Share

Hiding The CEO's Twins
Hiding The CEO's Twins
Author: catherinnichole

Prologue

Taas noo akong naglakad papasok sa elevator. Maraming tao ang nakakakilala sa 'kin, hindi dahil sa popular ako, kun'di dahil kilala ako bilang anak ng pamilyang Perez na kung saan ay maraming pinagkaka-utangan ang aking mga magulang kaya nila kinitil ang kanilang mga sariling buhay. .

Dinig ko ang mga bulungan ng nasa paligid ko. Kung sa bagay, anak lang naman ako ng mag-asawang Perez. Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang tumunog ang elevator senyales na nakarating na ako sa floor kung saan ako bababa.

Expensive, 'yan ang matatawag ko sa kumpanya na ito. Halatang mamahalin ang mga gamit at halos wala kang makakapang bahid ng alikabok sa bawat furniture dahil sa sobrang linis.

Pumunta ako rito upang mag-apply bilang secretary ng CEO ng kumpanyang ito. Halos ilang linggo pa lang kaming nandito ng aking mga anak galing ibang bansa. Sa ngayon, nakikituloy muna kami sa aking Tiyahin. Nakiusap kasi siya na umuwi na kaming mag-iina dito sa Pilipinas dahil mag-isa lang siya sa buhay at gusto niya nang may makakasama.

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang makakita ako ng pila. Agad akong nagtanong sa isa sa mga staff at nang sabihin nilang pila nga ito para sa mag-aapply bilang sekretarya ng CEO ay agad akong umupo sa silya upang pumila.

Maraming mga kababaihan ang nakapila at halos lahat sa kanila ay bakas ang excitement sa mga mukha. Samantalang ako ay hindi ko alam kung bakit imbis na excitement ang maramdaman ko ay kaba ang lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung bakit takot ang nararamdaman ko. Marahil ay takot na ma-reject ako kaya ganito ang nararamdaman ko.

Saglit lang ang pila, nasa ikatlong upuan na ako na kung saan ay dalawang tao na lang ang naka-upo bago ako.

"Miss Perez," ani isa sa mga staff ng kumpanya matapos ang ilang minuto.

Aligaga akong tumayo at agad na sumunod sa staff na tumawag ng pangalan ko at sinundan ito. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Marahil ay sa iniisip kong maaari akong mabulol at ma black out ang isip kaya ganito ang aking nararamdaman.

"Here you go, Miss Perez." Aniya at itinuro sa akin ang pintuan kung saan ako i-interview-hin.

"Thank you," pasasalamat ko.

I heaved three deep breaths before I entered the room and immediately greeted the woman sitting on a swivel chair.

"Good Morning, Ma'am." I uttered.

Ngunit imbis na ngumiti siya sa akin at tignan ako ay mas tinuon niya ang pansin sa papel na nakalagay sa kaniyang table. Pinaikot-ikot niya muna ang ball pen sa kaniyang daliri bago itinuon ang paningin sa akin.

"So, Miss Perez...."

Oras ang lumipas bago natapos ang interview ko. Pakiramdam ko naman ay nasagot ko ng maayos ang mga tanong sa akin ng interviewer at sa tingin ko ay satisfied naman siya sa mga sagot ko.

Sinabi sa akin na mag-intay daw ng isa o dalawang araw bago ako matawagan dahil sa dami ng mga applicants. Well, medyo nawalan ako ng pag-asa dahil ang mga madalas na nagsasabi no'n ay hindi talaga tinatawagan ang mga aplikante.

Nang tuluyan na akong makalabas sa kumpanya ay agad akong nag-antay ng taxi. Hapon na at wala pa akong kain. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa gutom.

Saktong pagkauwi ko ay agad akong sinalubong ng kambal at mahigpit akong niyakap.

"Mom!!" Sigaw ni Theodore, ang panganay sa kambal.

I ruffled his hair and kissed him on his cheeks before I looked at Timothy. "Have you eaten your food, Timothy?" Tanong ko.

Hindi pa nakakakain si Timothy. Sa kanilang dalawa, si Timothy ang mahirap pakainin. Pinaainom ko naman sila ng vitamins pero kahit anong gawin ko ay kailangan pa siyang paalalahanan bago kumain hindi katulad ni Theo na mahilig talagang kumain.

"Yes, Mom." Si Timothy.

"Where's Granny?" Tanong ko sa kanila nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay.

"She's probably cleaning her room, Mom." Theodore uttered then held my hand.

Agad kaming pumunta sa kwarto namin pagkatapos kong magpakita kay Auntie Marina. Hindi ko na siya ginulo pa dhil abala din siya sa paglilinis ng kaniyang kwarto.

Pagkapasok namin ay agad akong naligo at nagbihis. Habang nagsusuklay ako sa vanity mirror ay natigilan ako nang biglang magsalita si Timothy.

"Mom, what do you think will happen if Dad knew that we exist?" Tanong niya na siyang ikina-tigil ko sa pagsusuklay.

Hindi agad ako nagsalita, tinignan ko sa salamin ang mukha ni Timothy at bakas roon ang kyuryosidad at pagsusumamo na sagutin ko ang kaniyang tanong.

"I-I honestly can't answer that because I'm not him, Tim. Aren't you contented and happy that I am here?" Tanong ko.

Hindi siya agad nakapagsalita dahilan para lumamlam ang aking mga mata. Alam nina Theodore at Timothy na hindi alam ng kanilang ama na nage-exist sila sa mundo. Sinabi ko 'yon last year noong six years old sila. Noong una ay ang dami nilang tanong pero 'di kalaunan ay hindi na sila nangulit pa bagay na ikinakataka ko kung bakit ngayon lang ulit nagtanong ai Timothy.

"Of course, I am." He uttered. "But wouldn't it be nice if we're complete as we live our lives to the fullest?"

Bahagya akong natigilan, hindi agad nakapagsalita nang sabihin niya 'yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o iaakto ko. Basta ang alam ko lang ay nangungulila ang anak ko sa pagmamahal ng isang ama.

to be continued

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status