Share

Kabanata 1

"Tito Max, thank you." Sabi ko sa matalik na kaibigan ni Daddy na siya ring abogado ng pamilya namin. Sinamahan niya akong bisitahin ang pamilya ko sa sementeryo.

"You're always welcome, Alex." Nakangiting sabi sa akin ni Tito Max. Bahagya nitong hinagod ang aking likod. Marahil ay naaawa na naman ito sa akin dahil sa nakikitang emosiyon sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga pangalang nakaukit sa parisukat na bato.

"Sige po Tito, iwan niyo na lang po muna ako. Susunod na lang ako mamaya sa bahay." Walang ganang sabi ko—hindi pa rin inaalis ang tingin sa puntod.

"Alright,mag-iingat ka. Ipapaiwan ko si Moris para bantayan ka. Siya na rin ang magmamaneho ng kotse mo pauwi." Sabi ni Tito Max sabay halik sa aking noo. Marahan na lang akong tumango bilang sagot. Ilang sandali lamang ay tuluyan nang umalis si Tito Max.

Muling dumausdos sa aking pisngi ang masaganang luha. Until now, sariwa pa rin sa aking puso at isip ang mga nangyari. It has been eight years since the day of massacred. I don't know what was their reason to commit such crime. I kept asking myself for the past years. Bakit nila ito ginawa? Bakit nila pinatay ang Mommy at Daddy ko? Bakit kailangan pa nilang halayin ang kapatid ko? What did our family do to them para humantong sa ganito ang lahat? Wala akong maisip na kaaway ng aming pamilya. Sa katunayan nga kilala ang pamilya namin dahil sa kaliwa't kanan naming pagtulong sa mga nangangailangan. So why?!

My Dad was a business man, while my Mom had a flower shop. Oo mayaman kami, pero hindi naman iyon ipinagmamayabang ng aming pamilya. Tell me why?! I've been searching answers. I need justice—I want justice for my family!

"As I promised, I'll make them pay for what they did. Maghihiganti ako, Mom, Dad and Ate. Ipaghihiganti ko kayo. Hindi ako titigil hangga't 'di ko napapagbayad ang may gawa nito sa inyo." Mariing sabi ko habang tahimik na umiiyak. 

Ilang minuto pa akong nagtagal sa sementeryo bago nagpasyang umalis na. Baka kanina pa naghihintay si Tito Max.

-

"So what are your plans?" Tanong sa akin ni Tito Max pagkatapos niyang basahin sa akin ang last will and testament ni Daddy na matagal niya na dapat binasa sa akin. Pero tumanggi ako noon dahil sa hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ng mga mahal ko sa buhay.

I heaved a sigh. Deep. Full of pain. "Since wala naman na si Ate para i-claim itong bahay, ibebenta ko na lang. Ayaw ko namang tirahan ito dahil maaalala ko lang ang pambababoy nila sa pamilya ko." Mariing sabi ko habang nakatingin sa mga dukomentong nakalatag sa lamesa.

"How about your Dad's company?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"You can have it Tito, wala naman akong alam sa ganoong bagay. I'll take the house na nasa Batangas." Sabi ko kay Tito Max. Napansin ko ang bahagyang pagtiim ng mga bagang nito.

Sa isang condominium ako ngayon nakatira, pero baka ibenta ko na rin iyon dahil sa Batangas na ako maglalagi. I still need to rest and calm myself dahil gaya nga ng sabi ko, sariwa pa rin sa aking alaala ang mga kahayupang ginawa nila sa pamilya ko! At isa pa, I rented a private investigator para humanap ng impormasyon tungkol kay Roman! Kaya kahit na nasa malayo ako may kikilos sa paghahanap ko ng justice at paghihiganti!

"Hindi iyon pwede Hija. Ibinigay sa'yo ng Daddy mo ang kompaniya, kaya dapat na ikaw ang humawak at mamahala." Tanggi ni Tito Max sa sinabi ko.

"Pero Tito, hindi ako nakapagtapos ng college. Anong alam ko sa ganoon?" Tanong ko sa kaniya habang tinitingnan siya nang mataman. Except sa kaniya, sino pa ang maaaring maghandle ng mga iniwan ni Dad? Kung ako ang mamamahala, natitiyak kong lulubog lamang iyon.

"Sige, I'll help you. Kapag kaya mo na, ibabalik ko sa iyo. But you need to attend every meetings of Saavedra Inc." Sabi niya sa akin habang inaayos ang mga papeles. Tumango na lamang ako bilang pagpayag. Si Tito Max lang ang pinagkakatiwalaan ko. Wala naman na kasi akong ibang kamag-anak. "Kailan ka lilipat?" Biglang tanong sa akin ni Tito Max.

"Gusto ko ngayon na. Ayaw ko nang tumagal pa rito sa Manila. Mumultuhin lang ako ng mga alaala ng pamilya ko." Naiiyak na sabi ko sa kaniya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tito Max bago niya ako niyakap at hinayaang umiyak sa kaniyang balikat. Hindi ko yata makakalimutan ang nangyaring iyon. Habang-buhay ko yatang dadalhin sa aking puso ang galit at poot sa taong nasa likod ng pagpatay sa pamilya ko.

"Stop crying Alexandria. Malulungkot ang pamilya mo dahil umiiyak ka na naman. I promise to you, mabibigyan natin sila ng katarungan." Sabi ni Tito Max, kaya napangiti na lamang ako at pinigil ang sariling maiyak muli. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Tito Max ay kaagad na akong umuwi sa condo ko at nag-ayos ng mga gamit. 

Habang nag-iimpake ay napansin ko ang nalaglag na picture sa isang librong inaayos ko. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang makita ko ang picture naming buong pamilya. "I missed you guys." Naiiyak na sabi ko habang tinitingnan ang picture.

Mahirap mabuhay nang mag-isa. Para akong nangangapa sa dilim nang mawala sila Mommy. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung anong gagawin ko. There were times na iniisip ko na sana namatay na lang rin akong kasama nila. I tried killing myself because of depression. Pakiramdam ko kasi wala nang saysay na mabuhay pa ako. But Tito Max came and told me not to lose hope. That he's here to help me. To help me find justice for my family. And that's when I promised to them na maghihiganti ako. Dahil noon ko lang narealise na kaya siguro ako buhay ngayon para ipaghiganti sila.

"I missed you so much. Don't worry guys, makakamit rin natin ang katarungan sa pagkamatay niyo." Umiiyak na sabi ko sabay halik sa litratong hawak. Ilang minuto ko muna iyong pinagmasdan bago muling nagpatuloy sa pag-iimpake. Nang matapos ay ang sarili ko naman ang aking inasikaso. Mabilis akong naligo at nagbihis. 

"Yes, Tito Max?" Tanong ko sa kabilang linya nang tumawag si Tito Max habang nagsusuklay ako ng mahaba kong buhok.

"Gusto mo bang pasamahan kita kay Moris sa pagpunta sa Batangas?" Tanong niya sa akin na kaagad kong tinanggihan. Malaki na ako, at isa pa, hindi naman siguro ako kilala ni Roman. Dahil kung kilala niya ako noon pa man sana pinatay niya na rin ako. "Sige, basta mag-iingat ka. Kung may problema tawagan mo lang kami ni Sofia." Sabi sa akin ni Tito Max.

"Opo." Sagot ko bago ko pinutol ang tawag.

Sa tingin ko wala namang masamang mangyayari sa Batangas. Isa pa, gusto ko ring magrelax kahit papaano. Nariyan naman si Jason para magbalita sa akin patungkol sa pinapagawa ko sa kaniya.

"Humanda ka Roman. Oras na malaman ko kung sino ka, sisiguraduhin kong doble ng ginawa mo sa pamilya ko ang gagawin ko sayo!" Mariing sabi ko habang nakatingin sa aking repleksiyon sa salamin.

Ibang Alexandria Saavedra na ang nakikita ko. Hindi na ang sweet na teenager ang nakikita ko sa salamin. Ibang iba na, at dahil iyon sa kahayupan ni Roman! Sinira niya ang buhay ko. Ang pamilya ko, pangarap at magandang kinabukasan. Hindi ako papayag na habambuhay kong dadalhin ang sakit. Kailangang maalis iyon. At ang tanging paraan lang ay ang mamatay rin si Roman!

-

Napapangiting dinadama ko ang banayad na simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Bumabiyahe ako ngayon papunta sa isang resort na ang pamilya ko rin ang nagmamay-ari. 

Isang linggo na buhat nang makarating ako rito sa Batangas. Pero kahapon ko lamang nalaman ang tungkol sa resort na ngayon ay nasa pangalan ko na. Nakalimutan raw kasi ni Tito Max na banggitin sa akin ang tungkol doon dahil masyado na raw akong maraming inaalala. 

Nang makarating ay kaagad akong bumaba ng sasakyan. Sinalubong ako ng mga unipormadong staffs ng aming resort. Isang ngiti at tango ang ibinigay ko sa kanila bago ako naglakad papunta sa tutuluyan ko. Hindi naman ako magtatagal dito. Titingnan ko lamang ang buong lugar. Sabi kasi ni Tito Max ay medyo marami na raw nagrereklamo patungkol sa resort.

"Ma'am dito po ba kayo manananghalian?" Tanong sa akin ni Joan na siyang nagto-tour sa akin sa paligid. 

"Yes." Sagot kong nakangiti habang pinagmamasdan ang malawak na dalampasigan. Maganda ang resort, maraming punong niyog na siyang nagbibigay lilim sa ibang turistang nagbabakasyon. Maliban sa mga punong niyog ay marami pang ibang puno ang nakatanim. Sa ilalim niyon ay ang mga bench na ngayon ay ukupado ng ibang turista.

"Sige po, ipapahanda ko na po, para hindi na po kayo maghintay." Sabi ni Joan sa akin bago siya nagpaalam saglit na pupunta sa restaurant ng resort. Habang wala si Joan ay nagpasya akong maglakad-lakad sa dalampasigan. Hindi naman gaanong mataas ang sikat ng araw. Hindi iyon masakit sa balat. Nakakaengganyong tingnan ang malinaw na tubig dagat. Parang ang sarap maligo at magbabad.

Mula sa aking kinaroroonan ay nakuha ang atensiyon ko ng ilang kalalakihang nagkakasiyahan sa isang cottage. Sa tingin ko ay mga galing sa mayayamang pamilya ang mga ito. Halata sa hitsura at tindig.

"Ano p're, pormahan ko na ba?" Dahil hindi naman kalayuan ang kanilang puwesto ay naririnig ko ang kanilang pag-uusap.

"Naku, mukhang suplada, 'wag na lang." Sabi naman nang isa sa kanila. 

"Playboys." Bulong ko sabay lakad na pabalik sa puwestong iniwan ko kanina. Kumakaway na kasi sa akin si Joan. Pero bago ako makalayo ay nahagip ng tingin ko ang isang lalaki. Sa tingin ko ay kadarating lamang nito dahil nakasuot pa ito ng uniporme sa opisina. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Tiim-bagang na nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ma'am maglilibot na po ba ulit kayo?" Magalang na tanong sa akin ni Joan pagkalapit ko pa lang.

"Hindi na muna, magpapahinga na muna sana ako." Nakangiting sagot ko habang panaka-nakang sumusulyap sa lalaking bagong dating. 

"Si Sir Raul po." Napalingon ako bigla kay Joan nang sabihin niya iyon?

"Ano?" Takang tanong ko habang pilit na itinatago ang pagkapahiya dahil napansin ni Joan ang ginagawa ko.

"Yung lalaking tinitingnan niyo po, si Sir Raul po iyon. Isa po siya sa bumili ng villa diyan sa katabi nitong resort. Ang gwapo niya po ano?" Kinikilig na sabi sa akin ni Joan. 

Gwapo? 

Muli akong tumingin kay Raul. Kaagad ko rin namang binawi ang aking tingin nang muling magtagpo ang aming mga mata. "Tara na Joan, saluhan mo ako sa pagkain." Anyaya ko kay Joan bago mabilis na naglakad paalis.

Gwapo nga siya. Maganda ang mga mata at may matangos na ilong. Maganda rin ang kaniyang pangangatawan na parang banat na banat sa pagtatrabaho at sa gym. Lalaking-lalaki rin ang tindig. Iyon nga lang, parang babaero.

Teka nga! Bakit ko ba iyon pinagtutuonan ng pansin? Hindi ko siya kilala. Hindi niya ako kilala. Ito ang una at huling makikita ko siya, kaya dapat na tigilan ko na ang kakaisip tungkol doon.

Nang makarating sa aking villa ay naratnan ko na sa labas ang isang lamesang kinalalagyan ng samu't saring lamang dagat. Parang nawala ang lahat ng aking isipin nang matikman ko ang sugpong ngayon ko na lamang ulit nakain. Bihira kasi sa Manila ang makakain ng ganoon. Maliban na lang kung pupunta ako palagi sa isang seafood restaurant.

Kahit papaano ay nawala sa aking isip ang patungkol sa kahayupan ni Roman habang kumakain ako. Para akong batang noon lamang ulit nakakain ng iba't ibang seafoods.

"Joan, maupo ka na, sabayan mo ako. Hindi ko naman ito kayang ubusin lahat." Sabi ko kay Joan. Sayang naman kasi kung ako lang ang kakain eh hindi ko naman ito kayang ubusin. At isa pa, nakakalungkot kumain mag-isa.

Isang nahihiyang ngiti ang ibinigay sa akin ni Joan bago ito nagsimulang kumain.

"Matagal ka na bang nagtatrabaho rito?" Tanong ko sa kaniya habang nilalantakan ko ang malaking alimango.

"Mag-a-apat na taon na po, Ma'am Alex." Napatango ako sa sagot niya bago muling nagtanong. Nalaman kong bente-dos anyos pa lang si Joan. Gaya ko ay hindi rin ito nakapagtapos ng pag-aaral. Maaga itong nagtrabaho para makatulong sa pamilya nito. Hinahangaan ko siya dahil doon.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang aking cellphone. Jason is calling. Siya ang private investigator na inupahan ko last year pa.

"Yes?" Sagot ko sa tawag niya pagkatapos kong magpaalam saglit kay Joan.

"Basic informations pa lang ang nakukuha ko tungkol kay Roman." Napaikot ang mga mata ko dahil doon.

"Bakit?" Iritang tanong ko.

"He's a private person. Iyon pa lang ang nakukuha ko. Pero 'wag kang mag-alala sinabihan ko na ang mga tauhan kong pagbutihin pa ang paghahanap ng pwedeng pagkakakilanlan kay Roman." Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi niya. Naiintindihan ko naman ang mga sinabi ni Jason. Kaya lang hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis dahil parang matatagalan pa bago ko malaman kung sino talaga ang Roman na iyon!

"Anong mga nakuha mong info?" Tanong ko na lamang habang naglalakad ako palabas ng villa.

"Just his name, age, and recent activities. Hindi ko pa alam kung saan ang address niya, marami siyang tinutuluyan. And, I can't get his picture. Kahit sa internet wala." Sagot sa akin ni Jason. Naririnig ko mula sa kabilang linya ang pagtipa niya sa keyboard ng computer. Siguro ay nagre-research pa ito ng ibang informations about Roman.

"What's his name?" 

"Roman del Valle. Sixty three years old." Napapikit ako nang mariin dahil doon. Anong magagawa ng information na iyon?

"Okay, maghanap ka pa ng mas higit doon. Tumawag ka na lang sa akin kapag alam mo na kung saan ang address niya. Anong trabaho niya? Ang pamilya niya at kung mamamatay na ba siya." Inis na sabi ko sabay putol sa tawag. Napabuga ako ng hangin pagkatapos kong makausap si Jason.

Nakakainis ang mga ibinalita niya sa akin! At isa pa, sixty-three years old? Paano kung mamamatay na pala iyon?! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status