Share

KABANATA 97

Author: kkyrieehale
last update publish date: 2026-06-29 13:31:17
Tahimik ang naging biyahe namin ni Janice.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya sa rear-view mirror. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, habang mahigpit na yakap ang strap ng backpack niya.

Hindi rin ako nagsasalita.

May mga tanong akong gustong itanong.

Pero hindi pa ngayon.

Hindi habang nasa loob kami ng sasakyan.

Makalipas ang halos dalawampung minuto ay huminto ako sa harap ng isang pribadong paaralan.

Isang malaking bakal na gate ang bumungad sa amin, may nakapaskil n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 101

    Tahimik akong naglakad palabas ng Guidance Office. Kasunod ko si Janice, na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Magkatabi kaming naglalakad sa mahabang corridor habang dinaraanan ng mga estudyanteng abala sa kani-kanilang klase.May ilan na napapatingin sa amin. May ilan ding agad umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila ni Janice.Napansin ko iyon. Hindi ko lang ipinahalata. "Bago ka bumalik sa klase," saad ko habang patuloy kaming naglalakad, "may gusto pa akong makausap." Tahimik lang siyang tumango. "Sino po?" "Class adviser mo." Wala siyang naging reaksyon. Hindi siya nagtanong kung bakit. Hindi rin siya mukhang kinakabahan. "...Sige po." Iyon lang. Muli kaming naglakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng Faculty Room. Bahagya akong kumatok sa bukas na pinto. "Excuse me."Sabay-sabay na napatingin sa amin ang ilang guro. Lumapit naman ang isang babaeng nasa halos apatnapung taong gulang na. "May hinahanap po kayo?" tanong nito kaya magalang akong ngumiti. "Goo

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 100

    Tahimik kong hinila ang brown envelope palapit sa akin. Hindi ko agad ito binuksan. Napatingin muna ako kay Janice.Tahimik pa rin siyang nakaupo sa tabi ko. Nakayuko, magkadikit ang dalawang kamay sa kandungan, at hindi man lang sumisingit sa usapan namin.Parang wala siyang interes sa kung ano man ang mababasa ko. Huminga ako nang marahan bago ko tuluyang binuksan ang envelope.'Guidance Counseling Notes.'Napataas nang bahagya ang kilay ko."Pwede ko ba itong basahin?" tanong ko st tumango ang guidance counselor."Those are internal counseling records. Hindi ko sana ito ipapakita, pero bilang posibleng legal counsel ni Janice, naniniwala akong makakatulong ang mga observations na 'yan para maintindihan ninyo ang kabuuan ng sitwasyon." litanya nito.Tahimik akong tumango, tsaka ko na sinimulan basahin ang unang pahina. 'GUIDANCE SESSION NO. 1''Reason for Referral: Conflict with classmates during lunch break.''Observation:Student arrived on time.Presented herself as calm and res

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 99

    Marahan kong binuklat ang unang pahina. Hindi ko muna binasa ang buong nilalaman. Una kong tiningnan ang petsa.Mahigit anim na buwan bago ang pagkamatay ni Clarisse. Napakunot ang noo ko.Anim na buwan? Ibig sabihin... May nauna nang insidente.Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagbabasa.'STUDENT INCIDENT REPORTDate: September 18Student/s Involved:Janice LimpinHannah MacapiliSophia Limbao'Napatingingin ako kay Janice, ganoon pa rin ang posisyon niya. Deretsyo pa rin ang upo st nakayuko pa rin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.Muli kong tinuon ulit ang atensyon ko sa Student Report.'Nature of Incident: Reported verbal altercation inside the classroom during lunch break.Initial Findings: According to the class adviser, an argument occurred between the students after a misunderstanding regarding a group activity.The students were immediately brought to the Guidance Office.Parents were not required to appear after all parties agreed to a settleme

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 98

    Hindi ko agad sinagot ang tanong niya. Sa halip ay sandali ko muna siyang tinitigan."Bilang abogado," panimula ko, "hindi ako nagtitiwala sa kahit kaninong salaysay hangga't wala akong nakikitang ebidensya."Bahagyang tumango ang guidance counselor."That's good."Napansin kong tila nakahinga siya nang maluwag."Inaamin ko, Attorney... medyo nag-alala ako noong nalaman kong may abogado nang hahawak sa kaso ni Janice."Napakunot ang noo ko."Bakit naman?""Natatakot akong baka dumating ang abogado na nakapagdesisyon na kung sino ang paniniwalaan."Napatingin ako kay Janice. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi ko, nakayuko at magkadikit ang dalawang kamay sa ibabaw ng kandungan.Ibinalik ko ang tingin ko sa guidance counselor."I'm here to know the truth." sagot ko"That's exactly what I wanted to hear." tugon naman ng ginang. Saglit siyang yumuko upang buksan ang isang drawer.May inilabas siyang isang makapal na folder. Hindi niya iyon agad ibinigay sa akin. Sa halip ay ipinatong lang

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 97

    Tahimik ang naging biyahe namin ni Janice. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya sa rear-view mirror. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, habang mahigpit na yakap ang strap ng backpack niya. Hindi rin ako nagsasalita. May mga tanong akong gustong itanong. Pero hindi pa ngayon. Hindi habang nasa loob kami ng sasakyan. Makalipas ang halos dalawampung minuto ay huminto ako sa harap ng isang pribadong paaralan. Isang malaking bakal na gate ang bumungad sa amin, may nakapaskil na pangalan ng eskwelahan sa mataas na arko nito. Sa loob ay makikita ang malinis na campus, maayos na hardin, at ilang gusaling may tatlo hanggang apat na palapag. May mga estudyante nang papasok. Ang ilan ay naglalakad nang magkakagrupo habang nagtatawanan, ang iba nama'y nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang silid. Ipinarada ko ang sasakyan sa visitor's parking. Tahimik kong pinatay ang makina. "Let's go." "Opo, Attorney." Nauna akong bumaba. Pag-ikot ko sa kabilang bahagi ng sa

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 96

    Binitawan ko ang ballpen ko at pinatong ito sa taas ng notebook ko. "Hindi pare-pareho?" pag uulit ko at umiling naman si Lt. Ramos. "Hindi." Sandali niyang pinagmasdan ang case folder bago niya muling itinaas ang tingin sa akin. "Attorney, ayokong pangunahan ang magiging assessment mo. Bilang investigator, trabaho kong tipunin ang lahat ng ebidensya, hindi ang mamili kung alin ang paniniwalaan." saad nito kaya naman tumango ako. "I appreciate that." tugon ko "May mga witness na nagsasabing si Janice ang pangunahing nangbu-bully sa biktima. Pero mayroon ding nagsasabing hindi sila sigurado kung sino talaga ang nagsimula." "Teka..." putol ko. "Kung ganoon, bakit parang si Janice lang ang laman ng balita? bakit pangalan lang niya ang lumalabas sa social media?" Tanong ko dahilan para bahagyang napabuntong-hininga ang opisyal. "Social media is a different battlefield, Attorney." Natahimik ako dahil totoo naman ang sinabi niya. "Kapag may isang pangalan nang lumutang,

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 32

    Habang inaayos ko ang aking mga papeles sa desk, isang marahang katok sa pinto ang bumasag sa pag iisip ko simula ng umalis si Raiven.Bumukas ang pinto and Anthony walked in. He was wearing his usual impeccable corporate suit, complete with his signature professional smile, pero may bitbit siyang

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 30

    Maingat kong inihiga muli si Liam nang tuluyan na siyang makatulog dahil sa pagod. Hinaplos ni Bea ang likod ko at nagpaiwan muna sa loob ng kwarto para bantayan ang bata.Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at lumabas ako sa tahimik na living room ng condo. Nakita ko si Anthony na nakatayo malapit

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 5

    Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng ma

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 4

    Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status