Hiding The CEO's Twins

Hiding The CEO's Twins

last updateLast Updated : 2025-04-25
By:  catherinnicholeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
7Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Alyanna Perez is a hardworking woman who wants nothing but the best for herself. She once believed that her life was almost perfect. Unfortunately, everything that she thought changed the moment she found out that her ex-boyfriend cheated on her with her best friend! Alyanna decided to move overseas for her to forget the man who broke her heart. But before that, she decided to go to the bar. Due to drunkenness, something happened between Alyanna and Isaac. Alyanna thought that she will never ever see Isaac again. Until she moved back to the Philippines with her children and work at Isaac's most popular company-that's the time where her world turned upside down. What will happen the moment that Isaac and Alyanna meets for the second time around? Will she tell Isaac that they have children or will she keep her kids until the last breath of her life?

View More

Chapter 1

Prologue

Taas noo akong naglakad papasok sa elevator. Maraming tao ang nakakakilala sa 'kin, hindi dahil sa popular ako, kun'di dahil kilala ako bilang anak ng pamilyang Perez na kung saan ay maraming pinagkaka-utangan ang aking mga magulang kaya nila kinitil ang kanilang mga sariling buhay. .

Dinig ko ang mga bulungan ng nasa paligid ko. Kung sa bagay, anak lang naman ako ng mag-asawang Perez. Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang tumunog ang elevator senyales na nakarating na ako sa floor kung saan ako bababa.

Expensive, 'yan ang matatawag ko sa kumpanya na ito. Halatang mamahalin ang mga gamit at halos wala kang makakapang bahid ng alikabok sa bawat furniture dahil sa sobrang linis.

Pumunta ako rito upang mag-apply bilang secretary ng CEO ng kumpanyang ito. Halos ilang linggo pa lang kaming nandito ng aking mga anak galing ibang bansa. Sa ngayon, nakikituloy muna kami sa aking Tiyahin. Nakiusap kasi siya na umuwi na kaming mag-iina dito sa Pilipinas dahil mag-isa lang siya sa buhay at gusto niya nang may makakasama.

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang makakita ako ng pila. Agad akong nagtanong sa isa sa mga staff at nang sabihin nilang pila nga ito para sa mag-aapply bilang sekretarya ng CEO ay agad akong umupo sa silya upang pumila.

Maraming mga kababaihan ang nakapila at halos lahat sa kanila ay bakas ang excitement sa mga mukha. Samantalang ako ay hindi ko alam kung bakit imbis na excitement ang maramdaman ko ay kaba ang lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung bakit takot ang nararamdaman ko. Marahil ay takot na ma-reject ako kaya ganito ang nararamdaman ko.

Saglit lang ang pila, nasa ikatlong upuan na ako na kung saan ay dalawang tao na lang ang naka-upo bago ako.

"Miss Perez," ani isa sa mga staff ng kumpanya matapos ang ilang minuto.

Aligaga akong tumayo at agad na sumunod sa staff na tumawag ng pangalan ko at sinundan ito. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Marahil ay sa iniisip kong maaari akong mabulol at ma black out ang isip kaya ganito ang aking nararamdaman.

"Here you go, Miss Perez." Aniya at itinuro sa akin ang pintuan kung saan ako i-interview-hin.

"Thank you," pasasalamat ko.

I heaved three deep breaths before I entered the room and immediately greeted the woman sitting on a swivel chair.

"Good Morning, Ma'am." I uttered.

Ngunit imbis na ngumiti siya sa akin at tignan ako ay mas tinuon niya ang pansin sa papel na nakalagay sa kaniyang table. Pinaikot-ikot niya muna ang ball pen sa kaniyang daliri bago itinuon ang paningin sa akin.

"So, Miss Perez...."

Minuto ang lumipas bago natapos ang interview ko. Pakiramdam ko naman ay nasagot ko ng maayos ang mga tanong sa akin ng interviewer at sa tingin ko ay satisfied naman siya sa mga sagot ko.

Sinabi sa akin na mag-intay daw ng isa o dalawang araw bago ako matawagan dahil sa dami ng mga applicants. Well, medyo nawalan ako ng pag-asa dahil ang mga madalas na nagsasabi no'n ay hindi talaga tinatawagan ang mga aplikante.

Nang tuluyan na akong makalabas sa kumpanya ay agad akong nag-antay ng taxi. Hapon na at wala pa akong kain. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa gutom.

Saktong pagkauwi ko ay agad akong sinalubong ng kambal at mahigpit akong niyakap.

"Mom!!" Sigaw ni Theodore, ang panganay sa kambal.

I ruffled his hair and kissed him on his cheeks before I looked at Timothy. "Have you eaten your food, Timothy?" Tanong ko.

Hindi pa nakakakain si Timothy. Sa kanilang dalawa, si Timothy ang mahirap pakainin. Pinaainom ko naman sila ng vitamins pero kahit anong gawin ko ay kailangan pa siyang paalalahanan bago kumain hindi katulad ni Theo na mahilig talagang kumain.

"Yes, Mom." Si Timothy.

"Where's Granny?" Tanong ko sa kanila nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay.

"She's probably cleaning her room, Mom." Theodore uttered then held my hand.

Agad kaming pumunta sa kwarto namin pagkatapos kong magpakita kay Auntie Marina. Hindi ko na siya ginulo pa dhil abala din siya sa paglilinis ng kaniyang kwarto.

Pagkapasok namin ay agad akong naligo at nagbihis. Habang nagsusuklay ako sa vanity mirror ay natigilan ako nang biglang magsalita si Timothy.

"Mom, what do you think will happen if Dad knew that we exist?" Tanong niya na siyang ikina-tigil ko sa pagsusuklay.

Hindi agad ako nagsalita, tinignan ko sa salamin ang mukha ni Timothy at bakas roon ang kyuryosidad at pagsusumamo na sagutin ko ang kaniyang tanong.

"I-I honestly can't answer that because I'm not him, Tim. Aren't you contented and happy that I am here?" Tanong ko.

Hindi siya agad nakapagsalita dahilan para lumamlam ang aking mga mata. Alam nina Theodore at Timothy na hindi alam ng kanilang ama na nage-exist sila sa mundo. Sinabi ko 'yon last year noong six years old sila. Noong una ay ang dami nilang tanong pero 'di kalaunan ay hindi na sila nangulit pa bagay na ikinakataka ko kung bakit ngayon lang ulit nagtanong ai Timothy.

"Of course, I am." He uttered. "But wouldn't it be nice if we're complete as we live our lives to the fullest?"

Bahagya akong natigilan, hindi agad nakapagsalita nang sabihin niya 'yon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o iaakto ko. Basta ang alam ko lang ay nangungulila ang anak ko sa pagmamahal ng isang ama.

to be continued

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
update pls Ms author saying nmn ung nasimulan nmn na basahin
2024-06-30 09:16:31
0
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status