Share

Chapter One

HTGD: Chapter One 

  

  

Six years ago… 

  

  

“Serene!” 

  

  

Napangiti ako ng nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Victoria, ang aking matalik na kaibigan. May dala-dala siyang paper bag at bulaklak na sa tingin ko ay para sa akin. 

  

  

“W-Wait!” hingal niyang saad, yumuko siya at hinawakan ang kaniyang tuhod para kumuha ng lakas. Napahalakhak ako at inayos ang kaniyang buhok. 

  

  

“Dahan-dahan lang, Vicky!”  

  

  

“Oks na! Omg Happy Birthday Seri! Bente ka na! Ito regalo ko sa'yo,” pagbati niya sa akin at binigay ang paper bag at bulaklak na sunflower. 

  

  

Nakangiting tinanggap ko ‘yon, pumikit at inamoy ko ang bulaklak na binigay niya sa akin. Tama, birthday ko ngayon at twenty years old na ako.  

  

  

Parang kailan lang na dungusin ako at nakikipaglaro ng habulan at bahay-bahayan kasama ang aking mga kaibigan. Tama nga sila, time flies so fast. 

  

  

“Anong handa mo ha?” tanong ni Victoria. 

  

  

Umupo kami sa ilalim ng puno habang tinitignan ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay. Palagi kong kasama si Victoria sa kahit na saan kahit hindi naman kami magkanu-ano. Sadyang magkaibigan kami simula na no'ng nagkakilala kaming dalawa. 

  

  

“Hindi ko alam kay Mama pero kahit wala ng handa ay ayos lang sa akin. Alam mo naman na ‘yon, basta kasama ko lang si Mama at maging maayos ang aming kalusugan ay sapat na,” nakangiting saad ko habang binubuksan ang regalong binigay niya sa akin. 

  

  

Lumaki ang aking ngiti ng nakita ko ang niregalo niya sa akin. Isa ‘yong white dress na may kasamang kwintas. Hindi ko inaakala na ganito ang ireregalo niya sa akin kahit alam ko na may kaya ang pamilya ni Victoria. 

  

  

“Ang ganda, Vicky,” manghang saad ko at nakangiting hinarap siya.  

  

  

“Akin na, isuot natin ‘yang kwentas sa leeg mo. Bagay na bagay sa'yo ‘tong naibili ni Mommy na kwintas para sa'yo. Lotus flower ang pendant na may kahulugan sa pangalan mo,” pinatalikod niya ako at kinabit ang kwintas na sa aking leeg. 

  

  

Lotus means sacred for purity, rebirth, and strength. Because lotuses rise from the mud without stains, they are often viewed as a symbol of purity. 

  

  

Parang ako daw sabi ng kaniyang ina at ang mama ko. It connects with my name na Serene. 

  

  

Tama nga siya, lotus flower ang pendant at kumikinang dahil sa mga nakalagay na parang diamond. Alam ko naman na hindi totoong diamond ‘yon pero namangha pa rin ako dahil sa ganda. 

  

  

“Pasabi kay tita na salamat sa kwintas ha?” 

  

  

“Don’t worry! Alam mo naman na parang anak ka no'n. Pero sa akin galing white dress ha? Pinag-ipunan ko ‘yan para lang sa birthday mo!”  

  

  

Naging malapad aking ngiti sa kaniyang tinuran. Victoria Reina Historia, she has been my friend since I was ten years old. Their family are very famous here in Marinduque, mayaman ang pamilya nila at tumutulong sa mga mahihirap dito sa bayan namin. Hindi sila mayabang na nangangapak nang ibang tao. Kahit na mayaman sila ay hindi nila pinagmamalaki iyon. Lumaki rin si Vicky na hindi spoiled brat kaya naman maraming may gusto sa kaniya dito sa amin. 

  

  

Para na kaming magkakambal ni Victoria dahil palagi kaming magkasama. Ang kaniyang katawan ay babaeng-babae na, malaki ang kaniyang hinaharap na minsan ay kinaiinggitan ko. May pagka morena siya at bilugan ang mga mata, mapula ang kaniyang labi kahit walang lipstick at ang kaniyang mukha ay para sopistikada dahil na rin siguro sa angkang lahi nila. Ang kaniyang buhok ay hanggang balikat niya lamang na siyang kabaliktaran ng akin. 

  

  

Ang kutis ko ay maputi na parang nyebe, hindi ako umitim ni minsan kahit tuwing summer sa Marinduque. Medyo singkit ang aking mata at hazel eyes ang kulay naman nito. Hindi kasing laki ng kay Victoria ang aking dibdib pero pwede na, ang aking buhok naman ay mahaba na aabot hanggang sa aking beywang. 

  

  

“Nandito si Leon sa Marinduque.” 

  

  

Napabaling ang tingin ko kay Victoria sa sinabi niya. Bigla namang humangin ng malakas na siyang ikinalipad ng aming buhok. 

  

  

“N-Nandito siya?” namumula kong tanong. 

  

  

Bumilis ang aking puso. Si Leon, ang aking gusto. Si Leon Rage Montessori, ang anak ng Senator ng Pilipinas. 

  

  

Mas matanda sa amin si Leon ng pitong taon ngunit ayaw niya na tinatawag namin siyang kuya. Nakilala ko si Leon no'ng ako’y kinse pa lang at siya naman ay bente dos. 

  

  

Gwapo si Leon. Nakakatakot ang kaniyang awra ngunit mabait siya amin. Bumibisita lang siya dito sa Marinduque kapag bakasyon niya dahil nag-aaral pa rin siya sa Maynila. Dinig ko ay nag-tatrabaho din siya. 

  

  

“Babatiin ka ata niya. Uy! Bumisita lang para batiin ka sa kaarawan mo!” tukso niya sa akin. 

  

  

“Ano ka ba, Vicky! Huwag maging assuming!” 

  

  

“At bakit hindi? Bakit siya pupunta dito e buwan ng Pebrero ngayon? hindi pa Mayo na palagi nilang bakasyon!” saad pa niya. 

  

  

“Malay mo naman may gagawin siya dito sa Marinduque,” namumula kong saad ngunit umaasa sa tinuring ni Victoria. 

  

  

“Victoria! Serene!” 

  

  

Napatayo kaming dalawa ng tinawag kami ni Mama. Kumaway siya sa amin at sinenyasan kaming lumapit. Dali-dali kong kinuha ang paper bag at ang bulaklak, tumakbo kami ni Victoria papunta kay Mama. 

  

  

“Dalaga na kayo pero tumatakbo pa rin na bata!” hinaing ni mama na pabiro na siyang ikinatawa namin ni Victoria. 

  

  

Ang punong mangga ay nasa likod lang ng aming bahay. Pinapasok kami ni mama sa kahoy na gate at inayos ang aming buhok. 

  

  

“Nandito si Senyorito Leon, Serene. Gusto ko niyang makita.” 

  

  

“H-Ho?! Bakit po siya nandito?!” mahinang sigaw ko. 

  

  

Feeling ko ay pulang-pula ang aking mukha. Nilingon ko si Victoria na nakangisi at parang tinutukso ako ng tingin niya. 

  

  

“Aba e dahil birthday mo! Gusto kang batiin! Hala siya nandoon na sa sala ang Senyorito, puntahan niyo na doon!” 

  

  

“M-Ma…” kabado kong hinawakan ang kamay ni mama. 

  

  

“Oh bakit anak?” takang tanong niya. 

  

  

“M-Maayos lang ba? Hindi ba ako mabaho?” nahihiyang tanong ko. 

  

  

Dinig ko ang halakhak ni Victoria. Sinamaan ko siya ng tingin at agaran niya namang sinara ang kaniyang bibig at with action pa na parang zini-zipper ang kaniyang labi. 

  

  

“Hala kang bata ka! Hindi. Wala kang amoy! Nahihiya ka ba kay Senyorito?” 

  

  

“M-Ma naman!” namumula kong saad. 

  

  

Parehas na nakangisi sa akin si Mama at Victoria. Hindi ko sila pinansin at dali-daling pumunta ng sala. Doon nakita ko si Leon na nakatayo at tinitignan ang aking mga litrato. 

  

  

Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Gusto ko talaga siya. Malaki ang paghanga ko kay Leon simula no'ng nakita ko siya. 

  

  

Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensyon. Hinarap niya ako at ngumiti ako ng pilit. Kabang-kaba ako ngayon dahil nasa harapan ko siya ngayon at hindi ko pa inaasahan. 

  

  

“L-Leon…” tawag ko sa kaniyang pangalan na nautal pa. 

  

  

Namula ang aking mukha sa hiya. He chuckled a bit. Nilapitan niya ako at nagulat ako sa kaniyang biglaang yakap. 

  

  

“Happy Birthday, Serene,” malambing niyang saad. 

  

  

Niyakap ko siya ng pabalik. Ang lakas ng tibok ng aking puso. Amoy ko ang mabango niyang pabango sa kaniyang puting polo. Matangkad si Leon at kapag nakatayo kami, palagi akong nakatingala sa kaniya kapag nagsasalita siya dahil hanggang dibdib niya lang ako. 

  

  

Humiwalay kami ng yakap. Matamis ang kaniyang ngiti sa akin, hinawakan niya ang pulso at hinila ako sa sofa namin. 

  

  

Hindi ko makita si Victoria. Iniwan akong mag-isa kasama si Leon, siguro ay kasama si Mama. 

  

  

Alam niya na palagi akong kinakabahan kapag kaharap ko si Leon. Ngayon pa siya wala. 

  

  

Traydor! Mamaya siya sa akin. 

  

  

“I didn't forget your birthday. Here's my gift for you,” may binigay siya sa akin na mahabang box pero hindi kalakihan. 

  

  

“H-Hala! Sana hindi ka pa nag-abala, Leon!” 

  

  

“At bakit naman hindi? You're already twenty years old. I need to give you something on your special day.” 

  

  

“S-Salamat,” tugon ko. 

  

  

“Open it,” mahina niyang saad. 

  

  

Binuksan ko ang box na binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, hindi naman ako ganito kanina sa binigay ni Victoria na regalo. 

  

  

Nang binuksan ko ‘yon ay bumungad sa akin ang silver na parang bracelet na may pendant na crescent moon. Hinawakan ko ‘yon at nakangiting binaling ang tingin kay Leon. 

  

  

“Bracelet?!” 

  

  

He chuckled, “Silly. That's an anklet. Here let me put it in your ankle,” lumuhod siya na siyang ikinagulat ko. 

  

  

“Leon!” sigaw ko ng mahina ngunit hindi niya iyon pinansin. 

  

  

Para siyang prinsipe sa Cinderella kung saan ang prinsipe ang nagsuot ng glass sandals kay Cinderella pero hindi glass sandals ang sinusuot niya sa akin, anklet ‘yon. 

  

  

Pagkatapos niyang kinabit ang anklet sa aking ankle ay tiningala niya ako. Seryoso ang kaniyang matang nakatingin sa akin na siyang ikinabilis ng pagtibok ng aking puso. 

  

  

“Don’t remove it, okay?” bulong niya. 

  

  

Nakagat ko ang aking labi ng hinalikan niya ang aking tuhod habang nakatingin pa rin sa'kin. Naging kakaiba ang pakiramdam ko sa kaniyang tingin.  

  

  

Napalunok ako ng laway at tumango sa kaniya. 

  

  

“H-Hindi ko tatanggalin… Salamat, Leon.” mahinang bulong ko habang nalulunod sa kaniyang tingin. 

  

  

“Good girl.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status