LOGINHalos mabilaukan si Gianna sa pagkaing nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Anthony.
Nabitawan niya ang hawak na papel, at nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan niya.
“W-What?” ang tanong niya, halatang hindi kayang iproseso ng utak niya ang bulgar na pag-aalok ng kasal—na para bang humihingi lamang ito ng isang basong tubig.
“You heard me, Ms. Castillo. Marry me,” malamig na tugon ni Anthony.
Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Kalma. Diretso. Para bang hindi niya inalok si Gianna ng isang bagay na kayang baguhin ang buong buhay niya.
Natahimik si Gianna.
Sinuri niya ang ekspresyon ng CEO, pilit iniisip kung isa lamang ba itong masamang biro. Ngunit sa itsura ni Anthony ngayon—at sa pagkakakilala niya rito—hindi ito marunong magbiro. Ang ngumiti nga ay bihira nitong magawa, ang mag-joke pa kaya?
Tahimik niyang ibinalik ang marriage contract sa loob ng brown envelope.
“Sir, this is not funny—”
“I’m not trying to make you laugh,” mabilis na sagot ni Anthony. “Marry me. I’ll raise your salary. Just sign the marriage contract.”
Kumunot ang noo ni Gianna.
“Para saan?” tanong niya. “Why do you need me to marry you, Mr. Sinclair?”
“Just sign the damn contract,” singhal ni Anthony, bakas ang pagkainip sa kanyang boses.
“I won’t. Why would I do that—”
“Because I said so,” putol niya. “I’m ordering you, Ms. Castillo.”
Humigpit ang hawak ni Gianna sa gilid ng mesa.
“My job is to manage your schedule,” mariin niyang sabi, na ikinagulat rin ng kanyang sarili “not to be your wife.”
Sa unang pagkakataon mula nang magtrabaho siya sa kompanya, nawala ang takot na matagal niyang nararamdaman kay Anthony Sinclair. Napalitan iyon ng galit at pagkadismaya.
“There are plenty of women who want you, sir,” patuloy niya. “I’m sure they’d accept your offer without hesitation.”
“I’m your boss!” mas galit na turan ni Anthony. “You have no right to refuse me!”
Muling nag-angat ng tingin si Gianna at hinarap ang nag-aapoy na tingin ng CEO.
“Yes, you are my boss, Mr. Sinclair,” kalmadong sagot niya. “But your proposal has nothing to do with my job.”
Tumayo siya, nanginginig ang mga tuhod ngunit matatag ang tindig.
“If you’ll excuse me, I need to use the restroom.”
Nilampasan niya si Anthony nang hindi na lumilingon, iniwan ang lalaki na puno ng galit.
Pagkapasok ni Gianna sa comfort room, doon bumigay ang kanyang mga tuhod.
Napahawak siya sa lababo habang nanginginig ang kanyang mga kamay at binti. Mabigat ang paghinga niya, at ramdam ang halo ng takot at kaba sa kanyang dibdib.
Nagawa niyang sagut-sagutin si Anthony Sinclair.
At hindi niya alam kung ano ang magiging kapalit noon.
Maaaring tanggalin siya sa trabaho. Maaaring iyon na ang katapusan ng kanyang career sa kompanya.
Ngunit sino ba naman ang matutuwa sa ganoong alok?
Kung ibang babae siguro—lalo na iyong mga patay na patay kay Anthony Sinclair—baka tumalon pa sila sa tuwa. Isang marriage contract mula sa isang makapangyarihang CEO? Siguradong agad nilang tatanggapin iyon.
Ngunit para kay Gianna?
Hindi maaari.
Bakit niya papakasalan ang lalaking halos araw-araw ay nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo? Ang lalaking walang ibang ginawa kundi pahirapan siya at gawing impyerno ang buhay niya simula nang maging assistant siya nito?
Huminto siya sa harap ng salamin at pinakatitigan ang sarili. Maya-maya, mariin niyang ipinikit ang mga mata, tahimik na nagdarasal na sana ay hindi siya tanggalin sa trabaho.
***
The nightclub was loud and chaotic.
Heavy music thundered through the space, vibrating against the walls. The air was thick with the smell of alcohol and cigarette smoke, mixed with sweat and perfume. In every corner, bodies pressed together, couples making out without shame.
Anthony Sinclair sat at a VIP table with three of his closest friends.
Ilang oras na siyang naroon. Marami na rin siyang nainom, ngunit wala pa ring epekto ang alak sa kanya.
Hawak niya ang baso ng alak, malayo ang tingin, at lunod ang isipan sa sarili niyang mga iniisip, nang biglang sirain ni Caleb ang katahimikan sa kanilang mesa.
“So? What brings you here?” tanong ni Caleb habang nakasandal sa upuan at nakatingin kay Anthony.
Sa isang sulyap lamang, pinaalis nina Ethan at Jericho ang dalawang babaeng katabi nila. Agad namang tumayo ang mga ito at umalis, tila mga maamong tupa.
Umayos ng upo sina Ethan at Jericho at itinuon ang atensyon kay Anthony.
“Hindi ka pupunta dito kung walang problema,” dagdag ni Caleb habang nagsasalin ng alak sa kanyang baso.
“Hulaan ko,” singit ni Jericho na may ngisi. “About your mother?”
Doon lamang gumalaw ang mga mata ni Anthony.
Napatawa sina Jericho at Ethan, tila natumbok nila ang problema ni Anthony.
Napailing si Anthony at tinungga ang laman ng baso bago muling nagsalin ng alak.
“Ano na naman ang ginawa ng nanay mo?” tanong ni Caleb. “Mukhang bad mood ka na naman.”
“Do we even need to ask?” singhal ni Ethan. “She’s probably forcing him to marry Samantha again. Didn’t she pull the same stunt last year?”
Nanatiling tahimik si Anthony, mabigat at madilim ang aura.
“You can’t get rid of your mother?” maingat na tanong ni Caleb.
Dahan-dahang lumingon si Anthony. Ibinalik niya ang baso sa mesa, kumuha ng sigarilyo, sinindihan iyon, at humithit nang malalim.
Ibinuga niya ang usok bago muling tumingin kay Caleb.
“Should I kill her?”
Nagkatinginan sina Ethan at Jericho dahil sa kanyang sinabi.
“Dude,” mabilis na sabi ni Ethan, “she’s still your mother.”
“That’s exactly the problem,” malamig na tugon ni Anthony. “I can’t kill her. And I can’t shut her up.”
Sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, ramdam and diin at galit dito.
“What about your father?” tanong ni Jericho. “Does he know what she’s doing?”
“No,” sagot ni Anthony. “He’s in the U.S. I won’t add to his stress. I’ll handle her myself.”
Inabot ni Caleb ang isa pang baso ng alak, na agad namang tinanggap ni Anthony “Speaking of your dad—how is he?”
“He’s fine,” sagot ni Anthony. “His leg is recovering. The doctor said he’ll be able to walk again soon.”
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang apat, hanggang sa tumunog ang cellphone ni Anthony.
Agad niya itong kinuha at tiningnan ang notification.
Pagkabasa niya ng pangalan, mahigpit niyang hinawakan ang baso na tila ano mang oras ay madudurog ito.
Naalala niya ang nangyari sa kompanya.
Ang assistant niya na si Gianna Castillo, ay naglakas-loob na tumanggi sa kanya.
At mas higit pa roon, naglakas-loob itong sagut-sagutin siya.
For the first time in a long while, Anthony Sinclair realized something unsettling. Gianna Castillo wasn’t like the others. And that—more than anything—infuriated him.
Halos mabilaukan si Gianna sa pagkaing nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Anthony.Nabitawan niya ang hawak na papel, at nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan niya.“W-What?” ang tanong niya, halatang hindi kayang iproseso ng utak niya ang bulgar na pag-aalok ng kasal—na para bang humihingi lamang ito ng isang basong tubig.“You heard me, Ms. Castillo. Marry me,” malamig na tugon ni Anthony.Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Kalma. Diretso. Para bang hindi niya inalok si Gianna ng isang bagay na kayang baguhin ang buong buhay niya.Natahimik si Gianna.Sinuri niya ang ekspresyon ng CEO, pilit iniisip kung isa lamang ba itong masamang biro. Ngunit sa itsura ni Anthony ngayon—at sa pagkakakilala niya rito—hindi ito marunong magbiro. Ang ngumiti nga ay bihira nitong magawa, ang mag-joke pa kaya?Tahimik niyang ibinalik ang marriage contract sa loob ng brown envelope.“Sir, this is not funny—”“I’m not trying to make you laugh,”
“S-Sorry, Sir” Agad na aking turan, at mabilis na pinulot ang mga nagkalat na papel sa malamig na semento. “Next time, knock before entering my office, Ms. Castillo!” Sir Anthony barked sharply, his voice laced with irritation and lingering anger.Kaya hindi ko napigilan ang mapalunok ng laway. Sasabihin ko pa sana na kumatok ako bago pumasok, ngunit baga bumuga na siya ng apoy. Matapos mapulot ang lahat ng paperwork, agad akong tumalikod upang lumabas ng kanyang office. Nang maisarado ko ang pintuan, hindi ko maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha dahil sa nakita ko kanina.Sir Anthony had a body sculpted to perfection, the kind that would leave most women breathless. Any woman would willingly lose her composure over him. But strangely enough, that wasn’t what unsettled me the most.It was the scar, I saw.A long, jagged scar stretched along his right side and almost reached his navel. Kumunot maigi ang aking noo, and stared blankly at the emptiness.The scar was deep—far too deli
Tila isang bomba ang binitawang salita ni Mrs.Sinclair dahil agad na tumayo si sir Anthony. Malinaw na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kanyang ina, dahil sa nagliligabgab na galit sa kanyang mga mata. Kaya pati ako ay napatayo rin mula sa kinauupuan ko. “You called me for that?. Sinasayang mo lamang ang aking oras!”. Ang galit na turan ni sir sa kanyang nanay, and was about to turn and walk away ngunit nagsalita muli ang kanyang nanay.“Makinig ka muna sa akin, Anthony!. I'm doing this for the sake of your company” She said, kaya muling lumingon sa kanya si sir.“For my company's sake? Or for your own?”.“Ano ba ang sinasabi mo anak?. Of course ginagawa ko ito para sa kompanya mo. Tinutulungan kita para mas umangat ang iyong komapanya” Turan ni Mrs.Sinclair, at biglang lumambot ang kanyang boses.Tumayo rin siya sa kanyang bangko, bago siya lumapit kay sir Anthony at hinawakan ang isa nitong kamay at ngumiti siya ng sobrang lapad. “Can't you see? I'm helping you, dahil I care fo
Dumating na ang oras para sa meeting, at lahat kami ay nasa loob na ng conference room habang hinihintay ang pagdating ng CEO. Ayon kay Anne, may tumawag sa kanya kanina at naging dahilan iyon para madelay ng ilang minuto ang meeting.The shoulders of everyone inside the room were visibly stiffened, especially when Mr.Sinclair walked in with a dark, heavy aura surrounding him. Even on normal days, his presence alone carried an intimidating weight—but today was different.Much darker.Much heavier.Nang maupo siya sa kanyang upuan sa dulong bahagi paharap sa malaking screen, malakas niyang ibinaba ang dala niyang mga papel. “Magsimula na”It was just two words, yet it landed like thunder, sending a silent jolt of fear through everyone of us here. The tension was obvious, but no one dared show it openly. Everyone chose professionalism over panic.Nang magsimula na ang meeting, I moved efficiently around the table, handing out the brochures I had worked tirelessly on the night before.
Exactly 10 pm nang matapos ko ang aking ginagawa. Bumaba na ako at naroon ang guard na tila ay kanina pa ako hinihintay. “Good evening, ma'am. Mukhang marami kayong tinapos kaya kayo ay natagalan”. Ang kanyang turan kaya naman tumango ako.“Ganoon na nga po. Pasensya sa abala”. Ang aking turan sa kanya, tumango lamang siya kaya naman agad narin akong lumabas. Nagsimula na akong maghanap ng taxi at sumakay para makauwi na.Matapos ang byahe, agad naman akong nakarating sa apartment ko, dahil hindi naman iyon sobrang layo sa company.Ang apartment na ito ay bigay sa amin ng company, para ito sa mga nagtatrabaho doon. They provide this para doon sa mga malalayo ang bahay at kailangan pang mag-byahe ng matagal. Nasa 4th floor ang aking apartment, at nang makarating nga agad akong pumasok sa loob at agad na ibinagsak ang aking katawan sa sofa. Agad kong naramdaman ang pagod nang sandaling makaupo ako. Pakiramdam ko ay bawat parte ng aking katawan ay sumasakit, lalo na ang aking ulo. N
*Gianna's POV*Sa pagpasok ko sa kompanya, sa bawat hakbang ko ay tumutunog ang aking takong sa marble na semento. Sa bawat paghakbang, kasabay ang mabibigat na pagpapakawala ko ng malalalim na buntong hininga.Bagong araw na naman, at panibagong pagod at sakit ng ulo. “Good morning, Gianna” bati sa akin ni Anne ng makita niya ako patungo sa elevator.“Good morning too”. Ang nakangiting bati ko sa kanya pabalik at sabay na kaming sumakay sa elevator patungo sa floor namin. Marahan kong inilagay ang aking bag sa loob ng drawer, at maingat kong ibinaba ang kape na inorder ko kanina sa cafeteria. Naupo ako sa harapan ng computer ko, at sinimulan na ang aking trabaho. Walang Oras para unahin ko ang pag-simsim sa mainit na kape. Walang oras para huminga ng maluwag, dahil sa bawat paglipas ng segundo dito ay mahalaga. Walang oras na dapat sayangin, lalo na kung ang trabaho mo ay isang personal assistant ng isang lalaking nagmula sa ilalim ng lupa. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mg







