Elies Abegail pov.Pakiramdam ko kasing kulay na ng kamatis ang mukha ko sa subrang pula nito. Sino ba ang hindi pamulahan ng mukha sa ma bulaklakin na salita ng binatang pulis na ito? Tuluyan ko nang iniwas ang mukha ko sa kanya at dumistansiya baka marinig pa niya ang malakas na kabog ng puso ko na siya ang dahilan.Base on my peripheral version nakatingin parin ito sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko, akala ko ba kaya siya lumapit sa akin dahil tutulungan niya ako sa pag ihaw, bakit nakatayo lang siya at…….nakatitig sakin?“Ehem,” basag ko ng katahimikan.” Bumalik ka na doon, kaysa dito ka tapos aasarin mo lang ako.”Napakamot ito sa kanyang ilong at inagaw sa akin ang pamaymay.” Ako na rito, tapos ikaw ang bumalik doon. Makihalubilo ka sa ibang tao para hindi ka tatandang dalaga.”Biglang kumulo ang dugo ko at umusok ang ilong ko sa subrang inis sa sinabi niya. Talaga namang nakakapikon siya, hindi nakakatuwa. Inagaw ko sa kanya ang pamaypay at pinagpapalo siya sa subrang inis.“A
Kenzo Juaquin pov.Na istatwa ako sa aking kinatayuan ng marinig ang malamyos na boses ni Elies habang kumakanta. Para akong dinuduyan sa ganda ng boses niya. Ngunit gaya ng kagawian ko iniinis ko siya pagkatapos para matakpan ang saya at kilig na naramdaman ko.Malaki ang ngiti ko ng padabog na pumasok si Elies sa loob ng bahay pagkatapos ko siyang asarin. I’m sorry babylabs, ito lang ang paraan ko para mapalapit sayo. Ito lang ang paraan ko para makausap kita ng matagal.“Paano ka sasagotin niyan kung palagi mong ginagalit at inaasar?” wika ni J.A nang makaupo ako sa tabi niya.May ngiti parin sa labi na tiningnan ko ang pintuan ng silid ni Elies. “Ewan, tol. Pero mas gusto ko na ganito muna kami. Baka kasi layuan niya ako kapag nagtapat ako sa kanya. Baka hindi niya ako tanggapin.”Tinapik niya ako sa balikat.” Ikaw ang bahala, tol. So, ano ngayon ang gagawin mo?”“E, te-text ko siya. Magpanggap akong stranger at kapag malaman ko na pwede na siyang magpaligaw doon ko na sasabihin sa
Kenzo Juaquin pov.“Anong nangyari kay Marasigan? Isang linggo na 'yan na parang pasan ang buong mundo ah.”Rinig kong wika ni Cedrick kay Jerom, hindi ko sila pinansin at nag bingi-bingihan lang. Wala naman silang alam tungkol sa naramdaman ko para kay Elies. Mabuti na rin iyon dahil ayaw ko marinig ang mga panunukso nila.“May pinupormahan ba ‘yan?” tanong ni Aljon. ”Ganyang kinikilos niya alam ko ng problema sa chiks ‘yan e.”“Wala naman akong napapansin na may pinupormahan ‘yan,” si Jerom.“Buenavedez,” tawag ni Aljon.” Anong nangyari dito sa bestfriend mo? Na kulangan ba ‘to ng alak sa katawan?”“Kulang lang sa action ‘yan. Matagal na kasi iyan hindi sumabak sa bakbakan,” kaswal na sagot ni J.A habang busy ang kamay sa pagtipa sa computer. Nag bulong-bulungan naman ang tatlo hinuhulaan kung bakit ako nagka ganito.Nang ma reject ako ni Elies parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko. Wala na iyong excitement sa tuwing gigising ako sa umaga, gumigising lang yata ako dahil sa trabah
KENZO JUAQUIN pov.Ang pagkagusto ko sa kanya ay mas lumalim pa. Na kontento na ako sa trato niyang parang isa akong salot sa buhay niya sa tuwing magkaharap kaming dalawa at least kahit sa text mabait siya, kaunti. Nakagawian ko na rin na padalhan siya ng pagkain at bulaklak tuwing umaga since we owned a restaurant naman, gusto ko lang masiguro na may laman ang sikmura niya bago pumasok sa trabaho.Elies: Habang tumatagal naging sweet ka, ah. Anong nakain mo at may pa good morning qoutes ka pang nalalaman? Hahaha.Napangiti ako ng mag text siya. Me: Wala man lang good morning handsome? Buksan mo ang pinto mo, may ibinigay ako sayo.Reply ko. Maya-maya bumukas ang pinto ng kanyang bahay at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagtataka. Palinga-linga ito sa paligid nagbabakasakali na makita niya ang hinahanap niya. Hindi ko napigilan ang mapatawa ng lumukot ang mukha niya sa pagkabigo.Elies:Sayo galing ‘to?Me: Yes.Elies: So, your name is Kj?Me: That’s my nickname. Pu
ELIES ABEGAIL pov.Hindi parin ako makapaniwala na si Kenzo at Kj na lagi kong kausap sa text ay iisa. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na si Kenzo iyon dahil magka iba ang trato niya sa akin sa text at kapag magkaharap kami. Pero hiniling ko na sana ay iisang tao lang sila dahil ang totoo, mahal ko si Kenzo. Kaya ganoon nalang ang sayang naramdaman ko kanina nang sabihin niya sa akin ang katotohanan na siya at si Kj ay iisa.Naintindihan ko kung bakit siya naglihim sa akin. Kung bakit niya pinatagal ng dalawang taon dahil gaya ko hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon. Hindi pa ako totally healed noon sa panloloko sa akin ni Patrick and thanks god Kenzo or Kj help me. Sa ibang paraan natulungan niya akong mahilom ang sugat sa puso ko at maibalik ang kumpiyansa sa sarili ko.Nang sabihin niya sa akin kanina na mahal niya ako hindi ako nagdalawang-isip na sagotin iyon dahil mahal ko rin siya. Gusto ko rin na maging official boyfriend/girlfriend na kami, kung pwede nga kasal na
ELIES ABEGAIL pov.SINIRA MO ANG IYONG PANGAKO.Post ko sa aking f* account. Anim na buwan na ang nakalipas pero wala parin siyang paramdam sa akin. Pati sa mga kaibigan niya at sa kapatd ko, wala rin. Gumawa ako ng f******k account at hinanap doon ang pangalan niya pero matinik ang tadhana, kahit kapangalan niya lang wala rin.Wala na akong pagasa na mag text o tawagan niya ako kaya lahat ng sama ng loob ko at hinanakit sa social media ko inilalabas. Miss na miss ko na siya. Ang pangungulit niya, at ang pagpapatawa niya sa akin. Lahat nang sa kanya na miss ko na. Siya kaya, na miss na rin kaya niya ako?Kahit may galit akong naramdaman para sa kanya, hindi parin ako tumitigil na pumunta sa roof top upang hintayin siya. Hindi parin ako tumitigil at nagbabakasakali na isang araw pumunta siya roon at tuparin ag pangako na binitawan niya. Upang ma ibsan ang pangungulila ko sa kanya, itinuon ko ang aking sarili sa trabaho at sa pag-bo-boxing. Ito ang naging takbuhan ko kapag na miss ko si
ELIES ABEGAIL pov.Umuwi muna ako ng bahay pagkatapos naming mag-usap ni Dina. Nag taxi ako dahil wala akong dala na sasakyan. Ang weird lang kasi parang sinusundan kami ng sasakyan na nasa likuran namin. Simula nang maka alis ako sa bahay nila bunso nakasunod siya, kinabahan ako kasi baka masamang tao. Sabihan ko sana si Manong drayber na bilisan ang pagpatakbo ngunit nang makaliko na kami papasok sa village nawala ang kotseng sumusunod sa amin kanina pa.Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may masamang balak. Na baka tambangan kami sa unahan at tutukan ng baril tapos kukunin ang lahat ng mga gamit at pera namin ni manong drayber. Mahina akong napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng bintana. Handa na ba talaga ako na makaharap siyang muli? Parang hindi ko pa kaya na kausapin siya. Pero miss na miss ko na siya.“Salamat, manong.” wika ko nang makarating sa tapat ng bahay at bumaba na pagkatapos kong magbayad.Naligo na ako kaagad. Maong pants at t-shirt lang ang sinuot ko baka m
ELIES ABEGAIL pov.Kinabukasan, tinadtad ako ng text galing sa mga pinsan ko. Kaya ang ending, gumawa ako ng group chat at doon nalang nag reply sa messenger. Hindi unlimited ang pang text ko at isa pa hindi importante ang text nila para mag aksaya ako ng pera pang load para lang replayan sila isa-isa. Ni replayan ko ang kapatid ko na okay lang ako at inignora ang mensahe ni mama. Maki tsismis lang ‘yon. Naikuwento siguro ni Dina ang nangyari.I did my morning routine. Nang matapos gumayak na ako papuntang trabaho. Nagulat pa ako nang makita si Kenzo sa labas ng bahay ko, naka pulis uniform ito at mukhang papasok na sa trabaho. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan, nakayuko ang ulo kaya’t hindi niya nakita ang paglabas ko ng bahay.Tatawagin ko na sana siya ngunit naalala ko ang sinabi ni Dina sa akin kagabi. Hmm, it’s payback time. Tingnan natin kung hanggang saan ang paghahabol mo sa akin. Pumasok ako sa aking sasakyan, nanatili paring nasa lupa ang kanyang tingin, doon lang siya uma