Share

Chapter 4

Nakarating na sila dyke sa kotse at maingat namang pinagbuksan si karrie saka ito inalalayan papasok. Sumunod siyang pumasok at umupo sa driver's seat. 

Sinimulang paandarin ni dyke ang kotse at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Kasalukuyan silang nasa biyahe habang ang dalaga ay nakatuon lamang sa mga punong nagsasayawan sa hangin na kanilang nadadaanan, biglang nagising sa reyalidad ang dalaga nang mapansin nitong iniliko ng binata pakanan ang direksyon nila na alam niyang hindi patungo sa lokasyon ng kanilang tinitirahan

Kunot nuong bumalin si karrie sa binata na seryosong nagmamaneho at tuloy lang na nakatuon ang atensyon sa daan. 

"What- the!" sigaw ng dalaga, napabalikwas ang binata sa inakto nito. Sandali niyang hininto ang sasakyan saka bumalin kay karrie.

"What's your problem?" takang tanong ng binata 

"Iuuwi mo ba talaga ako?!" 

Napaangat ang magkabilang gilid ng labi ni dyke, at nagpakawala ng pilyong ngiti.

"Chill, don't worry wala akong gagawing masama sayo" 

"What! " Inis na tugon ng dalaga, walang ka- alam alam ang dalaga kung saan at ano ang gagawin ng binata sa kaniya

" Naalala mo ba yung park dati na pinaglalaruan natin?" Singit na tanong ng binata. 

Muling kumunot ang nuo ng dalaga saka tumugon. " Lapaz—-?" tipid niyang sagot sa binata. Mukha naman nasiyahan ito sa kaniyang sinabi at tumango 

"Yes!, bago kita iuuwi. Idadala muna kita dun!" 

"But-?" Tatanggi pa sana si karrie ngunit hindi niya na naituloy ang sasabihin, nang paandarin agad ng binata ang kotse, saka nagtungo sa direksyon kung saan patungo ang park lapaz na kanilang pinaglalaruan nuon. Sobrang ganda talaga ng lugar na iyon dahil malapit rin ito sa dagat na maari nilang paglakaran, mukhang plinano na talaga ng binata ang mga bagay na gagawin kasama ang dalaga. Sabagay ngayon lang naman ito pumayag na lumabas sila. Hindi na sasayangin ni dyke ang pagkakataong ito na makasama ang nais niyang binibini.

Makalipas ang ilang minutong pakikipagsapalaran sa daan, nakarating na sila sa napakatahimik na lugar, tanging ang ingay lamang ng mga hampas ng alon mula sa dagat ang maririnig. Kasabay ng maliliit na huni ng ibon na bubuo sa diwa ng sino mang pumupunta duon. Ang park lapaz  ay punong- puno ng mga palaruang pambata at mga upuang pu- puwedeng ukupahan ng mga matatanda na nais magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin sa umaga.

Perpekto ang gabing ito para sa kanilang dalawa, sapagkat nagkataong sila lamang ang tao sa parke na iyon. Inilahad ni dyke ang kaniyang kamay sa dalaga saka ito tipid na ngumiti.

"Come, i have something to show you"

Saglit na nakatahimik ang dalaga at nag- isip " Where are we going?". Tanong niya

" Basta, just hold my hand and follow me"  ani ni dyke. 

"Pero—"

" Just trust me, it'll be great if you see this!" Hindi na umangal pa ang dalaga at humawak na lamang sa kamay ni dyke. Parang unti- unti nang napapagaan ng binata ang loob ni karrie, sa mga sandaling iyon mistulang nawala lahat ng inis niya sa lalaking ito. Kung tutuusin nga ay medyo maayos ito ngayon kumpara sa dating inaasta nito sa mga taong nakapalibot sa kanila nuong mga panahong tinatahak pa lamang nila ang pagiging isang estudyante.

Sabay na naglakad ang dalawa habang nakahawak parin si karrie sa kamay ng binata, medyo naiilang siya sa ganun pero no choice siya dahil takot din siya sa dilim na tatahakin nila. Kakaonti lamang kase ang ilaw na maaring gumabay sa kanila sa kung saan man siya dalhin ng binata, medyo kabado din ang dalaga sa sitwasyong ito. Habang papalayo sa mismong park ay unti- unti nang nagiging malubo ang kanilang dinadaanan, sumakto pa na naka suot siya ng high heels at formal dress na pang- opisina. 

Hindi niya magawang sisihin ang binata sapagkat hindi niya pa naman alam ang kahihinatnan ng pahirapang lakaran na ito.

" Wait, hinto muna tayo. Ang hirap na maglakad, hindi mo manlang inisip dyke na naka- high heels ako!" iritado niyang pagkakasabi sa binata habang inaalis ang dalawang pares ng suot niyang heels. Sa kabilang banda naman ay halatang natatawa  si dyke sa iritadong pag- aalis ng dalaga sa kaniyang sapatos. 

" Ano ganiyan ka nalang?, ayos lang sayo na nakasapatos kang maglalakad sa buhanginan?" 

Pasusungit ng dalaga saka naman  kumilos si dyke at inalis na rin ang kaniyang sapatos, sa totoo talaga ay nakalimutan niya rin na buhanginan pala ang kanilang paglalakaran, saglit na nawala ang ideya sa kaniyang isip na malapit pala ang lugar na iyon sa dagat at ang destinasyon nila ay ang dalampasigan. Minsan talaga, may pagkakataon ding nawawala sa huwisyo ang pilyong binata na ito kapag kasama niya na ang dalaga. Isang kasalanan ba ang ma- inlove sa babaeng ito? 

"Damn it!, ayan na naman yang kasungitan mo" ani dyke

" Hindi ako masungit, i'm just irritated" sagot ni karrie

"I'm sorry, here, grab my hand" 

imwenestra ng binata ang kaniyang kamay upang alalayan na lamang ulit ang dalaga para maiwasan din itong matumba sa malubong daan. Saglit na tumingin si karrie sa kaniya at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. "Fine!"

Nagpatuloy sila sa paglalakad subalit sobrang dilim na ng kanilang dinadaanan kaya nagpasya si dyke na kuhanin sa loob ng kaniyang bulsa ang cellphone niya na maaring pang- ilaw sa daan, binuksan niya ito at saka pumunta sa settings at in- on ang flashlight. Nakahawak parin ang dalaga sa kaniya, bakas sa mukha nito ang pag- aalala kaya saglit niyang itinutok ang ilaw sa mukha niya upang mapasaya sana ang dalaga ngunit mali ang kaniyang inaasahang reaksyon nito

" Aaaaaaaaaah!, Freak!, dyke!" sigaw ni karrie sa kaniya at mabilis na bumaon ang kuku nito sa kamay niya.

Napahalakhak ang binata habang nakabalin kay karrie.

"Hahahahahaha!, You're so funny!, chill out!" 

" Sa tingin mo nakakatuwa yun, Dyke Vlor De Luna!, isa kang propesyonal, so act like that. Para kang bata sa ginagawa mo!" Suhestiyon ni karrie at saka naman tumigil sa pagtawa ang binata

"Okay, let's keep walking, malapit narin to" Untad ni dyke, Ngunit nang akmang maglalakad na siya, naisipan niyang pagod na ang dalaga dahil sa kabagalan nito. Kaya nagpasya na lamang siyang ibakay nalang ito. Isa pa, malaking oportunidad narin ito para sa kaniya. Ngayon niya lang magagawa ang bagay na iyon sa dalaga. 

" Bumakay ka nalang sa akin, karrie. Para mabilis tayong makarating duon!"  Ibinaba ni dyke ang kaniyang sarili at inilahad ang kaniyang likod sa dalaga, tinuktok niya ang kaniyang balikat bilang tanda ng pag- aaya sa dalaga.

"Mabigat ako, dyke" Pagdadalawang isip ni karrie.

"No, you're not heavy my love nor you're sexy asf!" Papuri ng binata dito. Kahit umapela naman ang dalaga ay totoo naman ang sinasabi ni dyke sa kaniya. Napaka ganda ng hubog ng katawan ni karrie pati narin ang kaniyang maamong mukha na nagustuhan ng binata sa kaniya. Sino ba namang lalake ang hindi maaakit sa mala- anghel na mukha nito.

"Don't call me "my love" we're not even in a relationship" Batid ng dalaga.

"Uh, Okay. But soon—" Tipid na ngumiti na lamang ang binata, medyo nasaktan siya sa sinabi nito but he does'nt want to be a sad boy type, so he just ignored it. 

Naramdaman ni karrie na parang nag- iba ang mood ng binata kaya, tinanggap niya na lamang ang alok nito na ibakay siya. Bumakay siya sa likod ng binata at muling nagpatuloy sa paglalakad, dinig na dinig ang papalakas na ingay ng alon sa dagat habang sila'y papalapit na sa kanilang destinasyon. Subalit hindi rin mawala sa atensyon ni karrie ang labis na kabanguhan ng binata at maskulado nitong pangangatawan. Likod pa lamang napakatikas na. Mga ilang sandali pa ay nawala ang atensyon niya sa pandadama ng likod ni dyke. 

Tanaw nilang dalawa ang kulay berde na bagay na kumikinang sa ibabaw ng tubig ng dagat habang sila'y malapit na sa dalampasigan. Biglang namangha ang dalaga sa nakikita, halos kalahati ng dagat ay may bagay na iyon. Tambad sa kanila ang nagkikislapan na iyon sa dagat, kasabay nun ay dumiretsyo si dyke sa paglalakad hanggang sa makarating sa dalampasigan na mayroong isang upuan. Ibinaba niya ang dalaga at duon pinaupo. Masyado nang malapit sa kanila ang napakagandang tanawin ng dagat, napagtanto na din ni karrie na isa pa lang mga algae iyon na nagkalat sa dagat. 

Napaka perpekto ng pangyayaring iyon dahil nakakamangha itong pagmasdan habang naka- upo lamang kasabay ng mga alon na nagsisigawan at para sa ating mga taenga ay napakagandang musika.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status