LOGIN*Gianna's POV*Matapos ang nakakapagod na trabaho sa office, ito ako parang isang lantang gulay na ginagayak ang aking mga gamit."Gianna, mauuna na ako sa iyo. May pupuntahan pa kasi ako, kaya hindi kita mahihintay. Pasensya na". Ang nag-mamadaling turan ni Anne, kaya naman lumingon ako sa kanya. "Ayos lang. Mag-iingat ka" ang aking turan sa kanya. Tumango naman siya at agad na isinakbit sa kanyang balikat ang kanyang bag, at nag-mamadaling umalis. Napabuntong hininga naman ako habang nakatanaw sa kanyang pag-alis. Maya-maya, bago tuluyang umalis, sinisigurado ko muna na wala akong naiwan na mga papel sa table ko. At nang masigurado nga na ayos na ang lahat, nagpasya narin akong umalis, dahil pupunta pa ako sa apartment ko para kumuha ng mga damit, sapagkat pupunta ako sa hospital para bantayan si mama. Actually, ayaw talagang pumayag ni mama at papa, dahil mapupuyat daw ako, lalo at may trabaho ako. Ngunit wala rin naman silang nagawa, dahil ipinagpilitan ko ang aking sarili na
Matapos mapirmahan ang kontrata, nanatiling nakaupo si Gianna sa harap ni Mr. Sinclair, hindi mapigilan ang labis na hiya na gumagapang sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon.Parang noong nakaraang lamang, buong tapang niya itong tinanggihan. Ngunit ngayon, para siyang desperadang nakaupo sa harap ng lalaking iyon, pinag-uusapan ang mga patakaran ng isang kasal na hindi naman dapat.“Last but not the least, Ms. Castillo,” malamig na wika ni Anthony, habang seryusong nakatingin kay Gianna.Kahit ayaw tumingin ni Gianna sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman, napilitan siyang itaas ang paningin dito, at salubungin ang tingin ng kanyang boss.Walang anumang emosyon ang mababakas sa mga mata ng CEO—only emptiness.“Do not fall in love with each other,” sabi niya, na para bang sigurado siyang may isa sa kanila ang lalabag sa patakarang iyon.Ngunit alam ni Gianna na hindi siya iyon. Alam niya sa kanyang sarili na isang malaking kahibangan kung siya ay mahuhulog sa isang katulad nya. “Deal?
Nanginginig ang mga kamay ni Gianna habang mahigpit niyang hawak ang isang kapirasong papel. Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, walang tigil, walang pakundangan—tila ba’y hindi na niya kayang pigilan ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib.Isang papel lamang iyon. Ngunit sapat na iyon para gumuho ang kanilang mundo.Paulit-ulit niyang binabasa ang nakasulat, kahit na halos hindi na niya ito makita dahil sa paglabo ng kanyang paningin, dahil sa mga luha. Kahit na nakaupo, pakiramdam niya ay babagsak parin siya sa sahig dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod. Naririnig niya ang paghikbi ng kanyang kapatid sa tabi niya, ngunit kahit gustuhin man niyang patahanin ito, hindi niya magawa. Dahil kahit ang kanyang mga luha ay hindi niya magawang punasan. “Sa nakikita namin,” maingat na sabi ng doktor, “mukhang matagal nang iniinda ng inyong nanay ang kanyang sakit.”Hindi nag-angat ng tingin si Gianna. Nanatili siyang nakayuko, nakapako ang mga mata sa papel na kanyang hawak. “M
Nang makalabas si Gianna sa opisina ni Anthony, halos maramdaman niya ang yanig na nang-gagaling sa kanyang mga tuhod. Ngunit sa gitna ng kanyang kaba, kahit papano ay masaya parin siya sapagkat hindi siya tatanggalin sa kanyang trabaho...at least, not now. When she was steadying herself in front of Anthony's office, sakto namang dumating si Anne."Oh. Gianna" ang turan nito, at kumunot ang kanyang noo ng makita ang pamumutla ng mukha ng kaibigan. "Anong nangyari saiyo, at para kang tinakasan ng sarili mong kaluluwa?". Ang tanong nito sa kanya. Isang malalim muli na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, bago tingnan ang kaibigan. "My soul really escaped my body. My life just flashes in my eyes" ang kanyang turan na siyang ikinakunot ng noo ni Anne dahil sa labis na pagtataka sa kanyang sinasabi."What do you mean?" She asked, then her eyes shifted to the office door of Anthony. Then she nodded her head, like she already knew what was Gianna means. "Ah~. Did he scolded you again?
Kinabukasan, gaya ng nakagawian, maagang pumasok si Gianna Castillo sa trabaho. Sa bawat hakbang niya papasok ng building, ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Simula nang tanggihan niya ang alok ni Anthony, hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya pagdating niya sa kanilang floor—kung galit, parusa, o tuluyang pagtatanggal sa trabaho. Ngunit alin man, handang harapin ni Gianna ang ano mang sasabihin sa kanya ni Anthony. Diretso siyang naglakad papunta sa elevator at pinindot ang floor ng opisina nila.Habang papasara na ang pinto, may isang kamay ang biglang pumigil dito.Nanlaki ang mga mata ni Gianna nang sandaling makita kung sino iyon.Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang pumasok ang taong nais niyang iwasan—si Anthony Sinclair. Ngunit paano nga ba niya ito maiiwasan kung nasa iisang building lamang sila?. Kung siya ay nagtatrabaho sa kanya?. Agad siyang napasiksik sa gilid ng elevator habang si Anth
Halos mabilaukan si Gianna sa pagkaing nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Anthony.Nabitawan niya ang hawak na papel, at nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan niya.“W-What?” ang tanong niya, halatang hindi kayang iproseso ng utak niya ang bulgar na pag-aalok ng kasal—na para bang humihingi lamang ito ng isang basong tubig.“You heard me, Ms. Castillo. Marry me,” malamig na tugon ni Anthony.Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Kalma. Diretso. Para bang hindi niya inalok si Gianna ng isang bagay na kayang baguhin ang buong buhay niya.Natahimik si Gianna.Sinuri niya ang ekspresyon ng CEO, pilit iniisip kung isa lamang ba itong masamang biro. Ngunit sa itsura ni Anthony ngayon—at sa pagkakakilala niya rito—hindi ito marunong magbiro. Ang ngumiti nga ay bihira nitong magawa, ang mag-joke pa kaya?Tahimik niyang ibinalik ang marriage contract sa loob ng brown envelope.“Sir, this is not funny—”“I’m not trying to make you laugh,”







