LOGIN
*Gianna's POV*
Sa pagpasok ko sa kompanya, sa bawat hakbang ko ay tumutunog ang aking takong sa marble na semento. Sa bawat paghakbang, kasabay ang mabibigat na pagpapakawala ko ng malalalim na buntong hininga.
Bagong araw na naman, at panibagong pagod at sakit ng ulo.
“Good morning, Gianna” bati sa akin ni Anne ng makita niya ako patungo sa elevator.
“Good morning too”. Ang nakangiting bati ko sa kanya pabalik at sabay na kaming sumakay sa elevator patungo sa floor namin.
Marahan kong inilagay ang aking bag sa loob ng drawer, at maingat kong ibinaba ang kape na inorder ko kanina sa cafeteria.
Naupo ako sa harapan ng computer ko, at sinimulan na ang aking trabaho. Walang Oras para unahin ko ang pag-simsim sa mainit na kape. Walang oras para huminga ng maluwag, dahil sa bawat paglipas ng segundo dito ay mahalaga. Walang oras na dapat sayangin, lalo na kung ang trabaho mo ay isang personal assistant ng isang lalaking nagmula sa ilalim ng lupa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga schedule ni Mr.Sainclair ngayong araw ng lumapit sa table ko si Anne.
“Gianna, pinapatanong ni sir kung tapos mo na daw bang gawin yung mga brochure na ipapadala sa mga investors?”. Ang kanyang tanong kaya naman nag angat ako ng tingin sa kanya.
Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa at kinuha ang mga brochure na pilit kong tinapos kagabi kaya naman inabot na ako ng anong oras bago nakapagpahinga at nakatulog.
“Ikaw na ba ang magdadala nito sa kanya—” hindi natapos ang aking sasabihin ng tumunog ang telepono.
Agad ko yung sinagot, “Yes, sir?”.
“In my office. Now”. Ang kanyang turan at agad na pinatay ang tawag.
Napahigpit ang hawak ko sa telepono, at halos mapamura dahil sa inis. Wala man lang good morning mula sa lalaking iyon. Ngunit sabagay, mukhang wala namang good sa morning ng lalaking iyon. Sa itsura niya, para bang buong buhay niya ay puro sama ng loob ang mayroon siya.
“The devil is calling me to his office”. Ang aking turan at tumayo na sa swevil chair habang hawak ang brochure na ginawa ko.
“Good luck”. Ang alanganing turan ni Anne, at alanganin ring ngumiti sa akin kaya naman tumango na lamang ako at nagsimula ng maglakad patungo sa office ng lalaking iyon.
Kumatok ako ng tatlong beses, at ng walang makuhang sagot mula sa kanya at marahan kung itinulak ang sliding door at pumasok.
“Good morning sir” ang bati ko sa kanya, at pilit na ngumiti.
As I expected, wala akong nakuha na reaction sa kanya, o kahit na ang mag-angat man lang ng tingin para i-acknowledge ang pagdating ko.
“Narito ang mga brochure na ipinagawa nyo sa akin, sir” Turan ko sa kanya at marahang ibinaba ang mga brochure sa kanyang wooden table.
He finally put down his pen and reached for the brochures. My heart pounded violently as I watched his brows slowly knit together.
The silence stretched painfully—until, without warning, he flung the brochures straight at me.
Paper scattered across the floor like fallen leaves.
I froze.
My throat went dry, my palms instantly slick with sweat as his dark, furious eyes lifted to meet mine.
“This is what you stayed up all night working on?” he barked. “I don’t see anything impressive here! I specifically told you to properly highlight the private sky lounge and the infinity pool—they’re supposed to be the main eye-catchers for potential buyers! You’ve been working here for so damn long, yet you’re still lacking in every possible way!”
Ang galit niyang sigaw sa akin.
Hindi ako nakagalaw. Tila tinusok ng libo-libong karayom ang aking puso dahil sa kanyang mga sinabi.
“What?!. Are you still gonna stand there, sa halip na ayusin ang trabaho mo?!” Ang kanya pang galit na singhal sa akin.
Kaya tila robot na automatic na gumalaw ang aking katawan at agad na pinulot ang mga brochure na nagkalat sa sahig.
Nang matapos kong kuhanin ang mga iyon, muli akong tumayo sa harapan ng kanyang table, habang nanatiling nakayuko ang aking ulo.
“I—I'm sorry, s—sir. I will fix them immediately” Ang aking turan at agad na lumabas ng kanyang office, at hindi na hinintay pa ang kanyang sasabihin.
Nang sandaling maisarado ko ang sliding door, mahigpit na kumuyom ang aking kamao dahil sa namumuong galit dahil sa kanyang mga sinabi.
Nasaktan ako ng sobra, dahil hindi man lang umabot ng sampong segundo na nakikita niya ang pinaghirapan ko sa pag-gawa ng brochure na iyon, yet he managed to say na hindi iyon maganda.
Ayos na sa akin kung hindi niya nagustuhan, pero sana naacknowledge muna niya yung pagod at hirap ko sa pag-gawa noon bago niya nireject. And worse, itinapon pa niya iyon sa aking harap na nagdadag ng matinding galit sa akin.
Bumalik ako sa aking table, at ng tingnan ko si Anne hindi na siya nagbalak pa na magtanong, dahil mukhang nabasa naman niya ang expression ko.
Padabog akong naupo sa swevil chair ko, at agad na ibinato sa basurahan ang mga brochure.
Napatingin ako sa kapeng inorder ko kanina. Hindi ko pa man lang ito naiinom, ngunit nahahigh blood na ako dahil sa lalaking iyon.
“Gusto mo bang tulungan kita sa pag-gawa ng brochure?” Biglang tanong ni Anne mula sa kanyang table.
Lumingon ako sa kanya, at pilit na ngumiti. “Hindi na. Pwede humingi ng favor?” Sa halip na turan ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin. “Sure. Anything that can help you lessen your anger” She said at bahagya pang tumawa, kaya napatawa narin ako.
Pasalamat talaga ako dahil narito si Anne. Dahil kung hindi ay baka matagal na akong nawala sa aking sarili dahil sa demonyong CEO na iyon.
“Pwede bang pahandle na lang muna ng schedule ni Mr.Sinclair?. Aayusin ko lang ang brochure, at siguradong aabutin na naman ako nito ng magdamag” Ang aking turan, kaya naman wala siyang pag-aalangan na tumango sa akin.
“Sure. We share the same job naman here. Don't worry, ako na bahala sa mga schedule ni sir ngayong araw”. Turan niya kaya labis akong nagpasalamat sa kanya.
***
Dumating na ang lunch time at hindi parin ako tapos sa pag-gawa ng brochure. Lahat na ng angle sinubukan ko para malaman kung alin ang mas maganda at papatok sa gusto ng lalaking iyon.
Inayos ko rin ang pagkakahighlights ng private sky lounge at ng infinity pool like what he wanted it.
Sinigurado ko rin na malinaw ang mga print ng mga picture upang mas magandang tingnan, at mas magkaroon ng interest ang customer na bilihin ang unit na ito.
Sa paglipas ng mga oras, tuluyang dumating 1 pm at pinagpapawisan na ang aking mga kamay, sapagkat hindi ko alam kung matatapos ko ba ito ngayon.
Kailangan ko itong matapos habang narito pa ang lalaking iyon sa company para maipakita ko agad ito sa kanya. Dahil bukas na ito kailangan sa meeting na magaganap for the new project.
“Gianna” tawag sa akin ni Anne ngunit hindi ko nagawang mag-angat ng tingin sa kanya sapagkat abala ako sa pagpiprint.
“Hindi ka bumaba for lunch, kaya naman binilihan kita ng pagkain”. Ang kanyang turan, hanggang napansin ko na lamang sa peripheral vision ko na ibinaba niya ang pagkain at inumin na kanyang binili.
“Thank you so much, Anne” Ang aking turan, ngunit nanatiling nakafocus parin ang aking attention sa aking ginagawa.
“Hindi ka ba muna kakain?. Baka naman magkasakit kana niyan dahil sa ginagawa mong pagpapalipas ng gutom”. Ang kanyang turan.
“Well, I'd like to eat ngunit wala ako sa mood lalo at kailangan ko talagang tapusin ito within this day dahil bukas na ito kailangan”.
“Ano bang hindi nagustuhan ni sir sa ginawa mong brochure?”. Ang kanyang tanong.
“Well, unfortunately hindi ko alam sa lalaking iyon”. Ang mahina kong turan, afraid that he might heard na pinag-uusapan namin siya.
“Alam mo, nagtataka talaga ako doon kay sir. Hindi ko alam kung may lihim ba siyang galit sa iyo, para pahirapan ka ng sobra” Turan pa niya, at iyon ang unang beses na nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Nagtataka din ako sa bagay na iyan. Palagay ko talaga ay may galit sa akin iyon, dahil hindi naman niya siguro ako araw-araw na pag-iinitan kung wala siyang galit sa akin. Imagine, noong unang araw ko pa lang dito, sa akin agad niya inatas ang pag-aayos ng major project”. Ang aking turan, at muling ibinalik ang aking attention sa aking ginagawa.
*Gianna's POV*Matapos ang nakakapagod na trabaho sa office, ito ako parang isang lantang gulay na ginagayak ang aking mga gamit."Gianna, mauuna na ako sa iyo. May pupuntahan pa kasi ako, kaya hindi kita mahihintay. Pasensya na". Ang nag-mamadaling turan ni Anne, kaya naman lumingon ako sa kanya. "Ayos lang. Mag-iingat ka" ang aking turan sa kanya. Tumango naman siya at agad na isinakbit sa kanyang balikat ang kanyang bag, at nag-mamadaling umalis. Napabuntong hininga naman ako habang nakatanaw sa kanyang pag-alis. Maya-maya, bago tuluyang umalis, sinisigurado ko muna na wala akong naiwan na mga papel sa table ko. At nang masigurado nga na ayos na ang lahat, nagpasya narin akong umalis, dahil pupunta pa ako sa apartment ko para kumuha ng mga damit, sapagkat pupunta ako sa hospital para bantayan si mama. Actually, ayaw talagang pumayag ni mama at papa, dahil mapupuyat daw ako, lalo at may trabaho ako. Ngunit wala rin naman silang nagawa, dahil ipinagpilitan ko ang aking sarili na
Matapos mapirmahan ang kontrata, nanatiling nakaupo si Gianna sa harap ni Mr. Sinclair, hindi mapigilan ang labis na hiya na gumagapang sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon.Parang noong nakaraang lamang, buong tapang niya itong tinanggihan. Ngunit ngayon, para siyang desperadang nakaupo sa harap ng lalaking iyon, pinag-uusapan ang mga patakaran ng isang kasal na hindi naman dapat.“Last but not the least, Ms. Castillo,” malamig na wika ni Anthony, habang seryusong nakatingin kay Gianna.Kahit ayaw tumingin ni Gianna sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman, napilitan siyang itaas ang paningin dito, at salubungin ang tingin ng kanyang boss.Walang anumang emosyon ang mababakas sa mga mata ng CEO—only emptiness.“Do not fall in love with each other,” sabi niya, na para bang sigurado siyang may isa sa kanila ang lalabag sa patakarang iyon.Ngunit alam ni Gianna na hindi siya iyon. Alam niya sa kanyang sarili na isang malaking kahibangan kung siya ay mahuhulog sa isang katulad nya. “Deal?
Nanginginig ang mga kamay ni Gianna habang mahigpit niyang hawak ang isang kapirasong papel. Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, walang tigil, walang pakundangan—tila ba’y hindi na niya kayang pigilan ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib.Isang papel lamang iyon. Ngunit sapat na iyon para gumuho ang kanilang mundo.Paulit-ulit niyang binabasa ang nakasulat, kahit na halos hindi na niya ito makita dahil sa paglabo ng kanyang paningin, dahil sa mga luha. Kahit na nakaupo, pakiramdam niya ay babagsak parin siya sa sahig dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod. Naririnig niya ang paghikbi ng kanyang kapatid sa tabi niya, ngunit kahit gustuhin man niyang patahanin ito, hindi niya magawa. Dahil kahit ang kanyang mga luha ay hindi niya magawang punasan. “Sa nakikita namin,” maingat na sabi ng doktor, “mukhang matagal nang iniinda ng inyong nanay ang kanyang sakit.”Hindi nag-angat ng tingin si Gianna. Nanatili siyang nakayuko, nakapako ang mga mata sa papel na kanyang hawak. “M
Nang makalabas si Gianna sa opisina ni Anthony, halos maramdaman niya ang yanig na nang-gagaling sa kanyang mga tuhod. Ngunit sa gitna ng kanyang kaba, kahit papano ay masaya parin siya sapagkat hindi siya tatanggalin sa kanyang trabaho...at least, not now. When she was steadying herself in front of Anthony's office, sakto namang dumating si Anne."Oh. Gianna" ang turan nito, at kumunot ang kanyang noo ng makita ang pamumutla ng mukha ng kaibigan. "Anong nangyari saiyo, at para kang tinakasan ng sarili mong kaluluwa?". Ang tanong nito sa kanya. Isang malalim muli na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, bago tingnan ang kaibigan. "My soul really escaped my body. My life just flashes in my eyes" ang kanyang turan na siyang ikinakunot ng noo ni Anne dahil sa labis na pagtataka sa kanyang sinasabi."What do you mean?" She asked, then her eyes shifted to the office door of Anthony. Then she nodded her head, like she already knew what was Gianna means. "Ah~. Did he scolded you again?
Kinabukasan, gaya ng nakagawian, maagang pumasok si Gianna Castillo sa trabaho. Sa bawat hakbang niya papasok ng building, ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Simula nang tanggihan niya ang alok ni Anthony, hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya pagdating niya sa kanilang floor—kung galit, parusa, o tuluyang pagtatanggal sa trabaho. Ngunit alin man, handang harapin ni Gianna ang ano mang sasabihin sa kanya ni Anthony. Diretso siyang naglakad papunta sa elevator at pinindot ang floor ng opisina nila.Habang papasara na ang pinto, may isang kamay ang biglang pumigil dito.Nanlaki ang mga mata ni Gianna nang sandaling makita kung sino iyon.Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang pumasok ang taong nais niyang iwasan—si Anthony Sinclair. Ngunit paano nga ba niya ito maiiwasan kung nasa iisang building lamang sila?. Kung siya ay nagtatrabaho sa kanya?. Agad siyang napasiksik sa gilid ng elevator habang si Anth
Halos mabilaukan si Gianna sa pagkaing nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Anthony.Nabitawan niya ang hawak na papel, at nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan niya.“W-What?” ang tanong niya, halatang hindi kayang iproseso ng utak niya ang bulgar na pag-aalok ng kasal—na para bang humihingi lamang ito ng isang basong tubig.“You heard me, Ms. Castillo. Marry me,” malamig na tugon ni Anthony.Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Kalma. Diretso. Para bang hindi niya inalok si Gianna ng isang bagay na kayang baguhin ang buong buhay niya.Natahimik si Gianna.Sinuri niya ang ekspresyon ng CEO, pilit iniisip kung isa lamang ba itong masamang biro. Ngunit sa itsura ni Anthony ngayon—at sa pagkakakilala niya rito—hindi ito marunong magbiro. Ang ngumiti nga ay bihira nitong magawa, ang mag-joke pa kaya?Tahimik niyang ibinalik ang marriage contract sa loob ng brown envelope.“Sir, this is not funny—”“I’m not trying to make you laugh,”







