INICIAR SESIÓN[2]
Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to. Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli. "Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis. Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel. "Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti. "We're home." Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to. Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya na lumipat nalang siya samin ay ayaw niya dahil dito nakalibing si Papa kaya kung mamamatay man siya ay gusto niya na dito rin siya ililibing. Kahit ayaw ko na mag-isip ng ganun ay sadyang matigas ang ulo ng nanay ko. Kaya ito ako ngayon, bumalik ako para alagaan siya. Tsaka isa pa, gusto niya na raw makapiling ang apo niya na sa loob ng limang taon ay sa video at pictures niya lang nakikita. Pagkababa pa lang namin ng bus, sinalubong agad kami ng pamilyar na amoy ng palengke sa umaga. "Mommy, look!" sabay pakita sa akin ni Liovie ng drawing niya. Si Mama, naka-wheelchair. Kami dalawa ni Liovie, hawak kamay. Naka-smile kaming lahat. Simple, pero masakit sa puso. Kasi iyon ang pamilya na pilit kong binuo kahit kulang. Nakarating kami sa bahay ni Mama sa gilid ng bukid. Luma na, may mga bitak na ang pader, pero nandun pa rin ang mga tanim niyang gumamela sa harap. Tanaw ko mula dito ang lawa ng Malvaran at katabi nun ay ang isang maliit na bahay. Ang bahay kung saan ko inalagaan si Lionel. Kung saan kami bumuo ng isang pamilya. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko agad si Mama na nakaupo sa rocking chair niya. Agad akong napatakbo at mahigpit siyang niyakap. Limang taon ko rin siyang hindi nakasama dahil nga kailangan kong taguan si Lionel. Siguro naman after ng limang taon ay tumigil na rin siya sa paghahanap sakin. "Elvi! Mabuti naman at safe kayo na nakauwi." bati sakin ni Mama "Ma, hindi ba sabi ko na Savine na ang itawag mo sakin? Yun naman ang totoong pangalan ko e." wika ko Elvi lang kasi ang alam na pangalan ni Lio. Simula nung umalis ako ay Savine na ang ginagamit ko na pangalan. "Lola, I miss you!" masayang niyakap ni Liovie ang lola niya na sa videocall niya lang nakakausap "Ang maganda kong apo! Kamusta naman? Nagustuhan mo ba dito?" tanong agad ni Mama "Opo! Madaming trees tsaka mga cows and goats!" sagot naman ni Liovie Sa city kasi lumaki si Liovie kaya tuwang-tuwa siya pag nakakakita ng mga ganun. Maganda siguro kung igagala ko siya sa bayan para mas ma-appreciate niya lalo. Lalo pa’t andito kami sa mismong linggo ng Malvaran Day Festival. At ngayong taon, may malaking event sa plaza. "Liovie, festival day ngayon. Gusto mo ba sumama kay Mommy para manood ng event sa plaza?" tanong ko Nanlaki naman ang mata ni Liovie sa excitement. "Yes! Yes! I want to go, Mommy!" nagtatalon si Liovie sa tuwa Kumain lang muna kami at nagpahinga pagkatapos nun ay lumabas na kami ni Liovie para pumunta sa plaza. Pagdating namin dun ay napakaraming tao. Maliit lang ang bayan namin pero tuwing festival ay dumadayo ang mga tao sa katabing bayan para makisaya. Nakadungaw ako sa entablado at habang buhat-buhat si Liovie para makasilip din siya sa nangyayari. Simula pa lang kaya nagbibigay pa lang ng speech si Mayor. "Kaya't salamat sa pagdalo niyo. Hindi ito magiging possible kundi dahil sainyo at lalo na dahil sa taong nagbigay ng malaking donation para sa event na 'to. Walang iba kundi ang guest speaker natin na si Mr. Lionel Soren Lazaro!" Tumigil ang mundo ko. Lionel. Soren. Lazaro. Ang lalaking minamahal ko. Pilit kong pinanatiling kalmado ang mukha ko, pero sa loob-loob ko, sumisigaw ako. Hindi pwede ‘to. Hindi ko siya kayang harapin. Ayaw ko sanang tumingin pero hindi na napigilan sundan ng mata ko ang isang lalaki na umaakyat sa entablado. He stand with confident, smiling and looking bright as ever. At higit sa lahat ay nakakakita na ulit siya. Napapikit ako ng muli kong marinig ang tinig niya. Hindi ang malalakas na palakpakan ang naririnig ko kundi ang malakas na pagkabasag ng puso. I want to run to him. To hug him. Hold him. Pero hindi dapat yun ang nararamdaman ko. Napahigpit ang pagkakakarga ko sa Liovie. Pigil ang aking paghinga. Relax lang, Savine. Magpanggap ka lang na hindi mo siya kilala. Hindi ka niya kilala. Hindi niya alam kung sino ka. Hindi niya alam ang mukha mo dahil bulag siya dati. Kalma, Savine, kalma. Pero hindi ako handa nang dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Nagtama ang tingin namin at parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Napaatras ako. Napakapit si Liovie sa akin. "Mommy, are you okay?" bulong niya. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong naramdaman niya, pero kitang-kita ko, napahinto siya. Napatingin. Napakunot ang noo. Para bang inaalala niya kung sino ako. At ako? Gusto kong tumakbo. Tumalikod ako, binitbit si Liovie palayo sa entablado. Hindi na ako lumingon. Ayokong makita kung tinitingnan niya pa rin ba ako. "Mommy! Bakit tayo umaalis? Hindi pa tapos!" "Next time na lang, anak. Masama lang ang pakiramdam ni Mommy." Pagkauwi sa bahay, tahimik si Liovie habang sumusunod sa akin paakyat ng kwarto. Doon siya muling kumuha ng papel at nagsimulang gumuhit. "Mukha mo kanina, Mommy." bulong niya. "Ha?" "Parang nakita mo multo." sagot niya habang patuloy sa paglapag ng lapis sa papel. Hindi ako nakasagot. Kasi totoo. Minumulto ako. Ng pagmamahal na iniwan ko. Ng lalaking minahal ko. Ng lalaking kahit kailan ay hindi ko kailanman inisip na makakalimutan ko. "Mommy, 'yung lalaki kanina…" Napatingin ako kay Liovie, kasabay ng malakas na pagkabog ng puso ko. "Do you know him?" Kumirot ang puso ko. Gusto kong magsinungaling. Gusto kong sabihing, hindi. Pero ang totoo? Paano ko siya hindi makikilala? Ang bawat tawa niya, bawat ngiti, bawat paraan ng pagtiklop niya ng mga kamay niya habang nagsasalita, lahat iyon ay saulo ko. He is your father, Liovie. Siya ang lalaking minahal ko nang buong buo. Siya ang lalaking hindi ko piniling iwan, pero kailangan kong talikuran. Tumingin si Liovie sa akin. "He looked like a hero, Mommy." Pinilit ko ngumiti at hinaplos ang buhok niya. "Really?" "Yes. Do you think he knows who my dad is? Diba, Mommy sabi mo sakin my dad is a superhero and he is busy saving the world kaya hindi ko siya nakikita?" Ako ang nasasaktan sa sarili kong kasinungalingan na itinanim ko sa utak ng anak ko. Liovie doesn't deserve this pero para rin 'to sakaniya. Pagkagabi, hindi ako makatulog. Nasa isip ko pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Lionel nang magtagpo ang mga mata namin. Nauubos na ako kakapigil sa sarili kong wag sabihin kay Liovie ang totoo. Pero ito na ang pinili kong katotohanan. Hindi ako pwedeng pumasok pa muli sa mundo ni Lionel. Hindi ko pwedeng isingit ang sarili ko sa buhay na natutunan na niyang buuin nang wala ako. ***[5]Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko."Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan."Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob."Dito na lang po muna kayo, Ma'am." p
[4]Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo."Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin.Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy."Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya."Miss Montiel!"Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko.Narinig ko an
[3]Napabuntong hininga ako matapos ko mahugasan ang huling pinggan at inilagay iyon sa dish rack. "Mama, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ko kay Mama"Katatapos ko lang. Medyo maigi na nga pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Siguro nakabuti sakin na nandito kayo ni Liovie." wika niya bago siya naupo muli sa kaniyang tumba-tumbaSasagot na sana ako sakaniya kaso biglang tumunog ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ko.Unknown number ang tumatawag pero sinagot ko naman ito."Hello, is this Emilia Savine Montiel? Mother of Savanna Liovie Montiel?" tanong sakin ng tao sa kabilang linya"Yes po? Ano pong meron?""Nasa disciplinary office po ngayon si Savanna Liovie. Gusto po kayo makausap ng principal." sambit nitoNapakunot naman ang noo ko. Disciplinary office?! "Ano pong nangyari?! Bakit nasa disciplinary si Liovie?" tanong ko ulit"Mas mabuti po kung pupunta kayo dito para mas maexplain namin ng maayos."Yun lang ang sinabi niya bago nito ibinababa ang tawag.Wala pang d
[2]Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to.Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli."Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis.Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel."Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti."We're home."Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to.Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya
[1]Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.Positive.Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim.May anak kami.Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.Napalingon siya agad, nakakunot ang noo."Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala.Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot."W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang.""Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo."Lionel is blind. He lost his sight due to an accident.Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot."Your face is puffy. Kaya a

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





