SAMARAH
"Huwag kang makialam dito, Mr. Walker. Humanap ka ng babae mo!" sigaw ng matandang lalaki. "At paano naman ako hindi makikialam sa iyo Mr. Ratbu kung namimilit ka na? Sa tingin mo ba, tama ang ginagawa mo? Pinipilit mo siyang sumama sa iyo kahit ayaw naman talaga siya. Sino ba naman kasing babae ang sasama sa iyo sa ganiyang itsura mo? Oo mayaman ka nga at marami kang ginto pero pagsisipilyo, hindi mo magawa? Pati ngipin mo kakulay na ng gintong nasa leeg mo na mukhang malibag pa. Sinong babae ang may ganang makipagtalik sa iyo? Walang silbi ang yaman mo kung hindi ka naman marunong maglinis ng katawan mo!" Gustong matawa ni Samarah sa mga sinabi ng guwapong lalaki sa kanyang tabi ngunit todo pigil ang ginawa niya. Walang nagawa ang matanda kundi ang umalis na lamang. Doon na nakahinga ng maluwag si Samarah. Binatawan na niya ang damit ng guwapong lalaki at saka sumandal sa gabi. "Ano ba ang ginagawa mo dito? Ngayon lang kita nakita sa lugar na ito dahil madalas ako dito," tanong sa kanya ng guwapong lalaki. "First time ko po sa lugar na ito. Sinubukan ko lang pong pumasok sa club na ito dahil dito nagtatrabaho ang kaibigan ko. Dito siya kumikita ng malaki pero hindi ko po pala kaya," nakayuko niyang sabi. Tumikhim ang lalaki. "Talaga bang hindi mo kaya o baka naman hindi mo lang gusto ang mga mayayamang lalaki na nandito?" Napatitig si Samarah sa lalaking nasa kanyang harapan. Nakatingala siya dahil masyado itong matangkad. Hanggang balikat lang siya nito. "Ah... hindi na po ako magsisinungaling... opo. Nagulat po ako na ang papangit pala nila. Akala ko, guwapo. Nanghihinayang ako sa virginity ko kung makukuha lang ito ng isang pangit na matanda." Nanlaki ang mga mata ng guwapong lalaki bago nasamid. "Ah... okay. Naiintindihan kita. Well, sasabihin ko na sa iyong naghahanap ako ng babaeng magpapaligaya sa akin. Magbibigay ng pangangailangan ko bilang lalaki kapalit ng malaking halaga. I'm Hendrix. And you?" "Samarah po." Malawak na ngumiti ang guwapong lalaki. Lalong naging guwapo at kaakit-akit sa paningin ni Samarah ang lalaking nasa kanyang harapan. Puting-puti ang pantay-pantay nitong ngipin. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kaguwapong lalaki. Halatang may lahi ito dahil kulay asul ang mga mata nito. "Beautiful name. Bagay na bagay sa iyo dahil maganda ka. Well, gusto mong kumita ng pera, right?" Mabilis na tumango si Samarah. "Opo, sir." "Okay good. I can be your sugar daddy, Samarah. At lahat ng gusto mo, ibibigay ko sa iyo. Brand new phones, mga bag, damit, alahas or anything you want, I can give it to you, bukod pa ang pera doon kapalit ng katawan mo. And I want you to satisfy me," mariing wika ni Hendrix. Makailang ulit na lumunok ng kanyang laway si Samarah bago humigpit ang hawak sa suot niyang fitted dress kung saan kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. "Ngayon ko lang ito i-o-offer sa iyo, Samarah. Bahala ka, hahanap ako ng ibang babaeng puwede kong o-ffer-an ng ganito. At alam kong matatanggap nila ang offer ko kaagad," dagdag pang sabi ni Hendrix. Hinawakan ni Samarah ang kanyang sintido bago muling tinitigan si Hendrix. 'Guwapo ang lalaking ito at maganda pa ang hubog ng katawan. Ganitong-ganito ang nabasa ko sa nobela kagabi. Kaya hindi na ako lugi kung papayag ako sa gusto niya,' pangungumbinsi niya sa sarili. "Si-Sige... pu-pumapayag na ako sa gusto mo pero may pakiusap sana ako..." nauutal niyang sabi. "Ano iyon?" "Puwede bang sasabihin ko sa tita ko pati na sa pinsan ko na waitress ako sa club na ito? Kapag kasi nalaman nilang may sugar daddy ako, kung anu-anong panlalait... at masasakit na salita ang matatanggap ko sa kanila. Wala na akong magulang. Wala akong ibang mapupuntahan. Ayokong umalis sa bahay ng tita ko dahil sila na lang ang mayroon ako. Sila na lang ang kilala kong kamag-anak...." malungkot niyang sabi bago yumuko. Narinig niya ang pagtikhim ni Hendrix. "Walang problema. Kakausapin ko na lang ang may-ari ng club na ito. Para kung sakaling magtanong ang kamag-anak mo kung waitress ka ba talaga dito, sasabihin ng mga waitress dito na oo." Nag-angat ng tingin si Samarah bago naluluhang ngumiti. "Maraming salamat, Hendrix. Pero puwede bang bukas na lang ulit tayo magkita? Gusto ko na kasing umuwi. Hindi ko alam pero napagod akong bigla." "Okay fine. No problem. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Hindi alam ni Samarah kung bakit ang gaan ng loob niya kay Hendrix kahit ngayon niya lang ito nakilala. Naisip niyang marahil dahil iyon sa ginawang pagligtas nito sa kanya mula sa manyakis na matanda. "Dito na lang. Maraming salamat. Ah... i-search mo na lang ang social account ko. Samarah Ambers. Doon mo na lang ako i-message. Salamat ulit sa paghatid sa akin dito. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Akma na sana siyang lalabas ng sasakyang iyon nang pigilan siya ni Hendrix. "Sandali..." Napatingin siya sa binata. Kumuha ito ng ilang libo sa kanyang bulsa bago ito inilagay sa kanyang kamay. Napanganga si Samarah. "For you. Bumili ka ng damit na susuotin mo para bukas. Huwag masyadong revealing. Pero mukhang hindi ka naman yata sanay magsuot ng ganoon. Magpahinga ka na. Good night," wika ni Hendrix bago tipid na ngumiti. "Go-Good night. Salamat," nauutal na wika ni Samarah bago lumabas ng sasakyan ng binata. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Hendrix bago binilang ang perang inabot nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya dahil fifteen thousand iyon. Ang pinakamalaking perang nahawakan niya. Nilukot niya kaagad ang perang iyon at saka nagtapo sa poste. Itinaas niya ang kanyang suot na dress at saka isinuksok ang pera sa loob ng kanyang panty. Kumuha lamang siya ng dalawang libo. Inayos niya ang kanyang sarili bago lumakad patungo sa bahay ng kanyang tiyahin. Hindi puwedeng ibigay niya lahat ng pera sa kanyang tiyahin dahil walang matitira sa kanya. At kailangan niya pang bumili ng magandang damit. "Ano ba naman iyan, Samarah! Gabing-gabi na distorbo ka pa! Saan ka ba ga--" Nahinto sa pagsasalita ang kanyang tiyahin ng iabot niya ang dalawang libo. "Para po sa iyo, tita. Pasensya na po kung naistorbo ko ang tulog po ninyo." Agad iyong kinuha ng kanyang tiyahin at saka malawak na ngumiti. "Hindi mo naman nadistorbo ang tulog ko, Samarah! Salamat dito! Halika na pumasok ka na dito. Magpahinga ka na sa kuwarto mo!" Kulang na lang umabot hanggang tainga ang ngiti ni Rosie dahil sa perang inabot sa kanya ni Samarah. Pagkapasok ni Samarah sa kanyang kuwarto, pabagsak siyang humiga sa kama. Sumagi sa isipan niya ang guwapong mukha ni Hendrix at natagpuan na lamang ang kanyang sarili na malawak ang ngiti.Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng pinto. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa
Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa
LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba
Maliwanag ang buong simbahan. Puno ito ng puting bulaklak, malalambot na kurtina, at mga ngiting sabik sa pagdating ng bride. Sa harap, nakatayo si Samuel sa tabi ng pari, naka-three-piece suit na parang lumabas sa magazine cover, pero halatang kinakabahan.Sa gilid, nakangiting binubulungan siya ng best man:“Relax, Samuel. Para ka namang sasabak sa boxing, eh," natatawang sabi ni Shaun.Pero hindi sumagot si Samuel. Kanina pa kasi siya naka-focus sa pintuan ng simbahan, hinihintay ang sandaling makita si Valerie.Nang bumukas ang pintuan, halos huminto ang oras. Naka-gown si Valerie na simple pero elegant, gawa ng designer na minahal niya sa kanyang kabaitan. Lahat ng tao ay humihinga ng malalim, pero si Samuel — para bang iyon lang ang araw na nagkaroon ng kulay ang mundo niya.Habang naglalakad si Valerie sa aisle, naririnig niya ang mahihinang bulong ng ilang bisita:"Ang ganda ng mapapangasa ni Mr. Walker...""Parang artista lang...""Grabe dyosa sa ganda!"Nang makarating si Va
VALERIE LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN mula nang mangyari ang kapalpakang ginawa ni Jess na muntik nang sumira kay Valerie. Ngayon, tuwing papasok siya sa Amber’s Corporation, palaging may bumabati at ngumingiti sa kanya — hindi na tulad dati na may nagbubulungan at nambabastos sa likod. Kahit ang dating supladang si Jess ay hindi na rin nagpapakita sa kumpanya; balita’y nagpunta na ito abroad. Sa kabila ng respeto at atensyon na natatanggap niya, pinili pa rin ni Valerie na manatili sa kanyang posisyon bilang staff. Kahit ilang beses siyang inalok ni Samuel na maging department head o bigyan ng mas magaan na trabaho, lagi niyang tinatanggihan. Pinatitigil din siya ni Samuel sa trabaho doon at sinabing maging assistant na lang ng mommy Samarah niya pero tinanggihan niya iyon. Masaya si Valerie sa trabaho niya bilang staff. “Love, hindi sa ayaw ko, pero gusto ko kasi na may sarili akong kita. Iba pa rin iyong pakiramdam na may naipapasok akong pera sa sarili kong account na ga
VALERIE MAKALIPAS ANG HALOS isang linggo mula sa pagkapahiya ni Jess, tila mas naging tahimik si Jess sa harap ni Valerie. Pero alam ni Valerie na hindi iyon kabaitan — kun'di paghahanda para sa mas malupit na galaw.'Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Nadadama kong may pinaplano siyang masama laban sa akin,' sabi ni Valerie nang sundan niya ng tingin si Jess. Biyernes ng hapon, tinawag si Valerie ni department head. “Valerie, ikaw ang maghahanda ng presentation para sa Monday meeting with the investors. Nasa shared folder ang files," mabilis na sabi ng department head. “Noted po,” mahinahong sagot niya bago inikot ang kanyang mata. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kanyang mata si Jess sa loob ng kanilang departamento. Walang ibang staff sa mga table doon dahil ngayon, kausap niya ang head. Pagbalik niya sa desk, binuksan niya ang shared folder… pero halos walang laman. Tanging ilang lumang files na outdated na ang nandoon. 'Hmm… interesting,' bulong niya s