Share

Kabanata 22

Author: Pxnxx
last update Last Updated: 2021-12-17 11:34:16

"BUT, seriously, you need to be careful. Hindi lahat naaayon sa plano mo Alex." seryosong sabi ni Raul pagkatapos niyang tumawa nang pagkalakas-lakas.

"I know what I'm doing." sagot ko na lamang bago muling hinarap ang laptop.

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Raul. Pasimple ko siyang sinulyapan. Pero halos mamula ako nang makitang nakatitig siya sa akin.

"What?" takang tanong ko.

"May bigla lang dumaan sa isip ko." sagot niyang nagdala ng lamig sa buo kong katawan. "Tungkol sa isang importanteng tao sa buhay mo, Alex."

"What do you mean?" tanong kong parang biglang naintriga.

"Maliban kay Maximo, may isa ka pang kalaban." Bigla akong nanlamig. "Kasabwat siya ni Maximo. Ayaw ko sanang sabihin sayo dahil alam kong hindi mo kakayanin."

"Sino?"

MATALIM ang mga matang nakatitig ako sa screen ng laptop. Walang paglagyan ang galit at puot sa puso ko. Nag-uumapaw, na parang gusto nang sumabog.

<
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Criminal Heart   Wakas

    ——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m

  • His Criminal Heart   Kabanata 29

    PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i

  • His Criminal Heart   Kabanata 28

    ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."

  • His Criminal Heart   Kabanata 27

    "I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E

  • His Criminal Heart   Kabanata 26

    MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.

  • His Criminal Heart   Kabanata 25

    MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status