Share

004

Author: CellaRocella
last update Last Updated: 2025-01-07 16:44:47

DUMATING ANG ARAW ng kasal nina Fern at Quincy. Habang nakasakay na siya ng bridal car, napapadasal siya na sana walang maging aberya. Sana walang maging problema at matuloy ang kanilang kasal. Malapit na sana silang makarating sa simbahan nang biglang harangin sila ng isang van.

"Manong? Anong nangyayari?" kinakabahang wika ni Quincy.

"Hindi ko po alam, ma'am! Basta humarang na lang sila!" sagot ng driver.

Ang hindi alam ni Quincy, nakausap na ni Hiro si manong driver at binigyan niya ito ng malaking halaga. Kunwaring sinaktan ni Hiro ang driver at saka binuksan ang sasakyan para ilabas si Quincy.

"Bitawan mo ako! Ano ba?! Tigilan niyo ako!" sigaw ni Quincy habang nagpupumiglas.

Nakasuot ng face mask ang binata at hoodie kaya hindi niya nalamang iyon si Hiro. May kung anong pampatulog itong itinurok sa braso ni Quincy kaya unti-unti siyang nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Nagmamadaling ipinasok ni Hiro sa van si Quincy at saka umalis.

"Hiro, sigurado ka na ba talaga dito? Puwede pa tayong umatras!" wika ng kaniyang kaibigan na si Sebastian.

"Hindi na tayo aatras. Anak ko ang pinagbubuntis niya kaya hindi sila puwedeng ikasal ni Fern. Wala na akong pakialam kung itakwil ano ng pamilya ko. Ang mahalaga, nasa akin si Quincy. Matagal na akong naghihintay ng pagkakataong makuha siya at ito na nga iyon. Sige na, mag-focus ka na lang sa pagmamaneho. Hindi ka madadawit dito," sagot ni Hiro bago pinagmasdan si Quincy na natutulog sa kaniyang bisig.

Dinala siya ni Hiro sa isang bahay bakasyunan na pagmamay ari niya sa malayong probinsya. Doon, nakatayo ang bahay na iyon sa malawak nilang lumapit. Malalayo ang agwat ng mga bahay doon. At malayo pa ito sa bayan kaya hindi basta-basta makakaalis si Quincy kung wala siyang gamit na sasakyan.

"Hmmm...." marahang iminulat ni Quincy ang kaniyang mga mata.

Nagising siya sa isang hindi pamilyar ng kwarto at nakita doon si Hiro na iniintay siyang magising. Agad siyang bumangon at saka matalim na tinitigan ang binata.

"Anong ginawa mo?! Bakit mo ako kinidnap! Ang kapal ng pagmumukha mo! Ibalik mo ako kay Fern! Kailangang matuloy ang kasal naming dalawa!" sigaw niya.

Bumuntong hininga si Hiro. Ramdam niya ang matinding galit ni Quincy ngunit wala siyang pakialam. Mas gugustuhin pa niyang magalit ng sobra si Quincy dahil alam niyang huhupa rin iyon. Ngunit ang makita itong kinasal sa kaniyang kambal habang dala ang anak niya ay hindi niya makakaya. Hindi naman niya akalaing hindi niya maalis sa kanyang puso't isipan ang dalaga gayong ito ang unang nagmahal sa kaniya. Laking pagsisisi niya noong hindi niya pinapansin si Quincy noon.

"Magalit ka na kung gusto mong magalit sa akin pero wala akong pakialam. Sinabi ko na sa iyong hindi ako makapapayag na ikasal kayong dalawa ni Fern dahil anak ko iyan. At isa pa, sa tagal ninyong dalawa at hindi mo ka pa niya nagagalaw, sa tingin mo ba wala siyang ibang babaeng nagalaw? Na hindi siya nagparaos sa iba? Hindi ka sigurado."

Asar na tumawa si Quincy. "At gumagawa ka pa talaga ng kwento para siraan ang kapatid mo sa akin? Mahiya ka naman, Hiro! Sa tingin mo, hindi magagalit ng sobra si Fern sa ginawa mong ito? Anong klaseng kapatid ka?"

"Wala na akong pakialam pa sa gusto mong sabihin, Quincy. Magpahinga ka na. Bawal kang ma-stress. Mamaya may pupuntang doktor dito para ma-check up ka."

Lumabas na sa silid na iyon si Hiro. Naiwan namang asar na asar si Quincy. Sumilip siya sa bintana. Isang malawak na lupain ang bumungad sa kaniya at magandang tanawin. Puro puno at kilay berde na nga ang paligid. Napapikit siya nang dumampi sa kaniyang balat ang sariwang hangin.

"Paano ako makakaalis sa lugar na ito kung ganito?" bulong niya sa sarili.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na ang sinasabing doktor ni Hiro. May edad na ang babaeng ito.

"Mahiga ka, ineng," saad ng doktor.

Humiga naman si Quincy. May kung anong pinahid sa kaniyang tiyan at saka may inilabas na kung anong bagay ang babae. Mayamaya pa ay may narinig siyang heartbeat. Nanlaki ang kaniyang mata.

"Mukhang magiging healthy ang baby ninyo!" masayang sabi ng babae.

May mga tinanong sa kaniya ang babae kagaya na lang kung kailan ang huling dalaw niya at kung kailan siya nagpagamit. At nalaman niyang two months na pala siyang buntis. Binigyan siya ng mga vitamins at ferrous sulfate para maging healthy ang kaniyang sanggol.

"First time mom ka pala. Kumain ka ng gulay at prutas. Iwasan mo ang masyadong matatamis. Huwag mo masyadong palakihin ang baby mo sa tiyan mo para hindi ka mahirapang manganak. Kapag hindi kinaya ng p*****a mo, kailangan mong i-CS. Kaya mas mainam na paglabas na ng bata saka mo siya palakihin," payo sa kaniya.

Napatingin siya kay Hiro. Napakurap siya nang makita ang itsura ng binata. Malawak ang ngiti nito sa labi at makikitang sobrang saya niya. Natulala sandali si Quincy at saka nag-iwas ng tingin.

"Sa susunod na lang ulit. Iyong mga sinabi ko sa iyo, ha? Pakainin mo siya ng masustansyang pagkain. Huwag na huwag mo siyang i-stress-in. At iwasan ang pag-iyak. Magiging iyakin si baby niyan, sige kayo," ani pa ng babae sabay tawa.

Hindi pa rin makapaniwala si Quincy na mayroon na ngang buhay sa kaniyang sinapupunan. Parang nanaginip pa rin siya. Naisip niyang bigla si Fern. At dahil doon, naiiyak na siya. Inisiip niya kung ano na ang nangyari sa kaniyang fiancee. Kung ano ang naging reaksyon nito nang hindi siya makapunta sa simbahan na iyon. Masakit para sa kaniya ang mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa. Hindi rin siya marunong magmaneho para makatakas sa lugar na iyon.

"Fern... patawarin mo ako. Patawad mahal ko," lumuluha niyang sambit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hinahanap Ng Puso   018

    "Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka

  • Hinahanap Ng Puso   017

    "Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun

  • Hinahanap Ng Puso   016

    "Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil

  • Hinahanap Ng Puso   015

    "Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp

  • Hinahanap Ng Puso   014

    Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin

  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status