INICIAR SESIÓN
[1]
Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit. Positive. Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim. May anak kami. Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya. Napalingon siya agad, nakakunot ang noo. "Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala. Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot. "W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang." "Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo." Lionel is blind. He lost his sight due to an accident. Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot. "Your face is puffy. Kaya alam kong umiyak ka. What happened?" sambit niya He knows me so well. He'd be such a great dad. "Lio..." nilunok ko ang kaba. "You're going to be a--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa malalakas na katok sa pinto. "Sandali lang, titingnan ko lang kung sino yun." bulong ko at mabilis na tinungo ang pinto Nang buksan ko ito, bumungad sa akin ang ilang tao na pawang nakasuot ng itim na suit. Sa gitna, may isang babaeng naka-sunglasses. Eleganteng siyang nakatayo at may kasamang batang lalaki. Hindi sila mukhang masama, pero hindi rin sila mukhang ordinaryong tao. "You are Emilia Savine Montiel, right?" tanong ng babae. "Nakatanggap kami ng impormasyon na nandito si Lionel Soren Lazaro. Kilala mo ba siya?" dagdag niya Nanlaki ang mga mata ko. "Kayo ba ang... kamag-anak ni Lio?" Tumango siya. "Pasok po muna kayo. Pasensiya na po, medyo masikip lang ang bahay." Bumalik ako sa kusina, halos hindi mapakali. "Lio, may naghahanap sayo. Baka kamag-anak mo sila!" Nabitawan ni Lionel ang pinggan sa kamay niya. Mabuti nasalo ng lababo. "Okay ka lang?" tanong ko. Ngumiti siya pero halatang pilit. "Okay lang. Gusto ko silang makausap." ani nito Inalalayan ko siyang lumabas, at agad siyang sinalubong ng batang lalaking naroon. "Uncle!" sigaw ng bata, yumakap kay Lionel. "Jacob... lumaki ka na ah" bulong ni Lio, habang kinakapkap ang mukha ng bata. Tumayo ang babae. "Anong nangyari sakanya? Hindi siya nakakakita?!" tanong niya sa akin. Inalalayan ko muna si Lio na makaupo bago ko siya sagutin. "Gabi at malakas ang ulan nung natagpuan ko si Lionel sa sasakyan niya na bumangga sa puno. Tatawag na sana ako ng tulong para dalahin siya sa ospital pero nasa kabilang bayan pa ang ospital at walang signal dahil nga sa malakas na ulan. May kaunti akong kaalaman sa panggagamot kaya dinala ko nalang siya sa bahay ko para gamutin siya. Dahil sa mga glass shards na pumasok sa mata niya ay hindi na siya nakakita." kwento ko Halos dalawang buwan na rin simula nung iligtas ko siya sa aksidenteng yun. Akala ko nga ay hindi na siya hahanapin ng mga kamag-anak niya. Wala akong kakayahan ipagamot ang mata niya dahil hindi naman ako mayaman. Tumigil ang babae. "Lionel, you need treatment right now. Mom's going to collapse pag nakita ka sa ganitong kondisyon! The company's in chaos. You have to go back!" Company? Lio owns a company? Somehow, I'm not surprised. Kahit hindi sabihin ay halata naman sa kilos at pananalita ni Lio na galing siya sa mayamang pamilya. "Ate Lindsey..." mahinahong sagot ni Lionel "Pagkatapos ng treatment, babalik ako. Pero ngayon, I need time. I need to pack... with Elvi." Agad naningkit ang mata ng babae. Napalunok naman ako dahil mukhang di ako gusto ng ate ni Lionel. "Isasama mo siya?" Ngumiti si Lionel, at hinawakan ang kamay ko. "She saved me. Kung hindi dahil sakaniya malamang wala na ako ngayon. And...we love each other. Balak ko siya pakasalan pagkatapos ng treatment ko." wika ni Lionel Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ano kayang magiging reaction niya pag nalaman niya na buntis ako? Sigurado ako na maiiyak siya sa tuwa. But then came the fall. "Jacob, kausapin mo muna ang tito mo." Tumingin siya sa akin at marahang sumenyas sakin na lumabas muna. Kinabahan ako, pero sumunod ako agad. "Lio, mag-usap na muna kayo ni Jacob. May aayusin lang ako sa kusina." paalam ko kay Lionel He reluctantly let go of my hand. Imbis na sa kusina at dumiretso ako sa labas ng bahay kung saan naghihintay sakin ang ate ni Lionel. Pagkalabas, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang tinitimbang ako. "How should I call you? Emilia Savine or Elvi?" "E-Elvi po... yun po tawag ni Lio sa'kin." Tumango siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na tatagal ng sobra si Lio sa bahay ko kaya nickname ko lang ang binigay ko sakaniya. "Elvi, thank you for taking care of my brother. Tama siya, kundi dahil sayo ay baka kung ano na ang nangyari sakaniya." Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko pa naman ay sasampalin niya na ako ng pera sa mukha katulad ng napapanood ko sa tv. "But about your relationship with my brother... I won't allow it." Parang may humugot ng hangin mula sa baga ko. "P-po? Kung iniisip niyo po na baka pera lang ang habol ko sakaniya, nagkakamali kayo. Sa katunayan ay hindi ko naman alam na-" "Alam ko. Hindi ako yung tipo ng tao na pipigilan pagmamahal niyo dahil lang magkaiba kayo ng estado sa buhay. But..." "Lionel is already engaged." The world stopped. "It's arranged..." tuloy niya. "Wala siyang gusto sa babae. But the contract is binding. Makapangyarihan ang pamilya ng mapapakasalan niya. If they find out about you, they will ruin you." "Please, for your safety and for Lionel's. Leave him." Ang bawat salita niya, parang karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi pa nga niya alam na magiging ama na siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "I know this is unfair. But disappear. Don't let him find you." Napapailing ako dahil ayaw tanggalin ng katawan at utak ko ang sinasabi niya. Kung kaligtasan ko lang ang problema, hindi ako natatakot. Pero ngayon na may anak na ako, kailangan ko mag doble ingat. Kung totoo ngang makapangyarihan ang pamilya ng pakakasalan ni Lionel, magiging madali lang sakanila kung buburahin nila ako sa mundong 'to. Baka rin may gawin sila ng masama kay Lionel pag nalaman nila na nakabuntis siya ng ibang babae. Sorry, Lio. "Gagawin ko. Para kay Lionel." At para sa magiging anak namin. "Wag kang mag-alala, I will provide you money for your living. Hindi ka na magkakaron ng problema sa pera." sambit pa nito Umiling ako ang tinanggal ang pagkakakapit niya sa kamay ko. "Katulad ng sinabi ko, hindi pera ang habol ko kay Lio. Kaya ko rin suportahan ang sarili ko. Ang mahalaga lang sakin, gumaling si Lio at makakita na siya." "Pumasok na tayo sa loob, baka magtaka na si Lio kung bakit ang tagal ko bumalik." Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Pinigilan kong tumulo ang luha ko habang kinakausap ako ni Lio. Maya-maya pa ay nagsimula mag-aya umalis si Ate Lindsey kay Lionel. Humarap si Lionel sakin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, Elvi!" masayang yaya ni Lionel. "Bibilhan kita ng maraming magagandang damit pagdating natin doon!" Ngumiti ako, para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko ngunit lalo lang itong sumasakit. My sweet Lio, I will miss you. "Mauna ka na, Lio." sambit ko. "Ipapasundo na lang ako ni Ate Lindsey. Kailangan ko pa kasing magpaalam kay Mama. Ayaw ko naman na mag-alala siya sakin pag hindi ako nagpaalam." "Okay, my love. Be safe while I'm gone. Hihintayin kita." He kissed my forehead. He hugged me and I hugged him back...tight and desperate. This might be our last hug. "Are you crying again?" tanong niya, nag-aalala. "I'm just happy na nahanap ka na ng pamilya mo." bulong ko habang pilit ang ngiti. Nang lumingon ako, nandoon si Ate Lindsey. She smiled gently and mouthed 'thank you'. "Lio, let's go! Hinihintay na tayo nila Mom." sambit niya. Inalalayan siya ng mga bodyguard, habang ako'y naiwan. Nang tuluyang sumara ang pinto ng sasakyan, tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa kwintas ko. May pendant ito na half-heart kung saan ang kabiyak ay nasa kwintas ni Lionel. Ito lang ang maiiwan niyang alaala sakin at ang anak namin. Sana mapatawad ako ni Lio at ng anak ko kung ako ang gumawa ng desisyon para sa kanilang dalawa. Pero pinapangako ko na magiging ligtas ang anak ko. This child is what's left of our love. The proof that we happened. That our love existed. So rest assured that I will raise our child well, to make up for the life we couldn't have. ***[5]Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko."Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan."Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob."Dito na lang po muna kayo, Ma'am." p
[4]Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo."Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin.Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy."Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya."Miss Montiel!"Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko.Narinig ko an
[3]Napabuntong hininga ako matapos ko mahugasan ang huling pinggan at inilagay iyon sa dish rack. "Mama, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ko kay Mama"Katatapos ko lang. Medyo maigi na nga pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Siguro nakabuti sakin na nandito kayo ni Liovie." wika niya bago siya naupo muli sa kaniyang tumba-tumbaSasagot na sana ako sakaniya kaso biglang tumunog ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ko.Unknown number ang tumatawag pero sinagot ko naman ito."Hello, is this Emilia Savine Montiel? Mother of Savanna Liovie Montiel?" tanong sakin ng tao sa kabilang linya"Yes po? Ano pong meron?""Nasa disciplinary office po ngayon si Savanna Liovie. Gusto po kayo makausap ng principal." sambit nitoNapakunot naman ang noo ko. Disciplinary office?! "Ano pong nangyari?! Bakit nasa disciplinary si Liovie?" tanong ko ulit"Mas mabuti po kung pupunta kayo dito para mas maexplain namin ng maayos."Yun lang ang sinabi niya bago nito ibinababa ang tawag.Wala pang d
[2]Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to.Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli."Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis.Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel."Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti."We're home."Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to.Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya
[1]Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.Positive.Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim.May anak kami.Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.Napalingon siya agad, nakakunot ang noo."Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala.Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot."W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang.""Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo."Lionel is blind. He lost his sight due to an accident.Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot."Your face is puffy. Kaya a







