Share

Chapter 5

                                                    Chapter 5

Ramdam ng dalaga ang lamig ng simoy ng hangin na kasalukuyang yumayakap sa kaniyang buong katawan, hindi siya makapagsalita sa binata dahil nahihiya siyang magsabi dito. Upang maibsan ang lamig ay minabuti niya na lamang na yakapin ang kaniyang sarili at bigyan ng kaonting init ang kaniyang balat gamit ang pagpahid ng mga palad sa sarili.

Ngayon ay nakaupo ang binata habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan, aliw na aliw ito sa panonood sa mga kumikinang na algae sa ibabaw ng dagat kaya’t hindi niya napansin ang lamig na dama ni karrie. Mistulang magiging isang estatwa na ang dalaga sa kaniyang tabi ngunit hindi niya parin ito namalayan.

“ I want this kind of presence, you and I together are the happiest date I’ve ever experienced”

Sambit ng binata saka bumalin sa dalagang nanlalamig na sa kaniyang tabi. Nanlaki ang mga mata ni dyke saka inalis ang kaniyang coat at maingat na sinuot sa katawan ng dalaga.

“ Thaan- thank you!” nanginginig na untad ng dalaga.

“Nilalamig kana pala, hindi ka manlang nagsalita at nagsabi manlang sa akin!”

Bakas ang prustrasyon sa mukha ni dyke saka ambang iyayakap sana ang mga braso sa dalaga ngunit bigla na lamang itong umiwas.

 “No! please don’t!”   

“ Ow, oka- okay, I’m sorry.”  Dyke said in a low baritone voice, he seems to be very disappointed at this time. He just wanted to warm karrie's body, but the woman has rejected him. Subalit hindi lingid sa kaalaman ng binata na nahihiya lamang ang dalaga sa ganon

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sakit mula sa isang babae, dahil nasanay siya sa ibang babae na halos sambahin na ang kaniyang pangangatawan at personalidad na inaasam ng mga ito. Si karrie lang talaga ang mahirap makuha dahil napakataas ng delikadesa  nito sa sa kaniyang sarili at alam na alam kung paano umakto ang isang propesyonal na katulad niya.

Hanggang ngayon ay nilalamig parin ang dalaga sa tabi ni dyke, ngunit wala naman magawa ang binata dahil ayaw nitong magpayakap sa kaniya. Pero sa totoo lang gusto nang tumiwalag ni karrie sa pagiging pakipot dahil labis ang lamig na kaniyang dinaranas ngayon. 

" Dy-ke, huu- hug me!" Hindi na napigilan ni karrie ang pagtitiis kaya hinayaan niya na lamang  ang kaniyang sarili na sabihin iyon sa binata.

Bigla naman siyang sinunggaban ng yakap ng binata, saka dali- dali nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa buong katawan niya, malamig talaga ang panahon ngayon lalo pa't 'Ber months' na. Masyado pang malayo ang lalakarin nila kung magpapasiya silang umuwi nang ganito ang kalagayan ni karrie. Medyo matatagalan muli silang makabalik sa mismong park kung saan din naka- park ang sasakyan ni dyke.

"Hug me tight, karrie. I'll call my personal driver to pick us here"

"U-uhm,. i'm okay now, it's just really cold"

Bakas ang pag- aalala sa mukha ng binata at awa nito sa dalaga, hindi niya naman akalain na lalamigin ito ng ganito katindi. Sabagay kase medyo exposed din ang balat ni karrie sa lamig kanina dahil hindi ito naka- coat or extrang pantapal lamang sa kaniyang katawan, sobra pa ang pagiging manipis ng suot niyang damit, mula pa nuong naglalakad sila papunta sa dalampasigan.

Makalipas ang saglit na oras medyo nabawasan na ang lamig sa katawan ni karrie dahil hangggang ngayon ay nakayakap parin siya sa binata nang mahigpit, nahuhumaling siya sa lapad at pagiging matikas ng katawan nito. parang naging isang certified pabebe naman ang inaangal niya ngayon. nuon ay hindi niya mawaring gawin ito sa binata pero ngayon ay aliw na aliw siya sa ganitong set- up nila. patuloy parin nakabalin si karrie sa binatang abala  sa pagpipi- pindot  sa kaniyang cellphone. Pinagmamasdan lamang ito ng dalaga, nakapinta ang iritadong mukha ni dyke dahil walang sumasagot sa tawag niya. Tanging ang liwanag lamang ang nagbibigay ng ilaw para makita ang isa't- isa. sapat naman iyon para sa kanilang dalawa

"Fuck!, ngayon pa nawalan ng signal! damn it!" he madly anathemize, frustration was in his system right now. so karrie decided to calm him.

" Relax, okay naman ako eh, hintayin na lang natin!" 

" Pero nilalamig kana karrie, baka mapano ka pa nang dahil sakin" humugot na lamang ng hangin ang binata, saka marahang ikinalma ang sarili

Hindi naman inaasahan ni dyke na magkakaganito ang dalaga. Balak niya lamang sana na umabot sila ng midnight at saka  niya tatawagan ang personal driver niya para sunduin na lang sila dito at ipahatid na lamang ang kotse niya diretsyo sa bahay nila, ngunit ganito pa ang nangyari. 

Ang daming naglalaro sa isipan ni dyke sa sitwasyon nila ngayon. Nakokosensya siya dahil sa kasalukuyang nangyayari , dapat hindi niya na lang dinala si karrie sa ganitong lugar, kung alam niya lang magkakaganito hindi na lang sana sila tumuloy.

Nagbaba siya ng tingin at bumalin sa dalaga, ngunit sa hindi inaasahan, nagulat siya nang makitang nakatuon na pala ito ng tingin sa kaniya. Hindi niya napansin iyon dahil masyado malalim ang kaniyang iniisip.

Inangat ni karrie ang isang kamay niya saka ito inilapat sa mukha ng binata. Unti- unting nagsimulang tumibok ang puso ni dyke, nang dumampi ang mga palad ni karrie sa kaniyang pisnge.

Patuloy pa rin nakatitig ang dalaga sa mukha ni dyke, hindi maintindihan ng binatang ito ang inaasta ni karrie sa kaniya. Bakit parang biglang nagbago ang simoy ng hangin sa pagitan nila. Na- hynotize ba ito ng mga algae na kumikinang sa dagat? Tanong niya sa kaniyang isipan. Hindi naman maaring mangyari iyon, isang napaka istupidong ideya na naman ang tumabok sa isip ng binata.

Dumako ang kamay ni karrie sa buhok na tumatakip sa ibang parte ng mukha ni dyke, at banayad itong hinawi.

" You're so handsome" 

Nakangiti  ang dalaga  habang nakabalin pa rin ang atensyon sa kaniya. Hindi maintindihan ni dyke ang nararamdaman  ng puso niya ngayon, para itong nag- uumapaw sa kilig at sa anumang oras ay kusa na lamang itong sasabog. 

Binasa ng binata ang kaniyang mapupulang labi, hindi siya nagpahalata sa dalaga na naaapektuhan  siya sa sinabi nito.

"Nilalamig ka pa rin ba?" Singit na tanong ng binata upang maitago ang kilig na nararamdaman niya, at para na rin magising ang dalaga sa kasalukuyan.

" I'm okay now, kaonti na lang din yung lamig" Sagot ng dalaga

" Don't worry, i'm okay" Dagdag pa nito, halata niya sa binata ang sobrang pag- aalala kanina pa, kaya mas minabuti niyang sabihin na lang iyon upang mapalubag ang loob ng binata.

Mukhang seryoso talaga si karrie sa ginawa niya kay dyke, dahil nakakapagsalita ito ng matino hanggang ngayon, wala naman pinainom ang binata dito na kung ano para sabihin ang compliment na iyon sa kaniya. Nagpapakiramdaman lang ang dalawa sa isa't- isa. Parang ngayon hindi naman nakaramdam ng pagka- ilang ang dalaga.

" Puwede bang manitili muna tayo dito?" Paki- usap ng dalaga, sa totoo lang gusto niya pang pagmasdan ang dagat kasama ang binata. hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan niyang lamunin siya ng galit para sa binata, kung sa tutuusin hindi naman ito nakagawa ng kasalanan sa kaniya. Bakit parang ngayon lang ipinamukha sa kaniya ng kaniyang sarili ang katotohanan na mayroong magandang pag- uugali ang binata.

" Are you sure, karrie?" tanong ng binata

" Yah" 

Tumingin naman si dyke sa kaniyang relong pambisig upang kumpirmahin ang oras.

" But, it's already 9" paliwanag niya, pero paano sila magpapasundo kung hindi niya naman ma- contact ang mga tauhan nila sa bahay. Kailangan pa nilang lumakad pabalik. Ganun din, ang dami pa rin sagabal,at hindi pa maayos ang kalagayan ng dalaga.

"It's okay, dyke. thanks for bringing me here" Masayang nagpasalamat si karrie habang nakatuon pa rin ang atensyon kay dyke. nakapanatili lang sa pagkakaupo ang binata kasabay nang pagbalin sa kaniya.

Umayos ng posisyon si karrie, bahagya siyang sumandal sa balikat ng binata habang nakayakap pa rin dito. gustong- gusto niya ang posisyon na iyon upang mas maging komportable siya, samantala ang mga bisig naman ng binata ay dumako sa kaniyang katawan. Sabay- sabay na nagsitayuan ang mga balahibo ng dalaga dahil duon. ngunit hinayaan niya na lamang ito, at dinama ang init na namamagitan sa kanila sa mga oras na iyon.

Tuluyan silang naging komportable sa isa't- isa, hindi alam ni dyke kung hanggang anong oras magtatagal ang ganitong pakikitungo ng dalaga sa kaniya. Subalit ang mas mahalaga na lamang sa kaniya ngayon ay ang sulitin ang romantikong lagay nila.

 "se agapó polý, eísai aftós gia ton opoío prosefchómoun"

 Pabulong na sambit ni dyke, napaangat ng tingin ang dalaga sa kaniya at nagtaas ng kilay, pintado sa mukha nito ang kyuryosidad

"What?, is that an alien word, dyke?"

"No" Tipid na sagot ng binata

" Okay, never mind" hindi na lamang pinansin ng dalaga ang sinabing iyon ni dyke, hindi rin naman ito sasagot ng maayos sa kaniya, isa pa. Nakakawiling damhin ang matipuno nitong katawan. Bumalik siya sa pagkakasandal sa binata at ibinalin na lamang ang atensyon sa dagat. Medyo mahaba pa ang oras na kanilang hihintayin bago magpasyang bumalik. Hindi rin nila alam ang pla- planuhin dahil pareho silang masaya sa piling ng isa't- isa. 

Isa nga talagang betiranong pilyo ang binatang ito. Pareho silang hindi sigurado ngayon sa kanilang mga nararamdaman, ang dalaga naman ay hindi makapaniwala na pinakitaan niya ng ganitong pakikitungo sa binata. bahala na lamang sa susunod na araw kung babalik sila sa dating nakasanayan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status