Share

Hiding The Governor's Daughter
Hiding The Governor's Daughter
Author: radynne

Prologue

Prologue

“Ma, Aalis na po ako. Susunduin ko pa si Eleanor. Alam mo naman na bago pa lang siya dito,” kinuha ko ang sling bag ko at humarap kay Mama.

“Anak, hindi habang buhay ay itatago mo si Eleanor sa ama niya. Kaya kita pinauwi dito sa Marinduque para sa kapakanan ng anak mo. Kailan mo ba ipakikilala si Eleanor sa tatay niya, Serene?”

I looked away as I sighed heavily. Anim na taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit na nadarama ko sa ama ni Eleanor. Hindi ko kayang ipakilala si Eleanor sa tunay niyang ama. I know how dangerous he is lalo na ngayon na mas makapangyarihan na siya sa mata ng publiko.

“Not in my watch, Ma. Bumalik ako dito sa Marinquque para sa’yo at para makilala ka ni Eleanor,” tumikhim ako tumalikod.

Hindi ko na kayang bumalik sa kan’ya. Hindi ko na kaya ang sakit na dinulot niya sa akin. Hindi ako papayag na kunin niya ang anak ko.

“Hindi malaki ang Marinduque para hindi kayo magkrus ng landas. Tandaan mo, Serene. Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi ang apo ko,” huling saad niya bago tumungo sa kusina.

Isinantabi ko ang sinabi ni mama at umalis na sa bahay namin. Susunduin ko pa si Eleanor sa paaralang pinapasukan niya.

Eleanor Sage Vasquez. She is now five years old, and my daughter. Kung mayroon man na pagkakamali ang hindi ko kayang iwan at saktan, si Eleanor iyon.

Sumakay na ako ng taxi. Tumingin ako sa labas ng bintana at inalala lahat ng mga alaala noon. It's been six years— anim na taon na no’ng umalis ako ng Marinduque para manirahan sa Palawan. Doon ko pinalaki si Eleanor at habang lumalaki siya, hindi niya rin maiwasan na tanungin kung nasaan ang tatay niya.

As much as I want to meet her father, alam ko ang magiging kahihinatnan no’n. Kukunin niya sa akin si Eleanor, at wala akong kalaban-laban sa kan’ya.

Lalo na ngayon, Gobernador na siya.

Hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa school. Nagbayad na ako at bumaba. Kita ko rin ang mga ibang nanay na hinihintay ang kanilang mga anak. Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga bata at sumilay ang ngiti sa aking labi ng nakita ko si Eleanor.

“Mama!”

Napahalakhak ako sa sigaw niya. Pinagtinginan tuloy siya ng mga kaklase niya. I opened my arms to hug her at mabilis naman siyang tumakbo, mahigit ko siyang niyakap.

“How’s your study today, baby? Did you have fun?” I smiled at her as I questioned her.

“Yes, Mama! I learned a lot po from our Teacher!” she giggled as she kissed me on my cheeks. Lumayo siya sa akin ng kaunti at ipinakita ang likod ng kan'yang palad. “Look, Mama, I have three stars po!”

“Wow, Good job naman ang baby ko! At dahil diyan, may reward ka sa akin. Gusto mo pumunta tayo ng mall at kumain sa Jollibee?”

Her eyes twinkled as she heard the ‘Jollibee.” It's her ultimate favourite food.

“Talaga po, Mama? Omg! Can we go na po? I want jolly right now!” she jumped. I held her hand at lumabas ng school nila.

Maraming dinaldal si Eleanor. Hindi mapakali ang kan’yang mata ng sumakay kami ng taxi para pumunta sa mall. Alam kong excited siya dahil minsan ko lang siya pakainin ng Jollibee. It is still a fast food, hangga’t maaari, ayaw ko siyang masanay kumain no’n.

When we arrived at the mall, she excitedly held my hand. Nagmamadaling pumasok kami sa mall at hinananap kaagad ang Jollibee. I chuckled.

“Careful, Eleanor, Makakakain ka anak.”

“Excited na po ako, Mama! And I am hungry na po kaya!” she pouted her lips.

I laughed at her as I shook my head. Nang makapasok sa Jollibee ay nagmamadaling umupo siya— hinayaan niya naman akong pumunta sa counter para mag-order.

Like always, I ordered two chicken with rice, sundae, and fries. Pineapple drink naman ang inumin namin dahil hindi ko sinasanay si Serenity na uminom ng soft drinks.

Nang makuha ko ang order ay pumunta na ako sa table namin ni Eleanor. Nakangiting hawak-hawak ko ang tray ngunit napawi ang ngiti ko ng hindi ko siya nakitang naghihintay sa upuan. Ang naiwan lang sa upuan ay ang bag niya. Nagmamadaling inilapag ko ang tray at inilibot ang aking paningin para hanapin siya. Tinignan ko ang bathroom ngunit wala siya doon.

Malakas ang kabog ng aking dibdib nang lumabas ako sa Jollibee. Masyadong malaki ang mall para hanapin si Eleanor. Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang nakita niyang toy shop kanina habang papunta kami sa Jollibee. Gusto niyang pumasok doon ngunit pinagsabihan ko siya na pagkatapos naming kumain ay tutungo kami doon.

Dali-dali akong pumunta sa toy shop. Kinakabahan ako para sa kan’ya. May pagkatigasan ang ulo ni Eleanor ngunit hindi ko naman akalain na bigla siyang mawawala sa paningin ko.

Nang makapasok ako ay inilibot ko ang aking paningin. At hindi nga ako nagkamali, nandoon si Eleanor, may hawak na spongebob doll.

“Eleanor!” sigaw ko.

Nagsitinginan ang mga tao sa loob ng toy shop ngunit hindi ko ‘yon pinansin.

“Why are you here?!”

“M-Mama…”

“Bakit ka nandito? ‘Di ba sinabi ko sa‘yo na mamaya tayo pupunta dito? Nag-alala ako sa’yo! Do you want me to get mad?!” saad ko habang habol ang hininga. Lumuhod ako para magpantay kami, kita ko ang kan’yang munting luha na mukhang tutulo na.

“S-Sorry, M-Mama…” she sobbed.

I hugged her as I caressed her hair. “Wala kang kasama Eleanor. Paano kung mawala ka? Nag-alala sa’yo si Mama, anak.”

“May kasama po ako Mama… Ililibre niya raw po ako ng spongebob doll.”

I held her arm as I looked at her eyes.

“Sabi ni Mama ‘di ba na huwag kang sasama sa stranger? Bakit ang tigas ng ulo mo, Eleanor?”

“B-But…” she stopped and suddenly smiled.

“Here kiddo. You said you wanted this.”

Bigla akong nanlamig at hindi nakagalaw. I felt like my heart stopped. Namutla ang aking labi habang tinitignan ko si Eleanor na nakatingala sa taong nginingitian niya.

“Mama! Siya po ‘yong sinabi ko na ililibre ako!” she looked at me with her fullest smile pero no’ng napansin niyang hindi ako nakaimik ay rumihistro sa kan’yang mukha ang pag-aalala.

“Mama?” She called me and looked at me worriedly.

“Is she your mother?” diing saad ng lalaki.

Nasa likod ko siya at hindi ako makaharap. Tila ba napako ako sa pagkakaluhod at hindi makagalaw.

“L-Let’s go, Anak…” hinawakan ko ang kamay ni Eleanor at dali-daling tumayo.

But I stopped when he called my name.

“Serene?”

Tila ba naubusan ako ng hangin ng binigkas niya ang aking pangalan. Dahan-dahan akong humarap sa kan’ya. Kunot noo niya akong tinignan pati ang batang hawak-hawak ko.

Six years had passed. Ganoon pa rin siya— his blue cold hawk eyes that will definitely weaken your knees. His sharp jawline and high pointed nose. Those features— nakuha ‘yon lahat ni Eleanor.

He dropped the spongebob doll and held my wrist tightly. Nanginginig at takot ko siyang tinignan sa kan’yang mata.

“Where the fuck have you been?” he said coldly. He looked again at Eleanor. Pilit kong inaalis ang kan’yang hawak sa akin.

“Let go of me…” I bit my lower lip.

“What are you doing to my Mama? I thought you were a good guy! Let go of my Mama!” Eleanor suddenly cried as she shouted those words.

“Mama?” He looked at me once again.

“Leon…” I whispered.

“She is my child.”

He is not questioning. He stated a fact.

“You are coming with me and you will never run away again to me, Serene.”

Nagpumiglas ako sa kaniyang hawak. Nagsitinganan ang mga tao sa amin kaya naman binitawan niya ako.

“Governor? What a surprise!”

May biglang lumapit sa kaniya na babae. Naging hudyat ko ‘yon para takasan siya. Dali-dali kong hinila si Eleanor para umalis sa toy shop. Alam ko hindi kayang pansinin ni Leon ang mga tao sa loob, he is a public servant. Kailangan niyang protektahan ang pangalan niya.

Leon Rage Montessori. That is his name. It's Eleanor father, the Governor of Marinduque.

Lahat ng alaala ay biglang bumabalik, kung saan binigay ko sa kaniya ang lahat dahil mahal ko siya.

Binigay ko ang pagka-inosente ko sa kaniya, pinagkatiwalaan ko siya pero anong nangyari?

Niloko niya lang ako.

“Mama, Jollibee po…” bigla akong napahinto sa sinabi ng aking anak.

Lumuhod ako at inayos ang kaniyang buhok, nginitian ko muna siya bago nagsalita.

“Take out lang ni Mama si jolly ha?”

Ngumiti siya sa akin at tumango-tango.

Mabilis ang aking galaw. Pagdating namin sa store ay pinabalot ko na lang ang dapat kakainin namin. Hindi ako mapakali dahil alam ko na nandito pa rin si Leon sa mall.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng mall at kaagad naghanap ng masasakyan. Malakas ang aking kabog ng dibdib. Tama nga si mama, masyadong maliit ang Marinduque, nakita kaagad ni Leon si Eleanor.

Hindi ko kayang mawala sa akin si Eleanor. Alam ko ang kakayahan ni Leon, alam ko na kaya niyang kunin sa akin ang anak namin pero lalaban ako.

Kahit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, hindi ko isusuko ang aking anak.

Alam kong magagalit siya lalo na ngayon na alam ko na alam niya na anak niya si Eleanor. He is a public servant, he needs to protect his image.

Leon Rage Montessori will be furious about this.

After all, I was hiding his daughter. The Governor's daughter.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status