ang bata na namatay pagkatapos lamang ipanganak at ang lalaking minahal niya ng pitong taon.
Hindi niya maikalma ang sarili.
Pagkaraan ng ilang oras, nagsalita na sa wakas si Eva.
"Nakita mo siya?"
Tumango muna si Ellie tsaka ito nagkwento.
"Kasama niya si Lea Evangelista sa ikaapat na palapag. Habang nasa operasyon ka kanina, ginamit ko yung telepono mo para tawagan siya at papuntahin siya dito para pumirma, pero ang gago na yon hindi man lang sinagot ang tawag."
Napapikit sa sakit si Eva.
"Ellie, dalhin mo ko kung nasan siya."
"Kakagaling mo palang sa operasyon, hindi ka pa pwede magalit."
"May mga bagay na hindi ako makakapagdesisyon hangga't hindi nakikita mismong ng mga mata ko."
Hindi siya mahikayat ni Ellie kaya dinala siya nito sa ikaapat na palapag.
Nakatayo sa labas ng pinto si Eva at nakita si Lyxus na sinusuyo si Lea para uminom ito ng gamot sa malumanay na boses.
Ang marahan na tingin at ang matamis na boses nito ay nagpasakit sa puso ni Eva
Ngunit nang makita ni Eva ang medyo pagkakahawig ni Lea sa kanya, agad na naintindihan na niya ang lahat.
Malungkot na napangiti si Eva.
"Bumalik na tayo,” aniya at tumalikod na.
**
Dalawang araw ang nakalipas ng makita ulit ni Eva si Lyxus. Nahiga siya sa kama, tahimik na pinagmamasdan ang lalaking minsan na niyang minahal ng lubos.
Dumating na ang oras para mag desisyon siya kahit sobrang sakit parin ng puso niya.
"Dalawang araw na nakalipas, masakit parin?" Malalim ang boses ng binata habang nagtatanong nang mapansin na malungkot si Eva
Akala nito ay masakit ang puson niya dahil rereglahin na ito, na kadalasan nawawala sa isang araw lang.
Bahagyang nag-init ang mata ni Eva, at sinubukan niya hanggang sa abot ng makakaya na itago ang nararamdaman ng puso niya.
Walang itong sinabing kahit ano.
Naupo si Lyxus sa gilid ng higaan, gwapo ngunit malamig ang mga mata nito .
Hinawakan nito ang noo niya at biglang bahagyang namalat ang boses nito.
"May inutusan ako na bilhin yung bag na gusto mo nung nakaraan. Nasa sofa na sa labas. Bumangon ka na at tignan mo.”
Mahinahong tinignan ni Eva si Lyxus.
"Hindi ko na gusto yun ngayon."
"Kung ganon bibigyan nalang kita ng iba pang kotse, Ferrari ba o Porsche?"
Nang makita nitong hindi sumagot ng matagal si Eva, bahagyang kumunot ang noo ni Lyxus.
"So, anong gusto mo?"
Tila sa mga mata nito, walang hindi kayang lutasin ng pera. Humigpit ang kapit ni Eva sa pantulog. Ang pares ng malinaw at maliwanag na mata nito ay napatingin kay Lyxus ng tahimik.
Ang maputlang mga labi ay bahagyang bumukas.
"Gusto kong magpakasal tayo."
Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin
Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract
Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago
Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n
Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p
Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat







