登入Maaga akong nagising. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil wala akong iniisip na kaso na ngayon, Masaya ako dahil alam kong magiging masaya na sila Clara at Carrie. At ngayon naman ay ngayon ang alisnamin papuntang beach resort.Bumangon ako dahan-dahan, making sure na hindi magigising si Raiven. Pero sa isang iglap, naramdaman ko ang malalakas na braso niya na humila sa akin pabalik."And where do you think you're going??" paos niyang tanong, habang nakapikit pa rin. His morning voice is always something I look forward to—deep, raspy, and intimate.Natawa ako nang mahina habang inaayos ang buhok niya. "Magluluto lang ako ng breakfast. Tsaka baka gising na ang anak mo. Alam nating dalawa na kapag nalaman ni Liam na magbe-beach tayo, baka hindi na siya makatulog sa excitement.""Hmm, i think he's already excited now" ngisi ni Raiven kaya kusang tumaas ang kilay ko."Wag mo sabihing...""Yep! nagising siya kaninang madaling araw, and ayaw niyang matulog ulit so i told him na mag bebeach
Pag labas namin sa court room ay sinalubong kami ng ingay ng mga reporter. "Atty. Calma! May komento po ba kayo sa mga ebidensyang lumabas laban kay Mr. Valeriano?" "Sino po ang naglbas ng ibidensya habang nasa loob kayo?""Plinano niyo bang isiwalat sa buong bansa ang baho ni Mr. Valeriano habang nasa hearing kayo?"Hindi ko sila pinansin. Dire-diretso lang ang lakad ko, ang kamay ko ay nakahawak nang mahigpit sa braso ni Raiven.Si Clara at Carrie ay nakatayo sa gilid, nakita ko silang nakangiti nang totoo. Hindi na ito ang ngiti na pilit, kundi ang ngiti ng mga taong alam na sa wakas ay malaya na sila."Atty. Vanessa," lumapit si Clara at niyakap ako nang mahigpit. Si Carrie naman ay lumapit at nag-abot ng isang simpleng bouquet ng sunflower."Para po sa inyo, Ate Van," sabi ni Carrie, ang mga mata niya ay kumikinang sa saya. "Salamat po dahil hindi niyo kami binitiwan.""You deserve this, Carrie. You deserve to be happy," sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya.Si Raiven ay na
Pagpasok ko sa Regional Court, ramdam ko ang bawat mata na nakatuon sa akin. Kasama ko si Raiven, ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa akin, isang paalala na sa gitna ng unos, mayroon akong matibay na pundasyon.Sa kabilang panig ng hallway, nakita ko si Eduardo. Hindi na siya ang mapagmataas na negosyanteng hinarap ko kahapon. Ang kanyang suot na mamahaling suit ay tila maluwag sa kanya, at ang kanyang mga mata ay naniningkit sa pagod at paranoia. Sa tabi niya, ang kanyang mga abogado ay abala sa pag-aayos ng kanilang legal briefs, halatang ninenerbyos din.Nang pumasok kami sa courtroom, ang ingay ng mga tao ay biglang napalitan ng nakabibinging katahimikan."All rise! The Honorable Court is now in session, Judge Ricardo Almeda presiding," sigaw ng court bailiff.Pumasok ang isang may-edad na judge, seryoso ang mukha, at may mga matang tila nakakabasa ng kaluluwa. Umupo ang lahat. Pagkatapos basahin ang docket number ng kaso—Multiple Counts of Statutory Rape, Domestic Viol
Kinabukasan, ang sinag ng araw ay hindi nagdala ng kapayapaan, kundi ng determinasyon. Maaga pa lang ay nakabihis na ako—power suit, matalim na tingin, at ang bawat dokumento na kailangan ko para iparamdam kay Eduardo na paubos na ang oras niya.Hindi kami nagtungo sa korte. Sa halip, dumiretso kami sa Valeriano Holdings."Ready?" tanong ni Raiven habang ipinaparada ang sasakyan. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa manibela."I was born ready," sagot ko.Pagpasok pa lang namin sa lobby, ramdam na ang takot ng mga empleyado. Ang receptionist ay halos hindi makatingin sa amin. Dire-diretso kaming naglakad patungo sa executive elevator. Pagdating sa top floor, hinarang kami ng dalawang bodyguard ni Eduardo, pero hindi man lang ako natinag."Tell him his worst nightmare is here," malamig kong sabi.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Eduardo, nakaupo sa kanyang malapad na mahogany desk, may hawak na baso ng whisky kahit alas-diyes pa lang ng umaga."Atty. Calma. And t
Naging emosyonal ang naging takbo sa kwarto ni Carrie. Pumasok si Mrs. Clara buhat ang maliit niyang anak at yumakap kay Carrie. Paulit ulit na nagsorry si Clara kay Carrie, ganoon rin si Carrie, humihingi siya ng sorry sa mommy niya dahil pinangunahan siya ng hiya at takot. "You okay?" napatingin ako kay Raiven na abala sa pagmamaneho, dahil naiwan ang isip ko sa kwarto ni Carrie ay nakalimutan kong nakaalis na pala kami ni Raiven. Ngumiti lang ako sakaniya at tumango tsaka ko na itinuon ang pansin sa labas habang umaandar ang kotse."Raiven?" bigla kong tawag kay Raiven."Yes? nagugutom ka ba?" tanong niya at umiling naman ako"Hmm, paano kapag... paano kapag nabigo ko si Clara at carrie?" tanong ko. Hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng takot na mabigo ko ang mag ina.Hinawakan niya ang kamay ko at hinapit ito nang mahigpit. "Kaya nga tayo nandito. Kaya nga ikaw ang kinuha nila. Because you are the only one who can bring him down without losing your own soul in the pr
Maaga akong nag clock out dahil nag text si Raiven na nasa labas na ito ng firm. Tinext ko kasi siya kanina na sunduin ako at samahan sa safehouse ni Clara dahil may importante akong tatanungin. Nang makalabas ako ay naghihintay na si raiven sakin sa labas at talagang lumabas pa siya ng kotse niya at sumandal dito."You look drained, Van. Masyadong malalim ang iniisip mo." agad na bungad niya sakin at hinalikan ako sa noo."Raiven, hindi ko lang maintindihan. Bakit niya kailangang magmukhang 'aksidente'? If he wanted her hurt, he could have just done it in a fit of rage. But he was smiling... as if he was enjoying the process of framing her," paliwanag ko habang papasok kami sa kotse niya."Maybe he isn't trying to hide the violence," bulong ni Raiven, kaya natingin ako sakaniya. "Or maybe he's trying to hide what she knows."Bigla akong natigilan, napatitig ako kay Raiven dahil sa sinabi niya. . What she knows. "Raiven, you’re a genius. Clara might be holding a secret that Eduardo is
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago kami tuluyang pumasok sa loob ng apartment. Buong biyahe mula sa law firm, walang nagsasalita sa amin ni Raiven sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang paminsan-minsang sulyap niya sa akin, puno ng pag-aalala, habang ang isang kamay niya ay nananatiling nakapa
Nang makalabas ako ng conference room, halos hindi ako makahinga nang maayos. The air in the hallway felt thinner. I was walking fast, heels clicking rhythmically against the floor, trying to put as much distance as possible between me and the room where I just challenged the most powerful man I kn
Gaya sa text kanina ni Raiven ay sinundo niya nga ako sa firm at kasama na niya si Liam na nasa loob ng SUV niya na nakaparada. "Ready for dinner?" bungad niya, "It’s only a quick dinner, Raiven" paalala ko, pilit na pinapanatili ang composure ko kahit na ang totoo ay mabilis na naman ang tibok n
Dumating ang araw ng Lunes. Matapos ang naging napakatahimik at tapat na pag-uusap namin ni Raiven sa tapat ng pool noong Sabado ng gabi, pumasok ako sa law firm na may kakaibang disposisyon. Hindi ko maikakaila na mas magaan ang gising ko ngayon, at tila nabawasan ang parating nakakapagpabigat na







