Share

Kabanata 2

Author: Pxnxx
last update Last Updated: 2021-10-22 16:20:54

Pagkatapos mananghalian ay nagpasya akong magpahinga muna saglit. Masyadong mahaba ang naging biyahe ko dagdag pa na napakataas ng sikat ng araw. 

Habang nakahiga sa kama ay hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jason. Bakit nga ba walang kahit na anong picture o information si Roman sa internet? Anong taon na ngayon, kahit sino yata pwedeng mahanap sa internet. Unless, may mali sa information na nakuha ni Jason. Was it really Roman?

Nakakakulo ng dugo ang hayop na Roman na iyon. Ipinapangako ko talagang hahanapin ko siya at ako mismo ang magpapahirap sa kaniya gaya ng ginawa niya sa pamilya ko. Pagbabayaran nilang lahat ang pagkamatay nila Daddy. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nakukuha ang inaasam kong hustisya. 

Ilang beses akong pabiling-biling sa higaan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Pagod ang buo kong katawan pero ang diwa ko parang buhay na buhay. Dahil nga sa hindi naman ako makatulog ay nagpasiya na lamang akong lumabas at magduyan sa duyang nakakabit sa naglalakihang puno ng niyog. Nasa harap lamang iyon ng aking villa. Lahat naman yata ng villa sa aming resort ay mayroong ganoon. 

Nakakapanghinayang na hindi ko man lang nasubaybayan ang paglago at pag-angat nitong resort. Noong maliit pa kasi ako'y iilan lamang ang nagagawi rito. Pero ngayon, maihihilera na ito sa mga naggagandahang beach resorts sa Pilipinas. 

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Pikit-mata kong dinama ang malamig at masarap na simoy ng hangin. 

"So ano pare, mauuna na kami. Ayaw mo namang umuwi pa, kaya goodluck na lang sayo rito." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa kabilang villa. Hindi ko sila pinagkaabalahang pansinin dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkaantok. 

"Mali, goodluck kamo sa mga babaeng narito. Naku, kapag si Raul ang umisa, tiyak uuwing nanlalambot ang mga babae." Bigla ang pagmulat ng aking mga mata nang marinig ko ang pangalang binanggit ng lalaki. 

Letse! 

Kaagad na rumehistro sa aking isipan ang mukha ng lalaking nakita ko kanina. Hindi naman siguro ito ang binabanggit ng lalaki sa kabilang villa diba? 

"Umalis na nga kayo. Marami pa akong gagawin." sabi ng baritonong boses. 

Hindi na ako muling dinapuan ng antok kaya nagpasya na lamang akong umalis sa duyan at maglakad papasok sa villa. Pero kakahakbang ko pa lamang ay naagaw ko na kaagad ang pansin ng magbabarkadang nakita ko kanina sa cottage. Shit! Hindi ko alam na sila pala ang umuukopa ng kabilang villa. 

Saglit akong natigilan nang magtama ang mga mata namin ng Raul na sinabi sa akin ni Joan. Malalim siya kung tumingin. Parang hinuhubaran niya na nga ako. Napansin ko rin ang saglit na pagtiim ng kaniyang mga bagang. 

Bakit ba ganiyan siya kung tumingin? 

Kaagad na akong pumasok sa loob dahil hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. Nakakakaba ang bawat pagdaan ng mga mata niya sa katawan kong nababalutan ng damit.

"Pervert." mariin kong bulong habang umiinom ng tubig. 

Inabala ko na lamang ang sarili sa pagbabasa ng libro. Wala namang magandang palabas sa telebisyon kaya wala ring kwenta kung manunood pa ako. 

Nasa kalagitnaan na ako ng librong binabasa nang biglang may kumatok. Kaagad bumaling ang aking mga mata sa relong pambisig. 

"Alas-singko na pala." mahina kong sabi. Hindi ko na napansin ang oras dahil sa pagkababad ko sa libro. Ngayon ko lang rin naramdaman ang pagkagutom. Tatawagan ko na lamang siguro si Joan para magpahanda ng pagkain. 

Muli kong narinig ang pagkatok. Kaya isinantabi ko na muna ang pagbabasa bago naglakad papalapit sa pinto. Awtomatikong kumunot ang aking noo nang mabungaran ko si Raul na nasa labas. May hawak itong paperbag ng restaurant sa resort. 

"Hi." Seryosong pagbati niya sa akin. 

"Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong. Hindi naman siguro siya masamang tao diba? Pero bakit ako kinakabahan? 

Playboy kasi at mahilig sa kama.  Bulong ng isip ko. 

"Pinapaabot ng isang staff nitong resort." Sabi ni Raul bago iniabot sa akin ang paperbag. 

Marahan ko namang inabot iyon bago tipid na nagpasalamat. Pero bago pa man ako makabalik sa loob ay muli kong narinig ang boses niya. 

"Alex." 

Salubong ang kilay na tumingin ako sa kaniya. Paano niyang nalaman ang pangalan ko? Kilala niya ba ako? "What?" Taas ang kilay na tanong ko habang pinapakiramdaman ang kaharap. Mamaya baka may masamang balak ang lalaking ito. 

"Nothing," tipid niyang sagot kaya tumalikod na lamang ako. Baka naman sa staff na tinutukoy nito nakuha ang pangalan ko. "Be careful." 

Bigla akong napahinto nang marinig ko ang huli niyang sinabi. May dalawang minuto siguro akong nakatayo lamang sa harap ng pintuan. Magsasalita na sana ako pero paglingon ko'y wala na siya. Nasa pinto na siya nang kaniyang villa. 

Kunot ang noong tinitigan ko lamang siya hanggang sa mabuksan niya ang pinto. Bigla akong umiwas ng tingin nang salubungin niya ang aking mga mata. Saglit lamang at pumasok na ako. 

Gulong-gulo ang aking isip. Anong ibig niyang sabihin? Sino ba siya? 

-

Madaling araw pa lamang ay bumangon na ako. Gusto ko kasing makita ang paglabas ng haring araw. Ito ang unang beses na makakakita ako ng sunrise 'pag nagkataon. 

Dahil may kanipisan ang suot kong pantulog ay kumuha ako ng isang hindi kalakihang balabal para ipantakip sa aking katawan. Ayos na siguro iyon upang ibsan ang malamig na simoy ng hanging-dagat. 

Nang makalabas ay kaagad kong pinuno ng sariwang hangin ang aking baga. Nangingiting naglakad ako papunta sa dalampasigan. Kahit may kadiliman pa ang paligid ay hindi naman ako nakadama ng takot. Marami-rami na rin kasing mga staff ng resort na nag-aayos sa restaurant. May ilang bar din na bukas pa. Pero kakaunti na lamang ang nasa loob. 

Muli akong huminga ng malalim bago nagpasyang maupo sa dulong bahagi ng resort. Kung saan may naglalakihang bato na pwedeng upuan. Nakakatuwa dahil nakaharap iyon sa gawing silangan kung saan sisikat ang araw. Napapangiting sumulyap ako sa relong pambisig. Malapit nang sumaboy ang liwanag ng araw kaya nagmadali na akong makaupo. Hindi maawat ang pagngiti ko ng malaki dahil unti-unti nang sumusungaw ang haring araw. 

Kung sana'y narito lamang sila at kasama kong nasisilayan ang magandang tanawin. 

Bigla akong nalungkot sa aking naisip. Kung sana nga lang. Hindi ko namalayang unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha habang nakatingin sa liwanag ng araw. 

"Mom, Dad," mahina kong sabi. Hinayaan ko na lamang ang pag-agos ng masaganang luha sa aking mga mata. 

"I missed you." Napapikit ako ng mariin nang bumalik sa aking alaala ang kababuyang ginawa ng mga tauhan ni Roman sa pamilya ko. Kung paanong nagmakaawa ang ate ko na itigil ang panghahalay sa kaniya. Maging ang pag-alulong ng putok ng baril na tumapos sa buhay ni Ate. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kung paanong naging saksi ako sa kahayupang ginawa ni Roman. 

"I don't know why you're crying, gayong napakaganda naman ng tanawin." Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig ko ang boses na iyon. 

Kanina pa ba siya riyan? Bakit lagi ko na lamang nakikita ang lalaking ito. 

"C'mon. Don't waste your precious tears sa walang kwentang bagay." Biglang kumunot ang aking noo sa sinabi ni Raul. Walang kwenta? 

Lihim kong kinalma ang aking sarili sa isiping hindi naman nito alam ang pinagdadaanan ko.  "When did you get here?"

"Kanina pa akong narito, bago ka dumating." Napanganga ako sa kaniyang isinagot. Bakit hindi ko siya nakita kanina?

"Well then, I guess I should not be here. Mukhang teritoryo mo ito." Pasupladang sabi ko bago marahang bumaba mula sa kinauupang bato. 

"Don't let your emotions eat you. Be strong, be brave to face them." Napatigil ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Ano bang gusto niyang ipabatid sa akin? 

"What are you talking about?" Salubong ang kilay na tanong ko. 

"Just be careful everytime." Malamig niyang sabi na ikinataas ng balahibo ko. 

"Why?" Malakas kong tanong. I don't know him, that's for sure. But maybe he knows me. The way he talks and how he said those things to me, parang alam niya ang nangyayari sa buhay ko. 

"Because everyone is watching you. Wanting to kill you. Kaya dapat na mag-ingat ka. Dahil hindi mo kilala ang kalaban mo." Makahulugang sabi sa akin ni Raul bago niya ako nilagpasan. 

"Who are you?" Tanong kong ikinatigil niya. May alam siya. Pinapaalalahanan niya ako. Ibig bang sabihin niyon kakampi ko siya? "Why are you doing this? Can I trust you?"

"No. Don't trust me. 'Coz I don't trust myself either." Sabi ni Raul. Pinasadahan niya muna ang buo kong katawan bago siya umiwas ng tingin at maglakad palayo sa akin. 

Who the hell are you Raul?! Bakit mo ito ginagawa? 

-

"Rafael Urius Ledesma po ang totoong pangalan ni Sir Raul, Ma'am Alex." Sabi sa akin ni Joan nang tanungin ko siya pagkarating ko sa villa. 

"What is he doing here?" Tanong ko pa bago humigop sa kapeng itinimpla ni Joan. 

"Bakasyon po siguro. Lagi po siyang narito kahit pa po noong wala pa kayo rito." Napatango-tango ako sa sinabi ni Joan bago ko siya inanyayahang saluhan ako sa almusal. Makailang beses niya akong tinanggihan pero kalauna'y napilit ko rin. Nakakalungkot naman kasing kumaing mag-isa. 

"Ay Ma'am Alex, nakalimutan kong sabihin, kaibigan po pala ni Sir Max si Sir Raul." Sabi ni Joan bago maganang bumalik sa pagkain. 

Natitilihang naiwan ako sa malalim na pag-iisip. Kaibigan siya ni Tito Max? Ibig sabihin kakampi siya? 

Hindi ko napigilang mapangiti ng tipid sa isiping hindi na ako mahihirapang malaman ang tungkol kay Roman. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Criminal Heart   Wakas

    ——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m

  • His Criminal Heart   Kabanata 29

    PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i

  • His Criminal Heart   Kabanata 28

    ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."

  • His Criminal Heart   Kabanata 27

    "I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E

  • His Criminal Heart   Kabanata 26

    MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.

  • His Criminal Heart   Kabanata 25

    MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status