LOGINTila isang bomba ang binitawang salita ni Mrs.Sinclair dahil agad na tumayo si sir Anthony.
Malinaw na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kanyang ina, dahil sa nagliligabgab na galit sa kanyang mga mata. Kaya pati ako ay napatayo rin mula sa kinauupuan ko.
“You called me for that?. Sinasayang mo lamang ang aking oras!”. Ang galit na turan ni sir sa kanyang nanay, and was about to turn and walk away ngunit nagsalita muli ang kanyang nanay.
“Makinig ka muna sa akin, Anthony!. I'm doing this for the sake of your company” She said, kaya muling lumingon sa kanya si sir.
“For my company's sake? Or for your own?”.
“Ano ba ang sinasabi mo anak?. Of course ginagawa ko ito para sa kompanya mo. Tinutulungan kita para mas umangat ang iyong komapanya” Turan ni Mrs.Sinclair, at biglang lumambot ang kanyang boses.
Tumayo rin siya sa kanyang bangko, bago siya lumapit kay sir Anthony at hinawakan ang isa nitong kamay at ngumiti siya ng sobrang lapad. “Can't you see? I'm helping you, dahil I care for you—”.
“You don’t care about me,” Sir Anthony cut in mercilessly. “You care about money and the wealth I have now. You couldn’t get anything from Dad anymore, so you came crawling to me instead. Don’t think your acting will work on me” Ang mariing turan ni sir Anthony, then he yanked his hand away harshly.
“While I still have even an ounce of respect left for you—don’t you ever interfere in my life again.”
Nang tumalikod na si sir Anthony, and walk away leaving his mother, agad akong sumunod sa kanya dahil baka sa akin maibunton ni Mrs.Sinclair ang kanyang galit.
Nang makarating kami sa kotse, agad siyang pinagbuksan ng pinto ng kanyang driver. Agad namang pumasok sa back seat si sir, habang ako naman ay dumiretso sa passenger seat.
“Saan tayo pupunta sir?” Ang tanong ng driver, habang nagsisimula ng magdrive.
“Home”. Ang malamig niyang turan.
Halos matagal rin ang naging byahe namin bago kami nakarating sa kanyang bahay.
Ilang beses na akong nakapunta dito, kapag may ipinapadala siya sa akin na mga importanteng papel. Ngunit ganon pa man, hindi ko parin maiwasan ang hindi humanga sa laki, lawak at ganda ng kanyang bahay.
Ang bahay na ito, ay labis na napakalaki para sa isang tao. Well, may tatlong maid naman siyang kasama dito.
Nang makapasok kami sa loob, he immediately loosened his tie at agad na sumalampak sa leather couch sa living area.
Nakatayo lamang ako naghihintay sa kanyang magiging utos, ng mag-angat siya ng tingin sa akin.
Nakatingin lamang siya. At nang bahagyang tumagal na ang kanyang pagkakatitig sa aking mukha, bahagya akong tumikhim dahil hindi na ako comfortable under his intense gaze.
“Go back to the company,” he finally said, clearing his throat. “Retrieve the paperwork I didn’t finish. Have the driver take you so you won’t waste time. When you return, go straight to my office upstairs.”
Ang kanyang turan, bago siya tumayo at nagsimula ng maglakad sa enggrandeng hagdanan nitong kanyang mansyon.
Napabuntong hininga naman ako at lumabas na. Hinanap ko ang kanyang driver para magpasama pabalik sa kompanya para kuhanin ang mga paperwork na hindi pa niya natatapos gawin.
Habang nasa bayahe, hindi ko mapigilan na hindi isipin ang mga nangyari kanina sa restaurant.
Doon ko lang napagtanto, na ang scene na iyon kanina sa pagitan ni sir Anthony at ng kanyang nanay, ay hindi lamang pala sa novela o sa TV nakikita, mayroon din pala noon sa totoong buhay.
A parent who intervenes in their son or daughter's life.
Sa mayayaman talaga hindi mawawala ang mga katulad ni Mrs.Sinclair na mahilig makialam sa buhay ng kanilang mga anak. Bukod doon, hindi rin nawawala sa buhay nila yung mga arrangements.
Halimbawa, ipapakasal ka sa anak ng kaibigan ng mga magulang mo para lang mas mapatibay ang pundasyon ng kanilang mga negosyo.
Katulad ng offer ni Mrs.Sinclair kanina. Malaking investment kapalit ng pagpapakasal ni sir Anthony doon sa Samantha na sinasabi ng nanay niya kanina.
Nang makarating sa kompanya agad akong pumunta sa floor namin, at ang una kong nakita ay si Anne na busy habang nakaharap sa kanyang computer. Ngunit ng mapansin niya ang pagdating ko, agad siyang nag-angat ng tingin.
“Anong balita?. Saan kayo nagpunta kanina?. At nasaan si Sir?”. Ang sunod-sunod niyang tanong sa akin na agad ko namang nasagot.
“Umuwi na sa bahay nya. Bad mood”. Turan ko.
“Ah, talaga?. Bakit naman?”.
“Dahil sa kanyang nanay. She opened a topic about big investment dito sa kompanya ni sir, kapalit ng pag-papakasal niya doon sa babaeng nag-ngangalang Samantha”. Ang aking turan, kaya naman napatango-tango siya.
“Ah. That's why”. She said.
Then maya-maya ay may naalala ako. “Kilala mo ba yung Samantha?” Tanong ko sa kanya.
“Akala ko ay hindi kana magtatanong”. Ang nakangisi siyang turan.
“Well, sa pagkakaalam ko. Si Ms.Samantha ay anak ng isang business tycoon. Kilala ang kanilang pamilya, dahil sa yaman nila at dami ng kanilang mga negosyo. Also, patay na patay si Ms.Samantha kay sir Anthony matagal na”. Ang kanyang turan kaya naman napatango ako.
Nang makuha ang sagot sa katanungan ko, nag-paalam na ako sa kanya na kukuhanin ko na ang mga paperwork na hindi na tapos ni sir. After noon, ay umalis narin kami ng driver sa kompanya, dahil baka magalit ang lalaking iyon, lalo at ginto ang kanyang oras na dapat ay hindi masayang.
Nang makarating sa kanyang bahay, tulad ng kanyang sabi ay agad akong pumunta sa kanyang office.
Kumatok ako, ngunit walang sumasagot kaya naman binuksan ko ang pintuan at marahang pumasok sa loob. Ngunit sa aking gulat, nabitawan ko ang mga hawak ko, ng biglang pumasok si sir Anthony mula sa kabilang pintuan ng bagong ligo, hubad ang katawan at tanging manipis na tuwalya lamang ang nakapulupot sa kanyang ibabang parte ng katawan.
Napalunok ako ng laway. Nag-lalandas ang tubig pababa—pababa sa kanyang mga abs. At ng hindi ko mapigilan, bumaba pa ang aking tingin hanggang sa tumigil ito sa bukol sa gitna ng kanyang mga hita.
“Fuck!!”.
*Gianna's POV*Matapos ang nakakapagod na trabaho sa office, ito ako parang isang lantang gulay na ginagayak ang aking mga gamit."Gianna, mauuna na ako sa iyo. May pupuntahan pa kasi ako, kaya hindi kita mahihintay. Pasensya na". Ang nag-mamadaling turan ni Anne, kaya naman lumingon ako sa kanya. "Ayos lang. Mag-iingat ka" ang aking turan sa kanya. Tumango naman siya at agad na isinakbit sa kanyang balikat ang kanyang bag, at nag-mamadaling umalis. Napabuntong hininga naman ako habang nakatanaw sa kanyang pag-alis. Maya-maya, bago tuluyang umalis, sinisigurado ko muna na wala akong naiwan na mga papel sa table ko. At nang masigurado nga na ayos na ang lahat, nagpasya narin akong umalis, dahil pupunta pa ako sa apartment ko para kumuha ng mga damit, sapagkat pupunta ako sa hospital para bantayan si mama. Actually, ayaw talagang pumayag ni mama at papa, dahil mapupuyat daw ako, lalo at may trabaho ako. Ngunit wala rin naman silang nagawa, dahil ipinagpilitan ko ang aking sarili na
Matapos mapirmahan ang kontrata, nanatiling nakaupo si Gianna sa harap ni Mr. Sinclair, hindi mapigilan ang labis na hiya na gumagapang sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon.Parang noong nakaraang lamang, buong tapang niya itong tinanggihan. Ngunit ngayon, para siyang desperadang nakaupo sa harap ng lalaking iyon, pinag-uusapan ang mga patakaran ng isang kasal na hindi naman dapat.“Last but not the least, Ms. Castillo,” malamig na wika ni Anthony, habang seryusong nakatingin kay Gianna.Kahit ayaw tumingin ni Gianna sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman, napilitan siyang itaas ang paningin dito, at salubungin ang tingin ng kanyang boss.Walang anumang emosyon ang mababakas sa mga mata ng CEO—only emptiness.“Do not fall in love with each other,” sabi niya, na para bang sigurado siyang may isa sa kanila ang lalabag sa patakarang iyon.Ngunit alam ni Gianna na hindi siya iyon. Alam niya sa kanyang sarili na isang malaking kahibangan kung siya ay mahuhulog sa isang katulad nya. “Deal?
Nanginginig ang mga kamay ni Gianna habang mahigpit niyang hawak ang isang kapirasong papel. Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, walang tigil, walang pakundangan—tila ba’y hindi na niya kayang pigilan ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib.Isang papel lamang iyon. Ngunit sapat na iyon para gumuho ang kanilang mundo.Paulit-ulit niyang binabasa ang nakasulat, kahit na halos hindi na niya ito makita dahil sa paglabo ng kanyang paningin, dahil sa mga luha. Kahit na nakaupo, pakiramdam niya ay babagsak parin siya sa sahig dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod. Naririnig niya ang paghikbi ng kanyang kapatid sa tabi niya, ngunit kahit gustuhin man niyang patahanin ito, hindi niya magawa. Dahil kahit ang kanyang mga luha ay hindi niya magawang punasan. “Sa nakikita namin,” maingat na sabi ng doktor, “mukhang matagal nang iniinda ng inyong nanay ang kanyang sakit.”Hindi nag-angat ng tingin si Gianna. Nanatili siyang nakayuko, nakapako ang mga mata sa papel na kanyang hawak. “M
Nang makalabas si Gianna sa opisina ni Anthony, halos maramdaman niya ang yanig na nang-gagaling sa kanyang mga tuhod. Ngunit sa gitna ng kanyang kaba, kahit papano ay masaya parin siya sapagkat hindi siya tatanggalin sa kanyang trabaho...at least, not now. When she was steadying herself in front of Anthony's office, sakto namang dumating si Anne."Oh. Gianna" ang turan nito, at kumunot ang kanyang noo ng makita ang pamumutla ng mukha ng kaibigan. "Anong nangyari saiyo, at para kang tinakasan ng sarili mong kaluluwa?". Ang tanong nito sa kanya. Isang malalim muli na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, bago tingnan ang kaibigan. "My soul really escaped my body. My life just flashes in my eyes" ang kanyang turan na siyang ikinakunot ng noo ni Anne dahil sa labis na pagtataka sa kanyang sinasabi."What do you mean?" She asked, then her eyes shifted to the office door of Anthony. Then she nodded her head, like she already knew what was Gianna means. "Ah~. Did he scolded you again?
Kinabukasan, gaya ng nakagawian, maagang pumasok si Gianna Castillo sa trabaho. Sa bawat hakbang niya papasok ng building, ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Simula nang tanggihan niya ang alok ni Anthony, hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya pagdating niya sa kanilang floor—kung galit, parusa, o tuluyang pagtatanggal sa trabaho. Ngunit alin man, handang harapin ni Gianna ang ano mang sasabihin sa kanya ni Anthony. Diretso siyang naglakad papunta sa elevator at pinindot ang floor ng opisina nila.Habang papasara na ang pinto, may isang kamay ang biglang pumigil dito.Nanlaki ang mga mata ni Gianna nang sandaling makita kung sino iyon.Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang pumasok ang taong nais niyang iwasan—si Anthony Sinclair. Ngunit paano nga ba niya ito maiiwasan kung nasa iisang building lamang sila?. Kung siya ay nagtatrabaho sa kanya?. Agad siyang napasiksik sa gilid ng elevator habang si Anth
Halos mabilaukan si Gianna sa pagkaing nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Anthony.Nabitawan niya ang hawak na papel, at nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan niya.“W-What?” ang tanong niya, halatang hindi kayang iproseso ng utak niya ang bulgar na pag-aalok ng kasal—na para bang humihingi lamang ito ng isang basong tubig.“You heard me, Ms. Castillo. Marry me,” malamig na tugon ni Anthony.Walang kahit anong emosyon sa mukha nito. Kalma. Diretso. Para bang hindi niya inalok si Gianna ng isang bagay na kayang baguhin ang buong buhay niya.Natahimik si Gianna.Sinuri niya ang ekspresyon ng CEO, pilit iniisip kung isa lamang ba itong masamang biro. Ngunit sa itsura ni Anthony ngayon—at sa pagkakakilala niya rito—hindi ito marunong magbiro. Ang ngumiti nga ay bihira nitong magawa, ang mag-joke pa kaya?Tahimik niyang ibinalik ang marriage contract sa loob ng brown envelope.“Sir, this is not funny—”“I’m not trying to make you laugh,”







