Share

Chapter 13

BIYERNES ng hapon ay nagtungo si Vesper sa paaralan ni Myla para sunduin ang kanyang anak. Quarter to four na siya nakarating doon sakay ang jeep. Marami na siyang naabutang tao sa labas, particularly mga magulang at guardians na inaabangan ang pagbubukas ng gate.

Matiyagang naghintay si Vesper ng labinlimang minuto bago tuluyang binuksan ang gate. Nagmistulang langgam ang mga estudyante sa dami ng mga ito. Vesper waited outside, thinking Myla would be coming out but she didn't. Numipis na ang bilang ng mga estudyante pero walang Myla na lumabas.

Naisip niyang baka nakikipaglaro pa 'yon sa mga kaklase nito kaya pumasok na siya sa loob ng eskwelahan at dumiretso sa silid-aralan ni Myla na nasa unang palapag lang din ng gusali.

Sumilip siya sa bintana ng classroom at doon niya natagpuan si Myla kasama ang tatlo niyang mga kaklase. Umiiyak ito habang pinagtatawanan siya ng mga bata.

"Hahaha! Kawawang Myla walang daddy!" kantiyaw ng dalawa sa kanila.

"Ang sabi ng mama ko, liar daw ang momm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status