MasukBago pa matapos ang manager sa sasabihin ay pinatay na ni Damon ang tawag. Napaisip siya. Kaya ba nag-take ng leave si Samara dahil takot itong mabisto. Kung ganoon ay nagtatago nga talaga ito."Sir Damon, saan po tayo pupunta?"Tanong ni Addy na nasa passenger seat. "Mag-hire ka ng tao para imbestigahan ang kinaroroonan ni Samara Rosario ngayon na rin."Nang makita ni Addy ang galit na ekspresyon ni Damon ay hindi na siya naglakas ng loob para magtanong pa at kaagad na sinunod ang mga utos nito. Kampante si Damon na ngayon ay hindi na makakatakas pa si Mara. .......Dinala ni Mara si Amie at ang kanyang mga anak sa isang restaurant para kumain bago umuwi sa kanila. Habang kumakain ay maingat na nagkwento si Amie tungkol sa mga nangyari sa loob ng hotel. Nasabi rin ni Amie sa kaibigan na hindi naningil ng bayad danyos si Damon. At ang assistant nito ang umalalay sa kanila palabas ng hotel at ang mga tanong nito ay para bang nagdududa kay Amie. Kahit pa na walang nangyari ay nag-a
Humugot ng malalim na buntong hininga si Amie bago sumagot at pinigilan din niya ang mga nagbabadyang luha. "The truth is, nagkaroon ng kabit ang ama ni Winter. Nangyari ito noong namatay ang aking nanay. After knowing that, umalis ako at sinama ko ang anak ko. Napagkamalan ka lang ni Winter na papa niya dahil may pagkakaparehas ang style ng suot mong damit ngayon sa papa niya."Tila nag-replay sa utak ni Damon ang mga sinabi ni Amie. Napagtanto niya na may pagkakatulad ang kwento ng babae kay Mara noon. Dahil kasama nga ni Damon noon si Lean na nagdidiwang ng kaarawan nito, habang nilalamay ang ina ng kanyang asawa. Sa mga oras na iyon ay may hinala siya na may alam si Amie at nakikipaglaro ito kay Damon, ngunit ang kaibahan nga lang sa kwento nito, ay wala naman siyang kabit dahil si Mara lang ang babae sa buhay niya. Pinasadahan muli ni Damon si Amie, hindi niya ito kilala o hindi ito familiar sa kanya kaya impossible na may alam ito sa kanyang buhay, siguro ay masyado lang siya
"Look. Hindi ako nananakit ng bata pero kailangan mong pumunta rito para magpaliwanag sa ginawa ng anak mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya ring pinatay ang tawag. Hindi naniniwala si Damon na naiintindihan na ni Winter ang sinulat nito sa kanyang kotse. Sa hula niya ay narinig ito ng bata sa mga nakakatanda sa kanya. Kaya kailangan malaman ni Damon kung ano ba talaga ang nangyari. Kaagad namang nadurog ang puso ni Mara nang marinig niya ang mga hikbi ni Winter at mas gugustuhin niya na lamang pumunta kaagad sa hotel na sinabi ni Damon.Dalawang hakbang ang ginawa niya at napatigil din bigla. Nainisp niya na nakita niya na ng isang beses si Damon sa auction house at kapag magkikita na naman sila ngayon ay baka mabilis siyang mabisto nito na siya si Mara. At kapag tuluyan siyang makikikilala nito at baka malaman pa ni Damon na anak ni Mara si Winter. Hindi maaari. Naglakad pabalik-balik si Mara ng ilang segundo habang hawak ang kanyang cellphone hanggang sa tinawagan ni
May mga taong nakatayo sa kanyang likuran at doon napagtanto ni Winter na wala na siyang takas. Nakasalampak ito sa sahig at tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang maliliit niyang mga kamay.Humakbang papalapit si Damon at tahimik na tinignan saglit ang batang nakasalampak sa sahig. Lumuhod siya sa harapan nito at binuhat ang bata. Kitang kita niya ang pagtakip nito sa kanyang mga mata na para bang hindi siya nakikita ni Damon.Mapagpanggap na bulilit. “Nakita kita. So stop covering your eyes.” Napaisip si Winter. Anong nangyari? Lagi siyang magaling sa pagtatago tuwing naglalaro sila ng mga kuya niya ng hide-and-seekSinubukan niyang ibinaba ang kanyang kamay ngunit dahil binuhat siya ni Damon ay hindi niya iyon maigalaw. Naglulupasay siya ngunit hindi talaga siya makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Damon, dahil ito ang unang pagkakataon na matitigan niya ito nang malapitan. Napakurap siya nang mapag-tantong kamukhang-kamukha nga siya nila Hunter at Gunther. N
Natatakot si Mara na kapag mas tumagal siya roon ay tuluyang siyang makikilala ng mga ito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin nila ito mapapapayag. “Hindi ako nababayaran.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang umalis at nadaan niya si Damon na nasa gilid lamang ng pinto. Hindi naman na pinigilan ni Damon ang babae at tinitigan niya lamang ito. Nang maamoy niya ang pabango nito ay agad siyang napaisip. Napaka pamilyar ng pabango na iyon at hindi niya na maalala kung saan niya dati naamoy iyon. Napansin din niya na may kakaiba itong ugali na gayang-gaya kay sa dating niyang asawa. Naalala niya na mukhang kalmadong tao si Mara ngunit may taglay itong lakas ng loob at kayang kaya ang mga bagay-bagay.Pareho silang dalawa na hindi nagbibigay ng pangalawang pagkakataon o masinsinan na usapan. Dahil doon ay naalala niya ulit ang kanyang ex-wife. Naging seryoso ang mukha ni Damon. Sa loob ng limang tao ay lagi niyang naiisip si Mara at ang pitong buwang tiy
Napahawak na lamang si Hunter sa kanyang noo at iiling-iling siyang napatingin kay Gunther. “Laging sinasabi sayo ni mama na bawasan mo ang paglalaro ng computer at mag-aral kang magbasa ng mga libro. Pero tumakas ka na naman at naglaro ka ng computer, hindi ba? Mali mali ang spelling mo. Dalawa ang mali mo.” Sita ni Hunter sa kambal. Napatawa naman si Gunther. “Hunter, huwag mo nang isipin yang spelling” at nang matapos itong nagsulat ay nag-drawing siya ng aso sa tabi ng nito.“Haha. Dog daddy.” Tawa nito. Gusto nilang dalawa na malaman ng lahat kung gaano kasamang ama si Damon kaya ganon ang kanilang ginawa. Kahit na hindi pa talaga nila nakikita ang ama sa loob ng limang taon ay lagi nilang naririnig ang pangalan nito. Madalas din nilang itong napapanood sa tv na dumadalo sa mga events kasama ang iba't-ibang mga babae. Kaya naman nang makita nila sa unang pagkakataon si Damon sa personal ay kaagad nila itong nakilala at hindi na sila nagdalawang isip pa. Hindi rin gaanong nag







