Share

Kabanata 4

MALAKAS na hangin ang tumatama sa aking mukha. Inililipad rin niyon ang aking mahabang buhok pati na rin ang kulay lilang bestida na umabot hanggang sa bukong-bukong ko.

Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi pa rin tumitigil ang pag-ulan. Kaya hanggang ngayo'y nasa isang resort pa rin ako kasama ang lalaking ni sa hinagap ay hindi ko naisip na makakasama. 

"Masyado pa raw madulas ang kalsada pabalik sa Bachawan. Kailangan pa nating magstay rito." Natatandaan kong sabi sa akin ni Rios bago niya ako iniwan sa cottage. Hindi kami natuloy sa hospital noong sunduin niya ako. Napakalakas ng ulan at hindi na masyadong maaninag ang daan. Kaya nagpasya na lang si Rios na umupa ng cottage sa malapit na resort.

Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung bakit siya ang sumundo sa akin. Malimit lang kasi kaming mag-usap sa loob ng dalawang araw. Tamang pagsagot lang sa ilan niyang tanong ang nagagawa ko. Kung minsan nga'y napapatango na lang ako. Kaya hindi na ako magtataka kung umabot man ang isang linggong magkasama kami na halos hindi pa rin magkakilala.

Of course, I know his name, and some matters about him. Pero kung sa personal na pagkakakilala, siguradong bokya ako roon. Ewan ko nga lang kung pareho kami sa ganoon. He obviously know my name. Mayaman si Rios, kahit na hindi ito humingi ng salapi kay Lola Clara. Nanay-nanayan ako ng anak niyang si Renzo kaya sa malamang ay gumawa ito ng ilang hakbang para kilalanin ako. Sino ba namang taong ipagkakatiwala ang anak sa isang estranghero?

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago naupo sa upuang kawayang nasa terasa ng cottage. Mula roon ay tanaw ko ang malakas na alon ng dagat. Madilim pa rin ang langit at anumang oras ay maaaring magbuhos ulit ng malakas na ulan. 

"Ma'am!" sigaw mula sa kabilang cottage ang nagpalingon sa akin. Namataan ko roon ang isang staff ng resort na kumakaway sa akin. "May package po kayo."

Awtomatikong kumunot ang aking noo. Package? Sino namang magpapadala sa akin niyon? "Sige Ate, pakidala na lang dito!" balik sigaw ko bago naglakad palapit sa handrail.

Isang maliit na box at dalawang paper bags ang inabot sa akin ng babae. Kaagad kong hinagilap ang pangalan ng nagpadala. Napikot na lang ang mga mata ko nang makita ang buong pangalan ni Rios. Nagpaalam kasi ito kaninang pupunta sa bayan. Magbabakasakaling may mapagtanungan kung may iba pang daang pauwi. May ilang taon na rin kasing hindi umuuwi rito si Rios. Kaya ayon, medyo hindi na pamilyar sa mga daan.

"Bakit ipinadala niya pa? Pwede namang isabay na lang niya pabalik rito." mahina kong bulong habang binubuksan ang kahon. Kaagad akong napangiti nang bumulaga sa akin ang ilang pares ng tsinelas at sapatos. Naalala kong nagreklamo nga pala ako kahapon na wala akong pansapin sa paa. Napapatangong sinusukat ko ang mga iyon. Lahat ay pawang kasukat ng paa ko. Magaling pumili si Rios. Maging ang kulay ay ayon sa panlasa ko, kulay asul at itim. 

Nang matapos sa pagsusukat ay kaagad kong binalingan ang dalawang paper bags. Ilang pares naman ng damit ang nasa loob. May ilan ring damit panloob na siyang ikinapula ng pisngi ko. Damn! Dapat isinama niya na lang ako para kahit papaano'y nakapamili ako. Eh di sana'y hindi ako ngayon nakakaramdam ng hiya.

Pagtunog ng cellphone ang biglang nagpatili sa akin. Malakas iyon na para bang sinadyang ilagay sa max ang volume. "Yes?" tanong ko sa tumawag.

"Natanggap mo na ba ang mga pinamili ko?" Sabi ng swabeng boses sa kabilang linya.

"Kakatanggap ko lang."

"Good." maiksing sabi ni Rios. "Pabalik na ako."

"Okay." sagot ko bago ibinaba ang tawag.

Nang maibaba ang cellphone ay mabilis kong sinabunutan ang sarili. Napatakbo rin ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. "What the hell?!" malakas kong sabi habang sapo ang dibdib.

Parang may kung anong gustong kumawala sa dibdib ko. Marahil ay kinakabahan ako sa kaalamang babalik na si Rios. May ilang beses na malakas ang kabog ng dibdib ko kapag nariyan si Rios. Nakakakaba ang presensiya niya. Nakakatakot ang titig niya na para bang inaabangan kung may mali ba akong gagawin. 

Kinalma ko muna ang sarili bago inimis ang mga pinamili ni Rios. Dinala ko iyon sa aking kuwarto. Kaagad na inilatag ang mga damit sa kama bago mabagal na inayos sa tokador na maliit. 

Hindi ko maiwasang muling pamulahan nang mahawakan ang ilang pares ng damit-panloob. Nagpakawala rin ako ng malakas na singhap nang mapansin ang dalawang manipis na lengerie. 

Oh God! 

Hindi ako nagsusuot ng ganoon! Mas maigi pa yatang bumili si Rios ng pajamas o kahit night gowns na lang.

Parang nandidiring mabilis kong itiniklop ang mga iyon. Pagkatapos ay ibinalik sa paper bag. 

Nang maisaayos ko na ang lahat ay kaagad na akong lumabas ng kuwarto. Napatigil ako sa akmang paglakad palapit sa bintana nang biglang kumulog nang malakas. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng parang mga batong ulan. Maingay ang nagagawang pagpatak niyon sa bubong ng cottage. Parang nasa loob ako ng latang binabato.

Muling tumunog ang aking cellphone na ngayon ay papawala na ang cignal. Kapag talaga malakas ang ulan ay ganoon ang palaging nagyayari, dagdag pang nasa isla kami ng Romblon. Medyo nahuhuli sa kabihasnan. 

"Rhyna! Nasa lobby ako ng hotel nitong resort. Okay ka lang ba riyan? Malakas ang ulan baka—mamay—...."

Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinabi ni Rios nang magputol-putol ang kaniyang sinasabi. Napapailing na ibinulsa ko na lang ang cellphone bago isinarado ang mga bintanang halos liparin na sa lakas ng hangin. Mukhang talagang magtatagal ang bagyo.

"Boring!" malakas kong sabi habang hawak ang isang tasang kape. Nakaligo na ako't lahat ay hindi pa rin tumitigil ang malakas na pag-ulan. Ilang oras na lang ay magdidilim na pero mukhang wala yatang balak na tumila ang ulan na siyang dahilan kung bakit hindi pa rin nakakabalik si Rios.

Halos mabitawan ko ang tasa ng kape nang biglang namatay ang ilaw. Mag-aalas singko pa lang ay napakadilim na. Kaya hinagilap ko ang flashlight na nasa kuwarto. Kinuha ko na rin ang pinahiram na jacket ni Rios. Kahit walang kuryente'y napakalamig pa rin gawa ng panahon.

Umabot hanggang sa mga hita ko ang jacket. Halos hindi na rin makita ang mga kamay ko sa haba ng manggas niyon. Paano ba naman kasi'y matangkad si Rios, maliit ako. Malamang na malaki sa akin ang jacket niyang iyon.

Malakas na katok ang nagpalabas sa akin sa kuwarto. Kaagad akong tumungo sa pinto pagkatapos ay pinagbuksan ang kung sinong kumakatok. Basang-basang katawan ni Rios ang bumungad sa akin. Kunot ang koong pinapahid niya ang tubig-ulan na lumalandas sa kaniyang mukha.

"Ikukuha kita ng towel." sabi ko bago mabilis na tumungo sa banyo.

Tahimik na tumango si Rios nang maiabot ko sa kaniya ang tuwalya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang marahang paghagod ng kaniyang mga mata sa suot kong jacket. Geez, babawiin niya na ba? Wala akong jacket!

"Maligo ka na, baka magkasakit ka pa riyan." mabilis kong sabi bago itinuloy ang pag-inom sa kape.

"Yeah." sabi ni Rios bago kinuha sa akin ang tasa ng kape. "Make another one, nilalamig ako."

Tulalang napasunod na lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makapasok siya sa banyo. Napapabuntong-hiningang nagtimpla na lang ulit ako ng kape.

"Thanks." maiksing sabi ni Rios nang makaupo siya sa harapan ko.

"Bakit sumugod ka sa ulan?" kunot ang noong tanong ko nang maalala ang hitsura niya kanina. "Pwede ka namang tumigil roon saglit hanggang sa tumigil ang ulan."

"Wala kang kasama rito. Malalagot ako kay Lola kapag iniwan kita." seryosong sabi ni Rios sabay tingin sa cellphone niya. Ilang saglit lang ay ipinakita niya sa akin ang ilang mensahe ni Lola Clara. Naroon ang pananakot nito sa apo kapag pinabayaan akong mag-isa.

"Siya ba nag-utos sayong sunduin ako?" lakas-loob kong tanong.

Bigla akong napalunok nang tumitig siya sa akin. Ngayon ko lang lalong natitigan ang kaniyang mga mata. Napakaganda ng mga iyon. 

"Hindi.." sagot ni Rios na ikinasamid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status