Share

Chapter 5

Alyanna's Point Of View

NANG matapos akong mag-ayos ng mga gamit nina Theo at Tim ay agad akong nagpaalam sa kanila na matutulog na ako sa kwarto ko. Hindi na sila nagtanong pa dahil agad din silang nakatulog dahil sa pagod.

Buong akala ko ay makakatulog ako agad kapag nakahiga na ako sa kama. Nagkamali pala ako dahil muli kong naalala ang aking mga magulang. Ilang taon din akong binangungot dahil patuloy na gumugulo sa panaginip ko ang mga magulang ko na humihingi ng kapatawaran. Maski ako ay hindi alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila kayang patawarin. Siguro dahil na rin sa galit at pangungulila ko sa kanila kaya hindi ko agad sila kayang mapatawad.

Ilang oras ang lumipas ay hindi ko namalayang dinalaw na pala ako ng antok dahilan para maipikit ko ang aking mga mata at tuluyang nakatulog.

Nagising ako nang may marinig akong naghahagikhikan dahilan para bumaling ro'n ang aking paningin. Papikit-pikit akong sumilip at nang mapagtanto kong mga anak ko ang tahimik na tumatawa ay agad akong nagsalita.

"Theo, Tim." Turan ko habang ang mga mata'y nakapikit.

"Mom, wake up! Kuya Theo is making fun of you while taking you a pictures!" Sumbong ni Tim.

Hindi agad ako nagsalita at pinanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ilang segundo ay pinalaki ko ang butas ng aking ilong at pinilit na palabasin ang aking double chin dahilan para marinig ko muling tumawa ang kambal at tumunog ang shutter ng camera.

"Happy?" Natatawang tanong ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga pagkatapos ay tumingin sa kambal at ibinuka ang aking mga braso upang yakapin sila. Agad naman silang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you both." Nakapikit na saad ko habang magkayakap kaming tatlo.

"We love you, Mom." Ani Tim.

Nang umalis kaming tatlo mula sa pagyayakapan ay nagsimulang mag-usisa si Theo tungkol sa mga eskwelahan dito sa Pilipinas. Sinabi nila na gusto nilang pumasok sa pampublikong paaralan. Noong una ay tutol ako dahil maaari silang ma-bully lalo na't hindi sila nakakapagsalita ng tagalog pero napag-isip isip ko na kahit naman sa pribadong paaralan ay hindi mawawala ang mga bullies.

"We'd like to study at Ignacio Elementary School." Wika ni Theodore habang nasa hapag-kainan kami.

Panandalian kaming nagkatinginan ni Auntie Marina. Maski ako ay hindi ko alam kung paano niya nalaman ang paaralan na 'yon. Doon ako nag-aral noong elementary ako. Pampublikong paaralan 'yon pero hindi maipagkakailang maganda naman ang eskwelahang 'yon.

"Saan mo nalaman ang school na 'yan, Theo?" Pilit na nakangiting tanong ko.

Bagong dating pa lang namin dito kaya nakakapagtaka namang alam niya agad ang paaralang 'yon. "I researched about this place. I heard there are lots of good teachers there," prenteng ani Theo habang kumakain.

"A-ah. Oo nga naman. Magandang inaalam mo ang mga lugar o 'di kaya'y kasaysayan ng isang lugar para hindi ka mangapa, Theo." Nakangiting ani Auntie Marina.

Tango na lang ang isinagot ni Theo sa kaniyang Lola at pinagpatuloy na namin ang aming pagkain habang nagkukwento si Auntie Marina sa kambal.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagpasalamat sa mga kasambahay pagkatapos ay nagdesisyong umakyat sa aking kwarto habang ang kambal ay nag-babasa ng libro sa kanilang kwarto.

I'm sending an application to different companies. Kahit isang araw pa lang kaming nandito ay nahihiya pa rin ako kay Auntie Marina. Gusto ko ring magkaroon ng trabaho upang mabili ang mga gusto at pangangailangan ng kambal. Mahirap naman na i-asa ko kay Auntie Marina ang lahat ng 'yon.

Gabi na kaya nagdesisyon akong humiga na sa aking kama. Maraming natakbong scenarios sa aking isip. Mga scenarios na kung saan ay iniisip ko ang aking sasabihin o 'di kaya'y gagawin kapag naipit ako sa gano'ng sitwasyon.

Ilang minuto ang lumipas bago ako nagdesisyong ipikit ang aking mga mata dahilan para dalawin ako ng antok.

KINAUMAGAHAN ay nagising ako nang biglang may mag pop-up sa aking cellphone. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung ano 'yon. Nang mahawakan ko ang cellphone ko ay napabalikwas ako ng bangon nang makita kong email 'yon mula sa isa sa mga kumpanya na pinasahan ko ng aking resume!

"Oh my gosh! They're inviting me for an interview!" Hindi makapaniwalang wika ko sa kawalan.

Agad akong nag-ayos ng aking sarili pagkatapos kong maligo at nagpaalam sa kambal maging kay Auntie Marina upang makapunta na ako sa kumpanyang a-apply-an ko.

"Good luck,Mommy!" Ani Timothy pagkatapos ay hinalikan ako sa aking pisngi.

Si Theo naman ay nakangiti sa akin at nag flying kiss sa akin. Sweet ang mga anak ko at hinihiling ko na maging gano'n pa rin sila kahit mga binata na sila.

"I told you that you don't need to do this, Alyanna." Ani Auntie Marina pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Ibigay mo na sa akin 'to, Auntie. Mahirap ang walang trabaho," pilit na nakangiting saad ko sa kaniya.

Tumango na lang si Auntie Marina at inoffer-an pa ako na gamitin ang isa niyang sasakyan subalit agad akong tumanggi dahil gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayaw kong i-asa sa kaniya ang lahat.

Nang makasakay ako ng jeep ay grabe na ang tagaktak ng pawis ko. Isang tricycle na lang ay makakarating na ako sa kumpanya subalit hulas na agad ang mukha ko dahil sa init.

Tingin ko ay magre-retouch na lang ako pagkarating ko sa kumpanya upang ayusin ang aking mukha. Mahirap namang humarap sa HR na haggard dahil napaka unprofessional.

"Oo! Siya nga ng anak nu'ng dating business tycoon na nagpakam*tay dahil sa mga utang." Dinig kong wika ng isa sa mga empleyado ng Chavez Empire.

Mangilid ngilid na ang luha ko sa totoo lang. Pero mas pinili kong umaktong normal, walang naririnig, at manahimik. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong nadidikit ang apelyido ko sa aking mga magulang. Pakiramdam ko kasi pati ako ay may kasalanan.

Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumila at nag-antay ng ilang oras bago ako nakarating sa loob ng pagi-interview-han. Ilang mga tanong ang ibinigay sa akin at mataas ang kumpyansa kong makakapasa ako dahil may experience na rin naman ako. Maliban do'n ay nasagot ko rin ng maayos ang mga tanong nila.

Nang makauwi ako ay agad kaming nagkwentuhan ng kambal. Minsan pang nagtanong si Timothy tungkol sa kaniyang ama dahilan para sagutin ko 'yon galing sa akiny puso.

Last year ko sinabi sa kambal ang tungkol sa kanilang ama. Na hindi ko kailanman nalaman ang pangalan ng tatay nila. Mukha lang ang tanda ko pero hindi na ganu'n ka-linaw sa ala-ala ko ang kaniyang mukha.

Mas mabuti nang kaming tatlo lang. Selfish na kung selfish pero mas gugustuhin kong ako lang ang magtaguyod at makilalang magulang ng kambal.

to be continued

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status