LOGINHindi ko alam if napansin n'yo, namimili ako ng comment na pwedeng maging dialogue...
Marc Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ni Lola. Ang tanggapin si Monica bilang nurse kahit klarong-klaro na wala siyang respeto sa akin. “Sir Marc, time for your medicine.” Iniabot niya sa akin ang gamot. Tinanggap ko naman iyon at walang reklamong ininom. Pero hindi ko siya tiningnan. Tahimik lang siyang naghintay hanggang sa masigurado niyang nalunok ko na ang lahat bago siya umatras at umalis sa harap ko. Ganito siya. Kapag hindi ako nagsusungit, hindi rin siya nagsasalita nang kung ano-ano. Aalis lang siya at tatayo sa may bintana habang may ginagawa sa phone niya. Madalas ko rin siyang nahuhuling may katext o may kausap. Parang bawat galaw ko ay nirereport niya kay Lola. O baka naman may iba lang talaga siyang kausap. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga dokumentong nasa mesa ko. Ilang araw pa lang mula nang ma-discharge ako. Hindi pa natatanggal ang mga cast ko, pero heto ako ngayon, bumalik na sa Belmonte Holdings. Hindi lang para ibangon ang kumpa
Marc Ilang araw na ang lumipas mula nang magising ako. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kay Calessia. Kahit nandito pa ako sa hospital, ginagawa ko pa rin ang lahat para mahanap lang siya. Ngayon nga ay nasa harap ko ang mga taong inutusan kong hanapin siya. Kaya lang, wala silang silbi. Pare-pareho na lang ang report araw-araw. "Still nothing, Sir. We haven't found a single lead." Napatawa na lang ako nang mapait at pinaalis silang lahat. Gusto kong magwala. Ibato lahat ng mahawakan ko. Pero kapag nalaman ni Lola 'yon, baka totohanin niyang ipasok ako sa mental institution. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Ganitong-ganito rin ang nangyari noong pinaghahanap ko si Cara Rose. Kahit saang sulok ng mundo ako pumunta, wala ni isang clue tungkol sa kanya. Talagang ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap. "Ang gago mo, Marc!" Paulit-ulit kong dinaklot ang buhok ko. Ako ang nanakit, nagsinungaling, at sumira sa tiwala niya. Pero ngayon... Para akong
Marc“Calessia!”Nagising akong parang sakay pa rin ng kotseng pabagsak sa dagat habang isinisigaw ang pangalan ni Calessia.Pero nanigas ang buong katawan ko nang makita ko si Lola.Seryoso siya na parang hindi natutuwa na nagising ako.“Lola…” Paos ang boses ko. Parang maiiyak na inabot ko ang kamay niya.Hindi siya nagsalita, pero hinayaan niya lang akong hawakan siya.Napatingin ako sa kamay niya.Saka ko lang napansin ang suwero sa kamay niya.“Lola, what happened to you?”“Sir Marc…” Pigil ni Mrs. Alfonzo nang tangka akong umupo.“Hindi ka po puwedeng gumalaw. Kailangan mo pong magpahinga.”Kunot-noo akong tumitig sa kanya.Nagkatinginan naman silang dalawa ni Lola.Umiling ako.“No… I need to see Calessia—”“Matapos ang ginawa mo sa kaniya, tingin mo, gugustuhin ka pa niyang makita?”Natahimik ako.Uminit din ang mga mata ko habang nakatingin kay Lola.“Where is she, La?”Nagtangka akong umupo ulit, pero pinigil ako ng sakit. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko.Biglang hinila
MarcKitang-kita ko si Calessia na inaalalayan ni Armando palabas.Habang ang ibang mga tauhan ni Cara ay hinuhuli ng mga pulis.Then may sumigaw.“Check the entire area! Baka may secret passage!”“Halika na!”Biglang may humila sa akin.Isa sa mga tauhan ni Cara.Pinalibutan na nila ako.Ang mga baril nila ay nakatutok sa ulo ko."Move, kung ayaw mong sumabog ang ulo mo."Napilitan akong humakbang.Habang hinihila nila ako papunta sa kotse, bumalik sa alaala ko ang gabing nag-text si Cara.“If you don't come, I'll tell Calessia everything.”Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako natatakot.Kasi gusto ko na rin namang sabihin kay Calessia ang lahat.Matagal na.Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon.Naghahanap ako ng panahon para masabi sa kanya ang buong katotohanan nang hindi siya gaanong masasaktan… ’yong tiyak na mapapatawad niya ako.Pero hindi roon nagtapos ang pagbabanta ni Cara.Sinabi niyang kapag hindi ako dumating, kinabukasan na kinabukasan, kakalat sa buon
MARCNanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Calessia na nakatali sa upuan.Parang may sumuntok sa sikmura ko. Gusto ko siyang lapitan. Alisin siya sa pagkakatali. Kasi hindi naman ito ang plano.Pero hindi puwede; magagalit si Cara.Pinilit kong ibalik ang atensyon ko kay Cara. Nagkunwaring hindi ako apektado ng nakikita ko.Ang gusto ko lang ay matapos na ’to at makaalis na si Calessia.Maibigay ko kay Cara ang gusto niya.Ang annulment.Ang kalayaan ni Calessia.Ilang beses kong naikuyom ang kamao ko habang pumipirma siya. Nang tutukan siya ng baril.Kunti na lang, papalag na ako. Lalo na nang si Cara mismo ang tumutok sa kanya.Pero sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar.Napalingon agad ako kay Calessia. Lalapitan ko sana siya.Nakaupo na siya, nakapikit, at nakatakip ang mga palad sa tainga niya.Pero mabilis akong hinila ni Cara."Marc! Let's go!"Sumunod ako, pero panay pa rin ang lingon sa loob kung saan naiwan si Calessia."Stop looking at her!"Hin
CalessiaSunod-sunod na pumatak ang luha ko.'Yon lang ang sinabi niya, pero agad kong naintindihan.Naipikit ko ang mga mata ko. Lahat ng mayroon kami ni Marc. Lahat ng lambing, matamis na salita, paraan lang ba niya 'yon para bumalik si Ate? Para magselos siya?Ginagamit lang ba niya talaga ako?Dumilat ako. Diretsong tumitig sa mata ng Ate… Hindi… Hindi ko pala siya kapatid. Hindi siya deserve na tawaging ate.Gusto kong pahirin ang mga luha ko, alisin ang kahit anong bakas ng lungkot, pero nakatali pa rin ang mga kamay ko.Kaya tumawa ako.Malakas at mapaklang tawa."Alam mo kung nasaan si Marc?"Tumayo siya. Itinaas ang mukha at humalukipkip.“Ikaw ba ang dahilan kung bakit siya nawawala?”“Nawawala?” Tawang-tawa siya. “Hindi…”“Wala akong ginawa… I just texted, and he came running."Natahimik ako.Pati hikbi ko, nawala."Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti lang siya at lumingon sa pinto ng kuwarto.Saktong bumukas iyon at lumabas si Marc."Marc..." nasambit ko.Nanlaki ang mga ma







