Share

Chapter 6

KASALUKUYANG sinusuklay ni dyke ang mga hibla ng buhok ng dalaga habang ito'y tulog sa kaniyang mga bisig. Patuloy pa rin silang ginagabayan ng liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw ng binata upang mapagmasdan ang dalaga. Hindi na kinaya ni karrie ang antok dahil sa presensya ng dagat at hangin mula pa kanina. Hindi naman ito magawang gisingin ng binata kaya hinayaan niya na lamang na dito na sila datnan ng bukang liwayway. Nakabalin ang tingin ng binata sa maamong mukha ni karrie, napakaganda parin nito habang tulog, natutuwa si dyke dahil sa taglay na katangusan ng ilong ng dalagang ito. Dumako ang kaniyang palad sa tungkil nito saka sinundan ng kaniyang hintuturo ang perpektong guhit na kumukonekta sa  mga labi ng dalaga. Banayad niyang dinama iyon hanggang sa dumampi na ito sa hugis puso nitong labi.

Kahit pa maraming babae ang nagkukumahog sa kaniya, sa babaeng ito lang talaga siya nahulog ng ganito katindi. Siguro nga ay marami din siyang pagkakamaling nagawa sa loob ng ilang taong pagpapanggap na wala siyang pakialam sa iba. Subalit wala namang choice si dyke, kailangan niyang gawin ito upang sa susunod na henerasyon ay mapapanatag siya na magiging maayos ang kahihinatnan ng kanilang kompanya at tuluyang mapapabagsak ang mga ganid na negosyanteng namamayani ngayon sa lipunan, na sanhi din ng kahirapan ng iba. Pinalaki si dyke ng kaniyang lolo nang mulat sa sitwasyon at tinuruan din siya nito kung paano makibagay sa tao nang hindi siya nagagawang manipulahin ng iba.

You’ re so beautiful, my love

“Sa ngayon hahayaan muna kitang kamuhian ako, kaysa mailagay kapa sa kapahamakan. I won’t let anything bad happen to you, I swear to god” Pabulong na sinabi ng binata habang pinipindot ang napakalambot at mapupulang labi ng dalaga. Hindi maintindihan ni dyke ang kaniyang sarili, habang tumatagal ay para siyang nawiwili sa mga labi ng dalaga at tila’y inaakit siya nito. Parang hindi niya mapigilan ang sarili na alisin ang atensyon duon. Natatakam siyang tikman ang mga labi nito. Bakit parang nagkukusang bumaba ang kaniyang sariling mukha para abutin ang mga labi ng dalaga. Dyke kailangan mong pigilan ito, hindi pu- puwede ang gagawin mo.

Batid ng pag- iisip ng binata, ngunit nagkukusa na ang kaniyang sarili upang halikan ang dalaga. Unti- unti nang nakakalapit ang kaniyang labi dito.  Kinakabahan siya sa nangyayari, hindi niya dapat samantalahin ang pagkakataong iyon dahil tulog ang dalaga at wala itong kaala- alam sa gagawin niya. May respeto naman siya sa dalaga ngunit hindi niya na mapigilan ang kaniyang sarili. Ipinikit na lamang ni dyke ang kaniyang sarili dahil wala na siyang magagawa, hanggang sa tuluyan nang nag- isa ang mga labi nilang dalawa ng dalaga. Damang- dama niya ang mga labi nito na napakasarap, iginalaw ni dyke ang kaniyang labi at saka idinilat ang mata upang magising sa kasalukuyan, agad niyang inalis ang kaniyang labi upang matanggal ang pakakahalik sa dalaga. Agad siyang bumalik sa huwisyo kasabay ng pagka- dismaya sa sarili. Nakokonsensya siya sa kaniyang ginawa ngunit pipigilan niya pa ba ang kaniyang sariling ninanais kung mahal niya naman talaga ang dalaga. Sa mga oras na iyon ay hindi parin nagising si karrie kaya medyo napanatag ang loob ni dyke, sa kabilang banda’y kinapa na lamang ng binata ang kaniyang cellphone upang kumpirmahin ang oras. Pagbukas niya pa lamang duon ay lumitaw na agad sa screen ang oras na alas kwatro imedya, napakatagal nilang nanatili sa dalampasigan. Hindi manlang siya nakatulog dahil sa pagbabantay sa dalaga.

Magandang araw, iho!” Sambit ng matandag lalaki na nakatayo sa harapan nila ng dalaga. Gulat na napabalin ng tingin si dyke dito, bigla na lamang lumitaw ang matanda. Hindi niya namalayang sumulpot ito, ngunit ang matanda ay kalmado at may hatid na ngiti ng pagbati. May hawak itong lambat at timba na maaring lalagyan ng mga isda. Mukhang isa itong mangingisda sa lugar.

Mukhang dito na ata kayo nagpalipas ng gabi ng iyong kasintahan, anak

Ay opo, tatang. Mangingisda po ba kayo?

Oo anak, batid kong parang nahihirapan ang iyong kasintahan matulog dito sa dalampasigan

Bulalas ng matanda, umayos sa pagkaka- upo si dyke habang maingat na inayos din sa pagkakahiga si karrie sa kaniyang dibdib.

Opo tatang, inantok na rin po siya kanina dahil sa lamig ng hangin. Hindi pa naman po kami makabalik sa kotse ko at masyadong mahaba ang aming lalakarin pabalik duon, at isa pa po ay walang signal itong cellphone ko

 “Wala talagang signal dito anak, swertihan na lang talaga kung mayroon, ang kaso ay napakahina pa rin” Dagdag ng matanda, tipid na ngumiti si dyke at saka na lamang pumasok sa kaniyang isip ang lolo niya nuon. Nuong nasa edad limang taong gulang pa lamang siya ay madalas siyang isama ng kaniyang lolo sa mga lugar ng mga pangisdaan. Naalala niya dati nangingisda sila ng kaniyang lolo sa kanilang sariling isla sa Masinloc, tuwang- tuwa siya nuon kapag nakakahuli ang lolo niya ng kahit maliit lamang na isda. Ngunit ngayon hindi niya na magawa iyon dahil nga binawian na ng buhay ang kaniyang lolo.

Maari ko ba kayong imbitahan sa aking tahanan?, upang makatulog din ng maayos at komportable ang iyong kasintahan, aayain na rin kitang magkape

Nakakahiya naman po sa inyo, tatang. Makaka- abala pa po kami sa inyong pangingisda” Pag- aalangan na tugon ni dyke

Ay hindi, iho. Anyamet, ayos lang iyon sa akin. Ugali ko talagang magpatuloy sa mga taong naabutan na ng ganitong oras sa aking bahay, isa pa ay malapit lang iyon dito.”

Talaga po ba, tatang?

Wen, anak kong!” Napagtanto ni dyke na isa pa lang ilokano si tatang, kaya’t tumaas ang tiwala niya dito dahil alam niyang matulungin talaga ang mga ilokano.

Kung ganoon po ay sige. Salamat po sa pag- iimbita sa amin” Nakangiting pagkakasabi ni dyke

Halika sumunod kayo sa akin, maari mo bang gisingin sandali ang iyong kasintahan?

Sambit ng matanda, saka naman ginisig ng binata si karrie upang makapunta sila sa tirahan ng matanda

Karrie, wake up” Marahang tinapik ni dyke ang dalaga saka ito nagising ngunit namumugto pa ang mga mata

Why? Uuwi na ba tayo?

No, dun na lang muna tayo tumuloy kila tatang

Huh? tatang?” Takang tanong ng dalaga at naghinilamos ang mukha gamit ang mga palad

Ako iyon anak, tumuloy muna kayo sa bahay ko upang makatulog ka ng maayos

Singit ng tatang sakanila ni dyke habang malugod itong nakangiti. Ngumiti na lang din si karrie at tumango sakanila ni dyke, saka ito umayos .

Halina kayo, sumunod kayo sa akin. Duon lamang ang bahay ko. Mga ilang lakaran lang” Tinuro ng matanda ang malaking bahay na natatabunan ng malalaking puno ng lugo at buko, ngunit dahil sa kalakihan niyon ay kita parin.

Iyon po ba tang?” Makhang tanong ni dyke

Oo, anak, napakalapit lamang diba? Oh, siya tara na

Untad ng matanda, agad naman tumungo ang dalawa at sumunod sa paglalakad ng matanda. Hindi akalain ni dyke na isa pala itong may kayang mangingisda. Ang inaasahan niya ay isang simpleng kubo lamang ang tahanan nito ngunit nagkakamali siya. Hindi naman sa mababa ang tingin niya sa mga mangingisda kundi ay nasanay lamang siya sa kinalakihan nuon sa probinsyang pinapasyalan nila. Halos lahat ng bahay duon ay mga kubo pero mukhang preskong pagtulugan.

Makalipas ang tatlong minutong paglalakad ay nakarating din sila sa malaking bahay na iyon. Bungad pa lamang ng bahay ay napakarami nang mga palamuting halaman na may makukulay na bulaklak. Halata talaga ang pagiging simple ng pamumuhay ng matanda. Nang makapasok sila sa loob mismo ng bahay ay sumalubong sakanila ang isang matandang ginang na may malaking ngiti sa mukha

Oh, ang bilis mo naman nakauwi mahal ko? Sino ang mga kasama mong panauhin?

Magkasintahan na nakita ko sa dalampasigan, duon sila nagpalipas ng gabi, kaya’t inanyayahan ko na lamang sila dito sa ating balay” Sagot ng matandang lalake sa ginang, kaya’t tumango ito at bumati sakanila.

Magandang umaga mga anak, Hali kayo, tumuloy kayo sa aming bahay. Huwag kayong mahihiya

Maraming salamat po, nay” Sabay na sagot ng dalawa

Ah teka, ipaghahanda ko kayo ng kape, Pero mukhang inaantok pa ata ang iyong kasintahan. Puwede kang humiga sa isang kwarto namin, iha” Alok ng ginang kay karrie

Hindi ko po siya kasintahan, nay” Giit ni karrie, kaya’t parang nanlumo ang pakiramdam ng binata sa kaniyang tabi.

But soon po—” Singit ulit ng dalaga kaya biglang nawala ang panlulumo ni dyke at muling nabuhayan ng loob.

Ahahahaha, Hay nako anak, bakit hindi pa lang ngayon. Ngayon pa nga lang ay mukha na kayong mag- asawa, pareho pa kayong maganda at gwapo” Biro ng ginang at kilig na kilig sakanila

‘’ Gusto mo pa bang matulog?”

Ahm, opo. Marami pong salamat sa pagtanggap sa amin

Walang ano man, iha. Halika sumunod ka sa akin

Sige po” Tugon ng dalaga saka nagpaalam kay dyke

Tulog muna ako dyke, ikaw ba? Ayaw mong tumabi at matulog ka rin?

Hindi na karrie, I’m okay. Babantayan na lang kita ha” Ngumiti ang dala saka humawak sa braso ni dyke at nagpaalam.

Sige”  

Magkasabay na umalis ang ginang at si karrie patungo sa kwarto na pagtutulugan niya, samantala sila dyke naman ay naiwan sa sala.

Maupo ka muna, anak” Alok ni tatang. Agad naman sumunod si dyke at saka umupo sa napakalambot na couch. Kasabay naman nuon ay ang pagbabalik ng ginang mula sa kwarto.

Maayos na ang iyong kasintahan, anak. Sandali lamang at ipagtitimpla ko kayo ng kape

Buti naman po, thank you po ulit

Salamat, mahal ko” Sambit ni tatang sa kaniyang asawa.

Tumango ang ginang saka tumungo sa kanilang kusina. Labis na nag- uumapaw ang pagmamahalan sa dalawang mag- asawa, dahil sa sinseridad ng pakikitungo nilang dalawa. Natutuwa si dyke duon at biglang pumasok sa kaniyang isipan ang kahahatungan nilang dalawa ni karrie sa mga susunod pang mga panahon, kahit wala pa siyang kasiguraduhan kung pipiliin siya nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status