Share

Chapter Two

HTGD: Chapter Two 

  

  

Mabilis lang lumipas ang araw, hindi rin nagtagal si Leon nang bumisita siya sa aming bahay noong birthday ko. Ang sabi niya ay may aayusin lang siya na importante at may ipinag-uutos ang kaniyang ama na kasalukuyang Vice Governor ng Marinduque. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa sala, ang mga titig niyang tila nag-aapoy ay tumatak sa aking isipan. 

  

  

Nandito ako ngayon sa eskwelahan. Ako ay second year na sa kolehiyo, balak ko maging isang baker kaya naman culinary ang aking kinuha. Hindi kami mayaman ngunit sabi ng aking mama ay kaya niya naman akong pag-aralin. 

  

  

“Tangina, best! Ganda ng anklet oh? Sabi sa'yo e babatiin ka ni Leon, may regalo pa,” mahinang bulong ni Victoria habang nakatingin sa aking paa kung saan nandoon ang anklet na binigay sa akin ni Leon. 

  

  

“Sshh! Nakakahiya, Victoria. Tsaka kaibigan ako ni Leon, kaibigan tayo ni Leon. Bakit ka pa ba nagtataka? For sure may ibibigay rin sa'yo ‘yon kapag birthday mo.” 

  

  

“Malabo ‘yan! Ako bibigyan no'n? Hello?! Sa ating lahat, ikaw lang ang pinapaboran ni Leon. Panigurado may gusto sa'yo ‘yon!” nakangisi niyang saad habang may sinusulat sa papel. 

  

  

“Mayaman siya, ako hindi. Tsaka huwag ka maingay na gusto ko si Leon! Paano kapag nalaman niya?” 

  

  

“Tagal niya ng alam,” bulong-bulong pa niya habang nakatutok naman sa kaniyang cellphone. 

  

  

Binaling ko ang aking tingin nang pumasok ang professor namin. Tumahimik ang lahat nakanig sa kaniya. 

  

  

Aaminin ko, umaasa ako na magustuhan ako ni Leon kahit alam ko naman na hindi kami magka level. Mayaman sila at ako hindi. Kung may babagay man kay Leon ay si Victoria ‘yon. 

  

  

Tinignan ko si Victoria. Hindi mapagkakailang sobrang ganda niya. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya ngunit ni isa ay wala siyang pinansin. Mayaman si Victoria katulad ni Leon, magkakilala rin ang pamilya nila. 

  

  

Napayuko ako at napaisip. Kung mayaman lang sana kami. 

  

  

Umiling-iling ako. Ano ba itong nasa isip ko? kontento na ako sa aking buhay, sa buhay namin ni mama. 

  

  

‘Huwag masyadong maghangad…’ bulong ko sa aking isipan. 

  

  

Natapos ang araw na pagod ako sa klase. Hindi kami sabay ni Victoria umuwi dahil may pupuntahan daw siya. Pagdating ko sa bahay ay bukas ang ilaw ngunit wala si mama. 

  

  

“You are here.” 

  

  

“Ay palakang tinapa!” 

  

  

Napatalon ako sa gulat ng biglang lumabas si Leon mula sa kusina. May bitbit siyang plato na may laman na cake at baso naman na may laman na coke. Napatawa siya sa aking reaksyon. Binitawan niya ang kaniyang hinahawakan at pumunta sa aking harapan. 

  

  

“L-Leon…” bulong ko habang nanlalaki ang mata dahil sa gulat. 

  

  

Nagtatakang nilibot ko ang aking paningin para hanapin si mama ngunit wala siya. Napalunok ako ng nakita kong hindi inalis ni Leon ang kaniyang titig sa akin. 

  

  

“A-Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. 

  

  

Nagulat ako ng hinalikan niya ang aking pisnge pagkatapos ay hinaplos ito. 

  

  

“Uh…” 

  

  

He chuckled a bit. Ginulo niya ang buhok ko at hinila ang aking braso patungo sa lamesa. Nagtakaka ko naman siyang sinundan dahil wala akong kaalam-alam kung bakit siya nandito. 

  

  

“Leon, why are you here,” madiin na tanong ko ulit para pansinin niya ako. 

  

  

“Sit down, Serene. Eat your meryenda.” 

  

  

Ngunit hindi niya ako pinansin. Inilapag niya ang platito at ang baso na may coke, tinitigan niya ako na para bang hinihintay akong kumain ngunit sinamaan ko siya ng tingin. 

  

  

Ang mokong ay ngumisi lamang sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kulay. 

  

  

“Alright!” saad niya at itinaas ang kamay na parang sumusuko. 

  

  

“I’ll be here for three months. Inutusan ako ni Dad na asikasuhin ang company namin.” 

  

  

“Hindi kita tinatanong kung bakit ka nandito sa Marinduque, bakit ka nandito sa bahay namin, Leon?” 

  

  

Biglang nag seryoso ang kaniyang mukha. Leon is such a mysterious man, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya at kung ano ang mga susunod niyang gagawin. Magugulat ka na lamang dahil bibiglain ka niya sa mga susunod niyang galaw. 

  

  

“Bawal ba bisitahin ang kaibigan ko?” 

  

  

Tila ba nasaktan ang aking puso. 

  

  

Kaibigan… 

  

  

Oo nga naman, bakit pa ako nagtanong? Bakit ko ba binigyan ng malisya ang pagpunta niya sa bahay namin.  

  

  

Napangiti ako nang mapait. I should've not hoped that he liked me. It's just a silly thought of mine. 

  

  

“May iba pa tayong kaibigan, Leon…” ang naisagot ko na lang. 

  

  

Hindi siya sumagot sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya habang kumakain. Tumitingin-tingin ako sa labas para hintayin na dumating si Mama. 

  

  

“Your mom is not here. May pinuntahan siya and she said to me na hintayin na lang kita dito. She let me in, don't worry.” 

  

  

“Alam ko naman na pinagkakatiwalaan ka ni mama. After all, para na tayong magkapatid.” 

  

  

Napatawa ako sa aking isipan. Tangina kapatid? parang tanga, Serene.  

  

  

“I don't see you as a younger sister, Serene.” 

  

  

Madilim ang mukha ni Leon. Ang makapal at pantay niyang kilay ay nagkasalubong. Umigtang ang kaniyang panga at kita ko ang kaniyang kamao na nakatiklop ng madiin. 

  

  

Bigla akong natakot. 

  

  

“S-Sorry…” saad ko at napayuko. 

  

  

Namayani ang katahimikan sa lamesa. Tunong lang ng tinidor ang maririnig at mga boses ng kapitbahay na nagmumula sa labas.  

  

  

Masyadong awkward, umaasa ako na sana dumating na kaagad si mama ngunit parang tumigil ang ikot ng aking mundo ng tinanong ako ni Leon. 

  

  

“Do you like me, Serene?”  

  

  

Naihulog ko ang tinidor at gulat na napatingin sa kaniya. Lumakas ang kabog ng aking dibdib at nararamdaman ko ang pagtaas ng dugo sa aking mukha. Hindi ako makasagot sa kaniya, tila ba nawalan ako ng dila para makasagot sa kaniya. 

  

  

Tumawa ako ng pagak para mawala ang tension. 

  

  

“H-Huh? Leon, w-what are you talking ab—” 

  

  

“Yes or No, Serene,” he cut me off. 

  

  

Napawi ang aking pekeng ngiti at tila ba nawalan ako ng hangin. Napatitig ako sa kaniyang asul niyang mata, para itong ibon na kanina pa nagmamatiyag. Tila ba may nakabarang malaking bato sa aking lalamunan. Gusto ko sumagot ng hindi kahit gusto ko siya, gusto ko sumagot ngunit parang nawalan ako ng boses. 

  

  

Ang pagtahimik ko at pag hindi pag sagot ay parang hudyat na gusto ko siya. Gusto ko lumubog sa lupa para itago ang kahihiyan. Leon stood up to approach me but before he touched my hand, dumating na si mama. 

  

  

“Bakit ang tahimik niyong dalawa?” 

  

  

Parang kabute si mama na biglang sumulpot. Napatayo ako at pinuntahan si mama para salubungin siya at magmano.  

  

  

“M-Ma! May tinatanong lang si Leon!” pilit na ngiti ko sa kaniya. 

  

  

“Oh ano ba ang tanong?” 

  

  

Hindi ako makasagot. Binalik ko ang tingin kay Leon na kasalukuyang nakatayo at nakatingin pa rin sa akin. Napalunok ako at sa kaniyang mainit na titig. Hindi ko pinansin si mama pero hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sagutin si Leon. 

  

  

“Oo…” 

  

  

A pause. 

  

  

Kita ko ang gulat sa mata ni Leon. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya. 

  

  

Bahala na kung anong mangyari. 

  

  

Bahala na kung hindi na kami magiging magkaibigan pagkatapos nito. 

  

  

Bahala na kung masaktan ako. 

  

  

  

“Oo. Oo ang sagot ko, Leon.” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
nice story po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status